Tweet Mga Salin
Català |
LABING-ANIM NA ELEMENTO NG KAPASIDAD NG ORGANISASYONMga Komponent na Nagiiba habang Lumalakas ang Organisasyonsulat ni Phil Bartle, PhDisinalin Des YuHandout para sa WorkshopKasama sa paglaki ng kapasidad ay pagsasakapangyarihan at pagpapalakas sa iba't ibang direksyon. Nandito ang labing-anim na elemento ng organisasyon na nagiiba habang ito ay lumalakas. Altruismo: Ang proporsyon at antas ng pagsasakripisyo ng mga indibidual para sa ikabubuti ng buong organisasyon (makikita sa antas ng pagiging mapagbigay, pagkakumbaba, pagpapahalaga ng organisasyon, paladamay, katapatan, ala-ala, pagkakaibigan, kapatiran). Habang ang altruismo ng organisasyon ay lumalalim, mas lalong nagkakaroon ito ng kapasidad. (Kung saan pinapayagan ang indibidual, pamilya, o mga paksyon na maging sakim at makasarili sa halaga ng organisasyon, ito ay nagpapahina ng organisasyon). Pangkalahatang Prinsipiyo: Ang antas kung saan ang mga miyembro ay namumuhay sa tulad na prinsipiyo, lalo na sa pagiisip na sila ay miyembro ng isang panglahatang organisasyon kung saan nangingibabaw ang kabutihan ng buong organisasyon kaysa sa indibidual na mga miyembro nito. Lalong nagsasalo ang mga miyembro ng organisasyon o iniintindi at tinitiis ang prinsipiyo at ugali ng isa't isa, lalong lumalakas ang organisasyon. (Rasismo at prejudice ay nakakapanghina ng organisasyon). Pangkalahatang Serbisyo: Ang mga pasilidad and serbisyo (tulad ng gamit sa opisina, ang espasyo para sa opisina, mga suplay, sasakyan), ang pangangalaga nito, ang kakayanang ipagpatuloy ito, at ang antas kung saan ang lahat ng miyembro ay may akses sa mga ito. Mas maraming akses ng mga miyembro ng organisasyon sa mga pangkalahatang pasilidad, pas malaki ang kanilang kapasidad, mas lalaki ang kapasidad ng organisasyon. Komunikasyon: Sa loob at labas ng organisasyon, sa pagitan ng mga miyembro, ang komunikasyon kasama ang paggamit ng iba't ibang electronic na kagamitan (telepono, radyo, telebisyon, internet), sa print media (dyaryo, magasin, libro), at iba pang paraan, kung saan naiintindahan ng lahat ang gamit na lenggwahe, kaalaman kagustuhan at abilidad magkipag-usap (na may ingat sa pananalita, diplomasya, nais makinig sa iba at nais mag bigay ng kuro-kuro). Kung ang organisasyon ay may mabuting komunikasyon, mas lalakas ito (kagamitan sa komunikasyon, metodolohiya at iba't ibang paraan para sa mga miyembro). Ang mahinang komunikasyon ay ibig sabihin mahina ang organisasyon. Pananalig Ang pananalig ay madalas ipinapahiwatag bilang isang indibidual, maari din itong maipahiwatig bilang isang buong organisasyon. Tulad nang sa pagkakaroon ng intindihan na bilang isang organisasyon, kaya nito makamit ang nais nito. Positibong pananaw, kusang-loob, may sariling motibasyon, entusiasmo, optimismo, umaasa sa sarili kaysa sa iba, may nais ipaglaban ang karapatan, at iwasan ang pagiging walang pakialam, at ang abot-kayang hinaharap. Ang paglakas ng organisasyon ay may mas malakas na pananalig. Konteksto (Politikal at Administratibo): Ang isang organisasyon ay lalong magiging matatag, at kayang panatilihing matatag kung ang lugar na kinatatayuan nito ay kayang suportahan ang pagpapatibay