Pangunahing Pahina
 Pagbibigay-kapangyarihan




Mga Salin

'العربية / al-ʿarabīyah
Català
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
日本語 / Nihongo
Português
Tiếng Việt

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Mga Keyword

Ipagbigay-alam

Ginagamit na mga Dokumento

Mga Magagamit na Link



Ang babasahin na ito ay inihayag sa
"Pandaigdigang Pagsasanay sa Pagkakatuto ng Gawain: Mga Natutunan mula sa Labas noong Oktubre taong 2004
na isinagawa ng mga Mieyembro ng Faculty ukol sa Pag-aaral sa mga Polisiya mula sa Pamantasan ng Chuo
Tokyo, bansang Hapon.

Kamal Phuyal









Pamamahagi ng mga praktikal na mga karanasan sa
Participatory Appreciative Planning Approach [PAPA]
Isang mabuting paglapit sa pakikitungo sa mga tao ng pamayanan

ni Kamal Phuyal

iniayos ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Dionisio R. Vitan III


Ang ngalan ko ay Kamal Phuyal. Ako ay bahagi na ng pagpapaunlad sa mga pamayanan simula pa noong taong-1987. Inumpisahan ko ang gawaing ito bilang isang 'tagapagpakilos sa pamayanan' sa isang liblib na nayon sa bansang Nepal, madalas sa mga lugar na probinsiya, sa pamamagitan ng iba't-ibang samahan na bahagi o hindi ng pamahalaan. Naniniwala ako na kailangan ng paglahok ng mga tao, at sa kalaunan ng kanilang sariling pamamahala, para sa isang tuloy-tuloy na kaunlaran. Ako, sa kalaunan ay natutunan ang PRA, PLA at iba pang mga uri ng mg paglahok at akin naman ginagamit ang iba't-ibang mga metodolohiya na ito sa aking gawain simula pa noong taong-1990. Sa nakalipas na limang-taon o higit pa, aking ginagamit ang uri ng paglapit na kung saan masusing pinag-iisipan ang paglahok ng bawat tao sa isang pamayanan upang magkaroon sila ng pagtanggap sa anumang kaunlaran na mabubuo mula sa gawaing ito. Tinutungo ko ang mga positibong mga kalakasan ng pamayanan na pinagtatrabahuhan ko at doon ko iniikot ang pag-gabay tungo sa kaunlaran. Aking naisip at naranasan na ang ganitong uri ng paglapit sa mga tao ay mas mainam at mabuting bagay upang mas lalong mapalapit sa mga tao ng pamayanan tungo sa pagbabago. Dito ay nais kong ibahagi sa inyo ang mga praktikal na mga karanasan ko.

1. PAPA: isang paglapit na naglalayon ng pagkakaroon ng mabuting pagtanggap

1.1 Ano ang PAPA?

Participatory Appreciative Planning Approach (PAPA) ay sinimulan sa bansang Nepa pagkatapos ng taong-1999 at mula noon ay ibayong ginagamit na ng mga iba't-ibang samahan at tao. Ngunit, iba't-ibang pangalan ang ibinigay ng mga tao o samahan na gumagamit nito tulad ng: positive planning approach, appreciative planning approach, at iba pa. Ang ganitong uri ng paglapit ay nagbabahagi ng mga kahalagahan na iniaangat ng 'appreciative inquiry (AI)' na paglapit.

Ang paglalagay sa tao bilang siyang sentro ng atensiyon ay siyang isa sa mga mahahalagang sangkap ng ganitong paglapit na nagpapahayag na "ang mga paglahok ng mga tao sa proseso ng kaunlaran" ay kanilang karapatan. Karapatan ng isang tao naalamin ang kanilang sariling sitwasyon at pag-planuhan ang kanilang magandang-bukas. Ang mga katutubo sa lugar na iyon, lalo na iyung mga taong walang kapangyarihan sa lipunan ay dapat magkaroon ng boses kapangyarihan sa mga pagpapasya ukol sa 'kaunlaran' na siyang magkakaroon ng malaking bahagi ng kanilang buhay at lagay. Dahil dito, ang mga taga-labas ay dapat lamang na makinig sa mga taong ito, matuto mula sa kanila at gumawa kasama nila kung saan ang mga katutubo ang siyang gaganap bilang tagapagpakilos. Kung ganoon, ang ganitong paglapit ay nagbibigay-pugay sa paglahok bilang "ang mga samahan para sa pagpapaunlad ay dapat na makilahok sa mga usapin sa pamayanan - hindi ang pamayanan ang makikilahok sa bawat naisin ng samahan."

