Tweet pagsalin nang mga salita
Bahasa Indonesia |
PAGPAPAKILOS PARA SA KAUNLARANG HINDI MATERYALPag ang Pamayanan ay Pumili sa Pangsuportang Pamamaraanni Phil Bartle Doktor ng Pilosopiyaisinalin ni Gearsmo G. Ponopanimula sa paksang itoMga dokumento na kalakip nito Pagsuporta paksa
Ibang pamamaraan sa pagkilos para sa paggawa nang mga pisikal na mga gamitMga Problema nang Tagapagpakilos at Pamayanan: Ang paksang ito ay sinusulat palang at palaging binabago. Maraming mga dokumento ang palaging dinagdag, doon sa paksa ukol sa mga pakay nang pamayanan na magkaiba sa nakasanayang mga proyekto tulad nang mga pagamutan, patubig, paaralan, at ibang pasilidad at serbisyo. Ang pinaka pakay sa dokumentong ito ay ang pagbabago nang mga minimithi at mga asal nang mga tao, at kung paano gagamitin ang pagpapakilos nang pamayanan upang magkaroon nang pagbabago ang mga tao. Ang pakay sa paksang ito ay para ipakita sa tagapagpakilos ang iba ibang mga problema pag ang pamayanan ay pumili nang mga pakay na hindi katulad nang mga pisikal na mga bagay. Ang kadalasang mga isyu na hinaharap nang pamayanan ay tungkol sa pagsuporta nang mga pagbabago nang batas, paggawa nang mga batas, at pagbabago nang kataohan, ang paksang ito ay tinatawag na "Pangsuporta". Ito ay sinulat upang ihambing at ipagkaiba sa tubig na paksa, na nagbibigay halimbawa sa pagpili nang pamayanan sa isang pisikal na bagay (tubig na inumin para sa lahat). Sa pangkalahatan, tinawag natin ito na "Pagpapakilos para Pangsuporta". Sa pangkalahatan, ang iyong gawain bilang tagapagpakilos ay sumunod sa magkaparehong pamamaraan, ngunit ginagamit sa magkaibang katayuan. Maring mas sobra pa sa pangkalahatang mga bagay, ikaw ay dapat handa na ang inyong binuong grupo ay panatiliihing matatag at huwag hayaang masira nang: (1) kapangyarihan nang pamahalaan, (2) negosyo at pera, at (3) mga taong maybalak sa politika. Maaring kailangan mo ring pumunta lampas pasa mga grupong nakabasi nang pamayanan (CBO) at hayaang ito ay lalaki patungo sa pagbuo nang isang malaking pribadong grupo (NGO) na maaring makakilos sa labas nang pamayanan. Sa lahat na iyon, dapat siguraduhin mo na ang lahat ay kasali sa pagpasiya nang mga bagay. Huwag kalimutan ang pamamaraan nang Pagbibigay Kakayahan. Hayaan ang mga tao ang siyang gumawa nang mga bagay, upang sila ay maging epektibo. Sila ay matuto nang maayos sa pamamagitan nang paggawa Kaysa manood lang, at sila ay magiging matatag sa gawaing iyon. Huwag maakit sa paggawa nang mga bagay para sa kanila, na magreresulta sa kanilang pagiging mahina at laging umaasa sa inyo. Ang isang pagpapakita ukol sa pagpapakilos ukol sa mga pakay na hindi pisikal na mga bagay ay kalakip doon sa Pagpapakilos Para sa Sambayanan. Paglaban sa sakit na HIV-AIDS ginamit ang pamayanan ay ipinaliwanag sa HIV-AIDS. Sa ibang katayuan, ang Pagbibigay Tulong na Nakabasi nang Pamayanan na programa ay angkop. Ang isang kakaibang problema; Ang Pagtuli nang mga Babae. ––»«––mangyayari
kilalanin ang mga may akda kung sakali mayron kayong sipiin sa parteng ito |
unang pahina |