Tweet Mga Pagsasalin
Bahasa Indonesia |
MGA PAKSA TUNGKOL SA PAGSASANAY NA PINANSYALni Phil Bartle, PhDisinalin ni Emmanoelle GaraldeMga TatalakayinAnong pinansyal na pagsasanay ang kailangan ng mga kalahok ng paggawa ng yaman sa pagnenegosyo?Panimula: Sa dalawang klase ng pagsasanay (pag-hasa ng kaalaman)
ilang kaalaman sa elementary accounting (pagtatala ng mga pinansyal na transaksyon) at pag-ulat (mga ulat na pang pinansyal) ay kinakailangan. Kung mas malaki ang isang negosyo o proyekto, mas nangangailangan ng mga sumusunod na kaalaman. Ang mga sumusunod ay ang mga paksa sa pagsasanay. Maaring piliin ang mga angkop sa pangangailangan. Ang Prinsipyo sa Likod ng Double Entry Ang pinakaimportanteng konsepto sa pagsasanay ay ang pagkakaroon ng dalawang elemento sa bawat transaksyon: ang isa ay nagbibigay ng pera at ang isa ay kumukha o gumagamit ng pera. Ang aspeto ng pagkakaroon ng dalawang mukha na ito ay makikita sa prinsipyo ng double entry accounting. Dapat ay nakalagay ang lahat ng perang pumapasok at lumalabas sa bawat linya ng ledger. Kapag ang prinsipyo na ito ay nabigyang linaw (sa pamamagitan ng pagsasadula kung saan dalawang tao ay nagpapasahan ng pera), maipapaliwanag din ang konsepto ng double entry book keeping. Ang Mga Kinakailangan na Dokumento: Ang layunin ng bawat CBO o negosyo ay itala at maiulat ang kanikanilang transaksyong pinansyal. Para magawa ito, ang bawat kalahok ay bibigyan ng introduksyon sa mga kinakailangan na dokumento. Unang una na dito ay ang ledger book. Ang ibang detalye tungkol dito ay tatalakayin mamaya. Kinakailangan din ng ibang instrumentong pinansyal at dokumento tulad ng resibo, ulat pampinansyal o financial statement, budget outcome, disenyo at ang layunin ng bawat isa. Para sa mga malalaking proyekto, mas mainam na gumamit ng ledger cards, ngunit depende pa ito kung gaano kalaki at komplikado ang isang proyekto. Mga Elemento ng Ledger Book: Mga Linya at Column. Debit. Credit. Paano magtala ng mga transaksyon sa ledger book. Paano magbukas at magsarado ng libro. Totals. Mga ehemplo. Mga Pagkakaiba. Mga Linya sa Budget: Paano magrekord ng bawat bayad na ayon sa budget line ng proyekto. Ang Cash Book o Libro ng Pananalapi: Ano
ang cash book. Pagtala ng transaksyon: Ano ang transaksyon. Paano ito rinerekord. Ano ang relasyon nito sa kabuuan Ang Balanse na Nakarekord at ang Hawak na Balanse Paano maitutugma ang nasa ledger book sa aktwal na hawak na pera (at ang nasa bangko). Reconciliation. Kinalabasan ng Budget: Ang hindi opisyal na rekord; paano sinasalamin at ang relasyon ng balanse sa budget. Ang balanse ng bawat linya ng budget. Ang Kahalagahan ng Resibo: Mga invoice at resibo. Bakit kailangan ng bawat transaksyon ng rekord na higit pa sa nakikita sa ledger book. Ano ang resibo? Petty Cash: Paano at bakit kelagan ng petty cash account. Ano ang mga pakinabang at mga disadvange nito? Pagtatala sa Araw ng Transaksyon: Ang kahalagahan ng pinakabagong ledger book. Pagbalanse ng mga Libro: Paano kuwentahin ang kabuuan sa isang ledger Ang Ulat Pang Pinansyal (Financial Statement): Ang opisyal na talaan ng pondo ng