Tweet Mga Translasyon:
Català |
PAGSUBAYBAY AT EBALWASYONPaano at Gaano Nakamit ang mga LayuninSinulat ni Phil Bartle, PhDIsinalin ni Joyce ZaideIntroduksyon sa Modulo (Hub)Mga Dokumentong Kasama sa Modulo ukol sa Pagsubaybay
Ang proseso ng pag-oobserba ng resulta at ebalwasyon ng progreso ng proyekto patungo sa pagkamit ng mga layuninSinusuri at inilalarawan ng modulong ito ang proseso ng pagsubaybay, pati na rin ang kaugnay nitong proseso, ang ebalwasyon. Makikita dito kung ano ang mga kailangan gawin at papaano ito isinasagawa. Bukod sa pagtalakay ng mga kakayahang kailangan sa isang tagapagkilos, ipinapakita rin ng modulong ito ang pagsubaybay sa mas malawak na perspektibo, kasama ang mga tungkulin ng mga tagapagkilos. Ang unang dokumento ay ang Pagpapakahulugan at Silbi. Sinusuri nito kung ano ang pagsubaybay. Ito rin ay nagbibigay ng panimula ukol sa paksa. Ang susunod na dokumento, ang Pagpaplano at Implementasyon, ay tumatalakay sa kahalagahan ng pagsasabuo ng lahat ng antas ng pagsubaybay, mula sa pagpaplano hanggang sa implementasyon. Ipinapakita ng Ebalwasyon na kung ating tatayahin ang mga impormasyong ating nakalap sa pagsubaybay, maaari nating masuring mabuti ang mga napili nating layunin ng proyekto, pati na rin ang ating stratehiya sa pagkamit ng mga layunin. Ipinapakita ng Pamamahala ng Impormasyon na sa lahat ng mga impormasyon na kailangan ng mga namamahala sa pag-iimplementa ng proyekto o programa, ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang impormasyong nakuha sa pagsusubaybay at ebalwasyon. Ang Pakikilahok sa Pagsubaybay ay sumusuri sa kahalagahan ng paglahok ng lahat ng may kinalaman o apektado sa magiging resulta ng proyekto. Ang Pakikilahok sa Pagsubaybay ay sumusuri sa kahalagahan ng paglahok ng lahat ng may kinalaman o apektado sa magiging resulta ng proyekto. Tulad sa kaso ng pakikilahok ng komunidad at pamamahala na pinahihintulutan ang pakikilahok, ang pakikilahok sa pagsubaybay ay hindi kusang magaganap. Kailangang mabigyan ng inspirasyon at pagsasanay ang mga kalahok upang sila ay maging ganado at epektibong makilahok sa proyekto. Ang dokumentong Pagsubaybay at Pag-uulat ay nagdudugtong sa susunod na modulo ukol sa pag-uulat, na may diin sa pag-uulat ng impormasyong nakuha sa pamamagitan ng pagsubaybay. Hinihikayat ang mga tagapagkilos na matutunan ang pagsasagawa ng pagsubaybay at makita ang kahalagahan nito sa lahat ng antas (tignan ang Taunang Pagsusuri). Kailangan din nilang matutunan ang pang-eengganyo at pagbibigay ng pagsasanay para sa pakikilahok ng lahat ng may kinalaman at apektado ng proyekto tulad ng mga kawani at benepisyaryo sa komunidad. Ang modulong ito ay binubuo ng mga materyales o handawt na matatagpuan sa Manwal ng mga Tagapagkilos ukol sa Pagsusubaybay. Mga Kaugnay na Modulo: Manwal ukol sa Pagsusubaybay, Pagsusulat ng Ulat
––»«––Kung kokopya ng teksto mula sa site na ito, makikibanggit ang mga patnugot |
Pangunahing Pahina |