Tweet pagsalin nang mga salita
Ibang mga Pahina:Mga ModyulMapa ng SiteMga KeywordIpagbigay-alamGinagamit na mga DokumentoMga Magagamit na Linkmga lamanmga lamanmga lamanmga lamanmga lamanmga lamanmga lamanmga lamanmga lamanmga laman |
ANG PAGPUTOL NANG PARTE NANG ARI NANG BABAEAng Papel nang Isang Tagapagpakilosni Phil Bartle, Doktor ng Pilosopiyaisinalin ni Gerasmo G. PonoMga Babasahin nang isang PagsasanayPaggawa nang Pamamaraan Ayon sa Pagbibigay Lakas nang Isang PamayananPangulong Boud: Paggawa nang mga Epektibong Pamamaraan, ginamit ang mga gawain nang mga tagapagpakilos, upang mahinto ang nakasanayang pagputol nang ari nang babae. Panimula; Ang Pamamaraan nang Tagapagpakilos Paano Lutasin ang Nakasanayang Pagtuli nang mga Babae: Ang nakasanayang gawaing pagtuli nang mga babae doon sa mahigit kumulang tatlumpong bansa nang Afrika at Gitnang Silangan, at sa ibang mga bahagi nang Asya, Hilagang Amerika at Europa, ay isa sa mga nakakagulong mga pangyayari sa buong mundo. Kung ikaw ay isang tagapagpakilos at ito ay nanagyayari sa iyong pamayanan na tinitirhan, malamang ang pangyayaring ito ay alam mo. Kung ganun, ay dapat mong malaman kung saan ito nang galing at ano ang kahaalgahan nito sa nakasanayan, mga pagkakaiba nang kanyang mga pamamaraan, ang mga suliranin ukol sa paggamot(pangangatawan at pag-iisip)na kalakip nito, at ang mga inalala ukol sa karapatang pantao nang Nagkaisang mga Bansa, mga pribadong grupo, at mga taong may alam sa gawaing ito pati na ang masamang dulot nito. Ang dokumentong ito ay hindi nakatuon doon sa mga bagay na iyon, at ikaw ay pinaalaalahan na dapat mo itong malaman sa boung kaya mo (makuha doon sa internet at mga nakasulat na pinanggalingan). Ngunit, ang dokumentong ito ay nakatoun doon sa ibat ibang mga pamamaraan na maaring gawin bilang tagapagpakilos, at ano ang mga pakay na bagay sa iyo at sa pamayanan na nais mong tulungan. Sa madaling salita, ang iyong pinaka layunin bilang isang tagapagpakilos ay paano tigilin ang nakasanayang pamamaraan pagputol nang ari nang babae. Ang pagtanggal, o ang tuloyang pagtigil nang nakasanayang pagputol nang ari nang babae, ay isang mahalagang pagbabago, at napakahirap gawin doon sa isang pamayanan nakasanayan nang gumawa nito sa loob maraming taon. Ang una mong hakbang na dapat gawin ay ang pagbuo nang tiwala, tulad nang pagbigay nang pagsasanay doon sa mga magulang paano magbigay nang wastong pag-aalaga, mga gumagawa at mga pangulo (at hindi nangangahulugang kinokonsenti ang gawaing pagputol nang ari nang babae). Inimungkahi dito na ang ang pagbuo nang tiwala ay mahalaga, at maarig ang pinaka mabisang paraan, sa pagtanggal nito. Ito ay ipinaliwanag din dito na ang pagbuo ang tiwala, bilang isang pang unang layunin patungo sa pagtanggal, ay magkaiba doon sa pag-ahon (tingnan pag-ahon sa kahirapan), na magpahina nang loob para sa lubosang pagtanggal nang isang bagay, dahil ito ay pansamantala lang nagtanggal nang mga ipinakita. Ang pakay dito ay ang pagbuo nang tiwala doon sa mga gumagawa, mga pangulo (sa kasong ito mga babae) at mga magulang, upang magkaroon nang pagkakataon na sila ay makinig sa iyong mga paliwanag sa mga kahalagahan pagtanggal nito. Ang pagbigay nang Pagsasanay ukol sa wastong pag-aalaga, ay isa ring magandang pagkakataon upang mapakita sa kanila ang mga magagandang dulot sa pagtanggal sa ganoong pamamaraan sa pagputol nang ari nang babae. Mga Pamamaraan sa Paggawa: May mga pagkakaiba ang pamamaraan sa paggawa sa pagitan nang mga pamilya, pamayanan, uri nang tao, at mga bansa tulad nang gulang nang biktima at ang laki at kinaroroonan nang laman o parte na pinutol o tinanggal. Ang dokumentong ito ay hindi nakatutuk doon sa pagsalaysay kung paano ginawa ito, at ikaw ay minungkahian na basahin ang WHO "Female Genital Mutilation: Information Pack," na maari mong makuha doon sa internet sa bahay gagamba na http://www.who.int/whd/FGM/. Ang Pagputol nang Parte nang Ari nang Babae ay kadalasan ginawa doon sa mga batang babae na may tatlo hanggang labing isang taong gulang, at ang pinakatagal na panahon ay ang unang pagbubuntis. May mga ulat na ginawa nila ito sa may mga murang taon