Unang Pahina
 Maliit na Negosyo




Pagsasalin

Bahasa Indonesia
Català
中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / Hindī
Italiano
Português
Română
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

Nilalaman

Nilalaman

Nilalaman:

Nilalaman:

Nilalaman:


PAGPILI NG MALIIT NA NEGOSYO

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Emmanoelle Garalde


Tala para sa mga Kalahok

Tala para sa mga nagsasanay na magnenegosyo; paano pumili ng negosyo

Panimula:

Ang dokumentong ito ay tungkol sa pagkuha ng impormasyon at pagawa ng kalkulasyon para malaman kung ang inyong negosyo ay maaring gawin (kikita) at kung dapat ba itong gawin.

Hindi lahat ng negosyo ay kikita. Paano makakapili ng negosyong kikita? Maaring marami kang pagpipilian pero anong negosyo ang may kita. Gamitin ang mga nakasaad dito sa pagpili ng tamang negosyo.

Ito ay listahan ng posibleng pasukan na negosyo
  • Pagsasaka: pagtanim at pag-alaga ng mga hayop
  • Pangingisda, pangangaso, paghuhuli;
  • Pagproseso ng mga produkto galing sa pagsasaka: milling o pagiling, pagawa ng tinapang isda;
  • Pagayos ng kagamitang pangsaka, pagawa ng mga kagamitan (fabrication);
  • Paghabi, pagtahi, pagawa ng bistida, pagsastre;
  • Pagawa ng tisa o laryo, pagawa ng uling;
  • Pagayos ng buhok, Pagugupit ng buhok, beauty salon:
  • Paghanda ng pagkain, chop bars, restawran o karinederia;
  • Pag-aanlwagi o karpentero, panday, pagkakantero o masoneryo; o
  • Pagtinda, pagbebenta o marketing.

Sa mga umuusbong na ekonomiya o yung tinatawag na "developing countries", karamihan sa mga tao ay nangingisda at nagsasaka para sa pansariling pangangailangan. Hindi ito nakakapagbigay sa pambansang ekonomiya. Kakaunti rin ang mga galing sa unang pagproseso ng mga produktong agrikultural (kakaunti ang supply at ang mataas ang presyo). Maaring pumili ng kahit ano sa mganegosyong nasa listahan sa kaliwa ngunit hinihikayat namin kayo na pagisipan ang pagproses ng mga produktong agrikultural (tulad ng pagkuha ng langis sa mga buto o seeds). Ito ay sa kadahilanang maaring pagkunan ng tuloy-tuloy na daloy ng pagkakakitaan at makakatulong din sa ekonomiya ng bansa. Ang maliit na pagkakalakal o pagtitinda naman ay madaling pasukin ngunit maliit lang ang naidudulot nito sa ekonomiya dahil walang dagdag na produksyon. Ito lamang ay ang pagdadala ng mga produktong gawa na sa ibang lugar.

Anuman ang laki at lebel ng iyong negosyo, kinakailangan pag-aralan ang mga sumusunod:
  • Posibilidad na maibenta ang mga produkto o serbisyo sa merkado;
  • Pagkukunan ng materyales, mga kasangkapan at kagamitan;
  • Lugar o lokasyon ng negosyo;
  • Proseso ng produksyon;
  • Mga gastusin at kita sa produksyon;
  • Pagkukunan ng pananalapi; at
  • Pamamahala.

Produkto o Serbisyo:

Ano ang iyong naiisip na produkto o serbisyo? Maaring bagong produkto o dati ng binbenta o ginagawa. Ano ang mga rason kung bakit napili mo ito bilang negosyo? Maari bang kumita mula dito? Napagisipan mo na ba ang mga alternatibo? Kaya mo bang panindigan ang iyong desisyon?

