Pangunahing Pahina
 Pagsusulat Ng Ulat




Pagsasalinwika:

Català
Deutsch
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
Português
Română

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link


ULIRANG URI PARA SA PAGSUSULAT NG ULAT

sinulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Ernie Villasper


Gabay para sa mga Tagapagpakilos


Pamagat ng Ulat
Pangalan ng May-akda

Ubod: (o kabuuan, malaking pangyayari, mga ulong balita) na nangyari sa yugto ng panahon na sakop sa ulat, o kaya ay mula sa pagkatapos ng nakaraang ulat. Dito ay dapat na talakayin ang mahalagang kabuuan ng ulat at anumang konklusyon. Ito ay huli ninyong isulat, nguni’t ilagay sa puwestong ito ng ulat.

Mga Pagbabago sa Paligid ng Pinagkikilusan: Ang panig na ito ay maaaring bigyan ng pamagat tungkol sa heograpya na saklaw ng ulat. Dito ay isali ang mga pangyayari na labas sa aktibidad ng proyekto nguni’t mayroong inpluensiya sa proyekto o kaya sa gawain ng mga mangagawa sa larangan (hindi sanhi sa mga aktibidad o gawain ng mga mangagawa). Mga pangyayari na labas sa aktibidad ng proyekto o mga pagbabago sa kalagayan.

Pag-unlad: [Ito ang pinakalaman ng ulat]: ilista dito ang bawa’t layunin o hinangad na kinalabsan; gawin itong isang sariling panig na may kanyang pamagat; pagkatapos ay isalaysay ang mga pagkilos at aktibidad na pinagsagawa o naganap na hinggil sa layunin o hinangad na kinalabsan.

Ipakita kung sa gaanong kalawakan nakamit ang layunin;
Ipaliwanag ang mga dahilan tungkol sa kalawakan ng tagumpay na nakamit (mga nakatulong na bagay);
Ipakita ang mga sagabal, hanggahan, dahilan kung bakit hindi nakamit ang lahat ng layunin;
Isalaysay ang mga aralin na natutunan.

Gawin lahat ito para sa bawa’t layunin.

Mga Mungkahi: Batay sa mga nabanggit dito, gumawa ng mga mungkahi (katulad ng ipagpatuloy o baguhin ang mga aktibidad, ipaliwanag ang dahilan at kung paano iyon gagawin); siguruhin na nilinaw ninyo kung para kanino ang inyong mga mungkahi (dapat ay matanggap nila iyon). Maaaring iba-ibang mungkahi ang gagawin para sa iba-ibang tao, pangkat o organisasyon.

Mga dagdag sa dokumento ng modulo: Isali ang anumang patalastas na nagdaragdag sa mga diwang nabanggit dito, lalo na ang tungkol sa dami at mga bahagi: kagaya ng dami ng milya, mga gastos, listahan ng mga pagpupulong, mga gawaan, gawain na kumunal, ang bilang at pangalan ng mga kalahok, mga talakayan ng pagpupulong, at anumang dagdag na dokumento katulad ng mga mapa o talaan.

––»«––

Pag-uulat sa Tagapagpatupad ng Sambayanan:


Pag-uulat sa Tagapagpatupad ng Sambayanan

© Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 29.05.2011


 Pangunahing Pahina

 Pagsusulat Ng Ulat