ng katatagan nito. Kasama sa kapaligiran nito ang (1) politikal (ang ugali at prinsipiyo ng mga lider ng bansa, mga batas at lehislasyon) at (2) administratibong (ugali ng mga opisyales, technician at iba pang mga regulasyon at proseso ng gobyerno) elemento. Kung ang pakikitungo ng mga pulitiko, lider, taknokratiko at katulong sibil, pati ang mga batas at regulasyon ay pagtatangkilik lamang, hihina ang organisasyon. Dapat ang pakikitungo ay paghihikayat at pagturo ng pag-asa sa sarili, sa gayon, lalakas ang organisasyon. Impormasyon: Hindi lamang ang magkakaroon ng sabog na impormasyon, ang katatagan ng isang organisasyon ay makikita sa kakayanan nitong magproseso at umintindi ng mga impormasyon, ang antas ng kamalayan, kaalaman at talindo ng mga indibidual na kasama sa organisasyon na gumagalaw bilang isang grupo. Kung ang impormasyon ay mas epektibo at mas importante, hindi lamang sa dami ng impormasyon, mas lalakas ang organisasyon. (Kahawig nito ngunit may konting pagkakaiba sa elemento ng komunikasyon). Interbensyon: Hanggang saan at gaano ka epektibo ang pagpapasigla (pagmomobilisa, pagsasanay sa pamamahala, pagpapataas ng kamalayan, stimulasyon) para sa katatagan ng organisasyon? Ang interbensyon ba ay kayang itaguyod o nakasalalay ang desisyon sa tulong nga mga tagapagkaloob sa labas ng organisasyon kung saan may sarili silang hangarin at motibo liban sa kabutihan ng organisasyon? Kaya bang panatilihin ang interbensyon o ito ay umaasa sa mga desisyon ng mga donor na may ibang adhikain para sa organisasyon? Kung ang isang organisasyon ay mas maraming pagkukunan ng pagtataguyod, ito ay mas lalakas. Pamumuno: Ang mga pinunuo ay may kapangyarihan, impluensiya, at abilidad pagalawin ang organisasyon. Kapag mas epektibo ang mga pinuno, mas matatag ang organisasyon Ang pinaka-epektibo at kayang panatilihing liderato (para sa pagpapatatag ng organisasyon at hindi lang ng mga pinuno nito) ay gumagalaw base sa desisyon at kagustuhan ng buong organisasyon at gampanan lamang ang papel ng tagamobilisa. Ang mga pinuno ay dapat may kakayahan, kusang-loob at karisma. Kung mas epektibo ang pamumuno, mas lalakas ang kapasidad ng organisasyon. (Ang mahinang pamumuno ay magpapahina dito) Networking: Ang pinagmumulan ng lakas o katatagan ay hindi lamang galing sa kung "ano ang alam mo" ngunit kung "sino din ang kilala mo" (Na palaging napagbibiruan na hindi "kung pano" kung hindi "kung sino" ang makakakuha sa iyo ng trabaho. Kung hanggang saan makakakalap ng maaring panggamitang impormasyon or kukunang-yaman sa mga kakilala ng mga miyembro ng organisasyon, lalo na ng mga liderato? Ang mga network na ito, maaaring nakilala na o potensyal na makilala, ay nariyan lamang sa loob at labas ng organisasyon. Kung mas epektibo ang network ng organisasyon, mas lalakas ito. (Kapag nagtago sila at nagsarili, ito ay hihina). Organisasyon: Kung hanggang saan ang antas ng suporta ng bawat isang miyembro sa isa't isa bilang isang grupo (at hindi lamang isang koleksyon ng mga indibidual) sa aspeto ng integridad, istraktura, proseso, pagsasagawa ng mga desisyon, pagiging epektibo, paghahati ng mga trabaho, at pagbagay ng mga gawain at tungkulin sa