Mga Salin:
Ibang format:
Ibang mga Pahina:
|
PAGBABAHAGI NG KALIGAYAHAN SA PAMAMAGITAN NG PRA
Nepal
ni Kamal Phuyal
pinamatnugutan ni Phil Bartle, PhD
isinalin ni Lina G. Cosico
|
|
"
Ang mga kasali sa training ay hindi nakatuon sa nilalaman ng training, ngunit pinagmamasdan
nila ang mga kilos at asal ng mga trainer at tinitignan nila kung ginagawa nila ang
kanilang mga itinuturo o hindi. At saka, ang mga trainee ay isasagawa ang kanilang
mga pinag-aralan kung kumbinsido sila sa praktikal na asal ng kanilang mga trainer." [G.
Uttam Dhakhwa, Forum para sa Pagbabahagi ng Espirituwalidad at Pagsulong (Sharing
Forum on Spirituality and Development)].
Bakit
kailangang gamitin ang PRA? Ito ay naitanong na sa maraming forum katulad ng training
at workshop. Sa aking karanasan, nakakita ako ng tatlong pinakamahalagang aspeto
ng PRA: aktitud at asal, konsepto o pananaw at proseso (ng paggamit ng mga tool o
kasangkapan) o kakayahan. Ang pangatlong aspeto ay mukhang maliwanag, ito ay nakatuon
sa kung papaano gagamitin ang mga tool ng PRA. Mayroong komento na ang malaking parte
ng training ay tungkol sa aspetong ito. Ang training ay nagsisimula sa nakaraan o
kasaysayan ng PRA at nagtatapos sa panggamit ng mga tool.
Ang
unang parte ay nagtatanong; sino ang dapat gumamit ng PRA? Ano ang mga katangian
ng gagamit ng PRA? Ang pangalawa ay nakatuon sa dahilan ng paggamit ng PRA - Bakit
hindi ibang paraan? Ano ba ang kahalagahan ng PRA? Ganun din, ang pangatlong parte
ay nakatuon sa kung papaano gagamitin ng epektibo ang mga tool o kasangkapan ng PRA.
Ano ang proseso ng paggamit?
Ang
pagsali ng mga mamamayan ay depende sa aktitud ng facilitator ng PRA.
Ang
Pagsulong ay Pagbabahagi ng Kaligayahan
Minsan
ay nabanggit ng isa kong kasamahan, " Ano ba ang ibig sabihin ng pagsulong? Sa aking
karanasan, ito ay ang pagbabahagi ng kaligayahan sa iba." Ipinaliwanag niya ang kaniyang
mga karanasan, at nagustuhan ko ang kanyang ideya ng pagsulong o development.
Nagkaroon
ako ng maraming pagkakataon para bisitahin ang maraming proyekto para sa pagsulong
ng komunidad; ang iba ay gumastos ng milyun-milyong rupi, ang iba ay ilang libo lamang.
Minsan ay nasa nayon ako ng Pokhara, mga 200 km mula sa Kathmandu. Nagsasagawa kami
ng pagsasaysay (na kasali ang mga mamamayan) ng proyekto tungkol sa tubig na maiinom.
Masaya kami roon, marami kaming naibahagi sa mga taganayon, masayang-masaya sila
na naroon kami sa nayon. Ang proyekto ay isinagawa ng mga opisyal ng distrito at
ng isang organisasyong Hapon. Gumastos sila ng 35,000 rupi para matapos ang proyekto.
Sa aming sesyon, ipinaliwanag ng mga kababaihan ang proyekto.
Isang
Didi (mongha) ang dumating para magtrabaho sa aming nayon. Matagal namin siyang hindi
pinansin. Sinabihan siya ng mga tao na bumalik sa kanyang pinanggalingan (dahil marami
na kaming mapapait na karanasan sa ibang development worker) pero, iba siya, buong
gabi niyang pinag-iisipan ang aming mga problema. Napakabait niya. Hindi nagtagal,
nagustuhan na rin namin siya at samasama kaming nagtrabaho at marami kaming nagawa.
Ngayon, mayroon na kaming sariling kooperatiba. Nagkaroon ng mga klase para sa pagbasa
at pagsulat. Maayos ang oras namin na kasama siya. Napakasaya namin habang nagtratrabahong
kasama siya. Maski ngayon, masaya kami kapag naaalala namin ang mga araw na iyon.
