PAGPAPAKILOS AT PAGBIBIGAY KAKAYAHAN LABAN SA HIV/AIDS
Ang papel nang tagapagpakilos laban sa sakit na ito
ni Phil Bartle, Doktor ng Pilosopiya
isinalin ni Gerasmo G. Pono
Para
kay Stephen Lewis
Mga
Babasahin
panimula
Maaring
ang pinakamalubhang sakit na kumakalat, umpisa nang ika dalawapung siglo doon sa
mga mahihirap na bansa lalo na sa Afrika ay ang paglaganap nang sakit na AIDS.
Ang
pamamaraan sa pagsugpo nang AIDS ay dapat gagawin sa lahat nang hanay. Maaring ang
pinakalaking problema ay kawalan nang tulong galing sa mga mayayamang bansa sa pagbigay
nang lunas upang madagdagan ang mga taon nang buhay nang tao at matigil ang pagkalat
nang sakit galing sa ina patungo sa anak. Maaring sa pagtingin natin ang problema
ay hindi kaya nang isang tagapagpakilos, ngunit may mga mahalahang hanay, na ikaw
bilang tagapagpakilos ay may mahalagang papael na gagawin.
Tandaan
(1):
Ito
ay napakahirap intindihin na sa loob nang iilang buwan iilang libung mga tao ang
mamatay tulad nang pagkamatay nang mga tao dahil sa pag atake nang mga terorista
sa World Trade Center sa New York, ang daming pera ang ginugugol para sa mga nasawi,
ngunit sa kabilang dako, sa pagkamatay nang tatlong milyon ka tao bawat taon na maaring
maiwasan, ay walang nagawa ang mga pamahalaan sa pagpapalabas nang pitong libung
dolyar upang maiwasan ang paglaganap nang sakit nan AIDS.
Isang
Balita:
Ang
pamahalaan nang Canada ay nagpasa nang batas upang pahintulutan na ipagbili ang mga
mumurahing gamot nang AIDS doon sa mga mahihirap na bansa. Ang ang gamot laban nang
AIDS ay maari nang makuha sa murang halaga doon sa mga mahihirap na bansa, ang mga
pamamaraan na ginamit sa dakong ito ay maaring magbago.
Ang
mga pamamaraan na maaring gawin nang tagapagpakilos na gumagawa upang magbibigay
kakayahan sa mahirap na pamayanan ay marami. Ang ilan ay para sa pag iwas at ang
iba ay sa pagpahina nito.
- Pag-iwas: ang pagbibigay aral ay nakatuon sa pagbago nang mga ginagawa;
- Pag-iwas: pagbigay nang mga bagay;
- Pag-iwas: Pagbibigay nang ibang paraan upang mayrong pagkikitaan (tulad nang nagbebenta nang laman)
- Pag-iwas:
Pagtigil nang Paggamit nang bawal na gamot at paggamit nang iisang karayum (kalakip
ang ang mga nagtratrabaho para sa kalusugan)
- Pagpahina:
Pagbibigay nang Pangangailangan nang mga walang mga magulang;
- Pagpahina:
Ang mga tumutulong sa kanilang mga lolo at lola (mga hindi nag-aaral, lalo na ang
mga babae;
- Pagpahina:Kawalan
nang mga guru;
- Pagpahina:
Kawalan nang mga nagbibigay nang mga hanapbuhay; at
- Pagpahina:
Kawalan nang mga Nangulo.
Tingnan
natin lahat ito pagkatapos. Ngunit bago ang simula, ay dapat nating tingnan ang papael
nang tagapagpakilos doon sa pamayanan, at ang inyong pamamaraan sa pagbibigay nang
kakayahan sa pamayanan.
Ang
pasiya nang Pamayanan; Ito ay dapat ang kanilang problema at sila ang gagawa upang
malutas ito:
Kung
ikaw ay gumagawa nang partisipatori na pagsusuri nang isang pamayanan. Maaring makikita
nila ang daming namamatay dahil sa AIDS, at ito ay maaring pagbigyan nila nang malaking
pansin. Ngayon ano ang maari nilang magagawa upang ang kanilang pamayanan ay mapanatiling
malusog?
Huwag
kang magbigay nang mga sagot sa kanila. Kunin mo ang sagot galing sa kanila mismo.
Hamonin
ninyo sila na ipaliwanag ang mga kilos na kanilang gagawin sa paglutas nang problema.
Tingnan muli ang mga maaring mangyayari kung ito ay kanilang gagawin. Kung pagsabihan
ninyo sila sa mga dapat gawin, sa ganun iintindihin nila na iyon ang inyong sagot.
At ito ay magbigay sa kanila nang dahilan, na hindi na mag isip para sa kanilang
sarili at sa ganun sila ay mabigo. Pag sila ang gumawa nang mga sagot, pagsabihan
ninyo sila na ikaw ay nandoon lang para magsa-ayos, ngunit nasa kanila ang pagpasiya
kung ano ang dapat gawin.
Siguraduhing
ang lahat nang kanilang mga gagawin ay nakasulat sa pisara, upang silang lahat ay
makakita nito, at ito ay isulat nang talaan upang magamit sa mga dumating na panahon.
