Tweet Mga Pagsasalin
Bahasa Indonesia |
PAGPILI NG NEGOSYOPagtulong sa Pagdesisyon sa Isang Magnenegosyoni Phil Bartle, PhDisinalin ni Noelle GaraldeMga Tala Para sa Guro o FacilitatorIsa sa pinakamahalaga na bagay sa tagumpay ng isang negosyo ay ang pagpili na angkop na gagawin o pagkakakitaanPanimula: Ang dokumentong ito na para sa mga facilitator at guro ay kasama ng "Pagpili ng Negosyo," na para sa mga kalahok. Kung kayo ang mamamahala ng sesyon o kukuha ng eksperto na tinuruan ninyo ng participatory methods, pareho ang layunin nito. Ang layon ng pagsasanay ay para mabatid ng bawat kalahok ang mga katanungan at magdesisyon na magresulta sa pagpili ng negosyong kikita. Ang pangkalahatang paraan sa pagsasanay sa paksang ito ay hamunin ang inyong mga kliyente, mga kalahok o mga miyembro sa inyong mga tinayong organisasyong pautangan na mamili ng mga hakbang at patotohanan ang mga ito. Sa mga bahagi na nakasaad na kailangan "Idikit ang listahan sa pader," ang pinakamainam na gawin ay maghanda ng manila paper o cartolina kung saan isusulat ang listahan at idikit ito sa pader gamit ang masking tape. Ang dokumentong ito ay hindi tungkol sa mga desisyon sa pamamahala ng negosyo tulad ng Pagsasanay sa Pamamahala o Management, kungdi ay tungkol sa pagkuha ng impormasyon at pagawa ng mga kalkulasyon para malaman kung ang isang enterprise o negosyo ay maisasagawa (at kung ito ay kikita) at kung dapat bang ipagpatuloy. Gamitin ang mga isyu na natalakay at ang kasamang Mga Tala Para sa Guro upang hamunin ang inyong mga kalahok na piliin ang pinaka angkop na maisasagawa sa mga maliit na negosyo na pwede nilang pasukan. Dapat maintindihan ng bawat kalahok ang negosyong nais nilang pasukan. Dapat mabatid nila na hindi lahat ng negosyo ay magkakaron ng tubo o kita. Ang mga nakatira sa mga mahihirap na komunidad o sa probinsya ay kasalukuyang may pinagkakakitaan na mga gawain. Kaya naman ang pagpili ng negosyo ay nakasalalay sa tubo o ganansya na pinansyal o panlipunan. Idikit ang listahan sa pader
Sa mga umuusbong na ekonomiya o yung tinatawag na developing countries, matatagpuan ang karamihan ng populasyon sa naunang dalawang kategoryang nakalista dito. Ngunit ginagawa nila ito para sa konsumo ng pamilya hindi para kumita. Karamihan ng pagsasaka ay para sa pansariling produksyon. Hindi ito ginagawa upang kumita ng pera o pangkalakal, at hindi ito dumadaloy sa ekonomiya ng bansa. Kung titignan sa aspeto ng supply at demand, may pagkukulang sa produkto na nanggagaling sa paunang pagproseso ng mga produktong agrikultural (kaunti ang supply at mataas naman ang mga presyo). Ang sektor na ito ang pinagtutuunan ng pansin sa mahihirap na bansa dahil sa kakayanan nitong makamit ang sustainable development. Ito rin ang pinakaangkop para sa mga maliliit na negosyante at tumutugon sa isang partikular na pangagailangan sa ekonomiya, ang paunang pagproseso ng mga produktong agrikultural. Maraming negosyante ang naniniwala na maari lamang silang magtagumpay kung meron silang dagdag na pera o di kaya pagkukunan ng pautang. Ngunit ang problema ay maaring matugunan ng maayos na pamamanala ng mga kayamanan (tao, kagamitan at pinansyal) na abot-kamay sa mga nais gamitin ito. Ang mga sumusund ay makakatulong sa mga kalahok na tignan kung ang isang negosyo ay kanais-nais, mapagkakakitaan at di nakakahamak sa kapaligiran.
Gaano
pa kalaki ang isang negosyo, dapat isipin ng inyong mga kliyente ang mga sumusunod:
Produkto o Serbisyo Unahing pagisipan ang produkto o serbisyong gagamitin sa pagnenegosyo. Maaring bagong produkto o dati ng binbenta o ginagawa.