pa sa mga panahong ito, at palaki nang palaki ang pinutol na parte mula sa nakasanayang ginawa. Makita mo sa huli, na ang inyong pagsali doon sa seremonya sa paggwa noon ay isang mahalagang bagay sa iyong gawain upang mahinto ang nakasanayang ito. Ito ay naglakip nang pagtanggal nang dulo nang klaytoris, hanggang sa pagputol nang boung klaytoris, pagtanggal nang nakapalibot na laman, hanggang sa pagtahi nang butas nang ari nang babae upang ito ay lumiit. Ito ginawa sa pamamaraan nang isa o binuo nang marami batang babae. Ang pamamaraan ay magkakaiba sa bawat pamayanan. Ang pangyayaring ito ay nagdulot nang sobrang sakit at matinding paghihirap (sa pisikal at emosyonal) doon sa biktima, ito ay naglakip din nang pamamaraan nang paggamit nang maruming kutsilyo, labaha, basag na bildo at ang paggamit nang bagay na ito sa maraming batang babae, na maging dahilan sa pagkalat nang mga malagim na sakit tulad nang hepatitis at HIV/Aids. Ang mga dalubhasang nars at doktor ay halos hindi gumawa nito (at ang Nagkaisang Bansa ay nagsabi doon sa lahat nang mga dalubhasa na huwag itong gawin kahit kailan). Ang kalimitang gumawa nito ay mga barbero, mga arbularyo, mga hilot at iba pa na walang pagsasanay ukol sa wastong kalinisan at pagpigil sa paglaganap nang mga sakit. Ang pamamaraan ay magkaiba sa pagitan nang uri nang mga tao. Isang halimbawa ay doon sa Somalya, isang bansa sa Hilagang Afrika. Ang mga lalake ay binabalaan na huwag pakasal sa isang babaeng hindi tuli. Dahil sila ay naniniwala na ang babaeng hindi tuli ay madaling matukso sa ibang lalake. Tanging mga barbero at mga arbularyo lang doon sa mga lugar na nagpapatupad ang mga gumgawa nito. Ang mga lalake ay kadalasan hindi sasali sa ganitong mga gawain, sapagkat ayaw nila ito. Sa ganitong gawain, ang mga babae ang kadalasan magplano, gumagawa at ang magpapatupad nang pagputol nang parte nang ari nang babae. Pag ang anak na babae ay hindi tuli ay walang mangangasawa sa kanya at ang pamilya ay hindi respetuhin nang mga tao sa pamayanan. Ang mga matatandang babae ang pinakadahilan sa pagpapatupad nang gawaing ito at ang pinakahadlang upang mahinto ang ganitong gawain. (Ang pinanggalingan nito, pati na ang sarili kung karanasan, ay galing sa aking sariling pakikipag-ugnayan sa isang babaeng taga Somalya na gumagawa nang pagsusuri sa topikong ito, ngunit ayaw mabanggit ang pangalan). Batid sa katotohanan na ang mga babae ang palaging gumagawa nito, at ang mga lalake ay ayaw sa ganitong bagay, ay maaring maging mahalagang bagay na makatulong sa iyong gawain, so dapat ay gagawa ka nang sariling pagsusuri doon sa pamayanan bago mo umpisahan ang iyong mga gawain. Ang Kaugnayan sa Pananampalataya nang mga Muslim: Ang nakasanayang pagputol nang parte nang ari nang babae (na nangyayari libu-libung taon ang nakalipas) ilang taon pa ang nakalipas na wala pa nabuo ang pananampalataya nang mga Muslim (mga pitong siglo), kahit ito ay parang lumalabas na kasama talaga nang mga gawain nang mga bansang muslim (karamihan sa Afrika kaysa Asya). Ang gawaing ito ay pinapatupad rin nang mga bansang kristiyano. Ang Koran ay hindi nagsasabi tungkol sa pagputol nang parte nang ari nang babae. At sa Hadeeth, ang ganitong bagay ay pinapayagan ngunit hindi kinakailanganag gawin. Ang Koran ay hindi nagsasabi tungkol sa pagputol nang parte nang ari nang babae. At sa Hadeeth, ang ganitong bagay ay pinapayagan ngunit hindi kinakailangang gawin. Doon sa Hadeeth, ang Banal na Propetang Mohammed, Ang Kapayapaan ay Nandoon sa Kanya, ay nagbigay nang paalala sa isang babae, Um Attiyah (ang gumagawa nang pagputol nang parte nang ari nang babae) na maging mahinahon (na ang tanggalin lang ay ang panglabas na balat nang klaytoris). Maraming tagapagsalita ang nagsasabi na ang ganitong gawain ay may kaugnayan sa pananampalataya nang mga Muslim, at ito ay pinaniniwalaan nang mga pamayanan na walang pinag-aralan na ang ganitong gawain ay isang tamang gawain nang mga Muslim. Ngunit sa totoo ito ay hindi tama, at ito ang iyong magandang pagkakataon upang makipag-ugnayan sa mga Pari nang mga Muslim bilang iyong mga kasapi. Kasali man ito o hindi nang pananampalataya