Pangunahing Pahina
 Mobilisasyon




Mga Translasyon:

Bahasa Indonesia
বাংলা / Baṅla
Català
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / Hindī
Italiano
日本語 / Nihongo
Kiswahili
Polszczyzna
Português
Română
Русский
Tiếng Việt
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

PALIWANAG SA SIKLO NG MOBILISASYON

Sulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin sa Desirée Yu


Dokumento sa Pagsasanay at Sanggunian

Detalye ng bawat hakbang ng siklo

Buod:

Ang dokumentong ito ay ipinapakita ang bawat hakbang ng siklo ng mobilisasyon. Ang bawat hakbang ay bibigyan ng maikling paliwanag. Dapat kasama ang pagbasa nito sa siklo ng Mobilisasyon na isang pahinang handout. Ang siklo ay nakalarawan sa Ilustrasyon ng mga siklo ng Pagpapatibay


siklo ng Mobilisasyon

Introduksyon:

Ang siklo ng mobilisasyon ay minsang tinatawag na "siklo ng Promosyon ng Partisipasyon ng Komunidad", o ang "siklo ng Paglutas ng Problema", o "siklo ng Paglilinang ng Komunidad", o "siklo ng Pagpapasigla ng Lipunan". Ito ay serye ng pakikialam (na isasagawa ng isa o ilang mga tagamobilisa) para itaas ang antas ng pakikialam ng komunidad sa mga desisyong nakakaapekto sa sarili nilang paglinang.

Ito ay tinatawag na "Siklo" dahil ito ay inuulit, na sa bawat pagkakataon ay itinutuloy sa naunang mga tagumpay, kasama ang mga pagkakamali at natutunang leksyon.

Ang siklo:
  • Ay isang serye ng pakikialam o interbensyon sa lohikal at progresibong paraan;
  • Ay isinasagawa ng isang lehitimo, awtorisado at kilalang tagamobilisa (o mga tagamobilisa);
  • Ginagamit ang desisyon ng komunidad sa pagpapatibay at hindi bilang hantungan lamang;
  • Ay kinakailangan na ang (mga) tagamobilisa ay may tamang kaalaman at sensitibo sa katangian ng komunidad;
  • Maaring ipatupad ng sentral na ministeryo o departamento o sa lebel ng distrito, o ng NGO;
  • Ang pinanggalingan ng programa ay hindi mula ibaba ng komunidad pataas o grassroot na itinitawag, kung hindi ang layunin nito ay mula ibaba, papataas ng komunidad ang pagpapalakas bilang layunin nito; at
  • Ihikayat (pasiglahin, ipagtanggol, pagsanayin ang kinakailangang kakayanan at suportahan) ang partisipasyon ng komunidad sa pagkontrol at paggagawa ng desisyon sa lahat ng bagay makakaapekto sa buong komunidad.

Ang mga pangunahing hakbang:
  • Ay lohikal na kontektado sa isa't isa at sa kabuuang siklo;
  • Lahat ay kinakailangan (ang pagkawala ng isa ay malubhang makakapaghina ng resulta); at
  • Isinasagawa sa sunod-sunod na hakbang, ngunit minsan maari din magkasanib-sanib at magpatuloy.

Ang partisipasyon ng lahat ng miyembro ng tinututukang komunidad (ano man ang biolohika o panlipunang katangian) ay esensyal sa pagpupuksa ng kahirapan at pagpapalakas ng komunidad. Dito sa partisipasyon ng CDP, buong komunidad (at hindi lamang iilang paksyon) ang partisipasyon sa pagkontrol at paggagawa ng desisyon.

Kasama sa pangunahing desisyon na gagawin at isasagawang kontrol ay: pagtasa ng sitwasyon (pangangailangan at mga potensyal); pagdetermina ng prioridad na problema (at pagsasagawa ng hangarin at layunin mula sa natukoy na problema); pagplano ng mga isasagawang aksyon (planong aksyon ng komunidad, disenyo ng proyekto); pagsasagawa at pagsubaybay dito at ebalwasyon ng mga resulta.

Aakuin ng buong komunidad ang responsibilidad (at hindi sa taga-labas).

Pag-aambag ng kukunang-yaman (tulad ng donasyon, paggawa, suplay), dayalogo at konsulation sa mga labas na ahensiya ay hinihikayat, ngunit ang "partisipasyon" (sa istratehiyang ito) ay mas komprehensibo at nakapasaloob kaysa bilang "kontribusyon" o "konsulation" lamang.