Pagisipan kung ang iyong produkto o serbisyo ay: Mas mura? Mas mataas ang kalidad? Panibagong produkto? Maaring ibenta ng madalas? Maaring ibenta ng iba't ibang dami? at/o Pwedeng ibenta sa isang lugar kung saan mas maraming mamimili? Maaring tanungin ka ng inyong guro na ibigay ang mga rason sa pagpili sa harap ng iyong grupo.

Marketing o Pagbebenta:

Para mahanap ang mga posibleng mamimili (ilan ang kelangan nila at anong presyo), dapat nating malaman ang mga sagot sa mga susmusunod na tanong:
  • Anong presyo ng iyong produkto?
  • Sino ang bibili o sino ang iyong mamimili at saan sila nakatira?
  • Gaano kadalas sila bibili at gaano sila katagal bibili; handa ba silang bumili tuwing araw ng iyong pagtitinda, sa susunod na tatlong buwan?
  • Meron bang mga kakumpetensya? at
  • Saan manggagaling ang mga materyales na gagamitin at anong presyo nito?

Para malaman kung ano ang nais bilhin ng mamimili at sa anong presyo, maaring bumista at magmasid sa mga mamimili sa isang palengke o tindahan. Kausapin ang mga tao na interesado sa iyong produkto. May nakikita ka bang kakumpetensya - ano ang kanilang kalakasan (strengths) at kahinaan (weakness). Tignan Marketing o Pagbebenta.

Pagsasanay para sa Dagdag Kaalaman:

May kaalaman o marunong ka bang gawin ang produkto o ang serbisyong iyong napili? Kung hindi, maari mo ba itong pagaaralan? Maari mo bang pagaaral ang paggawa ng produkto o ang pagbibigay ng serbisyo?

Dapat mong malaman:
  • Anong klaseng kaalaman ang iyong kailangan?
  • May pisikal na kakayanan ka ba para magawa ang dapat gawin?
  • Interesado ka ba na matuto ng bagong kaalaman?
  • Mayroon ba inyong grupo o sa komunidad na may kakayanang gumawa nito na maaring magturo sa iba?
  • Gaano katagal ang pagsasanay? at
  • Magkano ang gagastusin?

Materyales, kasangkapan at kagamitan:

Maari mo bang makuha ang mga materyales,kasangkapan at kagamitan na gagamitin sa negosyo? Importante na makuha ang mga materyales sa inyong lokalidad tuwing ito ay kinakailangan.

Kung ang isang bagay tulang ng isang kagamitan ay kailangan kunin sa ibang lugar o imported, dapat ay kilala ito at dapat ay siguraduhin ang pagbili at pagpapanatili nito. Mahabang panahon ang hihintayan at may kamahalan ang pagkuha ng spare parts kung manggagaling pa ito sa ibang bansa. Kung maari, gumamit ng mga kasangakapan at kagamitan na galing sa lokalidad at angkop sa pangangailangan ng negosyo.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
  1. Anong mga materyales ang lagi ninyong kailangan?
    1. (a) ______________________________
    2. (b) ______________________________
    3. (c) ______________________________
    Mga halimbawa:
    • Kung gagawa ng furniture, kinakailangan lagi ng kahoy at pako.
    • Kung gagawa ng kagamitan na pangsaka, kinakailangan natin ng bakal at uling.

  2. Anong mga kasangkapan ang kailangan natin bilhin paminsan-minsan?
    1. (a) ______________________________
    2. (b) ______________________________
    3. (c) ______________________________
    Mga halimbawa:
    • Kung gagawa ng furniture, kailangan natin ng martilyo at katam.
    • Kung magkukumpune ng bisikleta, kailangan natin ng liyabe at air pump.

Paghanap ng Pagawaan:

Importante sa isang negosyo na makahanap ng maayos na lugar kung saan makakatrabaho. Ang mga magnenegosyo ay dapat maghanap ng lugar na angkop sa pagtatrabaho.