nang mga Muslim, ang gawing ito ay pinapatupad nang maraming tao, at ang anumang mga gawain upang ito ay mahinto ay intindihing masama laban sa mga muslim. Ngunit salungat sa mga nasabing paniniwala, ang Pananampalataya nang mga Muslim, ay maliwanag na nagbabawal sa pagputol nang kahit anong parte nang ating katawan. At kahit ang mga pinahintulotang mga gawain ay ipinagbawal kung ito ay nagdululot nang sakit nang katawan. Ilan sa masamang dulot doon sa mga biktima ay lalabas sa huling mga sandali pagkatapos nang pangyayari na sa mga taong walang pinag-aralan ay hindi makita ang kinahinatnan; kasali nang inyong mensahe ay ang pagpakita nito. Dito ang kaalaman tungkol sa tamang kalinisan sa katawan ay magbigay sa inyo nang magandang pagkakataon. Ikaw ay nangangailangan nang mga kasapi, sa pamamagitan nang mga Pari nang mga Muslim, upang masiwalat ang katotohanan doon sa Hadeeth na ang pagputol nang parte nang ari nang babae ay ipinagbawal doon sa pananampalataya nang mga Muslim. Ang ibang sumoporta sa ganitong mga gawain ay nagsabi na ito ay kailangan sa kanilang kultura, at ang pagtanggal nito ay maka-apekto nang kanilang paniniwala. Ang pananaw na ito ay ay makita sa ibaba kung umpisahan na natin ang paghanap nang pamamaraan na bagay doon sa mga animators doon sa pamayanan. Paglalarawan ginamit ang Katawan at Pagbabago nang mga Tao: Sa orthodox na pamamaraan sa pagpapakilos, ang plano paano gagawin ay ang pagbuohin ang isang pamayanan at sasali sa mga gawain patungo sa isang resulta na pinapanigan nang lahat nang mga kasapi nang pamayanan, or sa lahat nang mga tao sa pamamagitan nang maayos na pagkasundo. Ang paghinto nang pagputol nang parte nang ari nang babae ay kadalasan ang salungat; ang karamihan nang tao sa pamayanan ay kadalasan nais ipagpatuloy ang gawaing ito, at kinikilala ito bilang isang mahalagang bagay sa kinilang pagkatao. Ito ay nangangailangan nang magaling na pamamaraan para sa isang tagapagpakilos. Ito ang mga dayuhang pamayanan, ang nagkakaisang mga bansa at ang kanyang mga sangay, at mga gobyerno at ibat ibang mga pribadong grupo galing sa mga bansa sa Europa at sa Hilaganf Amerika ang gustong patigilin ang pamamaraang pagputol nang parte nang ari nang babae. (Ang ay kinikilalang mga "dayuhan" sa mga lokal na pamayanan). Sa mga lugar na nagpapatuloy sa gawaing pagputol nang parte nang ari nang babae, may malakas na kutob sa pagpapatuloy sa gawaing ito. Ang mga tao na nagkaroon sa ganoong pananaw, nag-aakala na nag paghinto nang gawaing pagputol nang parte nang ari nang babae ay isang pagpapatupad nang dayuhang paniniwala doon sa pamayanan. Ngunit sa kabila, ang ibang mga tao (mga bansa sa kanluran) ay naniniwala na ang gawaing yon ay napakasama at kailangang tanggalin kahit labag sa kanilang paniniwala. Sa orthodox na pagpapaunlad nang pamayanan, ang pagpapatayo nang pagkukunan nang tubig para sa lahat ay mas madaling tanggapin kaysa pagtanggal nang kanilang nakasanayang gawain. Ang pagtanggal nang gawaing pagputol nsng parte nang ari nang babae sa isang pamayanan ay isang pagbabago nang paniniwalan nang mga tao. Ito ay nangangailangan nang pagbabago nang mga asal at pananaw. Ang pagpapakilos nang mga tao, o ang pagpapakilos nang pamayanan patungo sa pagpapatatag nang kakayahan, ay isa ring pagbabago nang paniniwala nang mga tao. Ikaw bilang isang tagapagpakols nang pamayanan, ay dapat alam mo ang mga bagay tungkol sa likas nang "mga tao" at "pagbabago nang mga tao". Isang panimula sa ukol sa kalikasan nang pananaw nang mga tao, ang superorganic, ay makula mo kahit saan dakong ito,ngunit ang makita mo ay isang panimula lang. Maraming pagiisip, mga paningin, pagbabasa at talakayan ukol sa likas nang sociedad at kultura ay kailangan para sa pagpapakilos nang mga tao. Ngunit walang ibang mas mahalaga kaysa ganitong masela at napakalaking isyu, ang pagputol nang parte nang ari nang babae. Pagpreserba nang Kultura: Marami sa mga taong nagpapatupad nang pagputol nang parte nang ari nag babae ay nagsabi na ang gawaing ito ay malalim na nakapaloob sa kanilang lokal na kultura, at ang pagtanggal nito ay may masamang resulta sa pagkilala nang kanilang kultura at mithi.Ang salitang,"Kultura," ay malayang ginamit nang mga tao, at ito ay mahalaga na alam mo ang ibig sabihin nito, at kung paano ito ginamit. Tingnan ang dokumento:" Kultura at ang pagpapakilos nang mga tao"sa dakong ito. Tingnan mo rin ang:"Pag-aalaga nang Kultura." Ang inyong masabi ay maaring tulad nito:
Sa sandaling ang mga pamayanan ay nagkaroon nang kaugnayan doon sa mundo nang ibat ibang kultura, ito ay dapat magbago nang kahit anong paraan. Ang mga kasapi nang bawat pamayanan ay maaring mamili doon sa mga bagay na nakita nilang maganda at nais panatilihin, at yung ibang hindi mahalaga na tanggalin. Ang nagkakaisang mga bansa ay may talaan nang mga mithi, na tinatanggap nang mga bansa sa buong mundo, na naglakip nang respeto para nakasanayang pananalita at kultura, at nagsusuporta sa kahalagahan nang karapatang pantao. Upang mapalaya ang mga babae sa lagim, sakit, kapahamakan at kahihiyan dulot nang pagputol nang parte nang ari nang babae ay isang pangkalahatang mithi na suportado nang pamayanan nang buong mundo. Kung ang mga gumagawa nang pagputol nang parte nang ari nang babae ay pagsabihan ka na wala kang galang sa kanilang nakasanayang kultura, sagutin mo sila na yan ay hindi totoo. May malaki kang respeto sa kanilang kultura. Nakita mo na ang kultura ay isang buhay, nagbabago at lumalaking bagay, at kung nais nilang panatilihin ito, sa halip na hayaan itong tumanggap ayon sa pagbabago nang mundo, sa ganung pagkakataon ay pinatay nila ito. Ang nais mong pakay ay ipaalam sa kanila kung paano patatagin at bigyan nang kakayahan ang kanilang pamayanan, at ito ay nangangahulugan na tulungan sila paano palakihin at patatagin ang kanilang kultura. Kahit hindi mo sila bigyan nang pagtuturo, dapat mong tingnan o gumawa ka nang paraan upang kanilang matuklasan na ang pagpapatuloy na pagpapatupad nang pagputol nang parte nang ari nang babae ay malaking hadlang sa tuloy tuloy na pagpapaunlad nang kanilang pamayanan sa ganitong pagkakataon na palaging may pagbabago sa buong mundo. Ito ang dapat maging ugat nang inyong pamamaraan. Pagpapatupad nang Nakasanayang mga Gawain Ginamit ang Lakas Walang sino man ang may gusto nang isang dayuhang mithi at nakasanayan ay ipatanggap sa kanila. Ang mga gumagawa nang pagputol nang parte nang ari nang babae ay nagsasabi na ang pagtanggal nang ganitong pamamaraan ay isang dayuhang mithi. Ikaw ay dapat gumawa nang paraan na sila ay makatuklas na ito ay para kanilang kapakanan pag ito ay mawala, at ang kanyang pagkawala ay hindi nangangahulugang dayuhan o gusto nang mga tagalabas. Ito ay dapat kanilang pasiya. Isipin mo ang belo bilang isang halimbawa. Ang pagtakip sa buong katawan, mula ulo hanggang paa, at tulad nang burkha, sa buhok at mukha, tulad nang belo, ay isang nakasanayan na nagpapahiwatig bilang palantandaan nang kahinhinan nang isang babae. Maraming mga babae na may pinag-aralan sa mga kanlurang bansa, ay nakita ito bilang isang pagpapahiwatig nang pang-aapi, at gustong tanggalin ang gawaing ito. Ang mga Frances na babae sa Algeria (sa ilalim nang pamamahala nang Fransiya), isang halimbawa, ay lumalaban upang putulin ang paggamit nang belo, at ang mga kawal ay pinapatupad ang pagtanggal nang mga belo bilang isa sa kanilang mga gawain. Ang mga lokal na mga babae ay pinagpapatuloy ang paggamit nang kanilang mga belo. Tulad nang karamihan ngayon. Kung sila ay tatanungin kung nais ba nilang tanggalin iyon, marami sa kanila sa ilalim nang pananampalataya nang mga muslim ay sasagut na ang belo ay palatandaan nang kanilang kahinhinan. Ang kanilang kahinhinan ay ang gumawa sa kanilang pamilya na matatag, nagtutulungan sa pag-aalaga nang kanilang mga anak. Sinabi nila na ang karahasan doon sa mga pamilya, mga bata na pumatay, paggamit sa bawal na gamot at pakikipagtalik, bilang mga resulta nang taga kanlurang kahinaaan ukol sa moralidad at walang kahihiyan nang mga babae. Tulad nang lumang kasabihan, "ang masarap na pagkain nang isang tao ay lason para sa iba." Huwag mong akalain na pagmakakita ka nang nakasanayan, tulad nang pagputol nang parte nang ari nang babae, bilang isang masama at mapag-api, na ang