unang pahina
 Paligid na nagbibigay kakayahan




Mga Salin:

English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
Português
Română

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Mga Keyword

Ipagbigay-alam

Ginagamit na mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

mga laman

mga laman

mga laman

mga laman

mga laman


PAGHANDA NANG PALAKAD NA PAPEL PARA SA KAUNLARAN NANG PAMAYANAN

Gabay para sa mga nanunungkulan sa pamahalaan

ni Phil Bartle PhD

isinalin ni Gerasmo G. Pono


Gabay na dokumento

1. Panimula (pakay)

Sa maraming proyekto maaring ang layunin na may kaugnayan sa pagbabago nang paligid (politikal at pamamahala) at nasa loob nito ang pagpapaunlad nang pamayanan ay ginagawa. Mga halimbawa nito ay maaring, mga pangulo, mga dalubhasa, at mga kawani nang pamahalaan na nagbago galing sa pamamaraan na pagbigay patungo sa pagbigay nang kakayahan na pamamaraan. Ang ibang mga layunin ay pagbuo at pagsasabatas nang mga programa at mga kilos upang bigyang kakayahan ang mga mahirap na pamayanan nang kaukulang ahensiya at departamento, at ang pagbibigay nang gabay sa mga pribadoong grupo na magpapatupad sa mga gawaing ito

Sa pagbuo nang isang legal na basehan at sa pagpahintulot nang pamahalaan upang siyang mangulo sa pagpapaunlad nang pamayanan ito ay nangangailangan nang isang panukalang batas na sinang-ayonan nang pamahalaan , na naglalaman nang mga pamamalakad at gawain ukol sa pagpapaunlad nang pamayanan.

Ang dokumentong ito ay nagbigay nang mga gabay at mungkahi kung paano buohin at gamitin ang mgs dokumento (tulad nang paggawa nang bago at pagbabago nang mga nagaw na). Tulad nang ibang gabay na nasabi sa dokumentong ito, ito ay maaring mabago. Ito ay nangailangan nang inyong tulong, at baguhin sang-ayon sa inyong pananaw at sa iba. Kung maari magsabi kayo.

Ang laman nang dokumentong ito ay simple lang: (1) ito ay inumpisahan nang mga mungkahi tungkol sa mga pamamaraan sa pagbuo, paggawa, pagbabago, pagtama nang mga mali, pagpapahayag at pagsasabatas nang mga dokumentong yan; (2) ito ay nagsasabi nang mga paksa na maaring mabago o mapalaki habang ito ay ginagawa; at (3) ito ay nagtatapos nang mga mungkahi kung paano gagamitin ang mga bagay na ito.

2. Mga pamamaraan:

Upang masiguro na ang palakad na papel na ito ay malawak ang saklaw, magamit, mahalaga at nagpapakita nang totoong gusto nang mga tao, ang kanyang pagbuo ay dapat pinagkasunduan nang marami at lahat nang mga kasapi ay nakabigay nang kanilang mga ideya. Ang mga tao na nakasali sa paggawa nito ay di lang nakasaklaw nang mga kawani nang pamahalaan, o mga nagpapaunlad nang pamayanan, o mga dalubhasa, ngunit ito ay dapat sinalihan nang maraming sektor. Ito ay dapat nagsali nang lahat nang sektor sa lahat nang antas: grupong sumusuporta, mga grupo na nakabasi sa pamayanan at nagpapatupad na komite, mga grupo na may sari sariling mga pakay, mga magsasaka, mga nagtratrabaho para sa kalusugan, mga walang pinag-aralan, mga abogado, mga lokal na namamahala, pambansa at dayuhang pribadong grupo , mga mag-aaral, mga guro, mga tao galing sa ibat ibang hanay nang pamayanan.

Ang pagsali nang lahat nang nakalista dito ay mahirap. Ang maaring gawin ay maggawa nang pamamaraan upang ang lahat nang mga sektor ay makadagdag nang kanilang mga kaalaman. Ang maliit na grupo na sinalihan nang halimbawa, apat na tao, ay bigyan nang gawain upang isa-ayos ang pagbuo at paggawa nang dokumentong iyon. Ang grupo ay dapat binuo nang isang dalubhasa (na may alam sa pagpapaunlad nang pamayanan), isang tagapagpakilos na nakatapos sa pag-aaral, at isang pangulo nang isang pribadong grupo. Ang gawain nang grupo ay pagbuo nang di pa tapos na dokumento, at ito ay ipakalat doon sa ibat ibang sektor para sa mga mungkahi, at magdaos nang sunod-sunod na pagtitipon para sa mga pagbabago at mga dapat idagdag at tanggalin, at maghanda nang isang panghuling dokumento upang talakayin doon sa kongreso.

