Tweet Mga Pagsasalin
Català |
MARKETING PARA SA MALIIT NA NEGOSYOni Phil Bartle, PhDisinalin ni Emmanoelle GaraldePinanggalingan na DokumentoAnong klaseng pagsasanay sa marketing o pagbebenta ang kinakailangan ng kalahok para kumita sa isang maliit na negosyo?Introduksyon sa Epektibong Marketing Ang dokumentong ito ay hindi tumatalakay ng lahat ng patakaran at kaalaman sa marketing. Tinatalakay lamang nito ang mga importanteng aspeto na dapat malaman ng isang field mobilizer, kung saan ang dapat maging layunin ay ang pagtuturo sa mga kalahok sa napiling grupo. Ang napiling kalahok para sa pagsasanay na ito ay ang mga galing sa mahihirap na komunidad na inorganisa ng mobilizer para bigyan ng training at magsimula ng pautang na makakatulong sa paggawa ng malilit na negosyo para makatulong sa paglikha ng yaman. Ang buong serye na ito ay para sa mga mahihirap na bansa. Ikaw bilang mobilizer ay maatasan na tulungan ang napiling grupo sa pagsimula o pagtaguyod ng kanilang maliit na negosyo. Ang negosyo ay di lamang kakayanan sa paggawa ng produkto, kailangan din nilang maibenta ang mga ito. Kailangan nilang (a) magsaliksik tungkol sa merkado para malaman ang mga impormasyon tungkol dito. Kailangan din nila ng (b) produkto na may bibili, (c) sa isang angkop na lugar, (d) sa presyong hindi masyadong mataas o mababa, at (e) maari nilang maipagbili. Kinakailangan mo bilang mobilizer na maituro sa kanila ang mga konsepto at kaalaman, at maisayos para sa kanila ang pagsasanay. May anim na bahagi ang appendix na ito: 1. Panimula sa Epektibo na Marketing, 2. Pagsasaliksik, 3. Produkto, 4. Lugar, 5. Presyo at 6. Promosyon. Ano ang Marketing? Kasama sa marketing ang mga gawaing pangnegosyo na may kinalaman sa daloy ng produkto o serbisyo mula sa unang pagawa hanggang sa panghuling produksyon at sa mamimimili Ang kakayanan sa marketing ay kinakailangan ng mga magnenegosyo, pati na rin ng may sariling pinatatakbong maliliit na negosyo. Kahit pa produkto o serbisyo ang kanilang ibinebenta, hindi nila magagawa ito kung walang bibili. Ang paghikayat sa mamimili na kumuha ng serbisyo o produkto ay ang layon ng marketing. Epektbong Marketing: Ang produksyon at marketing ay importante sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamimili ng sa gayon ay kumita ang isang negosyante.
Ang
matagumpay na marketing ay kinakailangan ng mga sumusunod:
Ang mensahe na kailangan mong maipaintindi sa iyong grupo bilang isang mobilizer ay: Ang mamimili ang pinaka importanteng tao sa iyong negosyo. Kapag hindi mo naibigay ang "kanilang gusto, sa presyong na naayon sa kanila, at tratuhin sila ng may respeto, lilipat ang mga tao na ito sa iba. Kapag walang mamimimili, walang benta at ang iyong negosyo ay mapipilitang magsara." At dapat maintindihan ng mga kalahok na: "Ang mga nasiyahang mamimili ay babalik para bumili muli sa iyong negosyo. Ipapaalam din nila ang iyong produkto o serbisyo sa kanilang mga kaibigan, kapit-bahay at iba pa." Mas maraming nasiyahang kostumer, mas maraming benta (at mas pangmatagalan ang kita). Ang salitang "epektibo" ay nangangahulugan na nagdudulot ito ng hinahangad na resulta. Ang isang nagnenegosyo ay maaring gumamit ng tradisyonal na pamamaraan ng marketing at maaring may pinagaralan sa pagnenegosyo. Ngunit wala itong kahulugan hanggat ang mga gawain na pang marketing ay makakatulong sa pagbenta ng produkto o serbisyo. Pagaralan ang Iyong Merkado: Para sa isang gumagawa ng produkto, ang "merkado" ay ang kabuuan ng mga potensyal na