Ang ilang malalaking nai-ambag ng PAPA para sa paglapit sa pamamagitan ng pakikilahok ay ang katibayan na ito ay nagsusulong ng kahalagahan ng mga positibong mga lakas ng pamayanan na siyang magdidikta tungo sa pangmatagalang-kaunlaran. Hindi nito hinihikayat ang pag-uusap o ang pagbibigay-pansin sa mga suliranin ng pamayanan, na madalas ay nagdudulot lamang ng kahinaan sa loob at pagiging walang tiala sa sariling kakayanan ng mg tao. "Marami tayong suliranin - marami tayong hindi kakayanin" na mga kaisipan ng mga tao ay hindi makapagsusulong ng proseso ng pagbibigay-kapangyarihan sa mga tao. Sa ganoong paraan, ang PAPA ay magsisimulang magbahagi sa mga tao ng kung ano ang kanilang kalakasan, mga mga kuwentong nagbibigay inspirasyon, pagkukuhanan ng mga likas na gagamitin at mga katutubong mga kaalaman at kasanayan. Mas nanaisin nitong gamitin ang tema na 'mga lugar o bagay na dapat mapabuti' kaysa sa talakayin ang mga suliranin.

Ang ganitong paglapit ay nagbabahagi ng mga mahahalagang-kaisipan:

  • Ang mga katutubong mga tao ang siyang mas may kaalaman ng kanilang kinalalagyan, kaysa sa pananaw ng mga taga-labas. Jung ganoon, dapat lamang na silang mga katutubo ang siyang manguna sa proseso ng pagpapa-unlad.
  • Karapatan ng mga tao na pag-aralan ang kanilang kalagayan, pag-isipan at pag-planuhan para sa mas magandang-bukas, magpatupad ng mga gawain at tiyakin ang mga kalalabasan ng ganitong mga gawain.
  • Bigyan ng galang ang pagkakaiba-iba ng mga tao (mula sa kanilang katayuan sa buhay, uri, kaste, o iba pa). Ang tao ay may iba't-ibang kaisipan, pangangailangan at kagustuhan. Ang mga tagapagpakilos ay nararapat na gumalang dito ay makinig sa lahat ng tao upang mas makilala kung ano ang katotohanan sa pamayanan.
  • Makinig, matuto, at bigan ng suporta ang mga katutubo, lalo na yaong may kakaunting kapangyarihan sa lipunan.
  • Igalang ang mga katutubong mga kaalaman at mga gawain. Matuto sa mga ito.
  • Ang proseso ng pagpapaunlad ay dapat na simple at masayang gawin upang kahit na yaong mga hindi nakapag-aral na mga tao ay makalahok ng walang suliranin.

1.2 Ang proseso ng PAPA

Ang mga sumusunod ay ang prosesong sinusunod ng PAPA sa implementasyon nito:


hiddentextbehindtheimage

Kaugnay sa mga estado ng implementasyon, sinusunod nito ang mga baitang ng 'sirkulo ng proyekto sa pakikipag-ugnay' na isinama sa aneks bilang 1. Ang mabusising paliwanag ng bawat baitang ng PAPA ay isinama sa aneks bilang 2.

1.3 Bakit PAPA?

Ang mga mahahalagang aspeto ng PAPA na aking naranasan/naintindihan mula sa iba't-ibang pagpapatupad nito sa iba't-ibang mga pamayanan ay ang mga sumusunod:

  • Ito ay nakatuon sa mga positibong mga kalakasan ng mga katutubong imbes na sa mga suliranin nila at kahinaan na namumutawi sa kanilang pamayanan. Tulad ng sinabi ni Mac Odell - "kapag hinanap mo ang suliranin, makakasungpong ka ng mas marami pang mga suliranin; kapag ang hinanap mo ay tagumpay, marami ka pang masusumpungang tagumpay. Kung ikaw ay naniniwala sa iyong mga pangarap, makakagawa ka ng mga milagro." Tayo, kung gayon, ay natuon lagi sa paghahanap ng ugat ng pinanggagalingan ng mga tagumpay imbes na itinutuon lamang natin ang ating pansin sa ugat ng mga suliranin.

