Pangunahing Pahina




Pagsasalinwika:

Català
中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
Polszczyzna
Português
Română

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Mga Keyword

Ipagbigay-alam

Ginagamit na mga Dokumento

Mga Magagamit na Link


PUNSIYUNAL NA KAALAMAN SA PAGBASA AT PAGSULAT

Ang Maunlad na Pagpapatalastas ay Nagbibigay-Kapangyarihan sa Komunidad

Ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Myla Burke


Handog sa alaala ni Peter Gzowski*


Panimula ng Pangunahing Modulo

Ang mga dokumentong nakapaloob sa Kaalaman sa Pagbasa at Pagsulat na modulo:

Disenyo ng isang punsiyunal, praktikal, kapaki-pakinabang at napakahalagang programa upang matuto ng pagbasa at pagsulat

Hindi lahat ng tagapagpakilos ay may pagkakataon at hamon na magbalak at maglahad ng isang programa tungkol sa punsiyunal na kaalaman sa pagbasa at pagsulat. Sa pamayanan, maaaring hindi inaakala ng mga kasapi na kailangan nila ito, o maaaring may ibang mga programang katulad nito na hindi na dapat gayahin.

Ngunit, kung may nagnanais nito na hindi natutupad ng iba, may pagkakataon kang mag-ambag patungo sa marangal at kapaki-pakinabang na gawain. Ang layunin nitong modulong ito ay akayin ka sa pagbalak ng karapat-dapat na programa para sa kaninumang hindi marunong magsulat at magbasa. Hindi ito tradisyonal at hindi ito nagbibigay ng ganap na solusyon. Higit pa doon, ang layunin ay himukin kang makaramdam at alamin ang iyong kliyente, at magbalak ng isang programang base sa kung ano ang tumpak, praktikal at kapaki-pakinabang.

Ang modulo ay naguumpisa sa mga dahilan kung bakit pinili itong pamamaraang hindi tradisyonal, Bakit Kailangang Makilahok sa Kaalaman ng Pagbasa at Pagsulat? , na naglalahad ng mga katwiran sa pagdisenyo ng akmang programa para sa bawat pamayanan.

May pangunahing dokumento na nasa sentro ng modulong Kaalaman sa Pagbasa at Pagsulat at ang Pagsasakapangyarihan, na naglilista ng labing-walong prinsipyo sa pagdisenyo ng iyong programa.

Ang listahang iyon ay makukuha din sa anyo ng Manwal ng Pagsasanay, na nag-uugnay sa bawat isa sa labing-walong prinsipyo. Ang bawat prinsipyo ay tig-isang pahinang manwal.

Maari ding makuha ang lahat ng prinsipyo sa iisa (ngunit mas mahaba) na dokumento para sa iyong sangguniang babasahin, Mga Prinsipyo ng Kaalaman sa Pagbasa at Pagsulat. Bisitahin ang modulong ito at ang labing-walong prinsipyo; maaaring gamitin mo para sa iyo o pantulong sa pagsasanay upang magbalak ng programa tungkol dito.

––»«––

*Puna Ang yumaong Peter Gzowski (Gzosky, Gzowsky) ay isang tagapagbalita ng radyo CBC (Canadian Broadcasting Corporation). Siya ay kinikilala sa pag-ugnay ng mga mamamayan ng Canada upang magkaisa, unawain at pagpahalagahan ang iba't ibang kultura at sining na matatagpuan dito. Inialay niya ang oras at kakayahan para tulungan ang hindi nag-aral matuto at maibigan ang pagbasa at pagsulat.

Kung kumopya ng lamang salita galing sa lugar na ito, kilalanin ang may-akda
at paki-ugnay muli ito sa cec.vcn.bc.ca/cmp/

Ang hindi paglaban ay siyang dahilan kung bakit ang mga ilog ay nabubo at bakit
ang ilang mga tao ay nagiging mga mandaraya


© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 08.05.2011

 Pangunahing Pahina