Tweet Mga Salin
Català |
PAGSALIKSIK SA KOMUNIDADPagtuklas sa Mahahalagang Impormasyon tungkol sa Komunidadni Phil Bartle, PhDIsinalin ni Melanie Arriesgado Mosqueda, RNPambungad sa Modulo (Sentro)Mga Dokumentong Kalakip sa Pagsasaliksik sa Komunidad na Modulo
Ano ang pagsasaliksik na kailangang isagawa?Ang modulong ito ay nagpapahiwatig kung anong pagsasaliksik ang kailangang gawin upang itaguyod ang pagpapakilos, at maghandog ng kaunting gabay kung paanong gawin ang naturang pagsasaliksik. Ito ay mahalagang idiretso sa mga tagapagpakilos, at tumulong sa pagsaayos ng sistema ng impormasyong kinakailangan ng mga tagapangasiwa ng pagpapakilos. Mayroong dalawang pangunahing uri ng pagsasaliksik na mahalaga sa pagpapakilos ng komunidad:
Ang impormasyong nakalap sa bawat uri ng pagsaliksik ay kailangang maitala sa maayos na paraan, upang ito ay puwedeng makuhang muli kung kinakailangan, bilang bahagi ng programa sa pagbibigay kapangyarihan sa komunidad. Itong pagsasaliksik na ito ay isa ring mahalagang bahagi ng Paulit-ulit na Pagpapakilos, kailangan nitong maging bahagi sa Programa sa Pagsaayos ng Pagpapakilos. Ang mga dokumentong kalakip sa modulong ito ay ang mga sumusunod Mga Pamamaraan sa Pagsasaliksik ng Tagapagpakilos ito ay nakatuon sa paunang pagsaliksik na kailangang gawin ng tagapagpakilos, halimbawa, ano ang karapat-dapat at angkop na asal sa pagtuklas ng kinakailangang impormasyon para sa pagpapakilos. Ang mga Katanungan sa Pagsasaliksik ay nagbibigay ng paunang talaan ng mga uri ng katanungan na kailangang sagutin ng tagapagpakilos upang isaayos ang komunidad para sa pagtulong sa sarili nito Ang papel, Pagtago ng mga Talaan, ay ang simula na kung saan ang tagapagpakilos at tagapangasiwa ay kinakailangang magtago ng ebidensyang papel, at iimbak ang impormasyong ito upang mabilis itong makuhang muli kung kinakailangan. Ang Pagsuri sa Panloob na Yaman ng Komunidad mga talaan ng posibleng mapagkukunan na magagamit ng komunidad, na kung saan kailangang tantiyahin muna ito ng tapagpakilos bago nito pangunahan ang mga kasapi ng komunidad tungo sa paglahok sa pagtantiya. Pagsuri sa Panlabas na Yaman ay nagpapaalaala sa nagbabasa sa panganib na maidudulot nito kung sobrang umasa sa panlabas na mapagkukunan, ito rin ay tumutukoy sa pamahalaan at hindi pampamahalaang mapagkukunan at kung paano ito matatap. ––»«––
Karagdagang Modulo: Paglahok sa Pagtantiya, Pagsasaliksik tungkol sa Lipunan
Ang Paggawa: Ang hindi paglaban ay siyang dahilan kung bakit ang mga ilog ay nabubo at bakit
|
Pangunahing pahina |