iyong pananaw ay tulad din nang iba. Kung nais mong gumawa nang pamamaraan na magresulta sa pagtanggal sa ganyang gawain, makita mo na ang pagsasabi sa pagwala nito ay maging isang hadlang sa halip na makakatulong. Ang pagsubok na tanggalin ang nakasanayan na malalim na nakapaloob sa kasaysayan at kultura nang pamayanan, ginamit ang lakas ay tulad nang "Paglikha nang Tao" (magaspang at pwersahang pagbabago nang kultura). Kung ang kultura ay tulad nang bulaklak na nabuhay sa loob, maari mong bigyan nang tubig at sikat nang araw ito upang ito ay buhayin, ngunit hindo mo ito mapalaki sa pamamagitan nang paghila sa itaas. Piliin ang iyong mga kasapi: Sa mga lugar na ang pagputol nang parte nang ari nang babae ay ginagawa, ang tuloy tuloy na pamamaraan sa pagkuha nang pasiya nang pamayanan upang tigilin ito ay walang mangyayari. Ikaw ay dapat gumawa nang paraan na maghahatid sa inyo sa inyong pakay, hindi doon sa kabiguan. Kung wala kang makuhang pagsang-ayon galing nang pamayanan sa umpisa, sa ganun dapat kang gumawa nang lupon nang mga kasapi upang tutulong sayo upang makamit ang iyong pakay. Ilan sa kanila ay mga tao na nakaintindi at namulat sa katotohanan na ang pagputol nang parte nang ari nang babae ay dapat tigilin. Ang iba ay maaring mga kawani, at ang kanilang mga pakay ay nagkataong magkatulad nang kanilang pinagtratrabaho ang ahensiya (tulad nang dayuhang pribadong grupo, isang ahensiya nang Nagkakaisang mga Bansa, o mga sumusuportang mga grupo). Dapat na alam mo paano kilalanin ang mga ito upang makita mo ang pantay nang kanilang suporta sa iyong pamamaraan, at ang kanilang gusto paggawa nang pamamaraan na kasali sa iyo. Kung sila ay masyadong agresibong magsasalita sa maraming tao laban sa pagputol nang parte nang ari nang babae, isang halimbawa, sila ay maaring maging hadlang sa iyong pamamaraan sa ganitong maagang mga sandali. Ang pakikipagtrabaho sa mga taong may bagong pananaw, maaring mong gamitin ang inyong gawain sa pagpapakilos nang pamayanan upang makabuo nang pamamaraan na sila ay kasali na maglakip nang mga layunin tulad nang pagbuo nang tiwala at pagtigil nang masamang gawain. Dito dapat kang mag-ingat nang mabuti, upang maiwasan na ang iyong grupo ay di mapaghinalaang kaaway nang buong pamayanan. Kung sila ay magsasabi na ang pagputol nang parte nang ari nang babae ay masama lalo na sa simula, ang iyong grupo ay maaring mapagkamalang laban sa kanilang paniniwala at magkaron nang maling pagintindi sa mga lokal na mga tao sa pamayanan, at ang mga ito ay mawalan nang lakas sa simula. Dahan dahanin mong pagisipan ang ang mga bagay at ang mga pangyayari na nailalahad sa itaas, at balikan ninyo ito bilang parte nang inyong paggawa nang nga pamamaraan. Sapagkat ang pagputol nang parte nang ari nang babae ay hindi kaparte nang pananampalataya nang mga muslim, at sapagkat mayrong sinasabi na ito ay laban sa paggawa nang kahit anong masamang bagay na gagawin sa katawan, ang mga pari nang mga muslim ay isang mabisang paraan sa ganitong pakay. Dapat kang makipagkaibigan sa iyong mga kaaway: Ito ay isang lumang kasabihan na nagsabi, "Ang dugos ay nakaakit (nang maraming langaw,bubuyog, mga bata) kaysa suka. Ang kanyang mensahe, ngunit , malinaw, at maaring gamitin sa iyong paggawa nang bagong pamamaraan. Kung gusto mong patigilin ang gawaing pagputol nang parte nang ari nang babae, dapat mong baguhin ang mga asal at mga paniniwala. Kung nabasa mo na ang mga saklaw Nang kultura sa dakong ito, malaman mo ang mithi at paniniwala ay mahirap baguhin kaysa pagturo nang bagong gabay o pamamaraan. Sa unahan, ito ay nabanggit na maari mong gawin ang inyon pamamaraan patungo sa paghinto nang ganung gawain sa pamamagitan nang pakuha nang kanilang tiwala. Ito ang simula sa inyong pamamaraan, at kung tuluyan mo nang makuha ang kanilang tiwala at at pagiging bukas, maari kanang magpatuloy sa pagtanggal sa ganung gawain doon sa huling sandali nang inyong pamamaraan. Ang mga hilot at mga kinikilalang mga babae doon sa bansang Somalia, at ibang mga lalake, at iba pa ay ang gumagawa nang pagtuli nang babae. Ito ay may bayad at nagbigay sa kanila nang kapangyarihan . Sa