May
dalawang uri nang mga paraan ang maaring magamit; (1) ang pag iwas sa pagkalat nang
sakit at (2) pagpahina sa resulta nang sakit at ang paglaki nito. Hanggang ngayon,
ay walang nakitang lunas ang mga nananaliksik laban sa sakit na ito, at ang mga gamot
na nakapagbigay dagdag nang buhay sa mga maysakit ay di madaling makuha doon sa mga
mahirap na mga bansa.
Pag
-iwas: Pagbibigay aral para sa pagbago nang mga ginagawa:
Ang
AIDS ay nakakamangha sapagkat ito ay mahirap makuha. At ang HIV ay hindi madaling
kumalat di tulad nang ibang mga sakit.
Ang
pag-alam kung paano maiwasan ang AIDS, ay kalahati na sa paglunas nito. Ang pagpayag
sa pagbago nang iyong mga ginagawa ay ang ibang kalahating lunas. Tulad nang sinasabi
ni Mao Tse Tung, "ang isang kadena ay kasing tatag nang kanyang pinakamahinang dugtong".
Kung ang isa ay nandiyan ngunit ang isang pares ay wala, ay di mo maiwasan ang pagkalat
nang sakit. Ang kaalaman at ang pagpayag. .
Sa
pag-alam na ang HIV ay makuha, ang unang kalahating parte nang lunas, ay mahalaga.
Ito ay naglakip nang mga kaalaman paano ang HIV ay hindi makuha; maraming mga haka
haka ang dapat di pagtuonan nang pansin. Ang microbyo ay dapat nasa tubig nang katawan
at temperatura nang tao. Ang mikrobyo ay namamatay sa labas nang katwan sa loob nang
dalawampung segundo. Ito ay di makuha sa paliguan (swimming pool) at sa paggamit
nang inuduro (matapos gumamit ang isang may AIDS pagkatapos nang dalawampung segundo).
Ang
pagyakap nang isang tao na may AIDS, ay hindi magbigay sa inyo nang HIV, o ang pagtulog
sa parehong higaan (ngunit hindi magtatalik). Ang pag upo sa magkaparehong silid
aralan kahit sa upuan, ang pagkain sa magkaparehong mesa o mantel, ang pag-inum sa
magkaparehong tasa, ang paghawak nang kamay sa pagbati, o sa pagsasayaw ay hindi
nakakahawa nang sakit.
Ang
dalawang pinakadahilan na ikaw ay makakuha nang HIV virus ay ang sa pamamagitan nang
pakikipagtalik o ang paggamit nang iisang karayum. Ang pakikipagtalik ay maaring
sa pamagitan nang bibig, puwit at sa ari. Ang karayum na ginagamit ay maaring sa
paggamit nang bawal na gamot, o sa pagbigay nang gamot sa mga klinika. Ang pagtatalik
ay hindi nakakahawa nang AIDS ngunit ito ang maging dahilan pag ang isa sa mga pares
ay may AIDS. Ang karayum mismo ay hindi makakalat nang sakit, ngunit pag ang unang
gumamit nito ay may AIDS, ikaw ay mahawa dahil sa virus na naiwan sa karayum.
Siguraduhing
alam nang inyong sinasanay na ang pagtatalik at ang karayum (sa ganung bagay) ay
hindi ang dahilan nang AIDS, ngunit sila ay maaring magamit sa pagkalat nang HIV.
Sa
unang pangyayari, may maraming haka haka ukol sa AIDS. Sapagkat ang unang biktima
nang AIDS doon sa Tinipong Bansa nang Amerika ay nanggaling sa Haiti at isang bakla,
maraming mga tao ang nag aakala na ang pagiging bakla ay isang dahilan nang AIDS,
ngunit ito ay hindi totoo at hindi nagmula sa Haiti. Sa maraming bahagi nang Afrika,
ito ay pinaniniwalaan na ang pagtatalik sa pamamagitan nang puwit, ay ang dahilan
nang AIDS; ngunit ito ay hindi totoo.
Ang
ibang pamamaraan sa pagtatalik ay nagpapalakas sa pagkalat nang AIDS. Tulad nang
pakikipagtalik sa pamamagitan nang puwit, ay magresulta nang mga munting galos doon
sa mga balat, at hayaan nitong magkahalo ang mga dugo. Ang ginagawa naman nang ibang
lugar, ay babae ay magkaroon nang konting pagdudugo nang kanilang ari dahil sa inpeksiyon
dulot nang paglagay nang dumi nang hayop nito, at sa ganun ang mga lalake ay magkaroon
nang matinding karanasan sa pagtatalik, at ang gawaing ito ang sanhi nang pagkahalo
nang mga dugo.
Ang
isang mahalagang bagay, na nangangailangan nang malalim na pagpapaliwanag sa inyong
mga sinasanay. Dapat sila ay pagsabihan nasa pagtatalakay nito, ang pagtatalik ay
kalakip at may maraming malakas na pananaw tungkol nito, at ang pagtalakay tungkol
nito.May maraming mga bawal tungkol sa pagtatalakay ukol sa pagtatalik, konsensiya,
pagiging hindi mapalagay, takot na malaman nang ibang tao, at ang pag iisip na ito
ay di dapat pag-usapan sa harap nang maraming tao. Nais nating ipakita na ito ay
hindi totoo.
