MGA PAMAMARAAN NA KASALI ANG LAHAT SA PAGSUKAT NANG KATATAGAN
ni Phil Bartle, Doktor ng Pilosopiya
Isinalin ni Gerasmo G. Pono
Mga
Babasahin Nang Tagasanay
Ang
mga kasapi nang samayan o pamayanan ang pinakatamang basehan sa pagsukat nang kakayahan
Panimula:
Ang
ating pakay ay nais nating patatagin ang isang pamayanan. Paano natin malaman kung
tayo ay nagtagumpay, o gaano ka laki? Paano natin masukat ang katatagan nang isang
pamayanan, sa pagpapalaki nang kanilang kakayahan? o sa pamamagitan nang pagtulong
sa kanila upang maging maasahan?
Ang
"pagsukat" at "pagbibigay kahulugan" ay may malapit na kaugnayan sa isat isa. Ngunit
sa kabilang dako, wala tayong pangsukat na di kuryente, na magsasabi na ito ay tumaas
galing animnapu't dalawa patungo sa pitumpu't siyam, o sabihin nating ang kanyang
lakas ay tumaas nang labing pitung puntos.
Ang
Labing Anim na mga Elemento:
Maari
nating masuri ang paksa nang "katatagan", "lakas" o "kakayahan" kung gagamitin doon
sa pamayanan, tingnan ang mga parte, at kilalanin ang mga pagbabago na magsasabi
sa atin na ang kakayahan nang pamayanan ay tumaas na.
Ang
labing anim na mga elemento : Pagiging matulungin; iisang pinagbigyan nang halaga;
paglilingkod para sa lahat; pag-uunawa; pagtiwala sa sarili; paksa; kaalaman; pagpapatupad
nang mga gawain; pagpangulo; pakikipag-ugnayan; samahan; kapangyarihan; kakayahan;
tiwala; pagkaisa at kayamanan.
Tingnan
ang Mga
Elemento sa katatagan nang Isang Pamayanan.
Isang maikling pagsasalaysay sa bawat isa nito ay ibinigay doon.
Ang
mga Hadlang sa Pagsukat:
Ang
paglaki nang kakayahan ay mahirap sukatin sa tamang paraan nang tagapagsaliksik sa
pamamagitan nang mga tanong. Ito ay mas madaling makita at makuha sa pamamagitan
nang talakayan na pinangungunahan nang isang tagasanay sa isang pagtitipon na sinalihan
nang buong pamayanan at pag-usapan kung paano ka laki ang pagbabago nang mga elemento.
Ang
pagsusubaybay nang pagpapatayo nang isang pagamutan ay hindi mahirap; madali nilang
iulat, halimbawa, na ang gawain ay nandoon na sa paggawa nang pundasyon at dingding.
Sa kabilang dako, ang pagsusubaybay sa paglaki nang kakayahan nang pamayanan, ay
sa pamamagitan nang pagsukat nang pagbabago nang mga katangian nang mga tao doon
sa pamayanan.
(Ang
isang tauhan doon sa pagamutan ay maaring maglagay nang termometro sa isang pasyente
upang malaman ang temperatura nito, at magbigay nang ibang resulta kung ihambing
sa isang manggagamot na magtanong sa kanyang pasyente, "Ano na ang pakiramdam mo?
at hayaan ang pasyente na sumagot. Hindi kailangan nang pasyente na alamin ang kahalagahan
nang termometro, ngunit dapat niyang alamin ang tanong nang mangagamot. Ngunit sa
kabilang dako, sa pag-aaral tungkol sa tao, ang mga tanong ay mas hindi makatotohanan
kung ihambing sa termometro, dahil kadalasan sa mga tao, at mga nagtatanong, ay hindi
alam kung ano ang ibig sabihin nang tanong at ang kahulugan nito, o ano ang gusto
nilang sukatin, at walang basehan na tanggap nang buong mundo kung ihambing sa pagkuha
nang temperatura).
Ito
ay nangangahulugan na ang pamayanan ay dapat may alam sa mga pakay nang pagpapatatag
nang mga elmento sa pagbibigay kakayahan (at sa mga panandaliang pakay sa paggawa
nang pagamutan), at ito ay hindi dapat tinatago nang mga nagsasaliksik.
Ito
ay mahalaga na ang pamayanan ay kasali sa pagsukat nang kanyang sariling kakayahan,
na sila ay dapat may alam sa mga elemento sa pagpapatatag. Dapat ipaliwanag nang
tagasanay ang mga elementong ito sa oras nang pagsukat nang pamayanan sa pagbabago
nang kanyang sariling katatagan.
