Tweet Pagsasalinwika:
Català |
MGA ELEMENTO NG LAKAS NG KOMUNIDADni Phil Bartle, PhDisinalin ni Erika Paula T. PolinagDokumentong SanggunianMga Pagsasalarawan sa labing-anim na elemento ng kapasidad, lakas o pagbibigay-lakas ng loobAng saklaw ng pagbibigay-lakas sa komunidad ay lampas sa politikal at legal na pagpapahintulot na makilahok sa sistemang politikal pang-nasyon. Kasama rito ang kapasidad ma gawin ang mga bagay na nais gawin ng mga miyembro ng komunidad. Kasama sa pagbibigay-lakas ang pagtataguyod ng kapasidad at pagpapalakas dito sa iba't ibang mga dimensyon. Narito ang labing-anim na elemento ng isang komunidad na nagbabago habang lumalakas. Altruismo: Ang proporsyon at antas kung saan ang isang tao ay handang isakripisyo ang kanyang sariling kapakanan para sa ikabubuti ng komunidad (sa pamamagitan ng pagbibigay, kababaang-loob, pagsasakripisyo ng sarili, dangal ng komunidad,pagsuporta sa isa't isa, katapatan, pagmamalasakit, pakikisama, pagkakapatiran). Kasabay ng pagkakaroon ng mas madaming altruismo ang pagkakaroon ng mas malaking kapasidad. (Kapag ang mga indibidwal, pamilya o grupo ay malayang maging madamot at makasarili, humihina ang komunidad). Karaniwang mga Kaugalian: Ang antas kung saan ang mga miyembro ng komunidad ay mayroong iisang kaugalian, lalo na ang ideya na sila ay kabilang sa iisang grupo na hinahalinhan ang mga interes ng mga miyembro nito. Kapag tanggap at nirerespeto ng mga miyembro ng komunidad ang isa't isa, mas magiging malakas ang komunidad. (Ang kapootang panlahi, paghuhusga sa kapwa, at diskriminasyon ay nagpapahina sa komunidad o organisasyon.) Serbisyong Pang-komunidad: Mga pasilidad at serbisyo (tulad ng mga kalsada, palengke, maiinom na tubig, edukasyon, serbisyong pang-kalusugan), kanilang pangangalaga (maaasahang pagpapanatili at pag-rerepara), pagsusustina, at ang antas kung saan ang lahat ng miyembro ng komunidad ay nagagamit ang mga ito. Kapag ang mga miyembro ay nakakagamit ng mga pasilidad na panlipunan, mas malaki ang nagiging lakas ng loob nila. (Sa pagsusukat ng kapasidad ng mga organisasyon, kasama rito ang mga kagamitan na pang-opisina, mga suplay, pati na rin ang pagkakaroon ng oportunidad na gumamit ng mga palikuran at personal at pang-trabahong na pasilidad, plantang pisikal). Komunikasyon: Sa isang komunidad, kasama sa komunikasyon ang mga kalsada, elektrisidad (telepono, radyo, telebisyon, InterNet), inilathalang medya (dyaryo, magasin, libro), mga koneksyon, mga lenggwaheng naiintindihan ng lahat, karunungang bumasa at sumulat at ang pagkukusa at abilidad na magkipagkomunika (na kailangan ng taktika, diplomasya, pati na rin ang kusang loob na pakikinig at pagsasalita). Habang ang komunidad ay nakakakuha ng mas mabuting komunikasyon, lalo itong lumalakas. (Para sa isang organisasyon, ito ay ang instrumentong pang-komunika, mga pamamaraan at gawain na maaaring gamitin ng mga empleyado). Ang hindi mabuting komunikasyon ay nangangahulugan ng isang mahinang organisasyon o komunidad. Kumpiyansa: Habang ipinapakita ito ng mga indibidwal, gaano kalaking kumpiyansa ang pinagsasaluhan ng buong komunidad? halimbawa, ang pagkakaintindi na ang komunidad ay kayang gawin ang nais nilang gawin. Positibong ugali, pagkukusa, motibasyon sa sarili, pagiging masigasig, optimismo, umaasa sa sariling kakayahan, pagkukusang ipaglaban ang kanilang mga karapatan, pag-iwas sa kawalang-pagpapahalaga at pag-asa sa kapalaran, isang pangitain sa kung ano ang posible. Ang mas malaking lakas ay may kaugnay na mas malaking kumpiyansa. Kaugnay na Kahulugan (Politikal at Administratibo): Mas lalakas ang komunidad, at masusustinahan ang lakas na ito, kung mamumuhay ito