Para makapagsimula ng isang maliit na negosyo, may mga kondisyon na kinakailangan agampanan:
  • Lugar ng pagtatrabaho o lokasyon na madaling puntahan;
  • Espasyo sa pagtatrabaho;
  • Lugar kung saan ilalagay ang mga materyales;
  • Lugar kung saan ilalagay ang mga tapos na produkto;
  • Angkop na seguridad, pinto at bintana na naisasara;
  • Pagkakaroon ng mga pasilidad (tulad ng tubig, elektrisidad, telepono); at
  • Lugar kung saan maaring magbenta at kung saan maraming mamimili ang dadating.

Ang mga kondisyon na kinakailangan ay nakadepende sa pinaplanong negosyo. Ang isang makina na de-kamay na ginagamit sa pagproseso ng palay ay hindi kinakailangan ng kuryente; samantala ang pagsasaka ng gulay ay di naman nangangailangan ng isang gusali.

Bumisita (kasama ng ibang miyembro ng iyong grupo) ng ilang lokasyon kung saan maaring itayo ang iyong negoyo at tignan kung mga kondisyon sa itaas ay makikita.

Lugar ng Pagbebenta:

Makakahanap ka ba ng angkop na lugar para makapagtinda? Maari mong ibenta ang iyong mga produkto: Sa inyong lokalidad o komunidad; Sa ibang lugar (tulad ng pag-eksport); o di kaya ay sa inyong lokalidad at sa mas malawak na merkado sa labas.

Karamihan ng mga negosyo ay nagsisimula sa pagtitinda sa kanilang lokalidad at pinagiisipan ang pagbenta sa labas ng komunidad kung maganda ang takbo ng negosyo. Ang mga sumusunod ay mga lugar kung saan pwedeng magtinda. Maaring makaisip pa kayo ng ibang lokasyon.

  • Sa lingguhang palengke;
  • Sa araw-araw na palengke sa may munisipyo;
  • Sa may kalsada kung saan maraming tao ang dumadaan;
  • Sa isang wholesaler o consolidator;
  • Sa isang grupo ng mangangalakal;
  • Sa isang institusyon (paaralan, ospital, opisina); at
  • Sa isang lugar na pang komersyo na rinerentahan.

Produksyon:

Iniisip mo kung paano ang pagtakbo ng iyong negosyo mula sa simula hanggang sa katapusan - kung paano magagawa ang bawat produkto, mabili o mabenta.

Dapat mo malaman ang mga sumusunod:
  • Gaano katagal ang produksyon (arawan, lingguhan, dalawang linggo, buwanan)?
  • Gaano karami ang nagagawa na produkto(lebel ng produksyon)?
  • Ano ang ginagamit sa produksyon (materyales) at madali ba itong makuha o mabili?
  • Sinong tutulong? at
  • Anong mga espesyal na kakayanan ang kailangan at paano matutunan ang mga ito?

Makakatulong ito sa paghanap ng paraan at mga materyales na kinakailangan para makagawa ng madaming produkto.

Mga Gastusin sa Produksyon (Expenses):

Lahat ng gastusin na may kinalaman sa negosyo ay dapat pagisipan. Kasama na rito ang mga malalaking gastos tulad ng kagamitan o makina at ang kaakibat na taunang depreciation para malaman ang buong gagastusin ng isang negosyante bago magsimula.