mamimili. Importanteng alamin lahat ng kayang alamin tungkol sa mga kostumer at kung ano ang kanilang gusto at kailangan. Pagaaral sa iyong merkado ay tinatawag na "market research." Maaring kumplikado ito kung pakinggan pero importante ito sa isang maliit na nagnenegosyo pati na rin sa malalaking korporasyon. Bilang mobilizer, ang prinsipyo na dapat mong ipakita sa iyong grupo ay: "Kapag naintindihan mo ang pangangailangan ng iyong mamimili ay makakapagdesisyon ka kung anong klaseng mga produkto o serbisyo ang iyong ipapamahagi." Bilang mobilizer, kailangan mong ipaintindi ang mga sumusunod na mensahe sa iyong mga kalahok. Para dumami ang inyong benta:
Alamin Kung Sino Ang Iyong Mga Mamimili:
Maaring
simulan ang iyong pananaliksik sa pagtatanong sa sarili:
Kapag nakuha na ang mga sagot sa mga tanong na ito ay tinatawag na itong "market research." Ang market research ay napakaimportante sa inyong negosyo. Ang ibig sabihin nito ay kumukuha ng impormasyon tungkol sa ating merkado. Maaring gawin ang market research sa iba't ibang paraan. Ilan sa mga halimbawa:
Gumawa ng pananaliksik tungkol sa iyong kakompetensya tungkol sa mga sumusunod na bagay:
Tanungin ang ibang gumagawa ng produkto at distributor:
Pasiyahin ang Iyong Mamimili: Para pasiyahin ang iyong mga mamimili at para lumago ang inyong beta at sa gayon ay kumita, kailangan malaman ang mga sumusunod:
Ang
mga sumusunod ay tinatawag na "Four Ps" of marketing:
Ang mga ito ay ang mga dapat gawin para matulungan ang isang prodyuser o nagnenegosyo na mapalapit sa isang kostumer. Ang apat na ito ay magkakasama. Kung isa sa mga ito ay hindi bibigyan ng pansin ay maaring ikabagsak ng isang negosyo. Para itong upuan na may apat na paa. Pag nasira ang isa, ang natirang tatlo ay di kayang suportahan ang upuan. Sa pagsisimula ng isang training para sa mga magnenegosyo, gumawa ng kalahating araw na workshop para sa apat na paksang ito (at isang araw naman para sa workshop sa market research pagkatapos nito). Tignan natin ang bawat isa. Produkto: Bilang mobilizer, kailangan na ipaalam ang mga sumusunod sa mga kalahok: "Para
magtagumpay sa negosyo kailangan mayroon kang produkto o serbisyo na gusto ng iyong
mga kostumer." Marami sa inyong grupo kapag unang nakakaisip ng pagpasok sa negosyom ay pinipili ang pagbenta ng tingi-tinging produkto. Bilang isang mobilizer, iwasan diktahan kung anong sektor anong kanilang pipiliin o iiwasan. Ngunit maaari mong ipaalam sa kanila na marami na ang pumasok sa pagtitinda, tulad na lamang na bumibili ng maramihan (o sa mga malalaking tindahan) at binebenta ito ng patingi-tingi (tulad ng sari-sari store o paglalako sa kalsada). Anong klaseng kita ang makukuha sa mga ito? Mallit lang; parte lang ito ng isang serbisyo na nagdadala ng produkto sa mamimili, at pagtinda ng tingi-tingi sa mahihirap. Ipaalam sa mga kalahok ang mga rason kung bakit dapat iwasan ang maliit na kalakal tulad nito, ng hindi sila dinidiktahan. Kung maari, hikayatin ang mga miyembro na piliin ang mga gawain na may kinalaman sa produksyon, tulad na lang ng pagaayos or pagawa ng mga kailangan na bagay, o ang paunang pagproseso ng mga produktong agriktultura. Dito makikita ang pinakamalaking pangangailangan sa mga bansang paunlad pa lang, at kung saan ang mga maliit na negosyo ay magtatagumpay sa matagal na panahon, at makakatulong sa pagunlad ng ekonomiya. Puwesto o Place: Ang ikatlong pundasyon ng marketing. Ang ibig sabihin ng "Puwesto" ay lokasyon. Ito rin ang paraan para madala ang produkto o serbisyo sa iyong kostumer. Ito ay tinatawag na distribusyon o ang pamamahagi ng produkto. Ang mga negosyo ay dapat naka puwesto kung saan matatagpuan ang mga kostumer o kung saan madaling mabibili ng kostumer ang produkto o serbisyo. Bilang isang mobilizer, kailangan mong tulungan ang iyong grupo na magdesisyon kung saan ang pinakatamang lugar para mabenta ang mga produkto at pagisipan ang mga sumusunod:
Bilang mobilizer, gumawa ng isang sanayin kung saan ang mga kalahok ay bukas sa pagtalakay ng mga paksa, magbigay ng mungkahi at magbahagi ng mga ideya sa isa't isa. Iwasan ang pagdikta sa kanila. Presyo: Anong presyo ang iyong gagamitin? Ang presyo ang pangalawang pundasyon para maabot ang mga mamimili. Mahirap ang pagtatalaga ng presyo, pero kinakailangan ito. Maaring may magandang produkto o serbisyo ang iyong grupo, pero kung ang presyo at masyadong mataas ay hindi ito mabebenta. Kapag naman masyadong mababa ang mga presyo, maaring bumagsak ang negosyo sa kawalan ng kita. Kapag magtatalaga ng presyo ng produkto o serbisyo, dapat malaman kung ano ang relasyon ng ginastos, presyo at kita. [GASTOS] + [TUBO] = [PRESYO][900/=] + [100/=] = [1000/=] Ang kabuuang kita sa mga nabenta ay depende sa:
I-multiply ang bilang na nabenta sa tubo sa bawat produkto at makukuha ang kabuuang kita. Gumawa ng mga pagsasanay sa pagkuwenta ng kita, pagtantiya ng iba't ibang presyo at dami ng benta sa isang kalahating araw na workshop sa pagpepresyo. Promosyon: Paano maipapaalam sa mga tao ang iyong produkto at paano sila mahihikayat na bumili? Maaring may binebenta ang inyong grupo ng tamang produkto na may tamang presyo at nakapuwesto sa tamang lugar. Pero magtatagumpay ba sila sa pagnenegosyo? Ang promosyon ay ang huling elemento ng marketing (na tinatalakay dito) para sa mga mag nenegosyo "upang maabot ang kanilang mga kostumer." Ipaalam ang mga sumusunod sa inyong grupo (mga makikinabang sa inyong proyekto at mga kalahok): Maaaring
ang iyong negosyo ay nasa tamang lugar na may tamang produkto, Bilang mobilizer, ang mensahe para sa inyong mga kalahok ay:
"Magbenta
ng marami at tataas ang inyong kita sa pamamagitan ng:
Kailangan mong ipabatid itong mensahe na ito sa iyong mga kalahok: "Ang
adbertising ay ang pagbibigay impormasyon sa iyong merkado para Ang sales promotion ay ang mga paraan para mahikayat ang mga kostumer na bumili ng mas marami pa sa iniisip nila sa pagpunta nila sa iyong negosyo. Maari itong gawin sa iba't ibang paraan (tulad ng display, paghikayat sa mga tao na bumili ng marami o sumubok ng bagong produkto, pagbenta ng mga produkto na magkasama (tulad ng tinapay at margarin), publisidad. Konklusyon: Bilang mobilizer, nag-organisa ka na ng mga grupo ng mahihirap at gusto mo silang tulungan para magsimula ng kanilang maliit na negosyo. Maaring nakakagawa na sila mga produkto na pwedeng ibenta, kinakailangan pa rin nila ng merkado kung saan nila ang mga produktong ito. Kailangan dito ang epektibo na marketing. Para maibenta ang kanilang produkto, kailangan nilang (a) magsaliksik ng lahat ng impormasyon tungkol sa kanilang merkado. At para masiguro na maibebenta nila ang kanilang produkto, kailangan nilang magkaron ng (b) produktong kinakailangan at may handang bumili, (c) tamang lugar para ibenta ang mga ito, (d) presyong sapat sa mga ginastos ngunit di masyadong mataas na walang makakabili, at (e) promosyon para maka benta. ––»«––Maliit na Kalakal: © Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Unang Pahina |
Maliit na Negosyo |