Tweet Mga Pagsasalin
Bahasa Indonesia |
PAGSASANAY SA PAGSISIMULA NG MALIIT NA NEGOSYOni Phil Bartle, PhDisinalin ni Emmanoelle GaraldePanimula sa Modyul (Hub)Mga kasamang dokumento sa Pagsasanay sa Pagnenegosyo Modyul
Anong pagsasanay ng kaalaman ang kinakailangan ng mga kalahok para kumita sa isang maliit na negosyo?Mga kaalaman na kinakailangan para Kumita; Pagkatapos ayusin ang organisasyon ng pagpapautang sa komunidad kung saan kasama ang mga miyembro ng pinagkakatiwalaang grupo, ang organisasyon ay magiging daan para turuan ang mga miyembro sa mga kaalaman na kinakailangan para magpatakbo ng sariling maliit na negosyo. Tatalakayin ng modyul ang mga kaalaman na kinakailangan ng mga miyembro at paano mo ito maibabahagi sa kanila.
Ang mga kaalaman na kinakailangan ay ang mga sumusunod:
Mga dokumento sa pagsasanay ay naglalaman ng limang paksa, mga pamphlet na ilang pahina ang haba na para sa guro at mga kalahok; Pagpili ng Maliit na Negosyo, mga tala para sa mga kalahok sa pagpili ng angkop na negosyo; Pagplano ng Maliit na Negosyo. mga paraan sa pagpaplano ng isang negosyo; Pangpinansyal na Pagsasanay, listahan ng mga paksa pangpinansyal na pagrekord at pag-ulat; Mga Rekord na Pang Negosyo, ang rason at ang mga paraan sa pagrerekord ng pera Marketing, maigsing kurso sa marketing o pagbebenta para sa mga mobilizer at magnenegosyo; Para sa guro na mas bihasa sa pagorganisa ng mga komunidad, hindi sapat ang pagkakaroon ng mga dokumento na tumatalakay sa mga kinakailangan na kaalaman. Kinakailangan planuhin at isagawa ang programa ng pagsasanay na nakatuon sa pangangailangan ng mahihirap, na karamihan ay hindi marunong bumasa, na magpatakbo ng kikitang negosyo. Ang dokumentong, Pagsasanay sa Pagsisimula ng Maliit na Negosyo, Tala ng Guro, ay magbibigay gabay sa iyong pagpaplano at pamamahala ng iyong programa. Ang modyul na ito ay naglalayong na balansehin ang dalawang makaibang pangangailangan: (1) pagbabahagi ng kaalaman sa bawat kalahok sa pagpapatakbo ng kikitang negoyo, at (2) pagdisenyo ng programang magbabahagi ng kaalaman na gusto at pinili ng mga kalahok. Ito ay nangangailangan ng malalim na paguusap ng guro at mga kalahok. ––»«––Paghihikayat sa mga Kalahok Kung
nais mong kopyahin ang nilalaman ng website na ito, maari lamang kilalanin ang mga
sumulat |
Unang Pahina |