Tweet pagsalin nang mga salita
Català |
PAGPAPAKILOS PARA SA SAMBAYANANPag ang Pakay Nang Pamayanan ay di lang ukol sa mga Pisikal na mga Bagayni Phil Bartle, Doktor ng Pilosopiyaisinalin ni Gerasmo G. PonoMga Babasahin nang isang PagsasanayKahit ang katayuan ay maaring magkaiba, ngunit ang iyong paniniwala ay ganun parinMga Bagay at hindi mga bagay na mga pakay: Kung ikaw ay gagawa nang palitan nang mga kaalaman sa pagitan nang mga grupo nang pamayanan, or gagamit ka nang partisipatori na pamamaraan sa pagsuri sa kanila, kadalasan marinig mo ang kanilang pangkasalukuyang problema. Dapat handa kang pakinggan ang lahat nang kanilang mga hinaing. Dapat mo silang hikayatin na ipaliwanag ang kanilang mga problema,ngunit kadalasan sabihin nila ito sa ibang pamamaraan sapagkat di nila masyadong na intindihan ang buong isyu. Isang halimbawa, sabihin nilang ang kanilang pinakalaking problema ay kawalan nang manggagamot, na gusto nilang magpatayo nang isang pagamutan, ngunit sa kabilang dako ang pinaka problema ay tungkol sa pagkalat nang mga sakit sa mga bata, at ang tamang lunas ay ang paggawa nang mga bagay upang maiwasan ang mga sakit tulad nang malinis na tubig, pagsugpo nang mga lamok o kalinisan nang buong paligid. Kahit pagkatapos mong ipaliwanang sa kanila at pagtulong upang maipaliwanag ang kanilang mga pakay, kalimitan ang kanilang mga sagot ay mga pisikal pa rin na mga bagay. Ang mga kasapi ay maaring magsabi, sa kabilang dako, na sila ay ina api nang mga may ari nang lupa, na gusto nilang sila ay magkaroon nang kapangyarihan ukol sa upa nang lupa. Ang mainam na lunas ay maaring pagbuo nang isang grupo nang mga magsasaka na ang gawain ay ang pagsulong nang mga karapatan nang mga magsasaka doon sa pamayanan. Ang isang kuponan nang mga magsasaka ay magkaiba pag ihambing sa proyekto ukol sa paggawa nang palikuran o patubig, ito ay hindi materyal na bagay. Sa magkahalintulad na mga pangyayari, ang mga kasapi ay maaring magsabi na mayrong mga masasamang grupo na nangungutong doon sa mga mahinang naninirahan sa pamayanan, o ang pag usbong nang kalakalan ukol sa bawal na gamot na nakasisira sa mga kabataan at nagbunga sa pagtaas nang krimin (upnag makabili nang bawal na gamot), Ang magandang sagot ay ang pagpapakilos nang pamayanan, at hindi ang pagpapatayo nang paaralan o pagamutan. Ito ay ang pagbuo nang grupo na handang labanan ang mga problema nang pamayanan. Ang magandang sagot ay ang pagpapakilos nang pamayanan, at hindi ang pagpapatayo nang paaralan o pagamutan. Ito ay ang pagbuo nang grupo upang labanan ang mga problema nang pamayanana. At sa isang pantay, dapat pansinin mong magkapareho ang pisikal at hindi materyal na mga pakay. Dapat mong tulungan ang pamayanan sa pagbuo nang kakayahan sa paggawa, maipaliwanag at maabot ang kanilang mga layunin. At sa ibang pantay, dapat mong malaman ang pinaka problema na nakapaloob sa ibat ibang klase nang mga layunin. Isang halimbawa ang problema sa tubig, ay nagpapakita nang ibat ibang isyu na lumalabas nang sandaling ang pamayanan ay pinapakilos upang ito ay magkaroon nang tubig, na kalimitan lang mangyayari sa ganung sektor. At tulad nang pisikal na layunin ukol sa problema sa