  • Positibong kapaligiran: Ang pagbibigay-pansin sa mga positibong mga aspeto ay nagdudulot ng isang masayang kapaligiran. Ang mga mukha n mga tao ay kakikitaan ng sigla at sila ay mararamdam ng damdaming "marami kaming mabubuting bagay, kaya mas marami kaming magagawang mabuti simula ngayon" sa pamamgitan ng kanilang mga sarili habang ginagawa nila ang pagsasanay ukol rito.

  • Ugaliing makinig sa mga katutubo ng lugar ng iyon at hikayatin silang ipadama at ibahagi ang kanilang mga kaisipan sa iba. Mas pinipili na makinig sa mga taong may maliliit na kapangyarihan sa lugar, upang mas malaman natin ang kanilang katotohanan. Dahil sa ang proseso ay simple lamang, masayang gawin, at positibo, ang mga taong may kakaunting kapangyarihan ay mahihikayat namakilahok sa pamamagitan ng pamamahagi ng kanilang mga kaisipan at damdamin. Katulad na lamang ng nagyari sa bansang Nepal, kung saan ang mga mahihirap at yaong nasa mababang antas ng kaste o lipunan ay yaong mga madalas walang kapangyarihan (tignan ang aneks bilang 3 upang mas maintindihan ang marginilisasyon sa lipunan ng bansang Nepal).

  • Ang mga katutubo ay naglalayon na mabago ang kanilang pamayanan sa pamamagitan ng kanilang konteksto ng sosyo-kultural ayon sa paghihimok ng PAPA. Hinihimok ng PAPA na mas mainam itong gawin kaysa ihanaya ang pagnanais ng mga katutubo sa pagbabago sa pamamagitan ng pagnanais ng mga taga-labas para sa kanilang pamayanan.

  • Ang paggamit ng mga likas na pagkukunang-yaman: kapag ating ginamit ang proseso ng PAPA, ang mga tao ay mas nakatuon sa kung ano mayroong likas na yaman ang pamayanan. Kanilang pinag-uusapan kung papaano ito magagamit para sa pagpapaunlad ng pamayanan sa halip na humingi ng pondo mula sa mga taga-labas na maaaring magbigay. Dito makikita ang tunay na kahulugan at kaganapan ng proseso ng pagbibigay-kapangyarihan.

  • Baguhin ang takbo ng kaisipan ng mga 'tagapagpakilos para sa kaunlaran': kapag ang mga tagapagpakilos sa kaunlaran ay nakita ang kalakasan ng mga katutubo ng pamayanan, sa kanilang kakayanan at kayamanang-likas, kanilang naiitindihan ang kahalagahan ng paglapit sa pamamagitan ng partisipasyon.

1.4 Magagamit na mga Kagamitan

Maraming uri ng kagamitan sa paglapit, tulad ng kagamitan na PRA/PLA, ay ginagamit upang maisagawa ang pagsasanay sa PAPA. Ang mga kagamitang ito ay ginagamit una na sa panghihikayat sa mga katutubo upang sila ay matutong magbigay ng kanilang iniisip at nararamdaman, pagsasabi ng kanilang nalalaman, at panghihikayat upang maisama ang mga katutubo sa mga usapin at pag-iisip para sa proyekto. Marami sa mga gawaing ito ay ayon sa nakikita ng mga mata kung kaya mas nahihikayat ang mga katutubo na maging malikhain. Ang mga (ibang) tao sa lugar ng nayon ay gumagamit ng mga katutubong mga gamit at materyales tulad ng mga patpat, mga bato, mga damo, kahoy, dahon ng puno at lupa. Hindi sila pamilyar sa mga papel at lapis o pluma. Para sa kanila, ang paggamit ng mga pluma o lapis ay tila pahirap sa kanila at hindi nila alam kung saan at kailan hihinto sa paggamit ng papel. Sa ganitong sitwasyon, heto ang ilang mga kagamitan na magagamit para sa (ibang) tao sa nayon:

  1. Pagtatanda ng uring-sosyal (Social mapping)
  2. Pagtatanda ng uring-likas na yaman (Resource mapping)
  3. Pagtatanda habang sinusuri ang paligid sa paglalakad (Transect walk)
  4. Pagtatanda sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagpapares-pares at ng kanilang antas (Pair-wise ranking)
  5. Pagguhit (Drawing), at iba pa.

(Tignan ang aneks bilang-4 para sa maikling paliwanag ukol sa mga kagamitang nabanggit)

3. Tagapagpakilos ng PAPA

Ang katauhan ng mga tagapagpakilos ay mahalaga upang maipagpatuloy ang proseso ng PAPA tungo sa tagumpay. Sila ay karaniwan ng gumagawa upang ang proseso ay maging madali at sila ay nagsasagawa ng mainam na kapaligiran upang mahikayat ang mga katutubo na makilahok sa naturang proseso.

Participation of the marginalized people, mainly of those who are illiterate and who hesitate to speak out, is impossible if facilitation is not appropriate. The success of the exercises mainly depends on facilitators acting as convenors and catalysts, but without dominating the process. Sila ay nararapat na magkaroon ng sapat na panahon, magpakita ng galang, maging bukas sa sa lahat ng kanilang kilos, maging mapang-uri sa sarili, at matutong huwag maging pakialamero. Kung ganoon, ang isang tagapagpakilos ay nararapat magkaroon ng mga tamang kasanayan upang mapabuti ang antas ng pakikilahok ng mga tao sa kanila (tignan ang aneks bilang-5 para sa antas ng pakikilahok sa mga pagsasanay) Ngayon ay may katanungan na namumutawi sa kung anong mga katangian ba ang kailangan upang maging isang tagapagpakilos.



Sa aking tingin, ang pagsasama-sama ng tatlong malalaking aspeto ay napakahalaga upang maging isang mahusay at magaling na tagapagpakilos: ugali, kaalaman, at kakayanan. Subalit, ang ugali ay gumaganap ng isang mahalagang papel para sa isang matagumpay na pagpapakilos, lalo na sa mga pagsasanay sa PAPA. Ang ilan sa mga malalaking mga mahahalagang mga katangian bilang isang tagapagpakilos, ayon sa aking karanasan, ay ang mga sumusunod:

Pag-uugali Positibong Pananaw
Paniniwala sa kakayanan ng ibang tao, lalo na ng mga taong may kakaunting kapangyarihan sa lipunan
Pakikinig at paggalang sa pag-iisip ng iba
Lubusang pananaw sa pagbabagong-sosyal
Marunong gumalang sa kahit anong kasarian
Paggalang sa mga lokal o katutubong kultura
Bukas ang isipan lagi
Hindi tumatalikod sa mga hamon at pahirap na maaaring suungin
Pag-uugali na matutuo pa ng mas matataas na bagay
Kaalaman Lubusang pagkakaintindi ng tunay na kahulugan ng kaunlaran
Paglapit sa pamamagitan ng panghihikayat ng partisipasyon
Paggalang sa karapatan ng bawat isa
Kaayusan ng kapangyarihang-sosyal
Kaalaman sa pagsasaayos ng anumang sigalot
Kaalaman sa pagsasaayos at pangunguna sa proyekto
Kahusayan Communication/listening
Pakikipag-ugnayan/pakikinig
Marunong bumasa ng iginagalaw ng katawan ng tao
Gumagamit ng mga kagamitan at teknik ukol sa paglapit
Pagpapakilos ng mga samahan
Pagsusuring-sosyal
Paglapit sa pamamagitan ng tahasang pag-alam ng lahat tungkol sa isang pamayanan
Pakikipag-ayos
Pagsusulat/paggawa ng dokumento
Kaalaman sa pagsasaayos ng anumang sigalot
Pamamahala
Gumagamit ng pagsasanay, mga pagganap ng ibang katauhan, mga laro, mga pagpapalakas ng isipan at katawan
Kahusayan sa pagtatakda at pag-aayos

Lahat tayo ay nagkaroon ng karanasan sa atig gawain. Kung kaya ating ibahagi ito upang malaman kung papaano ang mga katangiang ito ay mapalawig pa.