Pagpapasensitibo at Pagbibigay Pahintulot:

Ang mga tagamobilisa ng komunidad ay dapat kilalanin ng mga awtoridad at makakuha ng legal na estado para sila ay hindi bulnerable sa aresto dahil sa sedisyon at ginugulo ng kapulisan at iba pang awtoridad para sa pagpapanatili daw ng batas para sa kaayusan.

At sa mga awtoridad na ito nakasalalay ang interes ng pagpapanatili gamit ang iba't ibang probisyon at panakot gamit ang pagpapatupad ng batas, bilang Serbisiyo sibil, opisyales, politiko, tradisyonal at makabagong lider, teknikal na eksperto kung saan nakikita nila agad ang benepisyo ng paggamit ng mga probisyon para makakuha ng impluensiya, popularidad, boto, promosyon, at para maangat sa trabaho. Ang pagpapasensitibo ay hindi lamang pang pormalidad, ngunit ito ay dapat maiplano at maisagawa nang mabuti. Ang pagpapabula ng mga tsismis at maling akala ay dapat kasama sa istratehiya ng pagpapasensitibo.

Pagpapalaganap ng Kaalaman:

Bago hikayatin ang komunidad umaksyon (para matuto at maging malakas), dapat ipagbigay-alam ng tagamoblisa ang ilang mga realidad sa miyembro ng komunidad.

Sa hakbang na ito, importanteng hindi magkaroon ng maling mga ekspektasyon, at aktibong ipabulaanan ang maling akala at tsismis tungkol sa uri ng tulong na kanilang inaasahan.

Kasama sa isyu ng pagkakaroon ng tamang kaalaman ay:
  • Kung sila ay tahimik lamang at umaasa sa tulong ng gobyerno o ng iba, mananatili silang mahirap at mahina;
  • Walang komunidad ang lubusang mahirap; kung may naninirahang mga tao, mayroong kukunang-yaman at potensyal tulad ng paggawa, pagiging malikhain, buhay, kagustuhan, at ang katangiang lumaban para mabuhay;
  • Ang mga tao ay mas tutulong kung nakikita nilang tinutulungan mo na ang iyong sarili; at
  • Ang tagamobilisa (at ang ahensiya o departamento) ay hindi mamimigay ng mga kukunang-yaman (tulad ng pondo, materyales sa pabahay atbp), ngunit nariyan para maghikayat at magbigay ng tulong sa pamamagitan ng pagsasanay sa pamamalakad at gabay.

Magkaisang Pag-ooragnisa:

Walang komunidad ay lubusang magkaisa; mayroon at mayroong sismo at paksyon sa bawat isa..nagiiba lamang sa tindi ng pagkakawatak. Kung maraming hindi pagkakaintindihan sa loob ng isang lipunan, mahirap makakuha ng konsensus tungkol sa mga pangunahing problema na ang pangunahing layunin.

Unang kinakailangan ang magkaisang pag-oorganisa sa pagmomobilisa ng komunidad at magpapatuloy sa buong siklo base sa pangangailangan. Tignan ang Magkaisang Pag-oorganisa.

Pagsasanay para sa Tagamobilisa:

Ang kakauniting tagamobilisa ay hindi kayang abutin ang bawat sulok ng komunidad na nangangailangan ng interbensyon para hikayatin ang pagsasakapangyarihan at pag-asa sa sarili. Tulad sa kaso ng Uganda CMP, mayroong 10 lokal na tagamobilisa sa bawat parokya. Sila ay hindi tumatanggap ng bayad nang boluntaryo para sa Resistance Movement kung saan sila kinuha para magpalaganap ng kaalaman sa uri ng partisipasyong demokratiko ni Museveni. Binigyan namin sila ng pagsasanay at ilang mga libreng kagamitan tulad ng t-shirt at bisikleta, at tinulungan pa nila kami sa aming mobilisasyon ng mga CDO at CDA (Community Development Officers at ng kanilang mga Asistant).

