Tweet Mga Salin
Català |
PAGHAHANDA NG WORKSHOPni Phil Bartle, PhDisinalin ni May M. VirolaSanggunian sa PagsasanayAng pagdidisenyo ng workshop sa pagsasanay at ang pagsulat ng mungkahi para sa yaman o kapital upang ito ay maidaos, ay magkatulad sa maraming aspeto sa pagdidisenyo at pagmumungkahi ng isang proyekto.Habang karamihan ng iyong pagsasanay ay impormal at ¨on the job¨, paminsan-minsan kinakailangan mong magsagawa ng workshop sa pagsasanay. Kailangan mo ng mungkahi o panukala upang makakuha ng perang gagamitin. Ang gabay na ito ay kahalintulad ng Pagdidisenyo ng Proyekto, maliban lamang sa ang "proyekto" na nais mong planuhin dito ay isang workshop ng pagsasanay. Ang "disenyo ng proyekto" para sa workshop ay maaari ring tawagaing kurikulum ng pagsasanay. Pag-aralan ang apendiks na pati na rin ang mga nasa disenyo ng proyekto.. Pagbibigay-Matwid sa Workshop Nais mong tumutok sa paghihikayat at sanayin ang mga miyembro ng komunidad at mga lider sa mga praktikal na pamamaraan ng pakikilahok ng komunidad at sa pangangasiwa ng mga gawaing pangkomunidad. Kapag nais mong magtatag ng sesyon sa pagsasanay, ito dapat ay bigyang-matwid ayon sa pagpapalakas ng komunidad. Dapat kaya mong pangatwiranan ang pabibigay ng workshop. Ano ang layunin nito? Ano ang mga resulta na makukuha mula dito? Ano ang relasyon ng mga resulta sa iyong mga layunin? Ang mga ito ba ay nagpapalakas ng mga komunidad? Paano mo susukatin ang resulta? Para makakuha ng laang gugol (pondo) para sa iyong workshop, dapat na maganda ang pagkakadisenyo nito. Kung hindi maayos ang disenyo o kung wala kang disenyo, huwag kang umasang ikaw ay makakatanggap ng suporta. Kung ang iyong iminumungkahing workshop ay may klarong paliwanag ng iyong mga layunin, maganda ang pagkakadisenyo at pagpaplano, malamang ikaw ay makakatanggap ng suportang pinansyal. Pagpaplano ng Workshop: Bago ka gumawa ng programa para sa pagsasanay, tanungin mo ang iyong sarili, "Ang pagsasanay bang ito ay makapagpapakilos, makakapagpalakas ba ng motibasyon, makakahikayat ba ng aktibong partisipasyon o pakikilahok at magbibigay ba ito ng mga praktikal na pamamaraan?" Anong uri ng resulta at ano ang mga indikasyon ang makukuha mula sa workshop? Anong mga pagbabago ang magagawa ng iyong pagsasanay sa kasalukuyang sitwasyon? Nais mong magdulot ng mga pagbabago sa organisasyon, anyo, mga gawi o kilos, pakikilahok o kasanayan. Anong pag-unlad, kalinangan, o pagsasakapangyarihan ang maidudulot ng mga pagbabagong ito? Ang pagsasanay ba ay bibigyan ka ng pagkakataong makagawa ng kwantitatibong obserbasyon ( halimbawa 50% kumpara sa 18% ng mga miyembro ng komunidad ay nakakapagbayad na ngayon ng tuka (bill) sa tubig)? Mga Layunin: Ang mga layunin at mga katwiran ng pagsasanay ay dapat komplementaryo at hindi magkasalungat. Ang katwiran ay dapat para sagutin ang nakitang pangangailangan. Kung ang katwiran sa paggawa ng programa sa pagsasanay ay dahil "ilang mga pinagkukunan ng tubig at mga proyektong pangkalinisan," kung gayon ang layunin ng iyong iminumungkahing pagsasanay ay , "para sanayin ang mga miyembro ng komunidad bilang isang paraan ng pagpapakilos at magtatag ng grupo na mangangasiwa sa pinagkukunan ng tubig at proyekto sa kalinisan." Mga Makikinabang o Mga Kalahok: Ang grupong nais mong bigyan ng pagsasanay (makikinabang o benipisyaryo) o mga kalahok ay dapat may relasyon sa mga pinaplanong resulta. Ang bilang ng mga kalahok ay ayon sa kalubhaan ng problema at badyet. Tandaan, ang nais mo ay makapagdulot ng pagbabago upang matulungan ang komunidad na umunlad. Ang mga taong sasanayin ay ang gagawa sa trabaho at lulutas sa problema. Kaya, halimbawa, sa pagsasanay para sa pangangasiwa sa isang pasilidad ng komunidad, hindi ka lang mag-aanyaya ng maraming mga tao para sa pagsasanay sa pamamahala. Pumili ng mga miyembro ng komunidad na may dedikasyon at libre para gumawa ng trabaho o gawain. Sa halimbawang dito, ito ay nangangahulugan ng 7-10 katao lamang. Ang pagtimbanging pangkasarian (gender balance) ay, sa grupong tina-target, mga 50% dapat ay kababaihan. Huwag pumili ng kalahok ng dahil lamang sa siya ay babae o lalake. Ang mga babae at mga lalake ay dapat may dedikasyon at libre para pangasiwaan ang proyektong pangkomunidad. Tagapagpanayam: Ang iyong