Ang
pagnanasa sa pakikipagtalik ay isang karaniwang pangangailangan nang isang tao, tulad
nang pagkakagutom, pag-inum at pagtulog. Maaring dahil sa maraming ipinagbawal sa
atin, at pinagtibay nang mga relihiyon, ngunit kadalasan hindi natin nakita ang katotohanan
na ito ay handog nang Maykapal, at tayo ay nagpapanggap na wala ito. Pinagbawalan
natin ang mga kabataan at mga tumatanda na malaman ito. Sila ang mga taong dapat
maka alam nito ngunit, ang nangyayari ay napakaliit nang kanilang nalalaman tungkol
dito. Ang mga bagay na ito ay dapat ituro sa kanila sa pamamagitan nang pagiging
bukas, makatotohanan at detalyado. Dapat mong hamonin ang inyong sinasanay. Ikaw
ay hindi nandoon upang pagsabihan sila kung ano ang kanilang talakayin. Pag hindi
nila pag uusapan ang tungkol sa pagtatalik at ang pagkalat nang sakit, malamang maraming
buhay ang masawi. Ito ay mahalaga sapagkat ito ay nangangahulugan nang buhay at kamatayan,
at dapat nilang talunin ang kanilang mga takot na pag-usapan ito.
Ang
pag alam kung paano ang HIV nakakahawa, ay kalahati lang sa lunas; at hindi nakapigil
sa pagkalat nito. Ang kalahati nang lunas, ay ang pag iwas nito, na nangangailangan
nang pag intindi nang mga tao at ang pagbago nang kanilang mga ginagawa upang ang
sakit ay hindi kakalat.
Maraming
pagsusuri ang ginagawa ang nagpapakita na ang mga nagkaroon nang HIV ay nalulungkot
at nawalan nang pag asa para mabuhay pa, pag nalaman nila na sila ay may sakit, at
ang pagkalat ay dahil sa pagtatalik na hindi ligtas at paggamit nang iisang karayum.
Iniisip nila na sila ay masyadong mahirap at wala nang magagawa, at nang malaman
nila na sila hindi na magtagal sa mundo, ay gusto nalang nilang paliligayahin ang
kanilang sarili habang buhay pa. Ito ay kadalasang nangyayari sa mga batang lansangan
sa mga naglalakihang mga lunsod sa mga naghihirap na mga bansa. Ilan sa mga taong
maysakit nito ay magalit, at ang kanilang kadalasang gawin ay pagdamay nang ibang
mga tao sa pamamagitan nang pagkahawa nito.
Sa
ibang mga pamayanan, ang mga babae ay inaasahang sunuod sunuran sa gusto nang mga
lalaki. Karamihan sa mga lalaki, ang paggamit nang kondom sa pagtatalik ay hindi
nakakaligaya di tulad nang wala. Pag ang mga lalaking yon ay ay gusto sa mga pamamaraan
na nakakahawa nang HIV, sa ganun ang mga babae na may alam paano ito nakakahawa,
ay maari ding mapilit sa pagkalat nito. Pag ang pagtatalakay ukol sa pamamaraan sa
pagtatalik ay hindi pinag uusapan sa harap nang maraming tao, simbahan, mosque, paaralan,
radyo, telebisyon, pagtitipon sa mga bayan, pagtitipon nang mga kagawad, at kahit
saan na ang mga tao ay tumatalakay sa mga isyu tungkol sa mga tao. Ang mga lalaki
na hindi gumagamit nang kondom ay hindi makakita nang katotohanan. At sila ay magpapatuloy
sa pakikipagtalik na hindi ligtas at hindi inintindi ang masamang dulot nito
Ang
isang sagot ay suportahan sila nang positibong pag-iisip. Pag ang mga tao ay hindi
mag-iisip na sila niloloko, at tanggap at mapapasalamatin nang mga bagay na nasa
kanila at umaasa na mayron pang magagawa upang mabago ang kanilang hinaharap, sa
ganun ang kanilang masamang pag iisip ay mawala. Di mo matanggal ang masamang bagay
sa pamamagitan nang isa pang masamang bagay, dapat lagyan mo nang magandang bagay
ang mga puwang, at ang mga masamang pag-iisip ay biglang mawala
Pag
ang mga tao ay payag sa paggawa nang lahat nang bagay upang malaman nang lahat, at
pagbigyan nang pansin ang mga tao upang mabago ang kanilang mga ginagawa, sa ganun
ang pagsuporta ukol sa pagbibigay aral ay kailangan. Marami ukol sa pagpapakilos
nang pamayanan na pamamaraan sa pagbibigay aral ang nakalarawan sa dokumentong ito. Pagpapakilos
para sa Sambayanan."
Tulad
nang gawain nang pamayanan, ang isang halimbawa nang tagumpay na masundan nang mga
malaking tagumpay. Kung mahikayat mo ang mga tao na magkaisa at pumili nang isang
mahalagang proyekto at pag ito ay mabuhay at lumaki, ikaw din ay nakabuo nang isang
magandang asal. Maaring ikaw ay mag umpisa sa mga bagay na kaya at madaling gawin.
