Pangunahing Pahina
 Pagsusulat Ng Ulat




Pagsasalinwika:

Català
Deutsch
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
Português
Română
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link


Kalamanan:

Kalamanan:

Kalamanan:


PARA KANINO ANG ULAT?

sinulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Ernie Villasper


Gabay para sa mga Tagapagpakilos ng Sambayanan

Ikalawang Bahagi: Sino ang dapat tumanggap ng Ulat?

Bago natin talakayin kung sino ang dapat tumanggap ng ulat, atin munang alamin kung sino-sino ang makikinabang sa ulat. Tingnan din natin kung ano ang pakinabang ng bawa’t isa sa kanila:

Ito ay ang mga:

May-akda ng ulat:
Ang komunidad na kasangkot sa proyekto;
Iba pang mga Komunidad;
Mga nagalay ng pondo at sinumang nag-ambag sa proyekto;
Mga mananaliksik at;
Pamahalaan: Sentral, Purok, at Pampook.

Pakinabang sa mga may-akda ng ulat:

Sa unang pansin, maaaring isipin na ang unang makikinabang sa ulat ay sinumang tumanggap niyon. Malaking kamalian! Ang unang makikinabang ay mismong ang (mga) may-akda ng ulat.

Bakit ko ito nasabi? Sa aming mga pagpupulong, tinanong ko ang mga tagapagpakilos kung bakit ang (mga) may-akda ay maaaring makinabang sa pagsusulat ng ulat. Narito ang kanilang mga mungkahi:

  • Ang pagsusulat ng ulat ay nag-aayos ng mga patalastas;
  • Ang patalastas na hindi nakasulat at nasa isipan lamang ay hindi naka-ayos;
  • Anumang nawawalang patalastas ay nasusuri;
  • Ang may-akda ay mas nakakapagisip upang mag-ulat ng sapat at magkaroon ng pagtingin na walang kinikilingan;
  • Ito ay nagpapagaan ng pagsusuri at tasasiyon;
  • Ito ay nagpapaliwanag ng kaugnayan ng mga aktibidad at kinalabsan;
  • Ito ay nakakatulong sa may-akda upang gumawa ng sariling tasasiyon ng walang kinikilingan;
  • Ito ay nagbibigay ng patalastas para sa mga mungkahi; at
  • Ito ay maaaring magbunga ng pagbabago sa layunin, estratehiya, at mga aktibidad sa hinaharap.

Isang maaaring dagdag na pakinabang (nguni’t hindi katiyakan) ay ang pagtanggap ng puna (payo, karanasan, mungkahi tungkol sa ulat, may-akda, at iba pa). Bukod sa mga may-akda, ang susunod na makikinabang ay ang mga mismong tumanggap ng ulat.

Sino ang tumatanggap ng Ulat?

Isipin natin kung sino ang mga tao na dapat tumanggap ng ulat. (Ang mahalagang tandaan ay kung sino ang magbabasa ng ulat). Lahat ay maaaring gamitin ang ulat at makamit ang lahat ng pakinabang na nabanggit dito sa dokumento.

Kasama na rito sa mga maaaring makinabang ay ang mga organisasyon na pansambayanan, punong tagapagpatupad ng tanggapan sa purok, tagapangasiwa ng programa sa purok, ang sangay o pambansang himpilan ng proyekto (na maaaring magbibigay ng ulat sa United Nations, sa pamahalaan, sa pambahayang himpilan, at sa mga nagalay).

Kapag ang layunin, estratehiya at mga aktibidad ay nabago (batay sa ulat), ang proyekto ay napapadali na maisakatuparan; samakatuwid ang mga sambayanan na pinu-puntirya sa ulat ay makikinabang din.

Ang paggawa ng kapasiyahan ng mga organisasyon na pansambayanan, kagaya ng pagpapadala ng ulat tungkol sa pananalapi (kung kailan at para kanino), at pandiwaring pag-uulat sa mga sambayanang pagpupulong, ay natatalakay din sa ganoong pagpupulong habang ang tagatulong sa pagsasanay ay namamatnubay sa mga kasapi ng sambayanan.

Paano Nakikinabang ang Tumatanggap ng Ulat?

May tatlong paraan na makakakuha ng pakinabang sa ulat: pagbibigay-alam, tasasiyon, at pagpapasigla.

Unang Talaan: Sino Ang Makikinabang sa Ulat?

Sino ang Makikinabang? Paano sila Nakikinabang?
Mga may-akda ng ulat Sa pamamagitan ng ulat, ang mga may-akda ay natututo ng mga ibang kahusayan (kagaya ng paano magtatag, paano ang tamang pagsusulat), magsuri ng kahinaan, kabiguan at tagumpay; at kilalanin ang mga kalakasan (karamihan nito ay hindi napapansin hanggang hindi pa isinusulat). Ang mismong pagsusulat ay nakaka-pagpagaling ng kakayahan para sa tasasiyon.
Ang komunidad na kasangkot sa proyekto Kung paanong ang pagtanaw ay nakakatulong sa nagpapalakad ng sasakyan upang siyasatin ang kanyang bilis at direksiyon, gayun din na ang isang sambayanan ay nakikita ang kanilang kaunlaran sa pamamagitan ng pagsusubaybay at pag-uulat. Ang mga kasapi ng komunidad ay natutuwa tuwing nakakamit nila ang kanilang layunin at tuloy lalong nasisiglahan na dagdagan pa ang kanilang mga gawain (kasama na ang pagsusulat ng ulat).
Iba pang mga Komunidad Sa pagpansin o pakikinig ng tungkol sa kaunlaran ng proyekto, ang mga tao sa ibang sambayanan ay tuloy nagkakamalay din; napagtatanto nila na maaari nga na mangyari ang mga ganoong kaunlaran. Tuwing makabasa o makarinig sila ng tungkol sa kaunlaran ng sambayanan, sila ay nasisiglahin din upang magsagawa ng kanilang proyekto para sa sarili nilang komunidad.
Mga Mananaliksik Ang mga mananaliksik ay maaring gamitin ang ulat upang maging batayan ng kanilang bagay-bagay.
Mga nagalay ng pondo at sinumang nag-ambag sa proyekto Sa pamamagitan ng ulat, ang mga nagalay ng pondo at nag-ambag sa proyekto ay maiintindihan kung paano ginagamit ang kanilang abuloy ng pondo, gawain, lupain, o anumang ipinagkaloob sa proyekto. Tandaan lagi na ang lahat ng mga kalahok ay mga nagalay din. Huwag isipin na ang mga tagalabas lamang ang nagalay.
Pamahalaan: Sentral, Purok, at Pampook Ang mga ulat ng proyekto sa sambayanan at ulat ng mga tagapagpakilos ay nakakatulong sa pagbibigay ng mahalagang pabatid na kailangan upang makapagbalak ng sapat sa lahat ng baytang ng pamahalaan (sentral, purok, at pampook). Katulad ng mga ibang kaukulan na naunang nabanggit, ang mga ulat ay nagbibigay din ng kasiglahan.

Dito sa Unang Talaan ay ipinakita kung paanong ang iba-ibang mga kalahok sa proyekto ay makikinabang sa magaling na ulat, kaya dapat na isaalang-alang sila sa pagsusulat ng ulat.

––»«––

Pag-uulat ng kaunlaran sa Tagapagpatupad ng Sambayanan:


Pag-uulat ng kaunlaran sa Tagapagpatupad ng Sambayanan

© Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 29.05.2011


 Pangunahing Pahina

 Pagsusulat Ng Ulat