Mahal na mahal namin ang aming proyekto at hinding-hindi namin ito hahayaang mamatay,
pati na ang pag-aalala sa mga panahong kasama namin si Didi.
Ni
hindi mabigkas ng wasto ng mga taganayon ang pangalan ng organisasyong Hapon; ang
tanging sinasabi nila ng paulit-ulit ay kung gaano sila kasaya na nakasama nila ang
mongha. Sa kasamaang palad, hindi namin nakadaupang palad ang kanilang Didi, ngunit
napag-alaman namin na maligaya siya pag kasama niya ang mga kababaihan sa nayon.
Napag-alaman din namin na ang kaniyang motto ay pagbabahagi ng kaligayahan sa ibang
tao. Parehong nagbahagian ng kaligayahan ang mga taganayon at si Didi. Ang proyekto
sa tubig ang nagsilbing paraan para maghati sila sa kaligayahan. At ang kaligayahang
iyon ang nagbigay tagumpay sa proyekto. Hindi interesado ang mga taganayon kung magkano
ang nagastos sa proyekto at hindi nila natatandaan kung magkano ang nagastos sa proyekto.
Sa buong panahon ng pagsasaysay, tanging ang kaligayahan nila ang kanilang paulit-ulit
na naaalala. Ang kaligayahang iyon ang nagbunsod sa kanila na gumawa ng maraming
bagay. Ngayon, mayroon na silang sariling kooperatiba, nakapagtayo na sila ng isang
komite ng kababaihan na magmementana ng tubigan. Mayroon din silang grupo ng pag-iimpok.
"Masaya kami na makasama sa grupo, nagpupunta kami roon, nagbabahagian ng mga problema
pati na ng kaligayahan," ang sabi nila.
Isa
sa pinakamalaking multi-lateral na organisasyon ay gumastos ng 1.5 milyong rupi para
sa isang proyektong magbibigay ng inuming tubig sa isang nayon sa distrito ng Nuwakot,
bandang hilaga ng Kathmandu. Pero, ang isang komite sa pagsulong ng nayon (Village
Development Committee, VDC) na sumasakop sa halos 800 pamilya (ilang nayon) ay tumatanggap
lamang ng taunang pondo na may halagang 500,000 rupi mula sa gobyerno. May malaking
di pagkakasundo na namagitan sa proyekto at mga taganayon. Hindi maligaya sa proyekto
ang mga taganayon kahit pa nalunasan ang kanilang problema ng pagkuha ng tubig mula
sa malayong lugar. Sa kanilang pagsasaysay ng proyekto, nagsabi ang mga taganayon:
Ang
pagtatayo ng proyekto ay halos tapos na, pero ni hindi namin nakikilala ang mga taong
gumagawa sa proyekto. Parati nilang pinapalitan ang mga nagtratrabaho. Hinding-hindi
namin nakikita sa pangalawang beses ang mga tao sa proyekto. Hindi namin iniisip
na proyekto namin ito. Narinig namin na nagtayo sila ng isang working group. Hindi
namin alam kung sinu-sino ang kasama sa grupo. Siguro ay mga politikal na lider.
Ang mga nagtratrabaho sa proyekto ay walang opisina dito at ni wala silang permanenteng
lugar na tinitirahan. Kadalasan ay umuuwi sila sa Kathmandu o Trishuli sa kanilang
sasakyan pagkatapos bisitahin ang mga lugar. Isa sa mga kontraktor sa katabing nayon
ang namamahala sa trabaho. Minsan ay nakipag-usap kami sa mga tauhan, pero parang
hindi sila masaya na kausapin kami.
Matagal
nang kumukuha ng tubig ang mga taganayon mula sa isang karatig na bukal; at kaya
nilang ipagpatuloy ito sa mga darating pang panahon. Hindi tinanong ang mga taganayon
kung ano ang kanilang mga hangarin; kung ano ang kanilang tunay na iniisip. Ang pagplaplano
ay isinagawa ng mga tagalabas pati na ang pag-iimplemento sa suporta ng ilang tao
na walang problema sa pagkuha ng tubig. Sa kasong ito, napag-alaman namin na ang
proyekto ay hindi naging paraan para magkaroon ng pagbabahagi ng kaligayahan. Ang
pagitan ng mga taganayon at tauhan ng proyekto ay nag-umpisang lumaki sa simula pa
lamang ng pagpasok ng proyekto sa nayon. Ang mga tauhan ng proyekto ay sa proyekto
lang nakatutok. Sa tingin nila, mabait sila sa mga taganayon dahil dinala nila ang
proyekto sa nayon. Hindi sila handang maglaan ng oras para kausapin ang mga taganayon;
kung hindi nila kakausapin ang mga tao, paano sila magbabahagi ng kaligayahan?