bawal na gamot,karahasan, o pang aapi sa mga magsasaka. Ang pagpapakilos nang mga kabataan upang magbuo nang kuponanan ukol bsa palaksan ay may ibang elemento sa pagitan nang pagpapakilos nang pamayanan sa pagkuha nang buhangin para sa pagpapatayo nang gusali. Ang Pangangailangan nang Sambayanang Pangsuporta: Kung ikaw ay tutulong nang isang pamayanan upang bumuo nang isang Sambayanang Pangsuporta, ikaw ay tumutulong para sa dalawang mga layunin. Ikaw ay (1) tumulong sa pamayanan upang wastuhin ang isang bagay na mali, at (2) nais mong magbigay nang tulong upang lumaki ang isang sambayanan, at mga gawain nang mga tao, na kailangan sa pagpapatatag sa isang demokrasya at ang pagpapa unlad sa isang pamayanan sa ilalim nang demokrasyang pamamahala. Sa sandaling tayo ay natuto nang natuto, lumalago ang demokrasya kung ito ay sinupurtahan nang iba ibang bagay galing nang sambayanan. Ito naglakip nang mga kalayaan sa pagsasalita, medya, pagbuo nang samahan (na hindi pinakialaman nang pamahalaan), at mabuting pamamahala (malinaw na pamamalakad, paos pusong paglilingkod, pantay na pamamahala, may batas na sinusunod at para sa lahat). Ang pamamaraan sa pagkakaroon nang mababait na katunggali (na salungat kung pakinggan)doon sa kongreso, at mga grupo na kadalasang nagbigay pangungutya sa pamahalaan(halimbawa grupo nang mga tao) sa labas nang kongreso, ay hindi nakakahina sa isang pamahalaan, ngunit ito ay nakapagpatatag nito. Kung titingnan nating parang salungat talaga. Ito ay tulad nang pag-intindi nang bagay ukol sa "Pakikitungo sa mga Tao". sapagkat ang kapangyarihan ay nakakaloko, at ang pangungurakut ay kakalat sa sandaling ang kapangyarihan ay lalaki, sa ganun ang pamahalaan ay dapat panatilihin ang kanyang pagiging tutuo at dapat managot sa bayan. (Tingnan ang: Pagpapakilos at ang Poliitika). Ang pagiging tutuo ay suportado pag ito ay ayon sa batas (at inimungkahi) na ang mga kilos nang pamahalaan ay usisahin nang bayan at upang ito ay maging maingat sa kanyang mga ginagawa upang maiwasan ang kahihiyan. Ang mga malayang pribadong grupo na lantarang tumuligsa sa pamahalaan ay isang magandang gawain upang ito ay mananatiling matapat sa bayan. Pag ang bayan ay may mga grupo nang mga tao na makagpagsasabi nang kanilang mga iniisip at mga hinaing kahit sila ay di sang ayon nang pamahalaan, ito ay palatandaan na matatag ang isang bayan. Pag ikaw bilang isang tagapagpakilos ay makatulong nang mga tao sa pagbuo nang grupo na tagasuporta doon sa pamayanan, hindi mo lang sila binigyan nang kakayahan sa pagpapakilos nang kanilang mga sarili, ngunit ikaw din ay nakakatulong sa pagpapatatag nang buong bayan. Sa kabilang dako (Sa Pagpapakilos at Politika), ikaw ay pinagbawalan sa pagsapi nang isang partido. Dito malaman mo kung paano mo magamit ang inyong kakayahan sa pagbuo nang mga grupo na makapagbibigay nang kanilang mga kuro kuro ukol sa politika. Ito ba ay pagsasalungat? Hind pag sinunod mo ang gabay nang isang tagapagpakilos; huwag mong gagawin ang mga trabaho nang mga tao, ngunit sa halip suportahan at sanayin niyo sila sa pagpapatupad nito, sa pamamagitan nang pag aayos nang kanilang mga gawain at hindi ang paggawa nito. Ang isang