Pangunahing Pahina
 Pamamaraan ng Pagsasanay




Mga Salin

Català
中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
Português
Română

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

ICE BREAKERS

Pag-aalis ng mga Inhibisyon

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni May M. Virola


Sanggunian ng Tagapagsanay

Paano alisin ang alinlangan ng mga kalahok sa pagsasanay

Ang alin mang workshop sa pagsasanay na nangangailangan ng isang buong araw ay dapat may sesyon sa ¨¨Ice Breaker¨¨ ng mga 50 minuto, na dapat ibigay sa simula ng workshop. Ano ang ginagawa ng ¨¨Ice Breaker¨¨?

Ang mga layunin ng ice-breaker ay ang mga sumusunod:
  1. para hikayatin ang mga kalahok na alisin ang kanilang estado, pagkabantog, awtoridad, mga kaugalian at kagawian na karaniwang ipinapamalas sa araw-araw (¨¨ice¨¨ ang ibig sabihin dito ay ang mga rigido pormalidad)
  2. para hikayatin din ang mga kalahok na magpahi-pahinga at mag-enjoy sila at ang bawat isa bilang tao (hindi limitado sa mga ginagmpanan o may mga estado lamang) sa paghahanda upang maging mas bukas sa mga pagsasanay na gagawin
  3. para hikayatin ang mga kalahok na makipag-ugnayan sa isa't isa at magkakilanlan sa kontekstong hingi tradisyonal
  4. para mapalambot ang mga kalahok bago harapin ang sentrongmateryal ng pagsasanay
  5. para mapabuti ang proseso ngpagsasanay sa kalahatan ng workshop sa pamamagitan ng paghahanda ng mga kalahok gaya ng nabanggit sa itaas.

Marami sa mga ice breakers ay nangangailangan ng maliliit na aktibidades na pang-grupo, kasama na dito ang paggupit ng mga hugis, pagdidikit, pagguhit, pagsusulat o pagganap ng mga karakter. Maging malikhain, hindi masyadong mabigat at dapat angkop ang bagbibigay ng mga gawain sa mga grupo ng mga kalahok.

Ilan sa mga ice-breakers ay maaaring nangangailangan ng mga aktibidades na pisikal, gaya ng pagtutumulin ng lobo kung saan bawat pares ng mga kalahok ay kailangang humawak ng lobo sa gitna nila, na hindi ginagamit ang mga kamay o braso, manggagaling sila sa umpisang linya hanggang makarating sa dulo para magpabilisan. Ito ay nagdudulot ng maraming katatawanan; at binabasak ang yelo o pormalidad (breaks the ice)

Ang ibang ice-breakers ay naghihingi ng kooperasyon, kung saan ang maliit na grupo ay binibigyan nga isang buong gawain kung saan bawat indibidwal ay dapat magbahagi ng komplementaryong gawa. Ang iba naman ay nangangailangan ng negosasyon at kooperasyon sa bawat grupo.

Ang sesyon ng ¨¨Sabotahe¨¨, halimbawa, ay karaniwang ginagamit bilang isang ice-breaker, at nakakatulong din ito para makita natin kung paano minsan ay walang malay nating sinasabotahe ang bawat isa sa ating pang-araw-araw na gawain. Ito ay maaaring laruin sa loob ng 30 - 45 minuto. Ang mga kalahok sa laro ay matututo kung paano maging sensitibo sa kung paano nila naaabala ang kanilang mga kaibigan at kakilala.

Ang mga kalahok ay hinahati sa grupo na may tatlong miyembro. Bawat isa sa mga miyembro ng grupo ay pinapangalanan ¨¨A¨¨, ¨¨B¨¨,¨¨K¨¨. Ang tagapasilita ay magbibigay ng maikling paglalarawan kung paano gagawin ang laro, pagkatapos ay tatawagan ang lahat ng may pangalang ¨¨¨K¨¨ para lumapit sa kanya. Ang mga kalahok na pinangalanang ¨¨A¨¨ ay aatasan bilang tagapakinig, at ang mga pinangalanang ¨¨B¨¨ ay aatasang magsiglang ipaliwanang kay ¨¨A¨¨ ang alin mang piniling paksa o insidente. At lahat ng pinangalanang ¨¨K¨¨ ay aatasang abalahin ang kanilang ¨¨A¨¨ at ¨¨B¨¨ ukol sa ano mang paksang nais nila. Ang tagapagpasilita ay mag-aanunsyo sa lahat ng mga grupo na mag-umpisa.

Matapos ang 60 - 90 segundo, ang tagapasilita ay sasabihan ang mga ¨¨K¨¨ na pumunta sa kani-kanilang grupo at umpisahin ang pag-aabala gamit ang ano mang paksang pinili. Ihihinto ng tagapagpasilita ang proseso makalipas ang 60-90 segundo ng pag-aabala. Kung may oras pa, maaaring pagpalit-palitan ang mga papel ng mga kalahok ng isa o dalawang beses.

Pagkatapos, tatawagin ng tagapagpasilita ang lahat para sa isang panlahatang diskusyon. Hikayatin ang mga kalahok na sabihin ang kanilang tugon at reaksyon.

Ito ay mahalaga para malaman at mawaksi ang ano mang residwal na sama ng loob(itoay isang laro lamang) at ipakita kung gaano kadali ang magsabotahe at masabotahe sa araw-araw na gawain. Ang mga ice-breakers ay mahahalagang sesyon para sa simula ng mga workshops sa pagsasanay, sa maraming kadahilanan.

Maaari silang-pero hindi kailangan- maghatid ng kaalaman gaya ng ¨¨Sabotahe¨¨ sa pagtatahas ng kamalayan ukol sa pakikisalamuha. Ang mga simpleng laro gaya ng pagtutumulin ng lobo nagsisilbing isang mahalagang serbisyong pedagogikal sa pagwawaksi ng mga "pormalidad"sa ating araw-araw na interaksyon at ekspektasyon tungkol sa mga tao, at binibigyan tayo ng pagkakataon na huwag masyadong seryosuhin ang ating sarili.

Ang pagsasanay, lalo na ang pagsasanay na nangangailangan ng pagtatahas ng kamalayan, is mas napapabuti ng pagbibigay muna ng mga sesyong "Ice-Breaker".

––»«––

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 05.06.2011


 Pangunahing pahina

 Pamamaraan ng Pagsasanay