4. At sa huli

Ang PAPA ay hindi ang lahat-lahat. Mayroon itong hangganan at napatunayan na ito ay tamang gamitin sa mabababang-antas o micro level. Sa kalungkutan, mahirap kung ito ay gagamitin sa mas malalawak na proyekto.

Ang PAPA ay hindi isang mahika na bigla na lang lumantad. Ito ay nagawa pagkalipas ng mahabang pag-aaral sa mga naisagawa sa mga tao sa kanayunan ng bansang Nepal; bagama't ito nagagamit rin naman sa mga pamayanan sa siyudad at ilang mga institusyon rin.

Ang PAPA ay para sa pamayanan - ang pamayanan ay hindi para sa ganitong paglapit.

Ang isang mabuting tao lamang ang maaaring maging isang magaling na taga-takda at tagasaayos. Kung ganoon, ang mga halaga ng PAPA ay dapat na nakapaloob sa pamumuhay ng bawat isa.


Aneks Bilang-1: Sirkulo ng proyektong-paglapit

Ang PAPA ay nakamit mula sa sirkulo ng proyektong-paglapit



Paghahambing sa Sirkulo ng Pagpapakilos.

Aneks Bilang-2: Mga Baitang ng PAPA

[Pagsusuri sa Sitwasyon]
Paghahanap ng mga bagay na mabuti at mga lugar o bagay na maaari pang mapa-unlad
  • Ang mga katutubo ng pamayanan at yaong mga tagasaayos ay kumikilos ng magkasama upang paehong magkaroon ng bahagi sa mga magagandang bagay sa pamayanan.
  • Mga kalahok: parehong ang mga katutubo at yaong mga tagasaayos ay tumutuklas ng mga likas-yaman na magagamit at kanilang pinag-uusapan sa papaanong paraan. Ang mga likas-yaman ay ang mga sumusunod: tao, kapaligiran, sosyal, ekonomiya at mga bagay na maaaring gawing sangkap upang makabuo ng iba't-ibang bagay.
  • Nakakatagpo ng pagkakataon. Ito ay napag-uusapan kung papaano ang mga ito ay mapapakinabangan.
  • Ang mga katutubo ng pamayanan na iyon ay naipapamahagi ang kanilang tagumpay sa mga taga-labas.
  • Ang mga katutubo rin ang nakakatagpo ng mga bagay na dapat pang mapaunlad sa loob ng pamayanan.
  • Pinag-uusapan rin nila kung papaano ang mga bagay na ito ay magagawang mapaunlad.
Paalala: maraming mga kagamitan sa paglapit ang ginagamit para sa pagsuri ng kalagayan, tulad ng Pagtatanda habang sinusuri ang paligid sa paglalakad, pagtatanda, paglalarawan at iba pang mga kagamitan.
Paglalatag ng mga pangarap para sa pagbabago
  • Kapag ang mga kalahok ang siyang gumawa ng pagsuri sa kalagayan, naibabahagi nila at nailalatag ang mga pangarap para sa pagbabago ng pamayanan.
  • Iba't-ibang pangkat (sa edad, kasarian, kalagayan sa lipunan) ang gumagawa sa iba't-ibang paraan kung kinakailangan.
  • Ang mga pangarap ay ipinapangkat-pangkat kung maraming mga pangarap ng pagbabago ang nailatag.
  • Hindi iniaatas ng tagasaayos ang mga pangarap sa mga tao.
Paalala: maraming kagamitan sa paglapit ang ginagamit para sa pagsuri ng kalagayan tulad ng antas, mga kagamitan sa pagguhit, at iba pa.
Nagsasagawa ng kinakailangang mga gawain upang maisakatuparan ang mga pangarap
  • Ang mga kalahok ay nag-uusap at tumutuklas ng mga gawain (gawain sa pagpapaunlad) na kailangang tupdin at gawin upang maisakatuparan ang mga pangarap.
  • Ang mga taga-ayos ay nagbibigay gabay at tulong, kung kinakailangan, upang magawa ang mga gawaing ito.
Pagsasagawa ng detalyadong plano para sa pagsasagawa
  • Ang mga kalahok ay nag-uusap kung papaano nila pamamahalaan ang mga likas a yaman. Para rito, ang mga kalahok ay kinakailngang pag-usapan na muna kung papaano ang mga likas na yaman na ito ay magagamit. Pagkatapos, pinag-uusapan rin kung papaano ang yaman mula sa labas (mga nagbibigay donasyon) ay mapapamahalaan.
  • A detailed action plan to implement the designed activities is developed (see a specimen of a format used presented below).
  • Isang detalyadong plano sa pagsasagawa ng mga naisaguhit na mga gawain ay isaisakatuparan (tignan ang halimbawa ng isang porma na nagamit na sa ibaba).
  • Ang mga tao ay nagbibigay ng kanilang lubusang pagsuporta upang magbigay ng iba't-ibang mga gawain upang maisakatuparan ang mga pangarap na ito.


