Tweet Pagsasalinwika:
Català |
PAGSUSUKAT NG PAGBIBIGAY-LAKAS O KAPASIDADGabay sa mga Kalahokni Phil Bartle, PhDisinalin ni Erika Paula PolinagHandout sa PagsasanayBibigyan kayo ng taga-gabay ng panibagong handout na kasama nito. Maglalaman ito ng labing-anim na mga elemento ng pagbibigay-lakas sa komunidad o organisasyon. Ang kailangan ninyong gawin ay makipagtulungan sa iba pang mga kalahok sa sesyon na ito upang malaman ang mga pagbabagong naganap sa pagbibigay-lakas sa nakaraang isa hanggang limang taon. Ang labing-anim na elementong ito ay suhektibo; walang pangunahin o tamang yunit na dapat gamitin sa pagsusukat. Ang pagsusukat ng grupo ay idinisenyo sa ganitong paraan. Ang nais lamang nitong gawin ay sukatin ang pagtaas (o pagbaba) sa bawat isang elemento. Mas mabuti kung ang sesyon na ito ay isinasagawa bawat taon, kasama ang mga kalahok at taga-gabay na kasali rito. Ngunit, hindi ito maisasakatuparan. Kaya importante para sa inyo na ayusn ang pagsusukat sa mga pag-eestima. Ang pinakamabuting paraan ay gumawa ng mga iskala sa inyong isip mula 0 hanggang 10. Tandaan rin ninyo na ang ibang mga kalahok ay mayroong ibang mga resulta sa inyo. Ang inyong "10" ay maaaring isang perpektong komunidad o organisasyon. Ang inyong "0" naman ay imposible, parang isang mahinang estado. Maglagay ng isang numero mula 1 hanggang 10 bilang iyong estimasyon sa kung paano ang komunidad na iyon ngayon. Pagkatapos, maglagay din ng bilang kung paano ito noong isang taon. Kung walang pagbabago, siguraduhin ninyo na magkapareho ang numero na inyong inilagay. Kung nagkaroon ng pagtaas, ang numero noong isang taon ay mas mababa. Ganito din ang inyong gawin para sa pagsusukat ng pagbibigay-lakas sa nakaraang limang taon. Gawin ninyo ito sa bawat elemento; labing-anim lahat-lahat. Tatawagin ng taga-gabay ang mga kalahok upang magbigay ng estimasyon, bawat elemento, tatlong numero bawat isa. Mahinahong sabihin ang inyong resulta. Maaaring magbigay ng ibang resulta ang ibang mga kalahok. Ayos lang iyon, huwag kayong kumontra o makipag-away sa ngayon (mayroong ilalaan na oras para sa diskusyon). Maaaring isulat ng taga-gabay ang mga estimasyon sa pisara. Isipin na lamang ninyo na isa itong sesyon ng pagbibigay ng mga ideya; magbibigay ka ng galing sa sarili mo ngunit huwag ninyo kontrahin ang iba pang mga kalahok. Maaaring gumawa na lamang ng pamantayan ang taga-gabay. Kapag nasa pisara na ito, oras na para pag-usapan ang mga resulta. Maaaring sabihin ninyo kung mataas o mababa sa pamantayan ang estimasyon ninto. Maaari niyo ring sabihin kung bakit nagbago ang isang numero sa nakaraang mga taon (hal. nasira ang suplay ng tubig; nagpatayo ng bagong klinika; nakakaapekto ang mga ito para sa estimasyon ng mga pasilidad sa komunidad). Itatanong ng taga-gabay ang opinyon ng mga tao, lalo na ang mga kalahok na hindi gaanong nagsasalita sa mga pagpupulong. Pagnilayan ang mga opinyong ibinigay at makipagtulungan sa iba upang makagawa ng isang napagsang-ayunang sukat. Tandaan, ayos lamang na magkaroon kayo ng iba't ibang resulta, ngunit kayo ay nagtutulungan upang makapagdesisyon kung ano ang estimasyon na gagamitin. Itatanong naman ngayon ng taga-gabay kung aling elemento ang pinaka-nagbago, at alin ang hindi masyado, at kung bakit. Lahat ng napag-usapan ay isinusulat ng taga-gabay sa pisara, at isinusulat naman ito sa kuwaderno ng taga-tala, kasama na rito ang mga detalye na maaaring nakaligtaang isulat sa pisara. Ang pamantayan na napagdesisyunan ng grupo ay isusulat sa pisara upang maipakita kung aling mga elemento ang pinaka-nagbago at kung alin ang hindi. Ang kopya ng diskusyon ang magbibigay ng impormasyon upang mabigyan ito ng paliwanag, o ituring ito bilang indikasyon ng laki ng paglakas mula sa nakaraang diskusyon. Kung mayroon mang mas marami sa isang sesyon noon, maaaring sukatin na lamang sa pagpupulong kung mas malaki ang pagbabago ngayon kaysa noon. ––»«––Isang Pagsasanay: © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing pahina |
Pagsusukat sa Pagbibigay-lakas |