Tweet Mga Translasyon:
Bahasa Indonesia |
INTERBENSYON NG MOBILISASYONSulat ni Phil Bartle, PhDisinalin sa Desirée YuIntroduksyon sa Modulo (Hab)Mga dokumentong kasama dito ay Mobilisasyon Modulo
Pagpapagalaw ng komunidad para umaksyonAng pagsasakapangyarihan ng mga komunidad, ang paghihikayat ng partisipasyon ng komunidad, ang siklo ng mobilisasyon, ang stimulasyon ng pagtulong sa sarili, ang pagpapabuti ng lipunan tungo sa pagtayo sa sariling paa, ang pagpuksa ng kahirapan - lahat ng ito ay uri ng interbensyon. Ang ahente ng mga ito ay maaring tawaging tagapagsigla, facilitator, tagamobilisa, opisyales ng paglilinang ng komunidad, ahente ng pagbabago o aktibista. Ang serye ng mga modulo ng pagsasanay para sa pagsasakapangyarihan ng komunidad na mababang kinikita, ay may kasamang ilang mga dokumento tungkol sa proseso ng interbensyong naisulat sa itaas. Nakapaloob sa seryeng ito ay: Introduksyon sa Interbensyon sa Mobilisasyon, isang introduksyon, Ang Siklo ng Mobilisasyon, sa handout ng workshop ng Siklo ng Mobilisasyon, na detalyadong naipaliwanag, Mga Ilustrasyon ng Siklo ng Mobilisasyon, mga linyang larawan mula kay Julianna Kuruhiira, na nagsasalarawan ng bawat hakbang ng siklo, Para maging isang Tagamobilisa, isang pahinang handout sa pagsasanay kung saan nakasulat kung ano ang kailangan para maging isang tagamobilisa, at kung ano ang ginagawa nito, Magkaisang Pagoorganisa, ay nagbibigay paliwanag na ang komunidad ay hindi natural na magkaisa, ngunit kailangan ng interbensyon para mapagkaisa ang komunidad para magkaroon ng iisang desisyon, Pagkain Kasama ang mga Kaibigan,ay nagsasalarawan ng papel ng pagkain sa pagsasakapangyarihan ng komunida, Pagsasanay bilang pagmomobilisa, ay nagsasalarawan ng espesyal na metodolohiya ng pagsasanay na nakapaloob ang pag-oorganisa, gayun din ang pagpasa ng kakayahan. Para sa power point na presentasyon ng siklo ng mobilisasyon, na may ilustrasyon at teksto, tignan lamang ang Power. ––»«––Konstruksyon ng Proyekto ng Komunidad: Kung kokopya ng teksto mula sa site na ito, makikibanggit ang mga patnugot |
Pangunahing Pahina |