Ang pagkukulang ng mga nabigyang-kasanayan na mga tagamobilisa para mahikayat ang pagtulong sa sarili ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit nagkaroon at pinalaki itong web site at ang tuluyang pagsasagawa ng mga modulo para sa pagsasanay. Marami dito ay gabay para maisulat o maisalin sa kani-kanilang lokal na lenggwahe at para mai-ayon sa iba't ibang lokal na kondisyon. Ang pinaka materyales sa pagsasanay ay Pagsasanay para sa pagkakaroon ng Lakas ay isang kurikulum sa pagsasanay sa pamamalakad ng komunidad, at tatlong handbook para sa mga tagamobilisa, para sa (1) mobilisasiyon, (2) pagkakaroon ng kita at (3) pagsusubaybay. Dahil ang susing input sa proseso ng pagsasakapangyarihan ay mobilisasyon at pagsasanay sa pamamalakad, at hindi ang bahagyang pagpondo ng proyekto ng komunidad, ang mga materyales sa pagsasanay dito ay sentro ng proseso.

Pagsasanay sa Pamamalakad:

Isa sa elemento nitong programa ng pamamalakad ng komunidad na nagpapaiba sa tradisyonal na pagpapasigla ng komunidad o interbensiyon sa paglilinang ng komunidad ay ang pagkakaroon ng pagsasanay sa pamamalakad. Hindi sapat ang pagbigyan o paghikayat lamang ng mga komunidad na inisasantabi o may mababang kinikita na makilahok sa demokratiko at sumusulong na aksyon at paggawa ng desisyon; dapat ang komunidad ay mayroon ding kapasidad para makilahok. Ang pagsasanay sa pamamahala ay para sa pagpapataas ng kanilang kapasidad.

Bilang metodolohiya ng pagangat ng kapasidad, ang pagsasanay sa pamamalakad ay hindi lang tulad ng tradisyonal na pagsasanay kung saan naglilipat lamang ng kaalaman. Nabuo noong dekada-sitenta para sa mga senyor na manager ng malalaking korporasyon, kasama sa pagsasanay sa pamamalakad ay hindi lamang ang paglipat ng kaalaman, kung hindi pati pagpapalaganap ng kaalaman, pagpasa ng impormasyon, paghihikayat at pagsasaayos ng istraktura (pagoorganisa para sa mabilis na paggawa ng desisyon at epektibong aksyon). Nais sabihin ng aming mga kalahok na "Ito ay hindi lamang pagsasanay tungkol sa pagsasakapangyarihan, pagmomobilisa at pag-oorganisa, itong pagsasanay ay pagsasakapangyarihan, pagmomobilisa at pag-oorganisa."

Pagtatasa nang Kusang Partisipasyon:

Bagama't kailangan magsagawa ng unang pagtatasa sa kukunang-yaman ng komunidad, mga potensyal, sagabal, at pangangailangan, ang istratehiya ng siklo ng mobilisasyon ay nangangailangan ng pagtatasa ng buong komunidad. Ito ay maaring hindi agad maisagawa ng kabuuan, at maipapatuloy ito ng tagamobilisa o ng ehekutibo ng komunidad sa susunod, pagkatapos sila mabuo at maorganisa.

Lahat ng plano at aksyon para sa interbensyon ay dapat isagawa base sa naobserbahang realidad, at hindi sa imahinasyon or sa espesyal na interes ng ilang mga paksyon ng komunidad. Ang pangangailangan at potensyal ng komunidad ay dapat kilalanin nang lahat.

Pagtukoy ng mga Prioridad, Problema at Layunin:

Kung ang komunidad ay sapat na magkaisa, at kung ang lahat ng paksyon ay kasama pati mga kababaihan, may kapansanan, at iba pang mga tao na hindi mashado makakapagpartisipa nang buo sa pagsasagawa ng mga desisiyon, ito na ang tamang oras na umaksyon ang komunidad.

Ito ay maisasagawa sa pagkuha ng konsensus ng mga pangunahing problema, at pagkakaroon ng pangunahing layunin dahil dito. Ang pagbigay ng mga ideya mula sa iba't ibang tao o brainstorming ay isang teknikong maaring gamitin dito.

Community Action Plan (CAP) o Plano ng Aksyon ng Komunidad:

Dapat magsang-ayon ang komunidad kung ano ang nais nilang makamit sa loob ng isang takdang panahon, isang taon o limang taon (oras na kakailanganin para sa mga plano para sa distrito). Ang planong ito ay maaring magkaroon ng isa o ilang mga proyekto para sa komunidad.

Pagoorganisa ng CIC, Ehekutibong Komite:

Dahil ang mga detalye ng disenyo ng isang proyekto ay hindi magagawa sa isang publikong miting ng may daang mga tao, praktikal lamang na magbuo ang komunidad ng isang ehekutibong komite (Komite sa Proyekto, Komite Pang-debelop, CIC o ang tinatawag na Community Implementing Committee). Ang komiteng ito ay dapat mahalal base sa konsensus kung ang paghahalal ay magiging dahilan ng paghihiwalay dahil sa paksyon o sismo; dito, kailangan maging mapag-alam at sensitibo ang tagamobilisa sa prinsipiyo at nakagisnan ng komunidad.