Sa
ating kasaysayan ay maraming istorya tungkol sa mga gawaing samasamang isinagawa
ng mga mamamayan. Makikita natin na ang mga mamamayan mismo ay nagtayo ng maraming
templo, daan, balon, paaralan at marami pang iba. Ginawa nila ang lahat ng ito na
parang selebrasyon ng mga seremonya. Kung itutuloy mo ang pagsusuri, malalaman mo
na ang pangunahing motibo sa mga aksiyong ito ay upang magbahagi ng kaligayahan.
Datihan na silang umaawit, samasamang nagtutulungan, nagbabahagi ng pagkain sa mga
kasayahan at nagtatawanan at nagsasaya pagkatapos ng mga gawain. Kung baga ay nagbabahagi
sila ng kaligayahan, minsan sa pagbibigay sa iba, minsan sa pagtanggap mula sa iba,
at minsan sa pagbibigayan sa isa't-isa.
Minsan,
isang malaking organisasyon ang nag-alok ng mataas na puwesto para sa isa kong kasamahan.
Pinag-isipan niya ito ng husto, nakipag-usap sa iba at sa huli, tinanggihan niya
ang alok. Sabi niya:
Hindi
ako sigurado kung magiging maligaya ang aking kapaligiran sa bagong trabaho. Maligaya
ako sa trabaho ko ngayon, sa aking mga kasamahan na kabahagi ko sa kaligayahan. Masaya
ako sa trabaho ko dito. Oo, siyempre, doble ang sueldo ko at mas malaki ang pasilidad.
Pero, takot akong mawala ang aking kaligayahan.
Pagbabahagi
ng Kaligayahan sa Pamamagitan ng PRA
Sa
kasalukuyan, hindi pa kami nakakatagpo ng training ng PRA na nakakabagot. Katatapos
ko lang basahin ang ulat ng 60 training ng PRA. Tiningnan ko ang parte ng pagsasaysay
na ginawa ng mga kalahok, na karaniwan ay ginagawa sa pagtatapos ng training. Wala
ni isa man na nagsabi na nakakayamot o nakakabagot ang PRA training. Ang mababasa
mo ay: "Sampung araw na parang sampung minuto lamang," " Ang proseso ng pag-aaral
ay parang laro," " Hindi kami nakaramdam ng pagkabagot," "Madalas kaming tumatawa,"
"Madalas kaming nagbahagian," atbp. Ang natutunan mo sa PRA ay matututunan mo sa
iba pang paraan. Subali't, isa sa pinakamahalagang katangian ng PRA, sa aking karanasan,
ay ang pagbuo o pagbibigay nito ng isang kapaligiran o pagkakataon sa pagbabahagi
ng kaligayahan. Sa isang PRA training, walang nadaramang pagkakaiba sa isa't-isa
ang mga kalahok, maski pa ano ang kanilang estadong pinansiyal, sosyal na kalagayan,
kasarian, edad, atbp. Lahat sila ay tumatawa, natututo at nagbabahagi. Ang pagbabahagi
ng kaligayahan ay nagbibigay daan sa pagkakaroon ng sentimental na relasyon sa pagitan
ng mga kasali sa PRA na ginawa sa training o sa komunidad.
