Tweet Mga Salin
Català |
MGA PAMAMARAAN NG PAGSALIKSIK NG TAGAPAGPAKILOSPagkuha ng Paunang Datos ng Komunidadni Phil Bartle, PhDIsinalin ni Melanie Arriesgado Mosqueda, RNSulatin sa PagsanayPaano Matutuklasan ang Impormasyon sa PaglahokBago ka tumawag ng pampublikong pulong o humarap sa konseho sa isang pampublikong sitwasyon, kailangan mong malaman ang maraming bagay tungkol sa komunidad. Tingnan Mga Tanong sa Pagsaliksik. Ang dokumentong ito ay nagmumungkahi ng iba't ibang paraan ng pagkuha ng impormasyon. Ito ay may kaunting kasalungatan na kung minsan kahit ang pagtatanong ay puwedeng magrbunga pagkasira ng lokal na prohibisyon, ngunit kailangan mo ang mga kasagutan upang maiwasan ang pagkasira ng lokal na prohibisyon. Sa paggalaw ng maingat, tandaan ng makalawang beses na marami kang tainga katulad ng bibig, puwede kang magplano kung anong kaugalian ang katanggap-tanggap, at gumawa ng nararapat na aksyon. Ang mga sumusunod ay ang mga grupo ng pamamaraan na puwede mong ipatupad. Subukan na makipagkita sa mga tao na pamilyar sa komunidad, una, iyong nakatira sa labas ng komunidad, pagkatapos iyong maaring nakatira doon. Kabilang dito ang mga guro, simbahan, templo o mga pinuno ng moske, opisyal ng pamahalaan sa rehiyunal o distrito, karagdagang (kalusugan, agrikultura) kinatawan na bumibisita sa komunidad. Kahit saan dito ay puwedeng magturo sa iyo sa taong may mas maraming kaalaman sa komunidad at puwedeng magbigay ng gabay tungkol sa katanggap-tanggap na protokol para sa iyong pagdiskubre. Bago malaman ng mga tao na bibisita ka sa komunidad, magsagawa ng mabilisang impormal na pagsusuri upang malaman ang kritikal na impormasyon na makakaapekto sa pagplano mo na pumasok sa komunidad na ito. Makipag-usap ng kaswal upang matuklasan ang kritikal na mga dahilan na makakaapekto sa kooperasyon at pag-organisa ng komunidad. Subuking malaman, sa pamamagitan ng kaswal na pakikipag-usap kasama ng pinagkakatiwalaang impormante, kung sino ang "hijacking na pulitiko" sila (iyong gustong kumontrol sa mga bagay para sa kanilang pansariling pakinabang). Kapag nakilala mo ang mga taong nararamdaman mong magiging magaling na mga pinuno o taga-organisa, pakiusapan mo na ituro sa iyo ang mga taong kaparis nilang mag-isip. Magtanong tungkol sa lokal na protokol, para sa mga aktibidad, tulad ng mga pagbati, mga regalo, at papuri. Itong mga uri ng pagtitipon ng katotohanan ay puwedeng magbuo sa nakaraang, tradisyunal na pagsasaliksik, tulad ng pagtingin sa nakahandang sensus na datos, ulat sa pahayagan, pagsaliksik sa silid-aklatan, pampamahalaang pahayagan. Sa sunod, gagabayan mo ang mga miyembro ng komunidad sa pamamagitan ng Pakikilahok sa Pagtantiya upang matantiya ang kasalukayang kondisyon, at mas marami kang alam tungkol sa komunidad, mas mahusay mo itong magagawa. ––»«––Sa Lugar ng Pamilihan: © Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing Pahina |
Pagsaliksik ng Komunidad |