Pababain mo at nang pamayanan ang inyong mga layunin at magkaroon kayo nang ilang
tagumpay sa umpisa' at pagkatapos ay subukan ang mga mahihirap na mga bagay.
Tandaan
na ang pag iwas at ang pagbago nang mga ginagawa ay nangangailangan nang dalawang
mahalagang parte: (1) Pag intindi kung paano ang HIV kumakalat at (2) Pagsang ayon
sa pagbago nang mga ginagawa upang maiwasan ang pagkalat ito. Ang pag unawa at pagsang
ayon ay maaring magagawa sa pamamagitan nang mga pamamaraan sa pagbibigay kakayahan
nang pamayanan.
Pag-iwas:
Pagbibigay nang mga bagay:
Maaring
ang pinakaligtas pamamaraan upang maiwasan ang pagkalat nang HIV ay ang lubosang
hindi magtatalik. Pag ang mga tao ay mag umpisang mag iisip nang totoo, at mawalan
nang takot sa pagtalakay nito, makikita nila na ang pag iwas nang pagtatalik ay kakaunti
lang, ngunit hindi masabing hindi totoo. Kahit ang mga respetadong tao na sumumpa
sa maraming tao na sila ay hindi kasali sa mga nakikipagtalik, ang kadalasan malaman
nalang natin sa huli na sila ay nakikipagtalik din sa lihim na paraan.
Pagkatapos
nang pag-iwas, ano ang pangalawang paraan? ang paggamit nang kondom.
Pag
ang kondom ay madaling makuha at mura, ito ay madali para sa mga taong gustong makikipagtalik
at matigil ang pagkalat nang HIV, sa pagkuha at paggamit nito. Ito ay madali sa mga
siyudad na may maraming tindahan at pamilihan na nagtitinda nito at madaling mabili
na walang hadlang. Sa ibang mga lugar tulad nang bayan, ang pagkuha nang kondom ay
maaring mahirap at magkaroon nang problema. Dito, kailangan mong pagsabihan ang mga
tao na huwag matakot at maging bukas sa sarili. Sa sandaling ito tingnan ang Sambayanan.
Pag
ang pamayanan ay seryoso sa pagtigil nang AIDS, ipa-alam mo sa kanila, na sila ay
maaring makabuo nang isang pribadong grupo na magbibigay nang kondom para sa mga
tao, at ipaalam ito sa pamamagitan nang pagtuturo doon sa mga simbahan, mosque at
templo, paaralan at mga pagtitipon nang mga tao. Kung ang paglagay nang mga kahon
para pagkunan nang kondom doon sa mga pampublikong palikuran ay hindi maari, kung
ganun ay dapat humanap tayo nang ibang pamamaraan. Ang mga lalake at babae ay maaring
magamit para maglako nito (sa pamamagitan nang maingat na paraan), sa mga kapwa lalaki
at babae.
Ang
isang maliit na grupo nang mga lokal na volunteer(mga gumagawa kahit walang sahod)
ay maaring sanayin upang bumisita nang mga paaralan, simbahan, mosque at templo at
mga pagtitipon para ipakita ang wastong paggamit nang kondom bilang isang mabisang
paraan sa pagtigil nang pagkalat nang HIV. Pag ang isang mahiyaing tao ay magsabi
na ang paglako nang kondom ay isang nakakahiyang bagay, pagsabihan ninyo sila na
ito ay isyu tungkol sa buhay o kamatayan.
Sa
ibaba, sinasabi dito na ang pinakadaling pamamaraan sa pagkalat nang HIV (na hindi
dahil sa pagtatalik) ay pamamagitan sa paggamit nang iisang karayum sa pagamot o
sa paggamit nang bawal na gamot. Tulad nang ginagawa sa pagbibigay nang murang kondom,
ang pamayanan ay maaring magbuo nang pribadong grupo upang magbigay nang malinis
na karayum. Sa lahat nang mga gawaing ito, huwag kang gagawa nito para sa kanila,
sapagkat sila ay maging mahina, dapat pagisahin ninyo sila at hikayatin sila na gawin
ito nang kanilang sarili sa pamamagitan nang kanilang grupo at ito ay magpapatatag
sa kanila.
Pag-iwas:
Pagbibigay nang ibang Pagkakakitaan:
Ang
isang mahalagang pamamaraan pagkalat nang AIDS ay ang pagbebenta nang laman. Maraming
mga tao, kadalasan mga babae, ang napilit sa ganung kalakal dahil sa kahirapan at
mga pangangailangan tulad nang mga gastosin sa pag-aaral nang mga anak. Sila ay nakikipagtalik
nang kani kaninong mga lalaki bawat araw. Marami sa kanila ang ayaw gumamit nang
kondom. Ito ang pinakadaling pamamaraan sa pagkalat nang HIV.
Ang
mga nagbebenta nang laman, at mga nagmamaneho nang mga sasakyan, ay ang kadalasan
naging biktima nang pagkahawa nang HIV. Sapagkat ang kahirapan ang pinakadahilan
sa pagbebenta nang laman, madaling sabihin nating na ang pinaka mabisang lunas ay
ang pag ahon nila sa kahirapan at sa ganyang kalakal, ay sa pamamagitan nang paghahanap
nang ibang mapagkakakitaan.