Alam
mo, habang gumagawa ng mapa ng lipunan, ang mga taganayon ay gumagamit ng mga bato
at patpat at gumagawa ng mga bahay. Sa unang 15 minuto, naaalala nila na gumagawa
sila ng mapa ng nayon o artipisyal na mapa. Pagkatapos ay nalilimutan nila na naglalaro
sila gamit ang mga bato at iba pang lokal na materyal. Tumutungo sila sa totoong
nangyayari. Sila ay sumisigaw, tumatawa, bukas na nag-uusap, at kung minsan ay nagagalit
din. Kaya, sa aking pakiramdam, pagkatapos ng 15 minuto, pumapasok sila sa isang
masiglang diskusyon at pagsusuri, at ang sandali ng pagbabahagi ng kaligayahan ay
nagsisimula. Kapag natapos ang mga artipisyal na sandali at nag-umpisa ang pagbabahagi
ng kaligayahan, ang mga mamamayan na dating nakatayo lamang sa isang tabi ay nagsisimulang
makihalubilo. Kahit na ang mga hindi marunong bumasa at sumulat at ang mga taong
takot magsalita sa publiko ay sumasali. Pinapadali ng pagbabahagi ng kaligayahan
ang proseso ng PRA. Minsan
ay sinabi ito ng isang PRA facilitator.
Pero
ang PRA na walang pagbabahagi ng kaligayahan ay nakakabagot at napakateknikal. Kung
minsan, maaari din itong maging mapanganib. Minsan ay nabanggit ng isang pinuno ng
VDC ng distrito ng Dhading, isang kalapit distrito ng Kathmandu na:
Isang
team ng mga gumagawa ng PRA ang dumating kasama ang apat o limang porter na daladala
ang kanilang mga pagkain at gamit. Dumating sila sa nayon at ang iba sa kanila ay
naghanap ng manok, habang ang iba ay pumutol ng mga sanga para sa kanilang siga.
Isang grupo ng mga kabataan ang nagpunta sa tubigan at nag-umpisang manukso sa mga
kabataang babae. Noong gabi, nagkaroon sila ng isang malaking selebrasyon ng kanilang
kultura. Nagpatugtog sila ng mga musikang Ingles at nag-umpisang mag-disco. Nagsisigawan
sila at natigil lamang ang sayawan ng mag-away ang dalawang sumasayaw na lasing.
Kinaumagahan, pito o walong tao lamang, kasama na ang tatlong tao sa bahay na kanilang
tinutuluyan, ang dumalo sa kanilang ginawang 'PRA'.
Ang
ganitong PRA na walang partisipasyon ng mga mamamayan ay hindi nagbabahagi ng kaligayahan,
bagkus ito ay nagnanakaw ng kaligayahan mula sa tao. Isa pa, ang ganitong PRA, na
isinagawa ng mga may makasariling interes, ay sumisira sa mga pinahahalagahan ng
PRA.
Anuman
ang gawin natin sa pamamagitan ng PRA ay maaari ding gawin sa ibang paraan. Ang paggamit
ng ibang teknik ay makapagpapalaki ng partisipasyon ng mga mamamayan. Maaari nating
mahimok ang mga hindi marunong bumasa at sumulat at mga hindi naririnig na sektor
ng lipunan na sumali sa proseso ng pagsulong sa pamamagitan ng paggamit ng iba pang
teknik. Ngunit ang kahalagahan ng PRA ay ang potensyal nitong magbuo o magbigay ng
isang kapaligirang may pagbabahagi ng kaligayahan.
Minsan
ay isinagawa ang pagraranko ng mabuting kalagayan ng mga mamamayan sa isang nayon
sa distrito ng Sindhupalchowk na nasa silangang kanlurang bahagi ng Kathmandu. Isinagawa
ito ng isang grupo ng mga taganayon. Inilagay nila ang isang matanda sa 'mababang
(mahirap) ranko'. Nasa pulong ang matanda at itinanggi niya ang mababang ranko. Nagkaroon
ng mahabang diskusyon. Gusto ng iba na patunayan na siya ay mahirap at sila'y nagbigay
ng mga halimbawa. Ang katotohanan ay gusto nilang tulungan ang matanda dahil ang
proyekto ay may mga programa para tulungan ang mahihirap. Walang ari-arian ang matanda.
Mahirap para sa kanya ang maghanap ng makakain, maski dalawang beses lang sa isang
araw. Ang sabi niya, " Wala akong sapat na pagkain, pero maligaya ako. Alam ninyong
ako ang pinakamaligayang tao dito sa nayon. Nakita na ba ninyo akong naging malungkot
o walang-sigla? Paano ninyo akong tatatawaging mahirap?" Sa totoo lang, siya ang
laging nauuna o nangunguna sa anumang gawaing pangkawanggawa. Sa huli, inilagay siya
sa 'gitnang ranko'.
