Tweet Mga Salin:
'العربية / al-ʿarabīyah |
PARTISIPASYON SA PAGTASAni Phil Bartle, PhDisinalin ni Lina G.CosicoIntroduksyon sa ModuloMga Dokumentong Kasama dito sa PAR/PRA Module
Paano mag-udyok sa mga mamamayan na sumali sa paggawa ng appraisal survey ng komunidad: gumawa ng mapa at imbentaryo ng mga pangangailangan, kayamanan, kakayahan at mga sagutin o problema.Katulad ng karamihan ng dokumento para sa training sa website na ito, ang modulong ito ay sadyang para sa mga nagtratrabaho sa komunidad, pati na rin sa kanilang mga trainer, coordinator, manedyer at superbisor. Maraming mga dokumento ukol sa PRA, PAR at PA (Participatory Appraisal). Hindi nilalayon ng site na ito na duplikahin o dumagdag sa kanilang mga case study, conference papers, atbp. Dito, binibigyang diin ang mga kakayahan (skills) at teknik, pati na ang prinsipyo sa likod ng metodolohiya. Ang buod at introduksyon sa metodolohiya ng partisipasyon ng mga mamamayan sa pagtasa ay kasama sa sentrong dokumento ng modulong ito, Pagtasa na Kasali ang mga Mamamayan. Basahin mo ito at gamitin bilang reference tungkol sa papel ng pagtasa na kasali ang mga mamamayan sa proseso ng pagbibigay-kapangyarihan sa komunidad. Kasama din dito sa modulo ang mga nauugnay na dokumento: Mapa at Imbentaryo, isang handout para sa mga mamamayan. Pagpapadali ng Partisipasyon sa Pagtasa, mga nota para sa facilitator o mobiliser sa komunidad, Pagtatanggol sa Metodolohiya, ito ay magagamit ng mga manedyer at coordinator (pati na rin ng mga field workers) dahil kailangan ng pagsasanggalang (adbokasiya) ng metodolohiya upang maituwid ang mga maling kaisipan tungkol dito, Training ng Facilitator kasama ang mga nota para sa mga coordinator at trainer ng mga nagtratrabaho sa komunidad. Ang modulong ito ay nakatutok sa isang bahagi ng siklo ng mobolisasyon ng komunidad, at ito ay matwid na nauugnay sa iba pang mga dokumento ng training at modulo sa siklo. Ang lahat ng mga modulo sa training sa site na ito ay may kaugnayan sa isa't-isa at lahat ng ito ay para sa pagbibigay kapangyarihan sa mga komunidad na may mababang kita. Kasama din dito ang ilang artikulong may kinalaman sa PRA/PAR na isinulat ng iba, gaya ng: Partisipasyon, ni Ben Fleming, Pagbabahagi ng Pra, ni Kamal Phuyal,at Mga Nota tungkol sa PAR, ni Doreen Boyd. Libre kang mag-download ng PRA Training Manual sa http://pcs.aed.org o kaya ay magbasa sa www.eldis.org
Mga
Karagdagang Modulo:
Pagsaliksik
sa Komunidad, Pagsaliksik
na may kinalaman sa Sosiyolohiya
––»«––Paghahanda ng Imbentaryo ng Komunidad:
Mga Karagdagang Modulo: Pagsaliksik sa Komunidad, Pagsaliksik na may kinalaman sa Sosiyolohiya
Kung kokopya ng teksto mula sa site na ito, makikibanggit ang mga patnugot |
Pangunahing pahina |