Tatlong
mga paksa sa dakong ito ay iginugol para sa ibang pagkikitaan, at ang pamamaraan
paaon ito gagawin. Ito ay naglakip nang: (1) Mga
pamamaraan sa pagkakaroon nang pagkikitaan, (2) Ang
pagbuo nang isang grupo na nagpapautang, (3) Mga
kakayahan na kailangan sa pagpapatakbo nang isang pautang.
Kung
ang inyong pakay ay ang paggamit nang pagpapautang bilang pamamaraan sa pagpapatigil
nang mga tao sa pagbebenta nang laman, dapat mong gagawin ay pagbuohin muna sila
nang isang grupo at bigyan nang mga pagsasanay. Di lang na ikaw ay dapat matino ang
pagkatao, ikaw ay nangangailangan ring makikipag usap sa mga ibang miyembro nang
pamayanan upang sila ay maka intindi sa sa iyong mga pakay at gustong mangyayari.
Sila ay dapat makiramay sa kalagayan nang mga taong ito, at sila ay tingnan na biktima
nang pagkakataon, at hindi na pumasok lang sa kalakal na ito upang bigyan nang kahihiyan
ang ibang mga tao nang pamayanan.
Ang
pagbibigay aral ay mabisa pag ginagawa nang pamayanan kaysa ito ay gagawin para sa
kanila.
Pag-iwas:
Pagtigil nang paggamit nang iisang karayum:
Di
lang dahil sa pagtatalik, ang pangalawang pinakadaling paraan sa pagkalat nang HIV
ay ang paggamit nang iisang karayum.
Kung
ang hiringilya na may karayum ay ginagamit sa pagpasok nang gamot o lunas para sa
katawan nang isang taong may HIV, ang virus ay maiwan (sa kahit maliit na laman)
doon sa loob nang karayum. Pag ang karayum na iyon ay gagamitin ulit sa isang madaling
saglit sa iba, sa ganun ang ang virus ay naipasok din sa katawan nang pangalawang
pasyente. Kahit ang karayum na ginagamit sa pagpasok nang bawal na gamot sa katawan,
o ginagamit nang mga mangagamot sa pagbigay nang lunas nang mga maysakit. Ang pamamaraang
yon ay nagpakalat nang HIV virus. Sa dalawang kasong iyon, ang dahilan sa paggamit
nang iisang karayum ay upang makatipid, sa pagtitipid nang pera sa ganitong paraan,
maraming buhay ang nasawi.
Sapagkat
ang taong nahawa nang sakit ay hindi nagpapakita nang simtoma nang AIDS nang ilang
mga taon, ito ay mahirap kilalanin kung sinong mga tao ang maydala nito.
Ano
ang iyong magagawa bilang isang tagapagpakilos, sa paggamit nang iisang karayum?
Sa
maraming beses nating sinasabi dito, huwag kang magbigay nang mga pangaral; huwag
kang mainis; at huwag kang mangumbinsi. Pag ang pagkamatay nang maraming tao dahil
sa AIDS, ay makikilala nila bilang isang problema, ikaw ay nagkaroon nang pagkakataon
sa pagpasok. Pag -usapan ninyo ang maaring gagawin, pag-iwas at ang pagpahina.
Kung
sila ay makakita na ang ginagamit na paraan ay ang paggamit nang iisang karayum,
at ginagamit parin ito. Sa ganitong pagkakataon ay tanungin ninyo sila kung ano ang
dapat gawin, kung nakita nila na ang dapat gawin ay ang pagbabago nang mga ginagawa,
pagpayohan niniyo sila na ang gawaing ito ay nangangailangan nang pag-unawa at pagsuporta.
Di nila ito madaling pagsang-ayonan sa isang pagtitipon nang mga kagawad nang pamayanan,
na ang kanilang ginagawa ay agad agad babaguhin, at magpasa nang mga panukala na
tahimik lang na nakalagay sa mga talaan.
Ang
mga kaalamang ito ay dapat pag-usapan sa harap nang maraming tao, at dapat nilang
talunin ang kanilang mga takot.
Ang
mga lokal na mga pangulo na kilala nang mga tao nang pamayanan, ay kailangang magpakita
nang kanilang lantarang pagsuporta sa pagbago nang mga ginagawa. Sila ay dapat magsalita
sa mga pagtitipon,doon sa mga paaralan, sinbahan ,mosque, radyo at telebisyon.
Ang
mga adik at mga pasyente ay dapat humingi nang malinis na karayum bilang panghadlang
laban sa pagkalat nang HIV.
Ang
pamayanan at hindi ikaw ang maaring maghanda nang isang pangsuportang pribadong grupo
upang itaas ang kaalaman nang mga tao tungkol nito at igiit ang paggmit nang malinis
na karayum. Ikaw ay maaring makapagbigay nang gabay at tulong sa kanila.
