Tweet Pagsasalinwika:
Català |
BAKIT KAILANGANG MAKILAHOK SA KAALAMAN NG PAGBASA AT PAGSULAT?Mga Katwiran sa Pagdisenyo ng Akmang Programa para sa Bawat Pamayananni Phil Bartle, PhDisinalin ni Myla BurkeHandog sa alaala ni Peter Gzowski*Paliwanag sa Sistemang itoMga dahilan at saligan sa pagbalak ng akmang programa tungkol sa punsiyunal na kaalaman sa pagbasa at pagsulatAno ang Kamalian sa Paggamit ng Napasiyahan nang Balarila? Ang kahulugan ng pag-aaral ng pagbasa at pagsulat ay ang pag-aaral kung paano kilalanin ang nakatitik, paano parisan ito, at paano iugnay ito sa mga salita at pahayag na ating binibigkas at naririnig. Bukod dito, napakaraming pagpipiliang mga titik o letrang maaring pag-aralan. Maaari nating ipagpatuloy ang pag-aaral nito habang tayo ay nabubuhay. Ang mga titik o letrang ito ay nakagrupo sa bokabularyo, pagbaybay, gramatika at iba pang kaurian. Kung ang mga titik o letrang ito ay napasiyahan na nang isang may-akda ng pang-aralang aklat o likha nang isang pambansa o pandaigdig na programa, posibleng kulang sa kabuluhan, hindi lokal, hindi maiintindihan, at hindi gaanong praktikal ito sa mga kasapi ng pamayanan na iyong tinutulungan. Hindi tama ang napasiyahan nang balarila; hindi rin tama ang tradisyonal na sistema ng pagtuturo nito. Ang iyong sistema ng pagtuturo ay dapat saklawin ang pagsisiyasat ng mga kasapi (sa pamamagitan ng iyong patnubay) ng mga salita, kahulugan, ideya, at interes na kapakipakinabang at may kabuluhan sa kanila. Bukod pa doon, ang iyong sistema ay di dapat imitasyon ng makikita sa isang tradisyonal na silid-aralan. Ano ang Kamalian sa Paggamit ng Tradisyonal na Pamamaraan ng Pagtatanghal? Ang panayam ay ang pagtatanghal ng nakagayak na diskurso ng isang tao sa isang grupo ng makikinig. Madalas, hindi lahat ay nakikinig ng maigi. Ang pagtatanghal ay isang detalyadong panayam lamang, na maaaring nakalarawan sa pamamagitan ng salita o retrato sa pisara, isang palabas o pelikula na mapapanood o maririnig sa pamamagitan ng 'audio tape.' Sa sosyolohiya ng isang panayam, may sosyal na agwat sa pagitan ng nagtatanghal at ng mga makikinig. Ang agwat na ito ay maaaring hadlang sa pag-aaral. Dahil ang tagapag-tanghal ang siyang humahawak at nagsasalin ng karunungan, maaring akalain na mas mataas ang ranggo ng tagapag-tanghal kaysa sa mga nakikinig. Bukod sa kilos at asal ng tagapag-tanghal, mismong ang sistema ng pagtitipon ay nagpapahiwatig ng malaking agwat sa pagitan ng tagapag-tanghal at ng mga makikinig. Tuloy, namamaliit ang mga tinuturuan. At saka, may akala na ang tagapag-tanghal lamang ang nakakaalam ng tama o katangi-tanging karunungan. Karunungang hindi alam ng mga nakikinig ngunit inaasahang matutunan pagkatapos. Kung gayon, wala itong kaugnayan at hindi base sa kasalukuyang kaalaman ng mga tinuturuan. Idagdag pa dito ang mga katangiang sikolohiya kung paano tayo mahilig matuto. Maraming paraan na inaasahang matuto ang tao sa pamamagitan ng pagmamasid, sa pamamagitan ng pakikinig (aklat, larawan, pelikula, lektura, pangyayari). Alam ng bihasang guro sa paaralan na ang pag-uulit-ulit na pagbigkas ng mga salita ay isang paraan ng pagtatanim sa isip ng mga estudyante. Pero ang sistemang ito ay masyadong strikto para sa pagtuturo sa mga taong may edad na. Tuloy, hadlang ito sa pagkatuto nila. Gayon pa man, sa lahat ng paraan ng pagtututo ng bagong kasanayan o kaalaman, ang pinakamabisang paraan ay ang matuto sa pamamagitan ng "pag-gawa". So? Batay sa mga puntong tinalakay sa itaas, paano maapektuhan nito ang iyong paraan ng pag-disenyo ng programa ng pagtuturo ng basikong kaalaman para sa mga taong hindi marunong magbasa at magsulat? Kasunod ay isang mungkahi na iyong magagamit na gabay sa pag-disenyo ng di-pangkaraniwang programa na akma sa bawat pamayanan o grupo ng mag-aaral. Ano Ba ang Dapat Sakupin ng Isang Programa na may Pakikilahok