Pagkatapos
ng pagraranko, kinausap namin ng matagal ang matanda. Nalaman namin na ang pinagmumulan
ng kanyang kaligayahan ay nasasaloob niya. Ang lahat ng mga taganayon ay nadarama
ang kanyang pagkawala kapag umaalis siya ng ilang araw. Napagtanto ng PRA team na
kahit paano, ang mga pangunahing pangangailangan ay karapatan ng lahat ng tao, at
ang kagutuman ay maaaring maging balakid sa pagdama ng kaligayahan. Subali't ang
kabutihan ng kalagayang pinansiyal ay hindi maikukumpara sa kabutihan ng kalagayang
emosyonal espirituwal.
Noong
nakaraang buwan ay nagkaroon kami ng diskusyon tungkol sa pagsulong at espirituwalidad.
May isang nagtanong: " Paano na ang pagbibigay kapangyarihan sa mga nakahiwalay o
napag-iiwanang (marginalized) sektor ng lipunan?" Pagbabahagi ng kaligayahan kanino?
Ang diskusyon na ito ay nagkaroon ng mga sumusunod na konklusyon:
"
Siyempre, gusto namin ng hustisya, ayaw namin ng pagkakaiba ng trato sa mga tao,
ayaw namin ng paggamit o eksploytasyon at gusto namin ang 'pagbibigay kapangyarihan
sa mga walang kapangyarihan'. Dahil dito, gusto namin na ang mga taong hiwalay sa
lipunan o ang mga taong pinagkaitan ay magkaroon ng partisipasyon sa proseso ng pagsulong
ng komunidad. Gusto naming makinig sa kanila. Gusto naming marinig ang kanilang mga
ideya. Gusto naming maging kaibigan nila sa proseso ng pagbibigay kapangyarihan sa
kanila. Gusto namin ito hindi dahil sa ito ang aming trabaho, nguni't dahil sa mas
maligaya kami dito. Gusto namin silang 'lumutang' at ang mga pagkakaiba sa isa't-isa
ay lumiit. Dapat nating ipadama sa kanila na masaya tayong maging kaibigan nila sa
proseso ng kanilang pagkakaroon ng kapangyarihan. Sa ganitong paraan natin maibabahagi
ang kaligayahan sa kanila. Kapag naunawaan na nila ang ating mga hangarin, sisimulan
na nila ang pagbabahagi ng kanilang kaligayahan sa atin. Oo, talagang makakatulong
ng malaki ang PRA para magbahagi tayo ng kaligayahan sa mga napapag-iwanang sektor
ng lipunan. Tinatanggal ng PRA ang mga pormalidad na namamagitan sa atin at sinusuporta
ng PRA ang pagpapatuloy ng proseso bilang paraan ng kanilang pag-iisip."
Isa
sa mga pinuno ng VDC ang nagbahagi ng kanyang karanasan sa paggamit ng PRA sa pagplano.
"
Bago ang PRA, dati naming kinakalap ang mga pangangailangan ng mga miyembro. Hirap
ang mesa namin noon dahil ang bawat miyembro ay hinahampas ang mesa sa kanilang paggigiit
na mas mahalaga ang kanilang pangangailangan! Pero natulungan ng 'pair-wise ranking'
ang aming mesa. Masaya naming ginagawa ang pagraranko ng mga pangangailangan."
Sa
pamamagitan ng prosesong ito ay natutunan ko mula sa aking mga karanasan na ang PRA
ay nakakatulong sa pagbabahagi ng kaligayahan sa mga mamamayan, ganoon din sila sa
atin, at siyempre, ganoon din sa mga mahihina at 'marginalized'. Naniniwala ako na
ang pagmumuni-muni tungkol sa positibong aspeto ( ng anumang bagay) ay makakatulong
sa ating pagsulong. Ang pag-iisip lamang ng mga negatibong aspeto ay kukulong sa
atin; hindi tayo makakasulong kung tutuunan lamang natin ang mga negatibong aspeto.
Kamal
Phuyal Nepal
Artikulong
isinumite sa IDS workshop,
" Mga Landas Tungo sa Partisipasyon" (Pathways to Participation).
––»«––
© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle Web Design: Lourdes Sada
––»«–– Huling Ulat: 16.05.2011
|