inyong pakay na kunin sila bilang kasapi, dapat mong tandaan na ang paggawa nang gunung mga bagay ay nangangahulugang pera at kapangyarihan at dapat kang maglagay nang alok sa kanila at tulungan silang makakuha nang ibang pagkakitaan.Isang halimbawa, sila ay maaring gawing taga pag-ayos o mangulo nang isang seremonya bilang isang binyag nang isang nagdadalaga sa halip na gawin ang pagtuli sa kanila. Ang pag-iwas sa sakit at para huwag masaktan ay isang mainam na daan sa inyong balak na matigil na nag gawaing pagtuli nang babae. Para sa mga dalubhasang taga kanluran, ang paggamit nang mga bagay sa pagtuli na hindi pinakuluan nang tubig ay siyang dahilan nang pagkalat nang mga sakit. Ngunit ito ay hindi alam nang mga lokal na hilot. Maari mong banggitin ito, na marami sa mga babae na tinuli ay nagkaroon nang sakit na AIDS o ibang klasing sakit,at maari mong sabihin na ang pagtuli ang pinaka dahilan. Kung ikaw ay makapagbigay nang pagsasanay doon sa mga lokal na mga hilot tungkol sa pangunahing kalinisan, at mga pamamaraan upang maiwasan ang pagkalat nang mga sakit, sa ganun mayroon kang magandang bagay na maari nilang gamitin. Sa pagbigay nito sa kanila kalakip ang isang patunay tulad nang certifico ay makatulong sa iyo upang maari mong makaibigan an isang kaaway. Sigaraduhin mong ang iyong binigay na pagsasanay ay di nila gagamitin sa kanilang dating ginagawa na pagtuli. Ito ay kailangan na maiwasan ang paggamit nang kakayahang ito sa pagtuli, sa halip ay gamitin ang karunungang ito upang talikuran ang pamamaraang pagtuli nang mga babae. Siguraduhin na ang iyong mga tagasuportang grupo ay payag na takpan ang kanilang mga bibig ukol sa pagbabawal nang pagtuli, at di bigyan nang ibang kahulugan ito,sapagkat ito ay kailangan upang tuluyang masugpo ang nakasanayang pagtuli. (Ang Direktor nang Hugpong ukol sa Panglawas nang buong Mundo, sa pagtalakay ukol sa pagtuli, nagpaalala sa atin na hindi magmadaling manghusga kung nais nating magwagi sa layuning ito). Gamitin ang kakayahan nang inyong mga kasapi sa pagpapakilos nang mga tao at kaalaman sa paggamot sa pagtulong sa mga gumagawa nang pagtuli, membro nang pamilya at mga kapitbahay, upang maiwasan ang pagkalat nang mga sakit, at buksan ang inyong mga sarili ukol sa tiwala at talakayan patungo sa tuluyang pagsugpo nang pagtuli. Huwag kang gumawa nang puwang: Kung ikaw ay nagumpisa na sa paggawa nang pamamaraan sa pagbuo nang tiwala, pag alay nang tulong doon sa mga nagpapatupad nang pagtuli upang maiwasan ang mga sakit, sakit sa katawan, at ibang di magandang dulot nito, ikaw ay maaring mag umpisa paggawa nang paraan pagtanggal nang gawaing yan. Tulad nang pagbuo nang tiwala, ikaw ay dapat gagawa nang paraan na angkop sa kultura nang pamayanan na iyong kinikilosan. Ang dokumentong pagsasanay na ito ay hindi makapagbigay sa inyo nang tumpak na pamamaraan na maaring gamitin sa lahat nang lugar. Tulad nang inyong nalalaman, ang pamayanan ay magkaiba - ang isang pamamaraan ay maaring mabisang gamitin sa isa ngunit maaring kapahamakan doon sa iba. Gagamit tayo nang concepto doon sa Pag-aaral ukol sa Pag-iisip. Ang manggamot ay alam na alam na, pagmayron kang pasyente na may sobrang lungkot, maari mong pagsabihan siya na huwag mag-iisip nang mga masasama. Ngunit yon ay hindi uubra.Sa halip, ang nakitang lunas ay tulungan ang pasyente na pag-iisipin nang mga magagandang bagay (tulad nang mga pabalik-balik na pag iisip nang mga magandang bagay nang maraming beses sa isang araw). Ang paglagay nang magandang pag-iisip, kahit pabalik balik sa simula (tulad nang kasabihang sa umpisa ay hindi totoo hanggang nagkakatotoo), ay may magandang epekto upang matanggal ang mga masamang pag-iisip at sa huli ay malunasan ang sobrang kalungkutin. Sa ngayon , ay gamitin natin ang ganitong pamamaraan sa pagbabago nang ekonomiya at sa mga tao. Sa magkaparehong pagkakataon, sa diretsahang paghiling na patigilin ang gawaing pagtuli nang mga babae ay talagang walang mangyayari. Ngunit, sa pamamagitan nang paglagay nang mga bagong mga gawain, maari kang magwagi sa pagiging abala nila sa ibang mga gawain at ang pagtuli ay kanilang maaring makalimutan. Marami