Nang sandaling ang dokumento ay tapos na, ito ay dapat dalhin nang mga mga namamahala doon sa mga mamababatas, para sa talakayan doon sa kongres, at para sa pagpasiya pagtanggap nito. Ito ay maaring sabayan nang mga kailangang dokumento upang ang ibang mga mambabatas ay makabasa nito (tulad nang pagsalaysay at pag-intindi nang mga katauan at pangangailangan; mga mabubuting bagay na dulot nang pagpapatupad nang pagsali nang maraming sektor).

3. Mga laman nang palakad na papel:

Ang mga ito ay talaan nang mga paksa na maaring ilagay o hindi sa isang palakad na papel. Ito ay hindi pa buo. Ang iyong karanasan sa pagpapa-unlad nang pamayanan o sa paggawa nang palakad na papel ay kailangan bilang gabay sa pagbago at pagpapalawak nang mga isyu. Kung maari ikaw ay magdagdag.

3.1 Ang palakad na papel ay dapat maging batas:

Ang palakad na papel ay dapat maging isang guhit nang pambansang batas. Bilang isang paunang pasulit sa laman nito, maari kang magtanong sa bawat paksa: nagsabi ba ito kung ano ang gagawin, o ano ang hindi (para kanino), sino ang kasama at sino ang dapat daanan)? Maraming palakad na papel na malabo at pinahina dahil sa mga pagsasalaysay ukol sa mga tao o pinagmulan nang pag-unlad nang pamayanan. Ang isang palakad na papel ay hindi kuwento doon sa pamantasan; ang mga salaysay na bagay ay maaring ilagay doon sa kasamang dokumento (kung sakali makumbinsi ang mga mambabatas na tanggapin ang nasabing palakad) ngunit ito ay hindi isali sa palakad na papel na ginawa

3.2 Kalinawan at tumpak na kahulugan:

Ang pag-unlad nanag pamayanan at ang pagkilos nang mga tao ay ma-apektuhan nang ibat ibang magkaibang pagintindi. Ang paggamit nang susing salita doon sa laman nang papel ay dapat buo, tumpak at malinaw. Ito ay dapat sinuportahan nang mga talaan nang mga kahulugan at idinugtong bilang dagdag doon sa palakad na papel at pinagsang ayonan bilang isang bahagi nang dokumento. Ang mga salita at sinasabi na binigyan nang kahulugan doon sa dagdag ay nagsali nang mga ito:

Pananagutan, paglalarawan ginamit ang katawan, kakayahan, grupo na nakabasi doon sa pamayanan, isang pananaliksik doon sa pamayanan, isang pamayanan, pagbibigay kakayahan nang pamayanan, pamamahala nang pamayanan, nakabasi nang pamayanan, pagkuha nang pananaw at pasiya nang pamayanan,kaunlaran, gumaganang kaalaman, tirahan nang mga tao, nagbibigay kita, ginagawa, lokal na namamahala, nagpapakilos, pribadong grupo, paglahok, pakikipag-ugnayan, pangunahing gawain para sa kalusugan, kahirapan, maasahan, pagsasanay, pagiging malinaw, pagbuo nang grupo, at mahalagang dagdag. Maari kang mag-isip pa nang ibang susing salita.

Ang lahat nang kahulugan , at paggamit nang mga salitang ito doon sa laman, ay dapat malinaw at maaring maintindihan sa maraming pamamaraan. Ito ay tumulong sa inyo upang maiwasan ang di pagkaunawaan at ang magkasalungat na mga kilos sa pagpapatupadnang mga gawain doon sa pamayanan.

3.3 Mga pribadong grupo:

Ang mga pribadong grupo ay nandito upang manatili. Sila parami nang parami, lumalaki, iba ibang klase, epekto at inpluensiya. Ang pamahalaan ay walang sapat na mga kakayahan, di gaanong bukas, o utos para gawin ang lahat nang mga gawain sa pagpapa-unlad nang pamayanan na hindi dinagdagan nang mga pribadong grupo. Yung may mga karanasan, dalubhasa, matitino at nais ang kaunlaran ay maaring maging kabahagi nang pambansang batas ukol sa pag-ahon sa kahirapan , pagbibigay lakas nang pamayanan at pagiging demokrasya. Makikita nila na ang isang palakad na papel na mainam na ginawa ay parehong nangangailangan nang paglilinaw sa pagpangulo at gabay nang kanilang mga gawain.