Ang
Pamamaraan sa Pagsukat na Kasali ang Lahat:
Ito
ay mahalaga para sa pamayanan na sila ay dapat kasali sa pamamaraan sa pagsukat nang
katatagan at ang pagsusuri ay kahit ang pagbabago sa kanyang pagiging matatag. Kung
sila ay magpatayo nang pagamutan, ito ay may malinaw na pakay, at madaling tukoyin
ang parte nang klinika na natapos. Sa pagsukat nang katatagan nang isang pamayanan,
ang pakay ay walang katapusan; at walang hangganan ang buong pamamaraan.
Ang
pamayanan at ang kanyang mga kasapi doon sa isang pagtitipon, ay ang dapat maging
basehan sa pagsusuri kung mayron bang pagbabago sa kakayahan, alin sa mga elemento
ang nakakatulong sa ganoong pagbabago sa kakayahan, at kung ito ay gusto paba nila.
Ang paraan sa pagkuha nang mga sinasabi nang mga tao, ang dapat magkaiba kung ihambing
sa pagsusubaybay nang pagpapatayo nang pagamutan kaysa pagsusubaybay nang katatagan
nang pamayanan na gumawa nito.
Ang
tagapagpakilos na nangunguna sa pamayanan sa pagpapatupad nang mga pansariling gawain,
ay gagawin ito sa pamamagitan nang paggamit nang "pagsasa-ayos", na paraan at hindi
ang "pagbibigay" na paraan. Ang pagdala nang mga tao doon sa pagtitipon upang gumawa
nang mga pasiya, ay isang mahalagang paraan sa pagsusubaybay nang paglaki nang kakayahan
nang pamayanan. Ang pagsasa-ayos nang pagsusubaybay ay maaring gawin nang parehong
tagapagpakilos o nang iba na may alam sa nangyayari doon sa pamayanan.
Pinakamaganda,
ang pamayanan ay dapat magkikita nang isang beses bawat taon, at pangungunahan nang
parehong tagapagpakilos. ang tagasanay ay gumawa nang talaan nang lahat nang elemento
sa pagpapatatag nang pamayanan at ipaliwanag ang bawat isa nito kung kailangan. Ang
susunod ay talakayin nila kung gaano ka laki ang pagbabago nang pamayanan kung ihambing
sa nagdaang taon. Ang talaan nang buong talakayan ay magbibigay nang mga bagay na
maaring magamit bilang basehan kung gaano ka laki ang pagbabago, simula nang may
talakayan nang nagdaang taon.
Sa
totoong buhay, ang tagasanay ay magbabago, ang mga tao nang pamayanan ay darating
at lalabas, hindi lahat ay makadalo sa mga pagtitipon, at ang pagsali nang lahat
ay mahirap mangyayari, at ang pagbabago na mangyayari sa pamayanan ay naka-apekto
sa pananaw at pinagbigyan nang halaga nang mga tao. Ito ay maasahan na, halimbawa,
sa maagang panahon, ay dapat alam nang pamayanan ang kanilang kahirapan at tingnan
ang paraan na pagtanggap nang tulong sa labas nang pamayanan bilang nag-iisang pamamaraan
sa pagpahina nang kahirapan.
Sa
bandang huli, sa sandaling ang pamayanan ay nagkaroon na nang tiwala sa pagpapatupad
nang mga gawain sa pagtulong nang kanilang mga sarili, kahit hindi parin mawala ang
kanilang pag-asa sa panglabas na tulong, ngunit sa kabilang dako, nakikita nila ang
kahalagahan sa paggawa nang pasiya na sinalihan nang buong pamayanan, at ang pagkuha
at paggamit nang mga nakatagong yaman sa loob nang pamayanan.
Ang
Paraan:
Sa
pag-umpisa nang pagsusubaybay nang katatagan na kasali ang pamayanan, dapat ay mayrong
nangunguna (tagasanay), tagatala at pagtitipon doon sa pamayanan. Maaring umpisahan
nang tagasanay ang pamamaraan tulad nang ginamit sa pagpapakilos nang kasapi nang
pamayanan.
Ang
mga gawain ay pinangungunahan nang pagbuo nang samahan, pagtanong kung ano ang pangunahing
problema, pagsulat nang mga sagot sa pisara at walang mga pagpuna, at sa sandaling
nagawa na ang pagpasiya, babaguhin nang tagasanay ang mga sagot na problema patungo
sac pangunahing pakay nang pamayanan.