sa ibang pamayanan, ang pagdating sa pagkakataon bilang isang ganap na binata o dalaga ay isang mahalagang seremonya - na kilalanin nang buong pamayanan na ang isang tao ay nagbago na galing sa isang pagiging bata patungo sa isang ganap na binata o dalaga. Ang pagtuli nang mga lalake, pinaniniwalaan nang mga dalubhasa na ito ay dahil sa kultura na tulad nang pagkakataon na ang isang babae ay naging ganap na dalaga na maari nang magbuntis. Ang pagtuli nang babae, bagamat, ay , ang pakay ay lumampas pa sapagkat nais rin nito na tanggalin ang kasarapan nang mga babae sa pagtatalik, upang gawin silang sunod sunoran at magwawalang kibo. Marami sa mga pamayanan sa Afrika na nagkaroon ang unang pagregla nang mga babae na hindi ginamitan nang pagtuli. Sila ay mga nakasanayang gawain, kadalasan naglakip nang paglagay nang isang lugar na sinundan nang seremonya sa paglinis. Sa dokumentong pagsasanay na ito, kami ay hindi makagsabi sa inyo na tulungan ang mga babae sa paggawa nang ganung seremonya, lalo na kung sila ay hindi gumawa nito. Ngunit, pag-aralan mong mabuti ang kanilang mga nakasanayan at paniniwala nang mga sa pamayanan na inyong kinikilosan, at ang pagkuha nang tumpak na mga kaalaman galing sa mga pinagkakatiwalaang mga tao, ay nagsasabi na ito ay ang maaaring mabisang pamamaraan, sa ganun ikaw ay pinapayohan namin na gawin yon. Ang Ashanti sa Kanlurang Afrika, sa unang panahon nang kanilang kasikatan sa ika labingpitong siglo na nagsaklaw sa mga bansa Ghana, Burkina Faso, Togo at Ivory Coast sa mga panahon ngayon, sila ay tinatawahg na kaaway sa mga muslim. Sila ay nagbabawal nang pagtuli nang babae at lalake, at walang maging mapili bilang Pangulo pag ang kanilang balat ay pinutol. Noong una sila ay nagkaroon unang paggawa nang seremonya a pagdadalaga, ngunit ito ay nagbababgo at halos wala na ngayon dahil sa pagtutol nang mga Misyonaryong Kristiyano sa mga kanlurang bansa (at pinalitan nila ang mga gawaing ito nang kanila tulad nang kumpirma at unang pagkalawat). Sa taong isang libo pitongpu at walongpu, ang mga batang mag-aaral na babae sa tatlong pamantasan sa Ghana, ay gustong ibalik ang kanilang tradisyon upang sang ayonan ang kanilang pagka babae at pagiging taga Afrika. Tinatanong nila ang kanilang mga magulang at mga lola, at inusisa nila ang mga hilot lokal na mga pari (akomfo), kung paano ang ang seremonya ay ginagawa. Ngunit hindi nila kinopya ang lahat, at pinila lamang ang angkop para sa kanila. Ang ganitong pamamaraan ar maaring kasali nang inyong mga gawain nang isang babae na gustong pahintuin ang pagtuli, at paglagay nang mga bagong gawain sa kanilang lugar. Ang ganyang mga seremonya ay maaring paggawa nang medyo makabagong pamamaraan sa pagpapatupad nang seremonya sa pagdadalaga. Huwag kalimutan ang ang babaeng gumagawa nang pagtuli ay binabayaran sa paggawa nito. Magkakaroon nang puwang pagsila ay biglang patigilin sa trabahong ito. Ngunit maari mo pa rin silang magkaroon nang bayad sa pamamagitan nang paghikayat sa kanila pagpapatupad nang seremonya sa pagdadalaga, at sa ganitong paraan sila ay mas sumang-ayon dito kaysa pagpapatupad nang pagtuli. Ang pananampalataya (tulad nang pananampalataya nang mga muslim) ay maaring ibang daanan sa iyong pamamaraan. Ang batas nang Sharia ay nagbabawal nang mga gawain na nakakasakit sa isang tao. Sapagkat ang pagtuli ay hindi isang kailangan sa pananampalataya nang mga muslim, mas nakabubuti pag umpisahan mo sa mga mosque, mga sheikh, imam at mga pari. Kung ikaw ay maging tanyag at gawin bilang mapagkatiwalaang tagapagturo sa inyong mga hangarin, at sila ay makapagbigay nang pagtuturo ukol sa pagtuli sa kanilang relihiyon, sa ganun ikaw ay nagkaroon nang malakas na mga kasapi sa inyong mga gawain. Huwag kalimutan nag mga lalake ay ayaw sa pagtuli nang babae, at mas gustong hindi pag usapan ang mga bagay na ito. Ngunit karamihan sa mga dalubhasa tungkol sa Islam at mga pari ay mga lalake. Sila ay maaring hindi tuluyang magsasabi laban sa pagtuli nang mga babae na walang makapagbigay nang suporta upang gawin ito. Kung ikaw ay makakuha nang isa o marami na aamin na ang pagtuli ay hindi kinakailangan