Porma ng isang detalyadong plano sa pagsasagawa (bilang halimbawa)
[Lawakan ang mga hanay at ibaling ang mesa ng pahalang]

Mga Gawain/
proseso
Pinatutungkulang
Pangkat/lugar
Petsa Mga Kailangang Gagamitin
Mga responisibilidad
Mga Paghamon na Maaaring Makaharap Mga Panukala na Maaaring Ilatag Ukol sa mga Paghamon




Pamayanan Lokal na Pamahalaan Iba Pa
















                                        


Aneks Bilang-3: Ilang halimbawa ng mga kagamitan sa paglahok na maaaring magamit para sa mga pagsasanay ng PAPA

Pagmamarkang-Sosyal Sa maraming lipunan ay may maraming uri ng antas sa buhay o kaste, mga lahi, pangkat ng mga tao ukol sa yaman o katayuan sa buhay. Mahalaga na maintidihan ang himamay ng mga lipunang ito ukol sa likas-yaman na mayroon at ang kalagayan ng mga tao upang makamit at magamit ang mga likas-yaman na ito. Ang pagkakaroon ng pagkakaintindi sa sosyal na ayos ng isang pamayanan ay napakahalaga upang maayos na maisagawa ang mga gawain para sa kaunlaran na siyang nakatuon sa pagbibigay-kapangyarihan ng mga tao na may mahina o walang kapangyarihan sa kanilang lipunan. Ang paggamit ng pagmamarkang-sosyal ay mainam na gamitin para sa ganitong pagsusuri. Dagdag pa, makakapagbigay pa ito ng iba't-ibang mga kaalaman; bilang ng mga pamilya, bilang ng mga tao, bilang ng marunong bumasa at magsulat, bilang ng mga baka o kalabaw o baboy o manok, at iba pa.

Initially a general introduction of the objectives of the exercise must be given. Then the villagers should be encouraged to draw the map of the village. In order to encourage, the facilitator should initiate first to draw. Then every effort must be given to hand over the stick, the map usually is drawn in the common ground using local materials for representation as much as possible. This ensures interest and encourages participation of the community. Constant effort must be given to get women and children's perspective or separate map can be drawn as well.

Pagmamarka ukol sa Likas-yaman:Ang kagamitang ito ay nagbibigay ng kaalaman ng kung ano ang nandiyan na likas-yaman sa loob ng barangay, kasama na ang yamang-lupa at yamang-tubig. Ang mga gamit ng mga yaman na ito at kung papaano nagagmit ito ng mga tao ay sinusuri rin. Ang pagmamarka ukol sa likas-yaman ay nagpapakita rin ng kalidad o uri ng bawat likas-yaman. Ang mga pagmamarkang ito ay nakakatulong para sa pagkakakilanlan at pagsusuma ng mga bilang ng iba't-ibang uri ng mga likas-yaman ng barangay. Kasama na rito ang ayos at lagay ng mga likas-yaman sa mga unang antas ng proseso ng pagpapaunlad. Tinitiyak ng ganitong pagmamarka na ang lahat ng uri ay binibilang sa mga sumusunod na pakikipag-usap sa mga katutubo.