Pagpahina:
Pagbibigay nang pangangailangan nang mga batang nawalan nang mga magulang:
Ang
sakit na AIDS ay hindi umatake nang kahit kanino. Ito ay sinasabi sa itaas, na tulad
nang nagbebenta nang laman at mga drayber nang sasakyan, ay sila ang mga kadalasang
nabibiktima. Ito ay nakakapagbigay pansin na pangyayari, at nakakamangha, sa sandaling
may maraming mga namamatay na nagbebenta nang laman marami ang pumalit sa kanila,
at ito ay dahil sa kahirapan, at maraming mga tao ang pumasok sa kalakal na ito.
Ang mga bagong nagbebenta nang laman dahil sa kawalan nang karanasan sa paggamit
nang ligtas na pagtatalik, ay siya rin ang sanhi sa maraming masawi.
Ang
mga drayber na may maraming karanasan sa pagmamaneho ay mamatay din, na magbunga
sa kawalan nang mga magaling mag mamaneho. Ang mga baguhang drayber na walang karanasan
ang pumalit sa kanila, na magresulta sa kadalasang aksidente sa mga lansangan at
magresulta nang kamatayan at pagdami nang masasaktan.
Sa
buong sambayanan, may mga ibang grupo nang mga tao na mas madaling makakuha nang
sakit na ito. Ang pag aaral ukol sa mga biktima nang AIDS ay nagpapakita na ang mga
taong nagpapakilos at gumigising sa mga pagiisip nang mga tao ay madaling mahawa
sa sakit na ito. Ang mga taong gumagawa nang mga bagay, mga nagplaplano at nagpapatupad
nang mga gawain, ay ang kadalasan nagkaroon nang malakas na pagnanasa at karaniwang
nakikipagtalik sa ibat ibang mga kapares. Ito ay may malaking epekto na makapagpahina
sa takbo nang ekonomiya, politika at sosyal na pag unlad, dilang makapagpahina minsan
ito ang dahilan sa pagbalik sa dating ginagawa. Mag ingat kayo, ang grupong ito ay
naglakip nang mga nagpapakilos nang pamayanan. Sa huli tingnan ang mga sinasabing
gawain sa pagpahina, dahil sa pagbawas nang dami nang mga guro, mga nagbibigay nang
hanapbuhay at mga pangulo.
Sa
simula tingnan natin ang ibang mangyayari sa mga tao. Hindi nakakamangha, ang AIDS
ay naka apekto kadalasan sa mga babaeng nagkaroon nang mga sanggol.Sapagkat sila
ay sa umpisa nagbubuntis, at pagkatapos manganak ay namatay sa AIDS, at nagresulta
nang maraming mga batang nawalan nang mga magulang. Ano ang mangyayari pag ang AIDS
ay ang dahilan sa pagkamatay nang mga maraming nagbubuntis na mga ina? Ang demograpiya
ay nakaka agaw pansin; ang resulta ukol sa mga ito ay nakakagulat. ang piramide nang
mga gulang ay pantay (ang daming mga batang nawalan nang mga magulang kung ihambing
sa talaan nang mundo) at naging manipis sa gitna. Ang mga lolo at lola ang silang
nag aalaga nang mga bata. Kung tingnana natin ang agwat nang kanilang mga gulang,
sila ay nakarating na sana sa gulang na dapat nang magpahinga, ngunit ngayon ay nag
aalaga parin sila nang mga bata. Ayon sa kasaysayan ang mga magulang ay pumunta sa
mga siyudad upang kumita, ngunit sa kasamaang palad sila ay namatay dahil sa AIDS,
Sa pangyayaring ito sino ngayon ang magbibigay nang pera sa mga naiwan upang alagaan
ang mga bata?
Ang
karamuhan doon sa mga naiwan ay mga babae at walang mga pahinga.
Sa
inyong talakayan nang pamayanan, ay malaman ang kanilang pinakamahalagang problema.
Kung sabihin nila na ang kanilang mga anak ay di masyadong naaalagaan, tanungin ninyo
sila kung ano ang dapat nilang gawin para dito. Kung sabihin nilang tagalabas na
ahensiya ang dapat pumasok upang mag aalaga sa mga bata, yan ay hindi pag-umpisa
at hindi mangyayari. Ngunit sa kabilang dako, kung pagpasiyahan nilang ang problemang
ito ay mahalaga at sila ay magbuo nang grupo na nakabasi nang pamayanan o isang pribadong
grupo upang mag-aalaga sa mga bata, sa ganyang pagkakataon sila ay mapapansin. Sa
pinaka totoo ang kaya lang talaga nang pamayanan ay bumuo nang inatasang grupo na
magbigay nang pananghalian para sa karamihan isang araw bawat linggo, at lahat nang
walang mga magulang ay makadalo. Ang makatotohanang paraan na iyan ay maaring maging
umpisa para sa isang malaking grupo, na humahanap at humawak nang pundo, sa huli.
Pag
ang pamayanan ay gustong magbigay nang pagkain doon sa mga inatasang grupo isang
bese bawat linggo, iyon ay isa sa mahalagang hakbang. Muli, tandaan ang aral sa estorya
tungkol sa dalawang batang lalaki; kung ang pamayanan ay mag umpisang tulungan ang
kanyang sarilimaaring may darating na tulong galing sa labas, ngunit paghindi niya
tulungan ang kanyang sarili, ay wala talagang tulong na mangyayari. Tingnan ang dokumento
nang Pagpapakilos
para sa paglikom nang Pundo.
