Tweet Mga Salin
Bahasa Indonesia |
PAGLILINANG NG KAPASIDADPagdagdag sa Katatagan ng mga OrganisasyonSulat ni Phil Bartle, PhDisinalin Des YuIntroduksyon sa Modulo (Hab)Mga Dokumentong kasama dito Paglilinang ng Kapasidad Modulo
Paano mag magiging matatag ang isang ahensiya?Nabigayan ka ng takdang-gawain. Ang iyong ahensiya at ang isang maliit na lokal na NGO ay nakikipagusap para sa isang programang makakatulong sa paglilinang. Sa isang bahagi ng kanilang kasunduan, nabigyan ka ng tungkuling tulungan ang isang maliit na organisasyon paunlarin ang kanilang kapasidad. Kailangan mo na ngayon gumawa ng istratehiya para iyong interbensyon at isagawa ito Marami sa mga modulo sa site na ito ay makakatulong sa iyo. Isa ang modulo sa Pagsasanay sa Pamamahala (tignan, Management Training o Pagsasanay sa Pamamahala) at ang "Apat na Pundamental na Katanungan ." Ang modulong ito, "Paglilinang ng Kapasidad", ay tinutukoy ang labing-anim na pundamental na elemento ng kapasidad. At gagabayan ka nito sa pagplano at pagsagawa ng mga metodolohiya sa pagtaguyod at paggabay sa iyong organisasyon sa pagliliang ng kanilang kapasidad. Ang metodolohiyang ginamit dito ay base sa "Empowerment Approach" para patatagin ang mga komunidad sa humaharap sa kahirapan. Ang ibig sabihin ng kapasidad ay abilidad. Ang abilidad gumawa ng ano? Ang abilidad magsagawa ng mga tungkulin at layunin ng organisasyon (o komunidad o ng lipunan) ay base sa kanyang katatagan. Ang proseso ng pagiging mas matatag ay itinatawag na "pagsasakapangyarihan". Ang isa sa pinakaimportanteng prinsipiyo sa metodolohiya ng pagsasakapangyarihan ay ang organismo, biyolohikal man o sosyal, ay nagiging mas matatag kapag ito ay gumagalaw o lumalaban, at mas humihina kung ito ay binibigyan lamang ng pagkain, o nagawa na ang lahat para sa kanya. Ang iyong tungkulin sa programang ito ay itaguyod, bigyang gabay, at palakasin ang loob ng iyong organisasyon gumawa ng aksyon, para tulungan ang sarili, at umasa lamang sa sarili. Iniiwasang maging charity (kung saan ito ay nakakahina) ang pagsasanay at pagbibigay gabay na ito at hinihikayat nito ang partisipasyon sa paggagawa ng desisyon. Sa mga sitwasyon kung saan may matinding pag-asa sa tulong ng iba (tignan ang, The Dependency Syndrome o Ang Sakit ng Pag-asa sa Iba), itatanong ng mga miyembro ng organisasyon "Ano ang dinala mo para sa amin?" o "Ano ang gagawin mo para sa amin?" Importanteng magkaroong ng miting kasama sila at ipaliwanag kung sila ay magiging mas matatag, kailangan gawin nila ito sa kanilang sarili; ang iyong ibibigay lamang ang gabay at pagsasanay, ngunit ang mga kukunang-yaman ay manggagaling sa kanila kung nais nilang maging matatag. A isang atleta ay dapat mag-ensayo ng kaniyang sarili; bilang coach (ikaw) hindi mo magagawa ang kaniyang mga ehersisyo para sa kanya. (Kapag ang iyong ahensiya ay nagbibigay ng pinansyal na suporta at iba pang tulong sa iyong organisasyon, mas mabuti pang humiwalay na lamang sa ganung charity). Parehong mga labing-anim na elemento ng katatagan ang gagamitin sa pagsukat ng pagiba ng kapasidad ng organisasyon, komunidad o ng lipunan. Sa modulong ito, iyon din ang iyong pokus - ang iyong interbensyon - pagbibigay gabay, pagpunyagi, at pagibibigay ng lakas ng loob sa iyong organisasyon para sila ay maging matatag (tignan ang Mga Prinsipiyo ng Pagsasakapangyarihan). Ang iyong organisasyon ay maaaring isang lokal na NGO. Maaari din itong maging isang internasyonal na NGO o pambansa o rehiyonal na programa. Maaari din ito maging isang ministeriyo ng gobyerno, departamento, diktaturya, ahensiya o programa. Maaaring lokal, distrito o rehiyonal na awtoridad at staff. Maaaring pribadong negosyo, maliit na negosyo, co-op, unyon, o bahagi ng isang multinasyonal na korporasyon. Maaari ahensiya, departamento o programa ito ng UN. Ang pangalang "organisasyon" ay maaaring kahit ano sa naitalang ehemplo sa itaas. Sa huli, walang tiyak na proseso ang iyong masusundan. Pagaralan ang mga tekniko at prinsipiyo sa site na ito, obserbahan at usisain ang sitwasyon at gumawa ng sariling istratehiya. Tandaang kailangan lahat ay "nakikilahok", at itinataguyod mo ang buong partisipasyon nila sa pagsasagawa ng desisyon. ––»«––Komplimentaryong mga Modulo: Prinsipiyo sa Pagsasakapangyarihan, , Pagsukat ng Katatagan Pagrereport sa Komunidad Kapag
ikinopya ang mga teksto sa site na ito, maari po lamang bigyan pagkilala sa mga may-akda |
Home page |