Tweet Translations:
Català |
PAGSUSULAT NG ULATsinulat ni Phil Bartle, PhDisinalin ni Ernie VillasperPanimula sa ModuloMga Dokumento na kasali sa Pagsusulat ng Ulat na Modulo
Pagsusulat ng magaling na ulat, paano ito mapapaalwan para babasahin at magiging mabisaParaan upang makakuha ng magaling na Ulat: Sa ating pakiwari ang mga tagapagpakilos at tagatulong ay nasa ibang sansinukob kung ihahambing sa mga manunulat ng tala. Maaring ito ay dahil sa ang gawain ng mga tagapagpakilos o tagatulong ay masasabing pandiwari, kaya ang katumbukan ay ibinibigay sa kilos at ang kanilang kinalabsan. Ang panganinag, gunitain o pagtatala ay nabibigyan lamang ng kaunting halaga. Ito ay nakakabigo kung minsan para sa sinumang tagapangasiwa na umaasa sa tala ng mga mangagawa sa larangan upang makagawa ng sapat na pagmamasid at pagpapahalaga. Kaya napakahalaga na inyong talakayin ang pangangailangan ng magaling na tala mula sa inyong mga mangagawa sa larangan. Kung kayo naman ay isang tagapagpakilos ng sambayanan at nakaasa din sa tala ng inyong mga kinatawan, kailangan ay maghanap kayo ng paraan upang pasiglahin sila na maghanda ng kapaki-pakinabang na tala. Dito ay kailangan ninyo silang gubayan. Ito ay hindi naman napakahirap na gawin. Paminsan-minsan, halimbawa isa o dalawang ulit sa isang taon, kailangan ay mamuhunan kayo ng panahon upang magaral o dumalo ng panayam para sa paghahanda ng magaling na ulat. Ang ganitong gawain ay nagbubunga ng malaking kabuluhan kung ihahambing sa anumang halaga na inyong binayaran. Kung ang pamamaraan ng inyong pagsasanay ay may kasamang pakikilahok ng inyong mga mangagawa o kinatawan, sila ay inyong masisiglahan sa pamamagitan lamang ng paghiling ninyo ng kanilang mga kanya-kanyang sagot. Kung hindi ninyo ipapahalaga sa kanila ang kabuluhan ng pagsusulat ng magaling na ulat, sila mismo ay hindi rin magbibigay ng ganoong kabuluhan. Subukan ninyong bigyan sila ng isang pagkakataon na makadalo sa walang-bayad na panayam, at kayo ay tiyak na magagalak. Ang mga mahalagang paksa na kailangan ninyong isangkap sa panayam:
Ang mga dokumento sa modulo dito ay pamatnubay upang turuan ninyo ang mga kasaling mangagawa sa kanilang mga tanong at gawain. Kahit na magkaiba ang dokumento na ukol sa tagapagpakilos kumpara sa tagapangasiwa, ang mga prinsipyo nila ay magkatulad pa rin. Mapapasigla ninyo ang inyong mga kinatawan at mangagawa sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga pagpupulong sa pagsasanay. Sa ganitong paraan, mahihikayat ninyo silang sumulat ng magaling na ulat na siguradong babasahin at magiging mabisa. Ano pa ang inyong kailangan? ––»«––Larawan ng Pagsasanay ng Sambayanan: Ang hindi paglaban ay siyang dahilan kung bakit ang mga ilog ay nabubo at bakit
|
Pangunahing Pahina |