Ang mga tao ay payag na magbigay kung mayron silang makitang pagbabago. Hindi lahat
ay makapagbigay nang pagkain. Ang ilang ay kayang magbigay sa ibang pamamaraan nang
pagtulong tulad nang pamamahala, pagluluto, paglikum nang pera, paghanda nang mga
talaan nang mga gastos, pangungulikta nang mga lumang damit at marami pa, pag ang
grupo ay magkaroon nang ilang mga tagumpay kahit maliit lang.
Pag
ang pamayanan walang gagawin, ito ay nangangahulugan na sila ay nangangailangan nang
tulong galing salabas, dahil wala silang ginawa kahit mliit man lang. Paaalahanan
ninyo sila tungkol dito.
Pagpahina:
Mga batng tumutulong sa mga lola:
Ang
dami nang tao na nasawi nang AIDS ay nakakaapekto sa kalagayan nang mga tao.
Kung
marami sa mga magulang ang namatay, at ang kanilang mga bata ay aalagaan nang mgalolo
at lola, sa kalagayang ito ang mga nakatatandang kapatid ay gamitin para tumulong.
Ang kadalasang pinapatulong ay ang mga batang babae, na nagpapatuloy pa hanggang
ngayon. Ang mga batang babae ay pinahinto sa pag-aaral dahil sa dalawang dahilan.
Ito ay: (1) sila ang kadalasan kinuha upang tumulong sa pag aalaga nang mga bat,
at (2) walang pambayad at sila ay dapat ang unang huminto sa pag aaral.
Ano
ang magagawa nang pamayanan tungkol dito, at ano ang inyong papel tagapagpakilos
upang sila ay tulungan?
Kung
ito ay makita nang pamayanan bilang isang mahalagang bagay, sila ay may magaw upang
mapahina ang sitwasyong iyon. Sila ay maaring makabuo nang inatasang grupo upang
magbigay nang pag-aalaga sa mga bata, maaring sa pamamagitan nang lingguhang beses,
para sa mga batang nag-aalaga. Sila rin ay makabuo nang inatasang grupo sa pagbigay
nang tulong sa araw nang sabado at linggo, upng tumulong doon sa mga lolo at lola
sa paglilinis nang mga tinitirhan, paglalaba, pag iigib nang tubig at ibang mga gawaing
bahay na mahirap gawin nang mga matatanda. Sila rin ay maaring makapagturo sa mga
batang nawalan nang mga magulang. Ang mga batang babae ay tutulong parin sa mga gawaing
bahay at pag-aalaga nang mga bata, ngunit sila ay may pagkakataon parin upang makag-aral.
Bilang
pag uulit, ang pamamaraan ay ang pag umpisa sa maliliit na bagay, ginamit ang kaunting
kakayahan nang pamayanan, at huwag muna ang karamihan. Ang paglikun nang pundo ay
maari nang mag umpisa. Ang pagpapakilos ay isang paraan upang makakuha nang panglabas
na tulong.
Ang
pagwawalang kibo at di pagkilos nang pamayanan ay lalong magpapalubha sa kalagayang
iyon.
Pagpahina:
Kakulangan nang mga guro:
Sa
mga biktima nang AIDS, ang mga nagpapakilos nang pamayanan, ang mga nagulo nang mga
tao ay ang kadalasan ang unang masawi. Karamihan sa lugar nang Afrika, ang buong
paaralan at monsan karamihan sa ibang paaralan ay nawalan nang mga guro. Magkaparehong
kalagayan ang makikita sa ibang parte nang mundo na napinsala nang AIDS.
Sa
unang parte sa paksang ito , kayo ay binigyan nang gabay tungkol sa Nakatagong
mga kayamanan.
Kadalasan tinatago nang pamayanan ang kanilang mga angkin na kakayahan sa pag asa
na magbigay nang tulong ang mga tagalabas. Sa pamamagitan nang pagbibigay nang halaga
sa pagiging matatag na pamayanan, ang tagapagpakilos ay magsasa
ayos nang pagbibigayan nang mga kaalaman sa
mga kasapi nang pamayanan upang tingnan ang mga nakatagong kakayahan. Ito ay maaring
mga taong may kaalaman (ngunit nag reretiro na sa pagtratrabaho)na hindi makapagbigay
nang kanilang oras sa buong linggo, ngunit maaring makalaan nang iilang oras bawat
linggo sa pagtuturo nang mga kabataan (sa halip na magbibigay nang pagkain).
Kahit
ang buong mga topiko ay hindi maaring maibigay, ay maari parin na magbuo nang gumaganang
kaalaman at pagtuturo ukol sa numero at pagbibilang. Tingnan ang paksa ukol sa Pagbibigay nang Kaalaman. Ito
ay nangangailangan nang pagpayag, pagsuporta, pagsaayos, pagplano at pamamahala.
Ito ay maaring gawin bilang isang pproyekto nang pamayanan. Mag umpisa sa maliit.
Ang isang tagumpay ay aani nang marami pang tagumpay.