Katulad
din nang sesyon sa pagsusubaybay nang katatagan nang pamayanan, ipaliwanag nang tagasanay
ang mga elemento sa pagpapatatag nang pamayanan, pagkatapos umpisahan nang tagasanay
ang pagtanong sa mga kasapi kung mayron bang pagbabago nang bawat elemento at ang
kanilang mga sagot ay isulat doon sa pisara.
Tanungin
nang tagasanay kung ang elemento na nagkaroon nang malaking pagbabago at alin ang
maliit, at kung ano ang dahilan. Ang bawat sagot ay isulat sa pisara, at ang tagatala
ay isulat sa kuwaderno, kasali ang mga detalye na maaring di maisulat sa pisara.Ang
lahat nang mga sagot ay isulat sa pisara upang malaman kung ang elemento ay may malaking
pagbabago at alin ang may maliit.
Siguraduhin
nang tagasanay na ang paggawa nang pagsusuri ay pinagkasunduan nang lahat na sumali.
Pag mayron nang nangyayaring sesyon noon, ang talakayan ay maaring mag-umpisa sa
pag-alam kung saan may malaki ang pagbabago, ang nagyayari ba noon o ang nangyayari
ngayon. Dapat siguraduhin nang tagasanay na alam nang lahat na nandoon sa pagtitipon
ang bawat elemento nang katatagan nang pamayanan.
Ang
ulat ukol sa pinagkasunduan doon sa pagtitipon ay dapat ihanda, sa araw na iyon at
basahing muli sa tagasanay at tagatala kung mayron bang hindi naisulat o pagkamali.
Pag mayron pang oras, maari itong ipakita sa ilang mga kasapi upang malaman kung
mayron pa bang nakaligtaang isali.
Ang
ulat ay dapat naglakip nang mga elemento, at mga sagot nang membro sa bawat isa nito.
Makita natin na napakahirap sukatin nang laki nang pagbabago, ngunit maraming pagkakaiba
sa pag-intindi nang mga pagbabago, tulad nang mga nakikita nang mga tao sa pamayanan.
Magpatawag
ka nang pagtitipon sa buong pamayanan bawat taon tulad nang ginawa sa unang pagpapakilos.
Gamitin nang tagasanay ang paraan sa pagbibigayan nang kaalaman sa paggawa nito.
Isulat nang tagatala ang lahat nang detalye at mga sagot at isulat nang tagasanay
ang mga mahalagang bagay doon sa pisara.
Siguraduhin
na napagkasunduan nang lahat ang kanilang mga sagot matapos ipaliwanag ang bawat
elemento:
- gaano
katatag ang pamayanan ngayon;
- ano
ang pagbabago sa nagdaang labindalawang buwan;
- ang
pagbabago sa nagdaang apat na taon.
Hayaan
ang ibat ibang pag-intindi, at kunin ang sagot na pinagkasunduan sa lahat. Hikayatin
ang mga mahiyain at tahimik na mga tao upang magsalita.
Isulat
ang mahalagang bagay sa pisara at isulat nang tagatala ang detalye nang mga sagot.
Upang
mas madali ang paggawa nito, maari mong gamitin ang babasahin sa pagsasanay, Gamit
(Porma) sa Pagsukat nang Katatagan,
na madaling isulat nang tagasanay ang mga sagot kung gaano ka laki ang mga elemento,
sa hindi mo pa ihalo ang kanilang sagot doon sa buong grupo.
Mayron
ding bahagi doon sa porma, na ang mga taong marunong bumasa at sumulat ay makalagay
nang sariling sagot, sa kanilang pananaw kung ano ang mga dahilan sa kanilang ginagawang
sagot sa bawat elemento. Ito ay maaring basahin pagkatapos nang sesyon.
Magkapantay
na Kaalaman:
Ang
paggamit nang pormal, walang halo, alam nang tagalabas na paggamit nang tanong na
paraan ay magbunga nang mali at hindi malinaw na sagot. Sapagkat ang gumawa at gumamit
nito ay walang alam sa mga maselang sagot o kaalaman ukol sa pamayanan dahil sa kanilang
napkahabang pamamaraan.
Kahit
ang mga tao nang pamayanan, ay maari ding makagawa nang maling sagot, dahil pakiramdam
nila, sila ay nasa gitna nang pagsusuri, at nais nilang ipakita ang "pinakaganda"
sa kanilang pagkatao (katulad nang pagkuha nang larawan).