Hindi lang sapat na ang mga representante nang mga pribadong grupo ay dapat anyayahan upang tumolong sa paggawa nang mga palakad na papel para sa pagpapa-unlad nang pamayanan, isang mahalagang bahagi nang dokumentong ito ay dapat ilaan para sa gabay nang mga pambansa at dayuhang pribadong grupo. Ang pinaka mababa, ang palakad ay dapat magsalaysay kung anong mga bagay ang dapat ibigay nang mga pribadong grupo doon sa departamento; naglakip nang: pakay, pamamaraan, pakay na lugar, resulta nang mga gawain, pagsusubaybay at pagsusuri, sa pamamagitan nag mga ginawang plano, pundo, talaan at mga ulat. Ang ulat bawat tatlong buwan ay ipinapayo.

Ang departamento sa kabilang dako ay may gagampanan sa pamamagitan nang pagbuo at pag-iisa sa lahat nang mga ulat nang mga pribadong grupo , pagsusuri nang mga bahagi (kakayahan at likas na kayamanan) na mahina at pangangailangan, at pagbigay nang mga gabay at pagpangulo nang mga pribadong grupo.

3.4 Palitan nang kaalaman at pakikipag-ugnayan:

Ang departamento ay dapat tumulong sa pagbibigayan nang mga karanasan at mga kakayahan sa pagitan nang lahat nang mga lokal na mga kawani na kumikilos para sa pagpapa-unlad nang pamayanan at lahat nang mga pribadong grupo don sa pamayanan. Ito ay maaring sa pamamagitan nang maikling babasahin , at dinagdagan nang mga maikling balita. Ang pagpapatupad nang isang pagtitipon bawat aton ay nakakatulong.

Ang departamento ay dapat nangunguna sa paggamit nang makabagon teknolohiya sa pagpakalat nang kaalaman, sa pamamagitan nang paggawa at pag-aalaga nang isang dako nang bahay gagamba, at doon iipunin ang lahat nang mha mahalagang bagay at kaalaman , pati na nag mga paksa ukol sa pagsasanay at mga karanasan na ginagamit nang mga lokal na namamahala at mga pribadong grupo.

3.4 Palitan nang mga kaalaman at pakikipag-ugnayan

The ministry should facilitate the sharing of experiences and skills between all the district officers working in community development and all the NGOs doing community work. This could be in the form of a regular newsletter, supplemented by occasional news briefs. Annual meetings would be beneficial.

The ministry should also be in the forefront of using electronic information technology, by establishing and maintaining an InterNet web site on which its communiqué's be established, as well as training material and experiences shared by district community development officers and NGOs.

3.5 Pagsasanay at pagpapa-unlad:

Ang pamahalaan ay dapat maging sentro nang mga pagsasanay at pagpapa unlad nang mga kakayahan nang mga kawani sa pamahalaan na kumikilos doon sa pamayanan sa loob at labas nang pamahalaan. (ang mga gumagawa doon sa pamayanan ay madalingmapagod, maluma o mawalan nang gana at ang pagsasanay ay ang isang pamamaraan upang sila ay mabigyan nang bagong lakas.) Ang serbisyong tulad niyan ay madaling mahanap, at kadalasan ay walang bayad, ngunit hindi alam nang mga baguhan palang sa mga gawain sa pagpapa-unlad nang pamayanan.

Ang mga palakad nang pamahalaan ay dapat patungo sa tuloy tuloy na pagpapa unlad at pagpapagaling nang kaalaman sa mga kawani na kumikilos doon sa pamayanan , ang pag alam sa makabagong pamamaraan at talino, at ang paghalo nang mga karanasan sa mga kaalaman na nakasulat.

3.6 Pakay at patutunguhan:

Ang layunin nang palakad na papael ay dapat malinaw na nakasaad. Ang kanyang gawain ay ipaliwanag at isulat ang pambansang batas tungkol sa pagpapa unlad nang pamayanan. Ito ay dapat nagbigay diin ukol sa pagbigay nang kakayahan kaysa pagiging tamad, pagiging bukas kaysa may itinatago, pagiging matatag kaysa kahinaan, pantay ang lalake at babae, mahusay na pamamalakad, pagiging makatao at pagplano.