Sa
sandaling ang grupo ay nabuo na at kumikilos, ang iba ay sasali, at ang iba ay gustong
magbigay, kahit ang mga tagalabas ay magbibigay na rin nang tulong.
Pagpahina:
Kakulangan nang nagbibigay nang hanapbuhay (Mga Amo):
Ang
pinakamahalagang hanay nang pamayanan na may kinalaman sa ekonomiya na nasawi nang
AIDS ay ang mga nagbibigay nang trabaho o hanapbuhay sa mga tao. Sila din ay ang
mga nagpapakilos nang mga tao.
Pag
ang mga amo ay namatay, ang mga trabaho ay nawala din. Ang pagdami nang mga taong
walang hanapbuhay ay isa sa pinakamasamang dulot nang AIDS sa mahihirap na bansa.
Kung
ito ay makita bilang isang mahalagang problema sa pamayanan, ang pinaka mabisang
gawin ay ang paggawa nang trabaho. para sa kanila. Ito ay hindi mangyayari kaagad.
Kung ang pamayanan ay gustong gumawa nang mga bagong trabaho, ito ay maaring gawin
nang kanilang mga sarili sa pamamagitan nang pagsali sa mga gawain na makapagbigay
nang pagkikitaan na binigay sa dakong ito. May tatlong paksa sa pagsasanay; umpisahan
sa
Pamamaraan.
Pagpahina:
Kakulangan nang mga pangulo:
Sa
panghuli, sa lahat nang nagpapakilos na nasawi nang AIDS, ay kasali ang mga pangulo.
Ang mga pangulo ay naglakip nang iba ibang mga klase tulad nang mga politiko, kawani
nang pamahalaan, pangulo nang paaralan, at ahensiya nang pamahalaan, nangulo nang
mga korporasyon nang kalakal na nagbibigay tulong doon sa pamayanan sa pamamagitan
nang kanilang kakayahan sa pamamahala.
Sa
pagkawala nang mga pangulo, ans sagot para sa inyo bilang tagapagpakilos ang pagtulong
sa paghubog nang mga bagong pangulo, at panatilihin ang pagiging malinaw, pananagutan,
para sa lahat at iba pang elemento sa mabuting pamamahala, sa pamamagitan nang pagpapakilos
nang pamayanan patungo sa kaunlaran.
Gawin
mo ang grupo at turuan nang wastong pamamahala sa pamamagitan nang paggawa nang tamang
mga bagay at paano ang isang bagay gagawin sa tamang pamamaraan. Tulungan sila sa
pagkilala, pagsuporta at paghubog nang bago at mabisang mga pangulo. Samanatalang
ang kanilang grupo at pamayanan ay nagkaroon nang pagbabawas nang mga pangulo, ang
isang magaling na grupo doon sa pamayanan ay makahubog nang bagong mga pangulo at
mabuting pamamahala, bilang isang pagpahina sa masamang dulot nang AIDS.
Panghuli:
Ang
paglaban nang AIDS ay maraing mukha. Di mo kayang mag-isang talunin ito. Gamitin
mo ang iyong pamamaraan sa pagpakilos nang pamayanan sa paglaban nito na kung saan
ikaw ay magaling.
Ang
AIDS ay malaking problema. Kahit sa tingin palang napakahirap lutasin, ngunit huwag
mo itong gawing dahilan na mawalan ka nang pag asa at magwawalang kibo nalang. Samantalang
wala itong lunas at nakamamatay, may dalawang pamamaraan na maaring gamitin nang
pamayanan sa ilalim nang inyong pagsuporta at gabay. Sila ay (1) pag-was at (2) pagpahina.
Samantalang ang tulong nang tagalabas ay nandiyan ngunit hindi ito darating kaagad.
Huwag mong aasahan ang mga ito ,at huwag mong hayaan ang pamayanan na aasa dito,
kahit gaano pa ka tama ang dahilan sa paghingi nito.
Tandaan
ang mahalagang aral na ipinakita sa estorya
dalawang
batang lalaki,
Pag ang pamayanan ay magkaisa at umpisahang tulungan ang kanilang mga saril, ang
tagalabas ay mas lalong makakita nang maganda ukol dito at magbibigay nang tulong.
At ang mga tao ay payag na magbigay pag ang pamayanan ay mayrong inumpisahan. Kung
inyong pakilosin ang grupo doon sa pamayanan, ang mga tagalabas ay magbibigay nang
kanilang mga tulong sa pamamagitan nang grupong ito.
Ang
dokumentong ito makapagbihay sa inyo nang lahat nang tulong sa pagbabalangkas nang
pamamaraan sa pag iwas at pagpahina nang AIDS. Ito ay kailangang idugtong at nangangailangan
nang ibat ibang pamamaraan na makikita at ipinapaliwanag nang sunod sunod na paksa
sa dakong ito.
Gamitin
ninyo ang mga ito.
––»«––
Para
sa mga kaalaman ukol sa HIV AIDS ni Dr. Edward Anafi, tingnan dito. Tingnan
din ang: http://www.youandaids.org/
Pag
aaral ukol sa Kalusugan:
© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle Web Design: Lourdes Sada
––»«–– Huling Ulat: 29.04.2011
|