tagapagpanayam ay dapat eksperto sa mga paksang tatalakayin; hindi lamang mga dating opisyal o politiko. Sa workshop sa tubig at kalinisan halimbawa, ang tagapagpanayam ay dapat mga inspektor ng kalusugan, mga tagapagturo, mga enhinyero (sa tubig), at o mga eksperto sa pagsasanay sa pamamahala. Ang mga opisyal ng gobyerno ay maaaring anyayahin para gumawa ng mga opisyal na gawain sa umpisa o pagkatapos ng pagsasanay para siguraduhing nalalaman nila ang mga nangyayari. Sa isusulat na mungkahi, dapat isaas ng klaro na bawat tagapagpanayam ay eksperto. Dapat ding klarong itukoy kung ano ang gagawin ng bawat isa sa kanila. Kung hindi iisipin ng mga tagasuri na nais mo lamang kumuha ng pera para lamang sa iyong sarili o sa iyong mga kaibigan! Marami sa mga modulo ng pagsasanay ay may kontrata kung saan ang mga tagapagpanayam ay inaasahang idedeklara ang kanilang espesyalidad. Ito ay maaaring gamitin bilang batayan sa pagbibigay ng kabayaran sa bawat isa sa kanila. Nilalaman ng Kurso o Paksa: Ilakip ang detalyadong programa ng kurso. Ito ay nagpapadali sa pagsusuri ng bisa at kabuluhan ng iminumungkahing pagsasanay. Ang deskripsyon ng kurso ay dapat ipinapakita ang iba't ibang paraan ng pagsasanay na gagamitin: halimbawa pagganap ng karakter, bidyo, demonstrasyon, presentasyong audio, pagkunwa o simulasyon, panggrupong diskusyon o pag-uusap, gawaing panggrupo. Ang mga paksa ay dapat ilarawan, hindi lamang ililista. Kung maaari, sabihin din kung sino ang tagapagpanayam at kung ano ang kanyang paksang tatalakayin. Itakda ang mga gawain ng maaga para makapaghanda ang mga tagapagpanayam. Makipag-ugnayan sa kanila bago ganapin ang aktwal na pagsasanay. Ito ay makakatulong sa iyo upang malaman mo kung ano ang kanilang mga kakayahan. Badyet: Ang badyet ay dapat akma sa haba ng pagsasanay. Maaaring magkakaiba-iba ang payad sa mga tagapagpanayam (depende sa bilang ng paksang kanilang tatalakayin, kung ilang araw....) Ang halaga ay dapat makatwiran. Ang bilang ng mga tutulong (support staff) ay dapat ayon sa mga responsibilidad na administratibo. Panustos sa mga panggabi (night allowance) ay magkakaiba rin ayon sa bilang ng gabi na gugugulin ng iba't ibang tao. Ang pinagsama-samang gastos ay hindi tinatanggap. Lugar na Pagdadausan: Hindi lahat ng mga lugar na pinagdadausan (venue facilities) ay pare-pareho. Ang isang lugar ay maaaring may halagang 40,000 bawat araw ay dapat my mga over head prodyektors, air conditioning, TV at lalagyanan ng TV. Kung ang lugar ay wala ng mga ganitong pasilidad mas mababa ang renta sa bawat araw. Ang halaga ng pagkain ay hindi rin pare-pareho sa bawat lugar. Sa mga baryo o nayon, ito ay dapat mas mura kung ikukumpara sa syudad. Sa syudad ang pagkakaiba-iba ay makikita sa kalidad. Ang isang 5 star na hotel ay maniningil ng mas malaki kumpara sa isang 2 star na hotel....Kaya importante na isaad kung saan idadaos sa iyong mungkahi. Ang lugar ay dapat bayaran ng naaayon sa lokasyon at mga pasilidad na ibibigay. Dapat pumili ng lugar na akma sa mga kondisyon ng mga lalahok. Sa halimbawang tubig pangkomunidad at pagsasanay sa pamamahala ng kalinisan, sa nayon o baryo dapt ito gawin, gawa ng sa baranggay hall, lokal na paaralan o sentrong pangkomunidad. Pagsusulat ng Ulat: Ang isang ulat na maganda ang pagkakasulat ay ang nag-iisang feedback at ebidensya ng iyong mga isponsors. Kaya sa iyongmungkahi, dapat mong ipakita kung paano at kailan ang ulat ng pagsasanay ay isusumite kasabay ng paktura ng gastos. Ilan sa mga ahensyang nagbibigay ng laang-gugol (pondo) ay nagbibigay ng takdang oras o araw. Dapat sundan ito kungnais mong maghain ng iba pang mga mungkahi para sa pagsasanay. Tignan: Pagsusulat ng Ulat. Tadaan ng ilakip ang iyong programa para sa pagsasanay at ang listahan ng mga kalahok bilang apendiks ng iyong ulat. Ibigay ang mga detalye gaya ng kalidad ng tugon ng mga kalahok; kakayahan ng mga tagapasilita; nakamit na mga layunin; pang-araw-araw na ebalwasyon o pagsusuri ng mga sesyon; mga balakid at ang pinal na ebalwasyon mula sa mga kalahok, gayundin angmga rekomendasyon para sa susunod na mga aksyon. ––»«––Workshop sa Pagsasanay; Pag-aaral ng mga Kakayahan sa Pamamahala © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing pahina |
Pamamaraan ng Pagsasanay |