Community Empowerment
Sosyolohiya
Tala ng Panayam
Pananaw
Català Ελληνικά English Español Français Italiano بهاس ملايو / Bahasa Melayu Português Română Pycкий Srpski Tiên Việt 中文
.
.
.............. .. 
PUSOY  LARONG BARAHA
ni Phil Bartle
isinulin ni Kennith Poliran

The shortest distance is not always a straight line

Paano maging patalinghaga ang larong pusoy para mapaliwanag ang sosyolohiyang pananaw. Ito ba ay mabisang pagpatalinghaga?
.
Ang sosyolohiyang pananaw ay marahil ang pinaka mahalagang kuro-kuro na maibigay ng lipunan at ang basihan sa lahat ng mga tema ng paguusap dito.
.
Habang sinusubukan kung ipaliwanag ito, pumasok sa isipan ko na gumamit ng patalinghaga.  Ang patalinghaga ay maging makabuluhan sa pagpaliwanag sa bagong koncepto.  Tulad ng kathang may-aral –– Ang kwentong ginagamit katulad ng pagpatalinhaga. –– Ang patalinghaga ay dapat hindi ihalintulad sa letra por letra kundi parang isang pagsasalarawan ng isang panuntunan.
.
Iminungkahi ko na ilagay ang imahe ng larong pusoy sa iyong isipan.
.
Sa sariling pananaw ng manlalaro nakikita nila na ang laban ay sa pagitan ng kanilang sarili at sa bawat isa.
.
Nakikita nila na ang labanan ay isang tunay na laro.  Naglalaro sila upang manalo at naka-saad sa isipan nila ito habang sila ay naglalaro.
.
Sa mga hindi manlalaro madali nating makikita ang pagtutulungan at ng mga kahalagaan ng laro.
.
Sumasangayon sila sa kahulugan at kahalagahan ng kanilang mga baraha at laro sa paglalaban.
.
Ang mahalaga sa atin ay ang makita natin ang pagkakaiba sa pananaw ng bawat isa kung ito ba ay nag papahalaga sa labanan o kaya sa pagkilala sa pagtutulungan.
.
Ang dating Punong Ministro ng Englatera na si Margaret Thatcher, pinapahayag ang kanyang pananaw sa isang wikain na "Walang bagay na tinatawag na lipunan, kundi mga tao lang." Siya ay isang manlalaro at hindi tagamasid lamang.
.
Maraming mag-aaral na kinilala ang upuan at lamesa bilang bahagi ng isang teknolohiyal na sukat (kahit ang beer at chips), at ang tuntunin ng laro ay pag-aari ng kahalagaang sukat.  Hindi ko man akalain pero ito a mahahalagang pagdaragdag.
.
Sa pinakamababang antas naniniwala ako na ang patalinghaga ay naging makahulugan at malaking tulog sa unang aralin.  Ang panganib sa paggamit ng isang palatinghaga ay minsan ang mga mag-aaral sa una pa lang ay ginamit ito bilang letra por letra.
.
Marahil pwede rin nating sabihin na ang buhay sa lipunan ay isang laro lamang at dapat hindi ito gawing seryoso.
.
Ang buhay ay seryoso gayunman ang lipunan ay hindi isang laro, kahit ginagamit natin ang mga termino at salita sa mga laro. Kung tayo ay mag-paliwanag sa lipunan na ito ay mas malaki hindi lamang pangat ng iisang tao.
––»«––

Pananaw
2012.06.30