Pagtatanda habang sinusuri ang paligid sa paglalakad: Ito ay may-ayos na paglalakad kasama ng mga katutubo ng pamayanan habang nagbibigay-pansin, nagtatanong, nakikinig, tumitingin sa paligid, kinikilala ang iba't-ibang mga lugar, naghahanap ng pagkakataong magagamit at lugar na maaaring pama-unlad. Ang mga makakalap rito ay maaaring ipakita sa pagmamarkang-sosyal o kaya ay sa isang pagsusuring-paglalarawan.

Ang mga taga-labas na taga-ayos ay maglalakad sa loob ng pamayanan. Ang mga taga-labas ay magtatanong at matututo mula sa mga nakatira rito sa kung ano kalagayan ng lugar. Ang mga taga-labas ay maglalatag ng listahan na maaaring ibahagi sa mga katutubo bago gawin ang pagsusuri sa pamamagitan ng paglalakad. Makabubuting sundin ang hugis 'U' sa paglalakad upang magkaroon ng mas malalim na unawa ukol sa lugar.

Pair-wise ranking: This tool confirms local people's categories, criteria, choices and priorities. The major reasons of preferences are derived which than can be again scored basing on a single indicator progression. It helps to prioritize the areas for improvements as well as projects.

Para sa pagtatanda sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagpapares-pares at ng kanilang antas, ang mga bagay na ililista ay maaaring maihambing sa bawat pares. Tanungin ang mga nagbigay ng kaalaman kung ano ang mas pipiliin nila sa paghahambing at bakit iyon ang kanilang napili. ANg listahan ng paghahambing ng may kasamang antas ay magagamit upang magawa ang pila at hanay ng mga bagay. Ang mga tao ay makapgbibigay ng antas sa listahang ito na naka-ayos sa isang matrix.


Aneks Bilang-4: Ang nananatiling kalagayang-agwat ng mga tao sa bansang Nepal

Pagtatangi-tangi ayon sa antas ng kabuhayan Pagtatang-tangi ayon sa kalagayang-kaste Pagtatangi-tangi ayon kasarian Pagtatangi-tangi ayon sa rehiyon
Masyadong mayaman o nakaririwasa sa buhay


Mayaman o nakaririwasa sa buhay


Hindi mayaman ngunit hindi rin mahirap sa buhay


Mahirap sa buhay


Masyadong mahirap sa buhay
'Nakatataas na kaste'





Pangkat-Etniko o katutubo





'Mababang Kaste'
Lalaki











Babae
Kapital



Siyudad/Lungsod/Kapitolyo



Barangay



Liblib na mga Lugarng mga nayon


Aneks Bilang-5: Antas ng paglahok sa 'pakikilahok sa mga pagsasanay'

Paglahok sa paggawa ng mga pagpapasya
  • Magbigay ng katwiran
  • Palaging subukin ang tibay ng kanilang katwiran
  • Ang mga ideya o kaisipan ay makikita sa mga pasyang nagawa, huwag bibitiw
Pakikilahok sa pakikipag-uganayan
  • Magtanong
  • Magbahagi ng mga karanasan
  • Magbigay ng mga kurokuro
Paglahok sa pamamagitan ng pakikipag-usap
  • Sagutin ang tanong na ibinigay nino-man, ngunit huwag ayon sa sariling kurokuro
  • Makinig sa ibang tao
Pisikal (paggamit g katawan) na paglahok
  • Pisikal na nandito
  • Huwag magsalita agad o kaya ay walang sasabihin (mapapansin ang pagkabahala)
  • Ang iba ay hindi makatingin sa mga mukha ng ibang tao na kausap

Panghuling Paalala:
1. Odell, M., 2000, Mga Lathalain ukol sa Pagpapaunlad ng Paglahok

Tignan rin: Ibahagi ang Kasiyahan sa PRA, ni Kamal Phuyal
––»«––

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 01.05.2011


 Pangunahing pahina

 Pagbibigay-kapangyarihan