nang Islam, at ang pagputol nang anong parte nang tao ay ipinagbabawal nang Islam, dapat mong kumbinsihin sila na ito ay kanilang tungkulin bilang nanampalataya nang Islam na sugpuin ang pagtuli nang mga babe. Ngunit kung ang pagtuli ay pinapatupad nang hindi mga muslim, dapat mong malaman at intindihin ang kanilang mga mithi at tinuturo nang kanilang relihiyon. Maari o hindi gamitin ang mga ito sa iyong pamamaraan. Dahil sa masamang dulot nang pagtuli, maaring gusto mong gamiting ang masamang kinahinatnan nang pagtuli patungo sa mga hilot, mga nars, mga matatandang lalake o babae na nagbibigay nang lunas sa maysakit at sa buong pamayanan. Sa mga pagsasanay ukol sa kalinisan at paglaganap nang mga sakit, maari mong ipakita kung paano kumakalt ang mga sakit sa pamamagitan nang pagtuli. Ang nagkakaisang mga bansa ay nagpaalala sa atin laban sa paggawang malinis sa pagpapatupad nang pagtuli. Ito ay nangangahulugan na ang ang pagtuli an magpapatuloy sa isang malinis na paraan. Ang iyong mahalagang pamamaraan sa pabuo nang tiwala ay dapat magpahiwatig na ang gawaing yon ay hindi kailangan binasi sa moral at medikal na aspeto, at ang mga kakayahan ukol sa kalinisan at kalusugan na itinuturo doon sa mga gumagawa ay dapat gagamitin sa ibang bagay, at hindi sa pagtuli nang mga babae.Ito rin ya isang mahalagang daanan doon sa mga gumagawa nang pagtuli, kung maayos na pagkagawa, upang tukuyin na ang pagtuli ay hindi isang kailangan sa pananampalatay nang mga muslim, at ito ay hindi mabisang basehan na ang isang babae ay mapagkatiwalaan at hindi maakit sa ibang lalake. Sapagkat ang mga gumagawa nito ay binabayaran sa kanilang serbisyo, tulad nang sinasabi sa itaas, dapat mo rin intindihin ito. Maraming mga talakayan sa inyong grupo na gustong tanggalin ang pagtuli ang kailangan, at ang isang pamamaraan ay dapat pagbuohin na bagay at angkop sa pamayanan na inyong kinikilosan. Ito ay maselang bagay; dapat mag-ingat kang mabuti. Paghanda nang iyong mga pamamaraan: Pagkatapos pag-usapan ang mga bagay na nasabi sa itaas, ngyon ito na tamang panahon upang pag-usapan at buohin ang inyong mga pamamaraan. Ito ang mga gabay para sa iyo, ngunit ito ay hindi kumpletong talaan at dapat sundan ito nang mabuti. Sapagkat ang katatuan any magkaiba sa bawat pamayanan, at palaging nagbabago, ikaw at ang iyong grupo ay dapat sanay sa biglaang mga pagbabago sa inyong mga pamamaraan, at hinidi ito lubosang sundin. Ang inyong pamamaraan ay dapat hindi palagi at pabago bago (buhay, nagbabago) bagay. Ito ay dapat mag iiba sa sandaling dumarami ang inyong mga kasapi at mga tagasuporta, lagi mo silang tanungin sa mga dagdag sa pagbago nito.
Ang
gambalay nang mga hakbang sa inyong pamamaraan ay dapat maging ganito:
Isulat ang inyong pamamaraan na resulta nang mga pagbabahagi nang iyong grupo. Gumawa nang talaan sa lahat nang inyong ginagawa. Kilalanin ang mga resulta at mga pangyayari. Sa bawat araw na darating, gumawa nang pagtitipon sa inyong grupo at suriin ang inyong pamamaraan at tingnang mabuti kung may mga bagay ba na dapat baguhin. Panghuli; Pagtigil nang Pagtuli: Ang pagtuli nang babae ay isang katotohanan sa ating buhay. Maaring para saiyo ito ay masama, ngunit para sa mga gumagawa nito ay hindi, at kinikilala nila ito bilang isang moral at pangkaluluwang mga gawain. Ang kanyang pagpapatigil ay hindi kinikilala nang lahat bilang isang pakay, lalo na sa mga pamayanan na nagpapatupad nito. Ikaw ay makatulong para sa pagpapatigil nito, ginamit ang iyong kakayahan sa pagpapakilos na binanggit sa dakong ito, subalit ang paggawa nito ay nangangailangan nang buong pag intindi sa pamayanan, grupo nang mga taos pusong mga kasapi, at pamamaraan na angkop nang katayuan at ginagawa nang pamayanan. ang dokumentong ito ay naglalahad nang mga pamamaraan na maaring magamit, ngunit ito ay hinidi dapat tingnan bilang isang pangkalahatang gabay para sa iyo at nang iyong grupo upang magbuo nang angkop na pamamaraan. ––»«––Pagsasanay ukol sa Kalusugan at Kalinisan: Mga maaring babasahin: http://www.amnesty.org/en/library/asset/ © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
unang pahina |
pagsuporta |