Pagisipan
kung ang produkto o serbisyo ay magiging:
Pagbebenta o Marketing:
Para
mahanap ang mga posibleng mamimili (ilan ang kelangan nila at anong presyo), kailangan
sagutin ng mga kalahok ang mga sumusunod:
Tinatawag na "market survey" o "market analysis" sa paghahanap ng sagot sa mga katanungan sa taas. Ito ay isinasagawa para malaman kung ang produkto o serbisyo ay bebenta. May mga potensyal na mga kakumpetensya at ano ang kanilang mga kalakasan at kahinaan. Ang market survey ay magandang paraan para malaman kung handa bang bumili at magbayad ng mga kostumer. Ito ay maaring gawin sa pamamagitan ng (1) pagbisita at pagmasid sa palengke, at (2) pakikipagusap sa mga taong interesado sa produkto. Kasama sa pagsasanay ang pagsasagawa ng ilang "market survey" para sa grupo. Pagsasanay: Dito malalaman kung ang inyong mga kliyente ay may mga kaalaman na kinakailangan sa paggawa ng produkto o serbisyo o di kaya ay ang mga kaalman na ito ay maaring matutunan. Maari bang matutunan ng grupo ang pagawa ng produkto o pagbigay ng serbisyo? Kelangan tutukan ang bawat isa sa pagsagot ng bawat tanong:
Kelangan
ninyo malaman:
Mga materyales, kasangkapan at kagamitan: Ang susunod ninyong gagawin ay ang pagtanong sa bawat isang miyembro kung paano makakakuha ng materyales, kasangkapan at kagamitan na gagamitin sa negosto. Importante na sa lokal na pagkukunan ang mga materyales, kung maari. Kung ang kagamitan ay aangkatin sa ibang lugar, ito dapat ay pamilyar sa mga gagamit at ang pagbili at pagpapanatili nito ay maisasagawa. Mahabang panahon ang hihintayan at may kamahalan ang pagkuha ng spare parts kung manggagaling pa ito sa ibang bansa. Kung maari, gumamit ng mga kasangakapan at kagamitan na galing sa lokal na pagkukunan at angkop sa pangangailangan ng negosyo. Paghahanap ng Pagawaan o Lugar ng Pagtatrabaho: Sa pagsisimula ng negosyo, importante ang pagkakaroon ng maayos na lugar na pagawaan. Ang mga negosyante ay dapat maghanap ng angkop na lugar kung saan makakatrabaho Ilagay ang listahan ito sa pader at pagusapan ang bawat isa sa grupo:
Nakasalalay sa uri ng negosyo na pinaplano ang mga kondisyon. Ang mano-mano na makina sa pag proseso ng bigas ay di kinakailangan ng elektrisidad; ang pagsasaka ng gulay ay di nangangailangan ng building. Bumisita ng ilang lugar kung saan may mga negosyo na tumutugon sa mga kondisyon na nakalista sa itaas. Lugar ng Pagbebenta: Tanunging ang inyong kliyente kung meron silang lugar kung saan pwede nilang ibenta ang kanilang produkto (1) sa isang lokal na lugar, (2) sa ibang lugar (tulad ng pag eksport); (3) or parehong lokal at mas malawak na lugar. Maraming negosyo na nagsisimula magbenta sa lokal na lugar muna at pinagiisipan ang pagbenta sa labas ng komunidad kung maganda ang takbo ng negosyo. Ilagay ang listahang ito sa pader:
Produksyon: Importante malaman ng inyong mga kliyente kung paano naisasagawa ang isang maliit negosyo mula simula hanggang katapusan - paano nagagawa ang bawat produkto, nabibili at ibinebenta. Ilagay ito sa pader:
Dito malalaman kung paano magagawa ang mga produkto at ang mga materyales na kailangan para makagawa ng tamang dami ng produkto. Mga Gastusin sa Produksyon: Lahat ng gastusin na may kinalaman sa negosyo ay dapat pagisipan. Kasama na rito ang mga malalaking gastos tulad ng kagamitan o makina at ang kaakibat na taunang depreciation para malaman ang buong gagastusin ng isang negosyante bago magsimula.
Kita sa Produksyon (Benta)
Tandaan
na ang perang nakuha sa pagbebenta ng produkto o serbisyo ay kailangan sa pagbayad
ng mga sumusunod
Kapag pinagsama-sama, ang tatlong ito ay tinatawag na recurrent expenses o paulit-ulit na gastos. Bawat taon, ang kinita o nabenta (sales) ay katumbas ng mga ginastos (recurrent expenses). Kung hindi ay malulugi ang negosyo. May mga gastusin sa pagsisiumula ng negosyo o ang tinatawag na start-up costs. Ito ay ang mga gastusin na kinakailangan bago makabenta ng isang produkto o serbisyo. Kasama dito ang halaga ng kagamitan, makina at kasankapan at ano mang produktong kinakailangan. Karaniwang na naghihintay ng anim na buwan bago kumita ang isang negosyo. Para masiguro na ang perang kikitain ay tama lang sa ginastos at ang pagkakaroon ng kaunting kita, kailangan pagisipan ang mga sumusunod: Ano
ang ibebenta? Ilagay ang equation sa board pag paguusapan ang paksang ito sa mga kalahok PRESYO NG PRODUKTO = KABUUANG GASTOS + TUBOBago pagiisipan ang pagpepresyo, paalalahanan ang inyong mga kliyente na sagutin ang mga sumusunod na tanong: (1) Kabuuang Gastusin (total cost)? (2) Sa anong presyo gustong bilhin ng mga kostumer ang produkto? (3) Sino ang mga kakompetensya at magkano nila binebenta ang kanilang produkto? (4) Gaano kalaki ang demand sa produkto o serbisyo at (5) Ano ang kalidad at uri ng kanilang produkto? Ano ang "kita" at "tubo"? Ito ang pagkakaiba sa kita sa pagbebenta at gastusin sa produksyon. Ilagay din ang equation na ito sa board. KITA = PRESYO NG BINEBENTA - KABUUANG GASTOSAng "profit margin" ay ang porsyento ng total cost at maaring nasa gitna ng 10% to 100%. Konklusyon: Pagpili ng Pinakaangkop na Negosyo Pagkatapos gawin ang mga nakasaad sa itaas, maaring makadesisyon na ang inyong kliyente kung anong klaseng negosyo ang pagtutuunan ng pansin
Sa
mga pagpipilian, maari ng makapili ng pinakaangkop na negosyo:
––»«––Produktibong Gawain: Paggawa ng Sabon © Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Unang Pahina |
Maliit na Negosyo |