Pribadong Grupo ay Gagawa sa Kanyang mga Gawain: Ang isang lumang kasabihan sa kanlurang Afrika ay "nagsabi na hindi magkapareho ang lahat nang laman nang dagat", kahit sabihin nating silang lahat ay isda". Ang isang PG (Isang Pribadong Grupo) ay isang lumang pamamaraan, pagbuohin ang iba ibang klase nang mga kuponan, sapagkat sila ay hindi parte o bahagi nang balangkas nang pamahalaan. Ang mga pribadong grupo ay iniintindi bilang salungat (sapagkat ito ay hindi nakalinya sa pamahalaan). Ang tanyag na pananaw ukol sa pribadong grupo dito sa atin ay isang grupo nang mga tao, na nagmamalasakit ukol sa isang isyu o bagay. Sila ay nagbibigay nang kanilang mga oras at kakayahan upang gagawin iyon at magbuo nang grupo nang matitinong mga tao na hindi kumikita at hindi kinakailangang gumagawa nang mga bagay na pinapatupad nang pamahalaan. Ang isang pribadong grupo ay maaring ganito, ngunit hindi lahat, may mga mararaming klase. Sa buong mundo, sa ilang mga bansa, ang mga pribadong grupo ay gumagawa nang mga maraming bagay:
Ilan sa mga gawaing ito ay ginagawa nang mga ahensiya nang kalakalan o mga ahensiya nang pamahalaan sa ilang mga bansa at lugar, at nang mga pribadong grupo sa iba. Bakit ang daming halimbawa?Ikaw ay maaring magbuo o makapagpakilos nang mga tao upang makabuo nang isang kuponan, isang pribadong grupo na gagawa nang iba ibang mga bagay. Ang kailangan ikaw ay magkaroon nang talakayan sa mga tao, upang linawin ang mga isyu o mga bagay, lutasin ang mga problema, at siguraduhin na maayos kanilang bawat mga hakbang at hindi sila palaging aasa sa inyo. Ang mga pribadong grupo ay binubuo sa mga mayayamang mga bansa upang makalikum nang pundo para sa mga mahihirap na bansa, at sioa ay natagpuang nagpapadala nang pera para makabili nang mga baril para sa mga masasamang grupo.Sa kabilang dako, may mga pribadong grupong na mukhang nagbibigay nang tulong (sa panglabas) ngunit sa katotohanan binuo nang mga pulis o nang pamahalaan upang makapasok at maniktik sa mga rebeldeng grupo. Isang uri nang pribadong grupo na karamihan sa mahihirap na bansa matatagpuan, na kadalasan ang Nagkaisang Mga Bansa o mga ahensiya na nagbigay nang pundo ay naghahanap nang isang lokal na pribadong grupo upang magpapatupad nang kanilang mga pamamalakad, ay kadalasan mga grupo na nagpapabayad nang kanilang mga serbisyo. Ito ay binubuo nang isang tao, maaring may iilang mga tauhan, at ito ay nagpapabayad nang kanilang mga serbisyo sa mga nagbibigay nang pundo. Ang kanilang mga talaan nang mga gastusin, ay maaring hindi mo makikita ang kanilang mga kinikita, ngunit ito ay isang paglilito lamang, sapagkat ang mga binabayad ay ginagamit para sa mga gastusin nang kanilang opisina at sahod nang mga nagpapatakbo nang pribadong grupo. Ang maliliit at baguhang grupo na kinokontrata ay kadalasan tinatawag na "Pribadong grupo na naka maleta", sapagkat sila ay walang opisina at tauhan, siya lang isa na nagmamay-ari at ang kanyang maleta. Ilan sa mga dayuhang pribadong grupo na kumukuha din nang kanilang mga pundo tulad nang Nagkaisang mga Bansa o tulong galing sa Tinipong Bansa Nang Amerika, ay magkapareho, halos magkatulad ang mga komersiyal na grupo na