ng mga Tinuturuan? Gumawa ka ng isang programa ng kaalaman na ukol o nararapat sa kung ano ang kailangan at kalagayan ng mga mag-aaral. Gamitin ang mga prinsipyo na naka-detalye kung saan-saan sa web site na ito, lalo na ang prinsipyo ng pagsasakapangyarihan. Gamitin ang silid-aralan, hindi sa kinaugaliang paraan na may guro at estudyante, kundi para sa pagplano at pagsubaybay, para sa pagbuo ng mga lakad at proyekto na may matututunang karunungan. Pero huwag gawing pangunahing layunin ang pagtuturo at huwag ikaw ang tanging pagmumulan ng kaalaman (eksperto, guro). Itulad mo ang sarili mo sa isang giya ng mga turistang masigasig tumuklas ng kaalaman. Pasiyahan ang laman (kung ano ang dapat matutunan), lalo na sa bokabularyo, sa pamamagitan ng pakikilahok ng mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral ang siyang dapat magpasiya sa listahan ng kung anu-anong mga salita ang kailangang matutunan. Ang katungkulan mo ay ang paggamit ng PRA/PAR na tipo ng sistema sa pagbuo ng listahang ito. Katulad ng sa PRA, gumawa ng "mapa" ng mga pangangailangan at interes ng bawat grupo ng mag-aaral. Gawin mo ito sa bawat pagkakataon, kahit na marami kang grupong tinuturuan na galing sa isang pamayanan. Kapag nagpupulong-pulong ka kasama ng mga mag-aaral, mag-plano at bumuo kayo ng "mga proyekto" at "mga lakad" kung saan may maibibigay na resulta o produkto ang mga mag-aaral. Ang resulta o produkto ay maaaring sa anyo ng maliit na aklat (booklet) o patalastas na may kaugnay sa pang-araw-araw na interes. Mag-imbento at mag-isip ng iba pang resulta o produkto na may kahulugan sa mga mag-aaral. Gamitin ang silid-aralan para sa pagtitipon at pagpaplano ng mga proyekto at mga lakad imbis na para sa "pagtuturo ng klase." Gamitin itong lugar para subaybayan at kumpletuhin ang bawat proyekto. Mas mabuti lalo kung ang silid-aralan ay may mesa at mga silya na tulad sa nakikita sa pormal na miting. Sa pagtulong mo sa mga mag-aaral sa pagpili at pagsulat ng mga salitang may kabuluhan sa kanila, huwag balaking maabot ang kasukdulan o kaganapan. Kaligtaan mo ang mga maling pagbaybay at maling gramatika dahil hindi ito mahalaga sa maagang baitang na ito ng pag-aaral ng pagbasa at pagsulat. Ang mahalaga ay ang maipamulat mo ang kahalagahan ng pagsulat ng mga simbolong maiiintindihan ng ibang tao. Ang layunin mo ay gawing posible ito para sa mga mag-aaral at nang makita mong maisagawa nila ito. Huwag mong itakda ang pagtuturo sa nakasulat na mga salita lamang. Isama pati ang mga numero at ang mga larawang-guhit dahil saklaw ito ng pag-aaral magbasa at magsulat. Ito ay parte ng mga simbolong nakasulat sa papel na naghahatid-balita sa isa't isa. Ang pag-aaral ng paggamit at pag-intindi ng larawang-guhit at numero ay nagpapatibay sa pag-aaral ng mga titik at salita. Huwag ituro ang titik na tulad sa abakada. Ituro lamang ang mga titik na nasa piniling mga salita sa listahan ng dapat matutunan. Kung may higit sa isang alpabeto na ginagamit sa pamayan, gamitin din ito. Kung maaari, iugnay ang salita (ie grupo ng letra) sa litratong pareho ang kahulugan. Ilagay mo ang puwesto mo sa tabi ng mga mag-aaral kaysa sa harap nila na parang guro ng klase. Maghanda ka sa pagbigay ng patnubay. Magbigay ng maraming positibong puna: ang pagbunyag ng tagumpay (ang pagkilala sa letra at iba pang simbolo ay isang MALAKING tagumpay) at ang tapat (hindi mababaw at sobra) na pagpuri. Ang Suma Total: Ang sistemang ito, ang paggawa ng di-pangkaraniwang programa para sa bawat pamayanan, ay nangangailangan ng mas malawak na karunungan at pag-iisip ng tagapagsanay. Ang sistemang ito ay umiiwas sa kabisang pagtuturo. Dahil dito, mas mabisa at mananatili ng mas matagal ang kaalaman ng mag-aaral. ––»«––Klase ng Pag-aaral Magbasa at Magsulat: © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing Pahina |
Kaalaman sa Pagbasa at Pagsulat |