  • Alamin ang mga bagay na kinakailangan (inputs) para magawa ang produkto at para makabenta;
  • Kuwentahin ang gagastusin sa produksyon sa tiyak na dami ng produkto:
  • Ilagay ang mga kinakailangan sa produksyon (isulat ito sa blackboard o sa papel sa pader)
    1. Materyales: Mga kinakailangan sa pagawa ng produkto;
    2. Kagamitan: mga kasangkapan at makina na kinakailangan sa pagsagawa ng produkto;
    3. Trabaho o Labor: Ang kinakailangan na tao sa produksyon. Kasama dito ang lahat ng sahod kasama ang pagtrabaho ng kapamilya at iba pang gastusin para sa manggagawa
    4. Transport o Paghatid ng Produkto: Kasama dito ang paghatid ng mga materyales para sa produksyon at ang pagdala ng mga tapos na produkto sa palengke o mamimili;
    5. Ibang Gastusin: Ibang gastos na hindi kasama sa mga kategorya sa taas. Kasama dito ang bayad sa tubig, gas, pagkukumpuni at interes sa utang.
  • Kuwentahin ang lahat ng gastusin sa produksyon.
    • Ang kabuuang gastusin sa produksyon at pagbebenta ay makukuha kung pagsasamahin ang 1-5
    • Kabuuang Gastos (total cost) = 1+2+3+4+5
  • Halaga bawat isang piraso (cost per unit)= Kabuuang Gastos hinati sa dami ng produktong nagawa

Kita sa Produksyon (Sales):

Tandaan na ang perang nakuha sa pagbebenta ng produkto o serbisyo ay kailangan sa pagbayad ng mga sumusunod :
  • Lahat ng gastusin sa produksyon;
  • Lahat ng ginastos sa pasahod; at
  • Gastos sa pagkumpuni at pagpalit ng kagamitan at makina

Kapag pinagsama-sama, ang tatlong ito ay tinatawag na recurrent expenses o paulit-ulit na gastos. Bawat taon, ang kinita o nabenta (sales) ay katumbas ng mga ginastos (recurrent expenses). Kung hindi ay malulugi ang negosyo.

May mga gastusin sa pagsisiumula ng negosyo o ang tinatawag na start-up costs. Ito ay ang mga gastusin na kinakailangan bago makabenta ng isang produkto o serbisyo. Kasama dito ang halaga ng kagamitan, makina at kasankapan at ano mang produktong kinakailangan. Karaniwang na naghihintay ng anim na buwan bago kumita ang isang negosyo.

Para masiguro na ang perang kikitain ay tama lang sa ginastos at ang pagkakaroon ng kaunting kita, kailangan pagisipan ang mga sumusunod:
  • Ano ang ibebenta?
  • Gaano kadami ang ibebenta? at
  • Magkano ibebenta ang mga produkto?

PRESYO NG PRODUKTO = KABUUANG GASTOS + TUBO


Bago maglagay ng presyo, pagisipan ang mga sumusunod:
  • Kabuuang gastos (total cost);
  • Sa anong presyo bibili ang mga mamimili;
  • Sino ang iyong kakumpetensya at ano ang presyo ng kanilang produkto;
  • Gaano kalaki ang demand sa produkto o serbisyo; at
  • Ano ang kalidad at uri ng kanilang produkto.

Ano ang "kita"(profit) at "tubo" (margin)? Ito ang pagkakaiba sa kita sa pagbebenta at gastusin sa produksyon.

KITA = PRESYO NG BINEBENTA - KABUUANG GASTOS

Ang "profit margin" ay ang porsyento ng total cost at maaring nasa gitna ng 10% to 100%.

Pagpili ng Pinakaangkop na Negosyo

Pagkatapos gawin ang mga nakasaad sa itaas, maari na kayong makapili ng negosyong maari ninyong pagtuunan ng pansin.

Sa mga alternatibo, maari na makapili ng tamang negosyo:
  • Tignan ang negosyong may pinakamalaking kita.
  • Sa tingin ninyo, maganda ba itong gawing negosyo?
  • Kung hindi, tignan ang pangalawang negosyo na malaki ang kita;
  • Pagkatapos ay magdesisyon; at
  • Tignan sa iba kung magsisiumula ang ibang indibidwal o grupo sa komunidad ay plano din magsimula ng kaparehong negosyo para maiwasan ang kompetisyon.
––»«––

Workshop: Pagpili ng Pinakaangkop na Negosyo


Workshop: Pagpili ng Pinakaangkop na Negosyo

© Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 10.05.2011


 Unang Pahina

 Maliit na Negosyo