nagpapabayad. Tulad nang negosyo na kumikita, ang mga grupong ito ay hindi magbigay nang tulong para sa kapakanan nang mga tao. Sila ay walang kibo, hindi magbibigay nang pananaw tulad nang mga ordinaryong mga tao na salungat sa mga sinasabi nang pamahalaan, sapagkat ang kanilang ay inintindi ay tungkol lang sa pera. Kung ikaw bilang isang tagapagpakilos, ay magbuo nang mga tao na mangulo sa isang grupo, gumawa nang mga bagay na gusto sa karamihan, ikaw gumawa nang grupo na nakabasi nang pamayanan. Ang isang grupo na nakabasi nang pamayanan ay isang pribadong grupo (hindi nakalinya sa pamahalaan), samantala ilan sa mga grupo na nakabasi nang pamayanan ay kalimitan maihalo doon sa bayan, at sa pambansang balangkas nang pamahalaan, at hind na maaring tawaging pribadong grupo. Ang pamamalakad nang isang pribadong grupo ay naglakip nang kusang pagsapi (at kadalasan mag bayad sa pagpamiyembro), mayrong taonang pagtitipon upang pumili nang kanilang mga opisyales, at malamang mayrong mga tauhan na may sahod. Kung ikaw ay magbuo nang isang kuponan, humanap ka nang paraan upang magkaroon nang talakayan doon sa pamayanan, upang masiguro na ang mga tao ay palaging kasali sa paggawa nang mga pasiya nang iyong grupo. Ang kaibahan nang Bayan at Lunsod: Kung ihambing mo ang pagpapakilos doon sa mga lugar nang isang bayan doon sa lunsod, mayrong iilang bagay na magkapareho. Kadalasan binigyan nang pansinnang mga taga bayan ang mga pisikal na mga bagay tulad nang: tubig, pagamutan, paaralan, at daan. Sa kabilang dako doon sa lunsod naman, kadalasan ang nagyayari mga taong walang mga tahanan at nakatira sa eskwater at kalat kalat na sambayanan, kung tingnan natin nang mabuti ang kanilang problema ay maaring pisikal na mga bagay tulad nang pabahay, ngunit sa katotohanan may iba pang mga problema na mas mahalaga pa sa pisikal na mga bagay. Ang isang halimbawa nang isyu nang lunsod ay ang ugnayan sa mga nagmamay-ari nang lupa at bahay at ang mga nangungupahan. Ang mga bahay ay nasira at hindi inayos nang mga residente, dahil hindi nila pagmamay ari ito, sa kabilang dako ang may ari naman ay ayaw gumastos para sa pagpa ayos nang mga bahay. Ang pagtutuloy doon sa mga bahay ay hindi maasahan sapagkat ang mga tao ay maaring itaboy kahit anong oras na walang paalam o maaring malilipatan. Ang mga problema ay marami. Pag ang buong nangungupahan ay magkaisa, at tulungan silang kilalanin ang tunay na problema, maaring pagsabihan mo sila na ang problema ay tungkol sa kanilang kawalan nang karapatan bilang nangungupahan. Ang bagay na maari nilang gawin ay bumuo nang isan grupo - Isang Kuponan na magtatanggol sa karapatan nang mga Nangungupahan. Bilang isang tagapagpakilos ikaw ay kailangan na manatili sa kanilang likuran. Ito ay nangangailangan nang disiplina at pagmakumbaba; mayrong maraming tentasyon na ikaw ay maging pangulo nang mga tao. Ngunit ang sinasabi nang gabay ay ang gagawin mo ay ang pagsasa ayos lang nang mga gawain, at hindi ang gawin ito para sa mga tao. Huwag kalimutan ang kasabihan sa Pagbibigay nang Kakayahan na pamamaraan; pag ang tagapayo ang gumawa nang mga pag ehersisyo para sa manlalaro, sa ganun ang taong iyon ay hindi magkaroon nang