3.7 Mga papel nang mga gumaganap:

Isang paksa sa palakad na papel ay ang isang dagdag na dapat nagsabi nang mga papel nang mga gumaganap at mga kasali. Bawat papel ay dapat malinaw na nakasaad, mga kaugnayan nang ibat ibang gumaganap ay dapat nakalarawan. Ang talaan ay dapat naglakip nang mga ito at iba pa: mga kasapi at pangulo nang pamayanan, mga tagapag-ayos, mga namamahala sa distrito at rehiyon, mga representante nang mga tagabigay nang pundo, mga lokal at pambansang ahensiya na nagpapatupad nang mga proyekto, lokal na pamahalaan, mga ministro, mga tagapagpakilos, mga lupon at namamahala nang mga pribadong grupo, matataas na pangulo nang pamahalaan, mga pangulo nang kagawaran, komite na nagpapatupad, patutunguhang grupo o tao, at iba pa pang may kinalaman o maaring kasali sa pagpapa unlad nang pamayanan.

Ang talaan ay dapat naglakip nang lahat nang mga taga pamahalaan, pribadong sektor at iba pang mga kasali na sektor.

4. Kagamitan:

Ang palakad na papel kahit ito ay napasiyahan na nang mga mambabatas ,ay hindi magkabisa kung ito ay lagi lang itinatago at hindi ginagamit. Ang kanyang pangunahing kahalagahan (kagamitan) ay ang maging bunga kung ano ang mangyayari sa susunod. Ang palakad na papel ay hindi lang dapat binabasa, ito ay dapat ding pinag-uusapan at inintindi, di lang nang mga kumikilos nang pamayanan, ngunit pati ang mga tagamasid, tagapangasiwa at gumagawa nang plano, nang mga pangulo at namamahala, sa lahat nang pantay, na may inpluenssiya kung ano ang nangyayari doon sa pamayanan.

Ang paggawa nang palakad na papel ay dapat pakikitungohan bilang isang pagkakataon upang isalaysay ang lahat nang mga pamantayan na nakapaloob sa papel na ito. Maraming mga sipi , at bawat isa nito na may kumikinang na takip, ay dapat ginagawa at maaring makuha sa mga nagtitinda nang mga aklat sa murang halaga sa buong bansa. Walang bayad na kopya ay dapat ipadala sa bawat lokal na tanggapan at sa bawat mga pribadong grupo na gumagawa sa pagpapa unlad nang pamayanan.

Ilang mga pagsasanay , pambansa o distrio , naglakip nang lahat nang uri nang mga sektor ay dapat gawin. Ang kanilang pagsasanay ay dapat hindi manatiling nakatuon lang sa pagtataas nang kamulatan at pag intindi nang mga palakad, ngunit dapat ito ay maging hamon sa mga sumasali sa pagbuo nang mga programang (sa kanilang mga distrito at para sa bansa) para sa pagbigay kakayahan nang pamayanan, binasi doon sa mga gawain na nakapaloob nang mga pamamalakad.

Ang departamento ay kanyang gawin ang lahat ito, paggawa, pagsang ayon at paggamit nang isang papel na pamamalakad na hindi palakihin ang kanyang pundo. Maraming tagalabas na magbigay nang tulong (pamahalaan, ang Nagkaisang mga bansa, mga pribadong grupo) sa ganitong mga gawain basta ang pagpangulo, pakay, pangako at gustong paggawa ay ipinakita nang pamahalaan upang gawin ang lahat na ito.

5. Panghuli:

Ang isang papel na palakad para sa pagpapa unlad nang pamayanan ay kailangang bagay para sa pagpapalinaw, pagsuporta, at pagtulong sa pagpapaunlad sa isang mahirap na mga pamayanan sa buong bansa. Ang kanyang pagbuo at laman ay nangangailangan nang tulong sa ibat ibang gumaganap. Ang paggawa nito ay dapat ginamitan nang partisipatori na pamamaraan.

Ito ay dapat pinagsang ayonan nang pinakataas na ahensiya nang pamahalaan na gumagawa nang batas , at ipamigay sa lahat nang distrito at mga pribadong grupo sa buong bansa, at gawing laman nang mga paksa sa lahat nang pagsasanay sa bansa. Ang kanyang layunin ay paliwanagin at iguhit ang pananaw nang mga tao upang sila ay makalahok sa kanilang sariling patutunguhan.

––»«––

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 01.05.2011


 Unang Pahina

 Paligid na nagbibigay kakayahan