sa kapaligirang sinusuportahan ang pagpapalakas nito. Ang kapaligirang tinutukoy ay may kasamang (1) politikal (kaugalian at gawain ng mga pinunong ng nasyon, mga batas, at lehislasyon) at (2) administratibo (ugali ng mga empleyado ng gobyerno, pati na rin mga regulasyon at alituntunin) elemento. Ang kapaligirang legal. Kapag ang mga politiko, pinuno, teknokrat at empleyado ng gobyerno, pati na rin ang kanilang mga batas at regulasyon, ay bigay na lamang nga bigay, mahina ang komunidad, ngunit kung hihimukin nila ang komunidad na tumayo sa sarili nilang mga paa, mas lalakas ang komunidad. Ang komunidad ay maaaring mas lumakas kung mabubuhay sila sa ganitong konteksto. Impormasyon: Ang abilidad sa pagproseso at analisa ng impormasyon, ang antas ng kamalayan, kaalaman at karunungan na matatagpuan sa mga mahahalagang tao at sa grupo mismo. Kapag ang impormasyon ay mas epektibo at nakakatulong, hindi lang mas lamang sa dami at bilang. Kapag ang impormasyon ay mas epektibo at mas magagamit, hindi lamang nasusukat sa dami, ang komunidad ay mas magiging malakas. (Tandaan na mas kaugnay ito, ngunit iba sa, elemento ng komunikasyon sa nakasulat sa itaas). Pakikialam: Ang saklaw at pagiging epektibo ng animasyon (pag-mobilisa, pagsasanay sa pangangasiwa, pagtataguyod ng kamalayan, pagbibigay-sigla) ay nakatutok at nagpapalakas sa komunidad? Ang mga panlabas o panloob na pinagmumulan ba ng pagkakawanggawa ay nagpapahina lamang sa komunidad, o hinahamon ba nito ang komunidad para maging mas malakas? Ang pakikialam ba na ito ay nakakapagsustina o dumedepende lamang sa mga desisyon ng mga taong mula sa labas na mayroong ibang mga layunin na hindi katulad ng sa komunidad? Kapag ang komunidad ay mayroong mas maraming pinagkukunan ng stimulasyon upang umunlad, mas madami itong lakas. Liderato: Ang mga pinuno ay mayroong kapangyarihan, impluwensya, at abilidad na pagalawin ang komunidad. Kapag mas epektibo ang liderato, mas malakas ang komunidad. Habang hindi ito ang lugar para makipagtalo tungkol sa mga idelohiyang demokratiko o lideratong may partisipasyon, kumpara sa istilong totalitarian, authoritarian at diktatoryal, ang pinaka-epektibong liderato (para sa pagpapalakas ng mga pinuno) ay ang kumikilos para sumunod sa mga desisyon at mithiin ng buong komunidad, para gumawa ng tungkuling tagapagpasilita. Ang mga pinuno ay kailangang mayroong kakayahan, pagkukusa, katapatan at karisma. Kapag mas epektibo ang liderato, mas malaki ang kapasidad ng komunidad o organisasyon. (Ang kawalan ng mabuting liderato ang nakakapagpahina rito). Koneksyon: Hindi ito nakabase sa "ano ang alam mo" kundi sa kung "sino ang alam mo." (Tulad ng laging laman ng mga biruan, hindi lamang ang mga taong "alam kung paano," kundi "alam kung sino" ang nakakakuha ng mga trabaho). Gaano kalawak ang saklaw ng mga miyembro ng komunidad, lalo na ang mga pinuno, pagdating sa mga kilala nitong tao (at ang mga ahensya at organisasyon) na makapagbibigay ng mga materyales na makatutulong sa pagbibigay-lakas sa buong komunidad? Ang mga mahahalagang koneksyon, potensyal at naisakatuparan na, sa loob ng komunidad at pati na rin ang mga nasa labas nito. Kapag mas epektibo ang mga koneksyon, mas malakas ang komunidad o organisasyon. (Ang pag-iisa ay nagdudulot ng kahinaan). Organisasyon: Ang antas kung saan ang iba't ibang mga miyembro ng komunidad ay nakikita ang kanilang mga sarili na gumaganap sa mga tungkulin sa pagsuporta sa buong (kumpara sa pagiging isang grupo lamang ng mga tao), kasama ang integridad na pang-organisasyon, struktura, alituntunin, mga proseso sa paggawa ng desisyon, pagiging epektibo, paghahati ng gawain at pagtatama-tama ng tungkulin