Sa
paggamit nang pamamaraan na kasali ang lahat, tulad nang ipinapayo dito, sa katotohanan
magbunga nang mga bagay na pinapanigan at mga hindi malinaw na mga bagay. Upang mapantay
ito, aming ipinapayo ang mga kapantay na kaalaman ay dapat ding kunin sa bawat isang
elemento nang pagpapatatag nang pamayanan.
Ito
ay magkaiba kung anong kaalaman ang nandoon, na may kaugnayan sa kalakihan nang katatagan
nang bawat elemento. Sa pangkalahatan, kung gaano kalakas ang pamayanan ganun din
kalaki ang kanyang kakayahan, ganun din karami ang kaalaman na nandoon ukol dito.
Ang
ibang elemento, ay magkaiba kung gaano sila ka laki na ginamit sa pagkilala nang
mga kaalamang mahalaga.
Ang
Pagiging Matulungin,
isang halimbawa, ay mahirap sukatin, ngunit maaring masukat sa pamamagitan nang mga
talaan kung paano ang mga tao magbigay nang tulong sa isang gawain, tulad nang paglikum
nang pera, o kung ang ilan sa mga tao ang magbigay nang libring oras sa paggawa nang
proyekto.
Mga
Bagay na Pinagbigyan nang Halaga sa Lahat ay
maaring matala sa mga pagsasaliksik ukol sa antropolohiya; ngunit bihira lang ang
mga pamayanan na nagkaroon nang kumpletong talaan ukol sa mga bagay na kanilang pinagbigyan
nang halaga.
Pangkaramihang
Serbisyo Ito
ay mas madaling masukat kung inyong maisulat ang lahat na mga pagamutan, daan, palengke,
paaralan, gripo, at palikuran. Ang pagbabago sa loob nang ilang taon ay madaling
mabilang sa ganitong paraan.
Pamamaraan
sa Pag-uusap,
sa magkatulad na katayuan ay madaling isulat kung ilan ay mayrong telepono, ngunit
ang kakayahan sa pagsalita, sulat, pakikinig, ay mas tungkol sa katangian nang tao.
Tiwala
sa sarili(pangkalahatan
o sa iang tao) ay isang napakahirap sukatin na elemento.
Katayuan ay
maaring makuha sa pamamagitan nang pagtingin nang mga batas, pamamalakad at alituntunin
nang pamahalaan, ngunit mayrong "mahirap" tukuyin doon sa katayuan tulad nang mga
hindi naisulat na mga pananaw at ginagawa nang mga pangulo at lokal na namamahala.
Ang kaalaman ay madaling maibigay kung tingnan ang mga nakikitang mga bagay (tulad
nang paraan sa pag-uusap na elemento) na binanggit sa itaas.
Ginagawa ay
maaring masukat kung ang mga talaan ukol sa ginagawa nang tagapagpakilos ay buo at
kumpleto. Ang talaan ukol sa tagapagpakilos nang mga pribadong grupo ay mas mahirap
sukatin kung ihambing sa mga tauhan nang pamahalaan, ngunit ang mangyayari ay maaring
salungat pag ang pribadong grupo at nagkaroon nang kumpletong talan at sa kabilang
dako ang ahensiya nang pamahalaan ay wala nito.
Pagpangulo ay
maaring masukat sa pamamagitan nang talaan nang mga opisyales na nahalal o hindi
pinili nang mga tao, ngunit kung gaano kalaki ang kanilang ginawang pagsasa-ayos
nang pamayanan ay mahirap malaman o makita o matala.
Pakikipag-ugnayan,
sa magkaparehong katayuan, ay maaring masukat sa pamamagitan nang isang pantay na
pagsusuri, sa paggawa nang talaan nang mga taong makapangyarihan , na maaring mapagkunan
nang tulong nang mga tao sa pamayanan, ngunit sa talaang ito ay hindi masukat kung
gaano ang mga taong ito makatulong nang pamayanan sa pagkuha nang mga kinakailangang
kayamanan.
Samahan sa
pormal na katayuan, ay maaring masukat at mahambing doon sa una at panghuling talaan
upang makita ang pagbabago.
Kapangyarihang
Politikal,
ay maaring masukat sa pamamagitan nang paglista nang mga nahalal na pangulo ngunit
tulad nang pagpangulo, ang mga katayuan nang mga elemento tulad nang gaano ka linaw
ang pamamahala at paano pinakilos ang mga tao ay maaring hindi makikita doon sa talaan.
