Tweet pagsalin nang mga salita
'العربية / Al-ʿarabīyah |
Pagsasanay sa PamamahalaAng mabisang pamamaraan nang pagbibigay kakayahan nang pamayanan, pamilya at samahanni Phil Bartle,Doktor ng Pilosopiyaisinalin ni Gerasmo G. PonoPara kayo Gert LüdekingAng Gitnang Pahina Nang PaksaAng pagsasanay para sa pagbuo nang nang samahan; ay di lang tungkol sa pagbibigay kakayahanpanimula Ang pagsasanay sa pamamahala bilang isang pamamaraan sa pagpapakilos nang pamayanan ay nakatuon sa pag ahon sa kahirapan, pagbibigay kakayahan sa mga mahihirap na pamayanan upang makasali sa pagplano at pamamahala nang tirahan at ibang pampolitikang serbisyo, ang paggawa nito, pagpapatakbo at pag-aalaga nito. Ito ay pagsasanay para sa pagkilos,di lang sa pagbibigay kakayahan doon sa mga tao. Huwag natin masyadong intindihin na ang pagsasanay, bilang isang pamamaraan sa pagbbibigay kakayahan nang mahihirap na pamayanan, para sa pag ahon sa kahirapan, para sa pagtaas nang kaalaman nang pamayanan, para sa pagsuporta sa pagiging demokrasya at paglipat sa lokal na pamamahala, ito ay nangangahulugan lang sa paglipat nang kaalaman at kakayahan sa mga sinasanay. Ito ay hindi pangkaraniwang pagsasanay. Ang pagpapatupad nang ganitong pagsasanay ay maaring magpapahina nito, pag binigyan nang malaking halaga ang pagbibigay kakayahan sa halip nang pagbibigay nang suporta, pagbuo at pagpapakilos nang grupo. Ang pagsasanay sa pamamahala ay ginawa upnag patatagin ang galing nang mga matataas at gitnang namamahala sa mga kalakal na korporasyon. Ito ay binabago dito, at hinaloan nang mga pamamaraan sa pagbuo nang samahan nang mga manggagawa, at ang layunin nito ay patatagin at pakilosin ang isang mahirap na pamayanan, na sila ay magkaisa at tulungan ang kanilang mga sarili, upang makabuo nang isang maunlad na pamayanan. Ang apat na mahalagang tanong: Kung tingnan nating mabuti ang paggawa nang pasiya kung ano ang dapat gawin ay magkaiba depende sa katayuan, sa katayuang ito gamitin natin ang apat na tanong. Ang pagsagot sa apat na tanong ay ang pinakamabisang paraan sa pamamahalang pagplano. Ang apat na tanong ay: "1. Ano ang ating gusto? 2. Ano ang nasa atin? 3. Paano natin gamitin ang nasa atin upang makuha ang ating gusto ? 4. Ano ang mangyayari kung makuha na natin ito? Kung tingnan mong mabuti ang apat na tanong na ito ay laging kalakip sa pagbibigayan nang kaalaman sa pagbuo nang plano nang isang proyekto. Ang tanong na "ano ang ating gusto" ay naglalarawan sa problema, ang salungat ay ang pagbuo nang pangkalahatang layunin, at ang linaw nito ay ang paggawa sa mga maliit na pakay at kinalabasan. Sa pagsasanay nang pamayanan ukol sa pamamahala, ang tanong na ang tanong na "ano ang ating gusto ? ay dapat sagutin nang buong pamayanan, di lang nang mga lalaki, sa may mga pinag-aralan, sa mga kawani nang pamahalaan, sa mga kaibigsn nng mga ahensiya, ngunit sa lahat nang mga tao upang makuha ang pinagkasunduang pasiya. Ang tanong na "ano ang nasa atin ay ang pagkilala nang mga kakayahan na maaring magamit para sa ating mga pakay. Sa pagsasanay sa pamamahala nang pamayanan, ang gawaing ito ay tumpak na gawin doon sa mga pagtitipon, yung mga mahiyaing mga tao ay dapat hikayatin na sasali nang usapan, sapagkat may maraming kakayahan ang bawat pamayanan, kahit ang mga mahihirap, ngunit