Pangunahing Pahina
 Pagsubaybay




Mga Salin

Català
中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / Hindī
Italiano
Português
Română
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

KATANGIAN NG PAGSUBAYBAY AT EBALWASYON

Pakahulugan at Kahalagahan

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Joyce Zaide


Materyales o Handawt sa Pagsasanay

Ipinapaliwanag nito kung ano ang pagsubaybay at ano ang kahalagahan nito

Ano ang Pagsubaybay?

Ang pagsubaybay ay ang regular na pag-oobserba at pagtatala ng mga aktibidades na nagaganap sa proyekto o programa. Ito ang proseso kung saan ang impormasyon ay regular na kinakalap sa lahat ng aspeto ng proyekto. Ang pasubaybay ay ang pagsisiyasat ng progreso ng proyekto. Ito ay ang sistematiko at makahulugang pag-oobserba.

Kabilang sa pagsusubaybay ang pagbibigay ng ulat sa mga donor, taga-implementa at benepisyaryo ukol sa progreso ng proyekto. Nakakatulong ang pag-uulat na magamit ang impormasyong nakalap sa pagdedesisyon kung paano mapapabuti ang pagsasakatuparan ng proyekto.

Kahalagahan ng Pagsubaybay

Ang pagsusubaybay ay napakahalaga sa pagpaplano at pagsasagawa ng proyekto. Maihahantulad ito sa pagmamasid sa daanang tinatahak mo habang ika'y nagbibisikleta; Iaakma mo ang iyong pagbibisikleta depende sa sitwasyon at para masigurong nasa tama kang daanan.

Ang pagbsubaybay ay nagbibigay ng impormasyong makakatulong sa:
  • Pagsusuri ng sitwasyon sa pamayanan at ng proyekto
  • Pagtitiyak na ang mga kontribusyon sa proyekto ay nagagamit nang mabuti
  • Pagtutukoy ng mga problemang kinakaharap ng pamayanan o ng proyekto, kasama ang paghahanap ng solusyon sa mga ito
  • Pagtitiyak na ang lahat ng aktibidades ay naisagawa nang maayos ng mga nararapat na tao at sa tamang oras
  • Paggamit ng mga aral na natutunan sa susunod pang mga proyekto
  • Pagsusuri kung ang pagpaplanong ginamit sa proyekto ay ang pinakatamang paraan sa paglutas ng problemang kinakaharap.
––»«––

Pagsasanay o Workshop sa Pamayanan ukol sa Pagsusubaybay:


Pagsasanay o Workshop sa Pamayanan ukol sa Pagsusubaybay

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 11.05.2011


 Pangunahing pahina

 Pagsubaybay