Tweet Pagsasalinwika:
Bahasa Indonesia |
PAGSUKAT NANG KATATAGAN NANG PAMAYANANAng Pagsuri nang mga Paraan Upang Tingnan ang Katatagan nang Pamayananni Phil Bartle, Doktor ng PilosopiyaIsinalin ni Gerasmo G. PonoPagsusuriPaano sukatin ang kakayahan at katatagan nang mga pamayanan.Ang Problema na ating Hinaharap: Sinasabi nang ating layunin; nais nating bigyan nang kakayahan ang mga pamayanan. Pakiramdam natin, mayron na tayong pamamaraan paano ito gawin, ngunit paano natin malaman kung tayo ay nagtagumpay na? at gaano ka laki? Ano ba ang ibig sabihin sa tanong sa itaas? Ito ay nangangahulugang "Paano natin masukat ang kakayahan nang mga pamayanan na sa sinasabi nating ating pinatatag", o sa ibang salita, "Ano ba ang ibig sabihin nang pagpapatatag nang pamayanan, sa pagpapalaki nang kanilang kakayahan, o pagbibigy kakayahan. Maari nating magamit ang tatlong ito (1. pagtayo nang kanilang mga sarili, 2. pagpapatatag, 3. pagbibigay kakayahan) sa magkaparehong kalagayan, depende sa pananaw nang mga tao. Ang salitang "pagtayo nang sarili", kung pakinggan ay may halong politika, ang "pagbibigay kakayahan" ay mukhang mas nasa gitna, at mas tanggap nang mga dalubhasa na ayaw mahaloan ang kanilang ginagawa nang politika. Ang salitang "pagpapatatag" ang mas angkop na gamitin. "Ang pagsukat" at "Pagbigay Kahulugan", kung iyong tingnan mabuti ay may kaugnayan sa isat isa. Makita natin na sa ating programa sa pagpapatatag nang pamayanan, ang ating pakay na nagawa na natin nang kaunti ay ang nais nating gumawa nang mabisang paraan sa pagsusubaybay at pagsusuri nang mga kinalabasan sa pagpapatupad nang mga gawain upang makamit ang kalakasan nang ating pamayanan. Hindi natin masusukat ang isang bagay kung hindi natin makilala ang mga ito, at kung paano at anong paraan ang ating gagamitin. At siyanga pala, isang pagbalik tanaw, ukol sa bagay na lagi nating binaggit dito, "ang pamayanan", ay isa din sa napakahirap na bagay na intindihin. Tingnan ang, "Ano ang isang pamayanan". Ang sinasabi natin dito ay pamayanan na labis pa sa binuo nang mga tao; ito ay ang samahan doon sa pamayanan na nais nating patatagin. Kung ang mga tao ngayon ay naging malakas na, sa ganoon hayaan nalang nating mangyayari yan, ngunit ang pinahalagahan nating mabuti ay ang katatagan nang buong pamayanan na nais nating tataas. Ngunit sa sa kabila, wala tayong di kuryenting pangsukat upng masabi nating ito ay tumaas na galing sa animnapu't dalawa patungo sa pitongpu't walo, o maaring sabihin nating ang kakayahan ay tumaas nang labing anim na puntos. Kung ganun, ano ang magagawa natin?, maaring masuri natin ang bagay na "katatagan", "lakas" at "kakayahan", sa pagsukat doon sa pamayanan, tingnan ang ibat ibang bahagi, at tingnan kung, galing dito may makikita ba tayong mga bagay na magsasabi sa atin na ang katatagan ay tumaas o lumalaki ang kanilang mga kakayahan. Ang Elemento nang Katatagan: Ano ang mga bahagi o mga elemento nang pamayanan at kakayahan nang samahan, na magbabago pag ang pamayanan o samahan ay maging matatag na?Tingnan ang: Labing Anim na Elemento sa Pagbibigay Kakayahan nang Pamayanan. Ang Mga Pamamaraan sa Pagsukat: Paano ang Kakayahan, o pagtaas nang kakayahan masukat? Tingnan ang Pamamaraan na Kasali ang Lahat sa Pagsukat nang Kakayahan. Ang layunin nang isang pamayanan ay magkaiba kung ihambing sa layunin nang ahensiya na nagbibigay kakayahan. ang layunin nang pamayanan,halimbawa, ay maaring pagpapatayo nang isang gripo o pagamutan o ano ang kanilang mapagkasunduan sa ilalim nang gabay nang isang tagapagpakilos. Ang ahensiya na nagbibibigay nang paapagpakilos, sa kabilang dako, ay may ibang pakay tulad nang paggamit nang pamamaraan nang pagbibigay kakayahan upang maging matatag ang isang pamayanan. Ang pagsusubaybay at pagsusuri nang ahensiya at mga kasapi nang pamayanan, sa madaling salita ay magkaiba, sapagkat sinusukat nila ang mga gawain patungo sa pagkamit nang kanilang mga layunin. Ang pagsusubaybay sa pagpapatayo nang isang pagamutan ay mas madali; maari nilang iulat na ang gawain ay nandoon nasa paggawa nang pundasyon o dingding. Ang pagsusubaybay nang pagbabago nang kakayahan nang pamayanan, sa kabilang dako ay nangangahulugan nang pagsukat nang pagbabago nang mga katangian nang mga tao doon sa pamayanan (tulad nang ibinigay sa ibaba). Sapagkat ang mga pakay ay hindi magkapareho, ito ay mas mahalaga na ang pamayanan ay kasali sa paraan sa pagsukat nang kakayahan at sa pagsusuri nang kahit anong pagtaas nang kakayahan. Kung tayo ay nagpapatayo nang pagamutan, ito ay malinaw na layunin, at mas madaling tukuyin ang bahagi nang pagamutan na natapos na. Ngunit sa kabilang dako, sa pagsukat nang kakayahan nang pamayanan, ang layunin ay walang hangganan ; at ang pamamaran ay walang malinaw na katapusan. Ang pamayanan mismo kalakip ang mga kasapi sa pagtitipon ay dapat ang maging basehan sa pagsusuri kung mayron bang pagtaas o paglaki nang kakayahan, alin sa mga elemento ang nakatulong sa ganung pagbabago, at ito ay gusto pa ba nang pamayanan. Ang pamamaraan sa pagkuha nang mga nakikita nang pamayanan ay dapat magkaiba sa pagsusubaybay nang pagpapatayo nang pagamutan kung ihambing sa pagsusubaybay nang pagpapatatag nang pamayanan na gumagawa nito. Mga Babasahin sa Pagsasanay Na Gagamitin sa Pagsukt nang Kakayahan : Kalakip sa dalawang dokumentong ibinanggit sa ibaba (1) ang labing anim na elemento sa pagbibigay kakayahan at (2) isang pamamaraan na kasali ang lahat sa pagsukat nang kakayahan, at ibang mga babasahin sa pagsasanay ay inihanda rin dito bilang kabahagi nang paksang ito. Ito ay naglakip nang: Ang Labing Anim na Elemento nang Pagbibgay Kakayahan na babasahin, ang Mga Babasahin nang Tagasanay sa Pagsukat nang Pagtaas nang Kakayahan na babasahin at ang Gamit sa Pagsukat nang Pagbabago nang Lakas na babasahin ––»«––Isang Pagsasanay: Para
sa magkaibang pamamaraan (ngunit may kaugnayan) sa pagsukat nang katatagan nang pamayanan,
tingnan ang: Measuring
Community Capacity Building. 1996. Washington, DC. Aspen Institute. © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing pahina |
Pagsusukat sa Pagbibigay-lakas |