katatagan. Ito ay talagang nakaka enganyo pagtanggap nang papel bilang isang pangulo nang pamayanan; lalo na paghikayatin ka nila ukol dito. Kung ikaw ay manatiling tagapag ayos, at gagawa nang pagsasanay sa mga tao at hindi ang gagawa nang mga bagay para sa kanila, ikaw ay mas maging epektibo. Pagpapakilos ukol sa Pakikitungo sa mga Tao: Pag ikaw ay nagpapakilos nang pamayanan patungo sa isang hinid materyal na mga bagay, pag isipan mong mabuti ang inyong mga pamamaraan, at gamitin ito sa ganitong pagkakataon. Sa pamamagitan nang pagbibigayan nang mga ini isip at partisipatori na pagsusuri, hayaan mong ang mga kasapi nang pamayanan ang siyang kumilala sa kanilang pinakalaking problema. Himokin mo silang linawin ang kanilang mga isyu. At sa bandang iyon, tulungan ninyo sila na kilalanin ang kanilang pangunahing layunin. Ipaliwanang ang tungkol sa SMART (paggawa nang layunin na simpli, masukat, maabot, may kakayahan na magamit upang makamit ito, at may tamang panahon upang magaw ito), at kung paano sila makakuha sa mga maliliit na mga pakay galing sa mga malalaking mga layunin. Himokin ninyo sila upang makabuo nang mga pamamaraan upang malutas ang kanilang problema. Tanungin ukol sa Apat na tanong sa pagplano at pamamahala. Huwag kalimutan na isali kung paano ang kanilang mga gawain subaybayan Kung sila ay gagawa nang mga talaan nang kanilang mga gawain. Tingnan kung gaano kalaki ang pundo na gagamitin sa kanilang proyekto, at tingnan kung paano makuha ang pundong ito. Ihanda ang para sa (1) paggawa nang pasiya at (2) Ang tamang gawain. Sa pag umpisa nang mga gawain, tingnan ang kakayahan at kayamanan na pangangailangan, at gumawa nang pamamaraan papaano ito makuha. Ang lahat nang pamamaraang ito ay nakasalaysay sa loob nang dakong ito . Gamitin ninyo ito sa hindi mga pangkaraniwang pagkakataon at problema. Sa di magkaparehong mga pangangailangan tulad nang palikuran, daan, pagamutan, paaralan at tubig, ngunit magkaparehong pamamaraan sa pagbibigay nang kakayahan ay pweding gamitin sa mga hindi pisikal na mga pangangailangan. Mayron bang krimin at karahasan na nangyari sa mga kabataan? Ang mga grupo nang mga basag ulo ay isang panganib? Ang mga grupo bang ito ay maari bang pakilosin upang gumawa nang pasilidad para sa palakasan? May problema ba tungkol sa bawal na gamot? Maryon bang kaguluhan ukol sa ibat ibang uri nang tao? Ang pagkakaroon ba nang walang trabaho sa mga batang babae o lalake ay ang dahilan sa pagbebenta nang laman? Ang pamayanan ba ay maaring pakilosin upang magbigay nang ibang pamamaraan nang hanapbuhay. Ang dakong ito ay hindi makapagbigay sa inyo nang buong pamamaraan; ito ay makabigay lang sa inyo nang gamitpaano gumawa nang iyong sarili. Huwag mong subukang lutasin ang problema nang mga tao. Huwag kang gagawa nang mga bagay para sa kanila. Ngunit himokin ninyo sila na kilalanin ang kanilang mga problem, bigyan nang mga kakayahan ang mga tao upang lutasin ang mga ito, at huwag kalimutan na sila ay maging matatag pag sila ay hayaang gumawa para sa kanilang mga sarili. ––»«––Tingnan ang: http://www.undp.org/cso/ Isang pagsasanay: © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
unang pahina |
pagsuporta |