ito ay nakatago lang at hindi masyadong nakilala. Ang magaling na tagapagpakilos, sa pamamagitan nang partisipatori na pamamaraan, ay kayang kilalanin ang mga kakayahang ito kahit nakatago. Ang mga kakayahan ay maaring oras sa paggawa at kaalaman (isang ato ay maaring magtrabaho sa isang gawain), lupa/lugar na maaring pagdaosan nang mga gawain, pera (sa pamamagitan nang mga bayad, benta, bigay at ibang mapagkukunan), gamit (mga gamit o kasangkapan), na maaring magamit sa isang proyekto, at kaalaman nang mga tao (ideya, kaalaman, kakayahan, karanasan, kakayahan sa pagplano at pag-intindi, pagiging malikhain) ay ang kadalasang nakatagong kayamanan na makikita sa mga matatanda at nagreretirong mga tao, at kadalasan ang mga taong may kapansanan at di masyadong tanggap nang karamihan. Marami sa kanila ay madaling makita ngunit di lang binigyan ang pansin o halaga. Ang tanong na "Paano natin makuha ang ating gusto sa pamamagitan nang mga bagay na nasa atin? ay ang pamamaraan na gagamitin sa pamamahala. Maymaraming pamamaraan sa pagbuo nang mga kakayahan na maaring magamit at ang mga kaalaman nang mga kasapi nang pamayanan ay dapat gamitin sa pagkilala sa mga paraan na maaring gamitin at piliin ang pinaka angkop para nito. Ang tanong na "ano ang mangyayari kung makuha na natin ito? ay ang mga pangyayari dahil sa mga bagay na pinatupad. Ito ay maaring gawin sa pamamagitan sa pagtanong kung paano ang isang bagay maka apekto sa buong pamayanan at paligid nito, at ito ay nangangahulugan sa paggawa nang pagsusubaybay at pagsusuri. Ang apat na tanong na ito ay dapat gamitin nang mga tagapagpakilos, bilang isang gabay sa pagbuo at pagsaayos nang isang samahan. Ito ay maaring magamit nang tagasanay nang pamamahala sa pagbuo nang isang lupon na tagapamahala. Ang isang tagapag ayos ay maaring gamitin ito sa pagbuo nang kuponan nang mga tagapagpakilos. Silang lahat, sila ang gabay sa pagbuonang kakayahan sa pamamahala at lakas nang kahit anong grupo nang mga sinasanay. Sa isang pagsasanay nang pamamahala sa pamayanan, ang mahalagang apat na tanong na ito ay dapat pag usapan pag ang pamayanan ay kailangang magpasiya sa mga dapat gawin. Ito ay dapat gamitin muli kung ang lupon na tagapamahala sa isang grupo nang pamayanan ay magkitaupang pag usapan ang mga bagay na dapat gawin. Kung tingnan mong mabuti, makita mo ang apat na tanong na ito sa ganung pagkasulat, na nakalagay sa huling bahagi nang dokumentong ito, ang pagbibigayan nang mga kaalaman at gabay sa pagbalangkas nang isang proyekto. Maaring ito ay gamitin sa pagbuo nang samahan ukol sa kalakal, o isang pagtitipon nang mga matataas na pangulo sa mga mayayamang korporasyon (o, sa paksang ito ang pagbibigay kakayahan nang isang mahirap na pamayanan), sila ay kasali sa mahalagang bahagi sa pamamahala. Ibang mga prinsipyo sa pagsasanay sa pamamahala: Sa sandaling ang apat na tanong ay makita sa gitna nang pagsasanay nang pamamahala, ang ibang prinsipyo nang pamamahala ay makilala din. Ang pagsali nito sa pagsasanay sa pamamahala doon sa pamayanan ay magkaiba kung paano ito kailangan: magkano at anong klasing pagsasanay ang dapat sa isang sesyon. Ito ang ilan sa mga talaan nang mga prinsipyo.
––»«––© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing pahina |
Pagsasanay sa Pamamahala |