nararapat na indibidual. Kung mas organisado ang isang organisasyon, ito ay mas lakakas at mas magkakaroon ng sariling kapasidad. Politikal na Kapangyarihan: Ang antas kung saan ang organisasyon ay kayang makilahok sa nasyonal at pang-distritong lebel sa pagsasagawa ng mga desisyon. Tulad ng pagkakaroon ng isang indibidual sa grupo magkaroon ng kapangyarihan sa mga pangyayari nito, ang isang organisasyon ay may ganoong kakayanan din sa lokalidad, distrito at bansa. Kung mas malakas ang impluensiya ng isang organisasyon, mas mataas ang lebel ng kapasidad nito. Kakayahan: Ang abilidad ng mga indibidual na makapagambag sa organisasyon at ang abilidad nitong matapos ang mga gawain, kasama dito ang pagkakaroon ng teknikal na kakayanan, kakayanan sa pamamahala, pagoorganisa at pagmomobilisa. Mas maraming kakayahan ang organisasyon, mas mapapasakapangyarihan lalo ito. Tiwala: Ang antas kung saan may tiwala ang mga miyembro ng organisasyon ay may tiwala sa isa't isa, lalo na sa mga pinuno nito, kung saan napapahiwatig nito ang antas ng intergridad (katapatan, mapagkakatiwalaan, bukas na loob, walang itinatago) sa loob ng organisasyon. Mas mataas ang antas ng pagtitiwala at pag-asa sa kakayanan ng isa't isa, mas tataas ang kapasidad nito. (Ang pagsisinungaling, korupsyon, paglilinlang, at paggamit ng kukunang-yaman ng organisasyon na wala sa lugar ay makapanghihina ng organisasyon). Pagkakaisa: Ang pakiramdam na ika'y kasali sa isang pamilyar na grupo, kahit na ang lahat ng organisasyon ay may mga dibisyon o sikismo (sa relihiyon, katayuan, istatus, kita, edad, kasarian, lahi o angkan) ang antas kung saan ang organisasyon ay kayang tiisin at tanggapin ang pagkakaiba ng bawat isa at ang nais na magkaisa at magtrabaho ng sama sama, tungo sa isang layunin o bisyon at may magkakaisang prinsipiyo. Kung ang isang organisasyon ay mas magkaisa, ito ay mas malakas (Hindi ibig sabihin ng pagkakaisa ay ang lahat ay pare-pareho. Ito ay ang paguunawa at binibigyang selebrasyon ang pagkakaiba ng bawat isa para sa ikabubuti nang lahat). Yaman: Ang antas kung saan ang organisasyon (at hindi lamang ng mga indibidual) ay may kontrol sa aktwal at potensyal na yaman, ang produksyon at distribusyon ng kakaunting mga kukunang-yaman at serbisyo, pera at ng mga yaman na hindi pera tulad ng labor, lupa, kagamitan, suplays, kaalaman, kakayanan). Mas mayaman ang organisasyon, mas malakas ito. (Kung may mga sakim na indibidual, pamilya o paksyon na nagaangkin ng lahat ng kayamanan ng organisasyon, ito ay hihina). Konklusyon: Mas mataas ang antas ng bawat elemento sa organisasyon, mas malakas ito, mas mataas ang kapasidad nito at may kapangyarihan ito. Hindi lamang sa pagkakaroon ng mas maraming pasilidad ay lalakas na ang organisasyon. Ang pagpapalakas at pagtatatag ng kapasidad ay dapat manggaling sa lipunan - paglilinang - kung saan ang labing-anim na elemento ay pumapasok. Pagsukat ng mga Elemento: Ang pagsukat ng pagbabago sa mga elemento ay base sa metodolohiya ng partisipasyon, gayong kasama na sa modulo ng pagsasanay ang nais na pagbabago sa komunidad: Pagsukat ng Lakas. ––»«––© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Home page |
Literasi |