Mga
Kakayahan ay
mas madaling masukat sa pormal na katayuan, ngunit ang paglista nang mga tao na nagkaroon
nang pagsasanay sa isang kakayahan ay hindi makapagbiay sa inyo kung gaano sila ka
sipag magtrabaho, ka galing at maasahan sa kanilang trabaho.
Tiwala ay
isang pinaghalong pananaw at pinagbigyan nang halaga nang mga tao doon sa pamayanan,
at hindi mahahawakan na elemento at mahirap masukat nang pantay. (Ang resulta nang
pamamaraan na kasali ang lahat ay dapat makabuo nang katamtamang pagsusukat).
Pagkakaisa,
sa magkatulad na katayuan, ay mga bagay na pinagbigyan nang halaga nang buong pamayanan
at ipinakita nang mga katangian nang bawat tao.
Kayamanan ay
maaring masukat sa pantay na pamamaraan, kahit minsan marami sa mga tao ay ayaw ibigay
ang halaga nang kanilang kita, at marami ang di alam kung magkano talaga ang kanilang
halaga. At isa pa, ang kayamanan nang buong pamayanan, ang bumuo sa katatagan nang
pamayanan at hindi ang kayamanan nang isang tao, at ang pangkalahatang kayamanan
ay maaring masukat sa pamamagitan nang pagbigay nang halaga sa bawat pinapatupad
na gawain (tulad nang halaga nang pelengke, pagamutan o daan).
Kung
tutuusin, napakahirap talaga para sa pamayanan o tagalabas na mananaliksik sa pagbigay
nang tamang sukat nang mga mabilang o mailalarawan ukol sa katayuan nang labing anim
na elemento sa katatagan nang pamayanan.
Ang
pamamaraan na kasali ang lahat, ginagamit nang tagasanay, at kasali ang pamayanan
sa paggawa nang pagsusuri, ay maging totoo at makakatulong pag ito ay ginagawa sa
magkaparehong sesyon, ang grupo ay gumawa nang pagsusuri sa pangkasalukuyan, isang
taong nakalipas, at pang limang taong nakalipas, sapagkat kadalasan mangyayari ang
kanilang gagamiting basehan sa pagsukat ay magkapareho sa bawat isa nito.
Isang
Balangkas:
Gamitin
ang porma tulad nito.
Gawin mo ito nang inyong sarili na angkop sa pangangailangan at katayuan. Huwag kalimutan
na ito ay pinaliit dito upang magkasiya sa dakong ito.
Panghuli:
Ang
dokumentong ito ay hindi pormal na paraan sa pagsasaliksik (kahit ang may-akda ay
nagtuturo sa pamantasan na nagsasaliksik at gumawa nang pag-aaral ukol sa tao doon
sa Europa, Hilagang Amerika at Afrika), ito ay kasali sa pagsasanay para sa mga tagapagpakilos
na gumagawa nang pagpapatatag nang pamayanan. Ngunit sa kabilang dako, ang mga mahalagang
paksa tulad nang "Pagbibigay Kakayahan nang Pamayanan" ang ating pinakamahalagang
layunin ay hindi gaanong ipinapaliwanag dito.
Sa
pagkilala nang labing anim na elemento, at ang kahirapan sa pagsukat nito (pang ating
masuri kung naptatag ba talaga natin ang pamayanan), ang tagapagpakilos doon sa pamayanan
ay maging maingat sa mga totoong pakay nang kanyang mga gawain, at sa ganun magkaroon
nang malalim na kaalaman sa kanyang mga tungkulin. Ito ang ibang dahilan kung bakit
namin binanggit yan, kahit ang babasahing ito ay para sa mga tagapagpakilos, ang
mga gumagawa nang plano, tagapamahala, tagamasid at mga namamahala ay maari ding
gumamit nito.
Ang
mahalagang pinapakita nang dokumentong ito, tulad nang pagpapatatag nang pamayanan,
ay pamamaraan sa pagsukat nang katatagan nang pamayanan ay dapat kasali ang lahat.
Ang
kakayahan nang tagasanay ay dapat hango sa mga gawain sa pagpapatupad nang pagsukat,
at pagsasaliksik doon sa mga pagbabago nang mga katangian nang mga tao doon sa pamayanan.
––»«––
© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle Web Design: Lourdes Sada
––»«–– Huling Ulat: 09.05.2011
|