proyekto. Mga tubo at gastusin. Paano dapat nasasalamin ng dokumento ang ledger book. Paano gumawa ng talaan na nagsasalamin ng double entry ng accounting. Paano maglagay ng totals o kabuuan sa bawat linya ng budget. Paano tukuyin ang iba't ibang pinanggalingan ng kinita (galing ba sa UN, gobyerno, inaabot na pera, gawain at regalo na may katumbas na pinansyal na halaga). Mga Kontribusyon na Hindi Pera: Pagkuwenta ng halaga ng mga binigay na bagay at gawain. Paggawa ng mga rekord na maaring gamitin bilang resibo. Pagtala ng halaga na mga binigay na gawain at trabahong walang bayad. (Ang paksa na ito ay naangkop sa mga CBO na gumagawa ng mga pasilidad na pang komunidad kaysa sa mga indibidwal na may negosyo). Pagkakaiba ng Iba't Ibang Pinagkukunan ng Pananalapi at Kontribusyon: Ang pagsigurado na ang bawat pinagkukunan ng pananalapi ay nakarekord ng hiwalay. Pagpapakita ng iba't ibang pinagkukunang ng halaga na ginagamit sa isang financial statement. Pag-pares ng Mga Account sa Imbentaryo: Ang kahalagahan ng pagpapakita kung saan inilagay ang bawat bagay na binili. Paano ito gagawin. Ang Pagsusuri ng Publiko sa mga Account Ang dahilan kung bakit kelangan bukas o transparent ang pagtatala. Ang karapatan ng mga miyembro ng kumunidad na tignan at suriin ang ledger kahit kailan. Ang pagaari ng komunidad sa proyekto at sa mga account. Ang pamimigay ng financial statement. Ang pagreport sa miting ng komunidad. Pag-susuri (Awdit) ng mga Account: Ang legal na pangagailangan sa pag awdit. Impormal na pagsusuri. Ang listahan ng mga paksa sa taas ay maaring gamitin bilang checklist. Pagsasagawa ng Pagsasanay: Ang pagsasanay ay dapat maging kapakipakinabang sa isang komunidad lalo na sa pagpapalakas nito at sa pagsisiguro na ang lahat ng transaksyon ay bukas at tama. Gumamit ng pinakasimpleng paraan sa pagtuturo ngunit dapat pa rin maisuguro na ang mga account ay naayon sa tuntunin. Bihira makahanap ng isang empleyado ng komunidad na bihasa sa mga kaalaman na nakasaad sa itaas. Lalong lalo na ang makahanap ng isang accountant na may kaalaman sa pagtuturo, pagsisilbi sa komunidad at mga grupo dito o di kaya ay may kaalaman sa participatory at facilitative na pagtuturo. Dahil ang pagtatala at pagrereport ng mga transaksyong pinansyal ay kinakalaingan sa tagumpay ng proyekto ng isang komunidad dahil na rin sa pangangailangan ng financial transparency at dahil kinakailangan ang impormasyon na ito sa pagawa ng mga desisyon sa komunidad, importante na ang mga kaalaman na ito ay tinuturo, iniintindi at sinasanay. Dahil dito, ang pagtuturo sa mga trainers o guro ay kinakailangan: (1) pagtuturo sa mga koordinator at mga mobilizer sa mga kaalaman na nailathala sa itaas, at/o (2) pagtuturo sa mga bihasa sa accounting sa mga paksang may kinalaman sa participatory methods sa pakikipagugnayan sa komunidad. Ang paksang ito ay tinatalakay sa ibang modyul; kaya naman importante na isama ito sa mga programang may kinalaman sa pagtataguyod ng mga komunidad na mahihirap ––»«––Gawain sa Pagsasanay Pinansyal © Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Unang Pahina |
Maliit na Negosyo |