at gawain. Kapag mas organisado, o mas epektibong na-organisa ang isang komunidad o organisasyon, mas maraming kapasidad o lakas ang mayroon ito. Kapangyarihang Politikal: Ang antas kung saan ang komunidad ay maaaring lumahok sa paggawa ng desisyong nasyonal at pang-distrito. Tulad ng pagkakaroon ng mga tao ng kapangyarihan sa kanilang komunidad, ganoon din ang pagkakaroon ng kapangyarihan at impluwensya ng komunidad sa distrito at nasyon. Kapag mas malaki ang kapangyarihan politikal at impluwensya na ipinapakita ng komunidad o organisasyon, mas mataas ang antas ng kapasidad na meron ito. Mga Kakayahan: Ang abilidad, na ipinapakita ng mga indibidwal, na makakatulong sa pag-oorganisa ng komunidad at ang kakayahan nito na maisagawa ang mga gawaing kailangang tapusin, mga kakayahang teknikal, pangangasiwa, pang-organisasyon, mobilisasyon. Kapag mas madami ang kakayahan (grupo o indibidwal) ang nakukuha at nagagamit ng komunidad o organisasyon, mas malakas ang loob nito. Tiwala: ng antas kung saan ang mga miyetmbro ng komunidad ay nagtitiwala sa isa't isa, lalo na ang mga pinuno at tagapaglingkod ng lipunan, na kung saan ay nagpapakita ng antas ng integridad (tapat, maaasahan, bukas, mapagkakatiwalaan) sa loob ng komunidad. Ang mas malaking tiwala sa loob ng komunidad ay nangangahulugan ng mas malaking kapasidad. (Ang kasinungalingan, korupsyon, panloloko at paghihiwa-hiwalay ng pinagkukunan ng komunidad ay nagdudulot ng kahinaan sa komunidad o organisasyon). Pagkakaisa: Ang paniniwalang nabibilang sa iisang grupo (halimbawa: isang grupong bumubuo sa komunidad), kahit ang bawat komunidad ay mayroong mga dibisyon at iba't ibang paniniwala (relihiyon, klase, estado, kita, edad, kasarian, pinagmulan, angkan), ang antas kung saan ang mga miyembro ng komunidad ay handang makisama at tanggapin ang mga pagkakaiba ng isa't isa, na may iisang layunin o bisyon, iisang kaugalian. Kapag ang komunidad o organisasyon ay mas nagkakaisa, mas malakas ito. (Ang pagkakaisa ay hindi nangangahulugan na lahat ng tao ay pare-pareho, kundi ang bawat isa ay nirerespeto ang pagkakaiba ng isa't isa, at kumikilos para sa ikabubuti ng lahat). Yaman: Ang antas kung saan ang buong komunidad (kung ikukumpara sa mga indibidwal sa loob nito) ay mayroong kontrol sa mga aktwal at potensyal na mga pinagkukunan ng yaman, at ang produksyon at distribusyon ng mga nagkukulang at makatutulong na produkto at serbisyo, pinansyal at hindi pinansyal (kasama ang donasyong paggawa, lupa, kagamitan, suplay, kaalaman, kakayahan). Kapag mas mayaman ang komunidad, mas malakas ito. (Kung ang mga madadamot na indibidwal, pamilya o grupo ay kumuha ng yaman sa ikasasama ng komunidad, ikinahihina ito ng komunidad o organisasyon). Konklusyon: Kapag ang komunidad ay mayroon ng mga katangiang nabanggit, mas malakas ito, mas malaki ang kapasidad, at mas malakas ang loob. Ang komunidad ay isang grupong sosyal o panlipunan (Tingnan ang Komunidad); hindi ito lumalakas dahil lang sa simpleng pagdadagdag ng mga pasilidad. Ang pagpapalakas ng komunidad o pagtataguyod ng kapasidad ay may kasamang pagbabagong sosyal at pagpapaunlad at kasama rin dito ang labing-anim sa mga elemento ng lakas na nabanggit sa itaas. Pagsusukat sa mga Elementong ito: Mga paraang may partisipasyon upang sukatin ang mga pagbabago sa mga elementong ito, kaya ang mga pagbabago sa lakas ng layunin ng komunidad, ay nasa modyul ng pagsasanay: Pagsusukat sa Lakas. Para sa dalawang pahinang handout na mayroong listahan ng labing-anim na elementong ito, tingnan ang Labing-anim na Elemento. ––»«––© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing pahina |
Pagsusukat sa Pagbibigay-lakas |