Dapat bigyang pagsasanay ng tagamobilisa ang komite sa partisipasyong pagplano, pamamalakad at liderato, para ito ay hindi maging sekreto sa buong komunidad. Dapat pagaralan ng CIC ang plano ng aksyon nang detalyado, at maghanda ng aprubal para sa disenyo ng proyekto (muli sa paggamit ng partisipasyong metodolohiya sa paghihikayat ng taga-mobilisa). Dito, mas kailangang tignan ang istratehiya sa pamamalakad ng komunidad sa (sa Element B) at isama ito sa siklo ng mobilisasyon.

Mga Disenyo ng Proyekto Pang-Komunidad:

Ang susi sa pagsasanay sa pamamalakad ay itanong at isagot ang apat na susing katanungan:(1) Ano ang gusto nating mangyari? (2) Ano ang meron natin? (2) Paano natin gamitin ang meron natin para maisagawa ang (1)? at (4) Ano ang mangyayari kung nagawa natin ito? Ang mga ito ay palalawakin para maging disenyo ng pang-komunidad na proyekto. Sa metodolohiyang ito, ang pagtanong at pagsagot ng mga katanungan ang magbibigay disenyo sa proyekto, at base sa partisipasyon ng mga kalahok, na binibigyang gabay ng tagamobilisa (ang nagtatanong), at ang sagot mula sa mga kalahok bilang grupo (na sasagot sa mga tanong).

Ang "proyekto" ay ang aksyon (o grupo ng mga aksyon na napagdesisyonan ng komunidad bilang grupo at hinikayat ng tagamobilisa). Ang pormat ng disenyo ng proyekto ay parang: Ano ang problema? Itukoy ang hangarin bilang solusyon sa problema; at ayusin ang hangaring ito sa mga abot-kayang grupo ng maliliit na layunin (SMART); itukoy ang kukunang-yaman at limitasyon; gumawa ng ilang mga istratehiya para magamit ang kukunang-yaman; iwasan ang limitasyon at maisagawa ang mga layuning pumili ng pinakaepektibong istratehiya sa pagsagawa ng desisyon sa organisasyon (ang istraktura, kung ano ang gagawin nino, ang budget, iskedyul); at pagdesisyonan ang pagsusubaybay, pagrereport at ebalwasyon.

Negosasyon:

Nasa sensitibong lugar ang tagamobilisa, sa isang bahagi, kailangan niyang umasa nang lubos na tulong mula sa labas para sa mga kukunang-yaman, at sa kabilang bahagi, ang tunay na pangangailangan ng komunidad para sa mga kukunang-yaman (at kung saan maari silang magkaroon ng akses sa nakuhang pondo mula sa kita ng sentral o distrito ng gobyerno). Kung saan ang isang disenyo ng proyekto ay gagamiting bilang proposal, o isang proposal mismo ay isusulat ng ehekutibo ng komunidad, at ito ang magiging instrumento ng negosasyon sa pagitan ng komunidad at ng awtoridad para sa potensyal na makuhang kukunang-yaman.

Kahit na ang layunin ay hindi paghahanap ng kukunang-yaman sa labas, kailangang siguraduhin ng komunidad na ang mga plano nito ay konsistente sa kabuuang plano ng heograpiyang kapaligiran, at ng nalalapit na komunidad, sa distrito o rehiyon na kinaroroonan, at sa anu mang nasyonal na plano at mga prioridad. Dapat napapaloob ang mga paksa na ito sa negosasyon. Lahat ng tao kasama sa proyekto ay dapat maging sangkot sa negosasyon. Kung ano man ang nais makamtam ng komunidad, kukunang-yaman man or aprubal, o ang dalwa, ang disenyo ng proyekto at ng proposal ay instrumento sa negosasyon.

Paghahanda ng Kontrata at Negosasyon:

Ang kontrata ay isang opsyonal na instrumento na irinekomenda dito. Maaring tumulong ang tagamobilisa na i-gabay ang ehekutibo ng komunidad sa pagsusulat ng kontrata, base sa disenyo ng proyekto. Ang pananalita ay dapat simple at maikli lamang, at ang proposal o disenyo ng proyekto ay maaring ikabit na lamang bilang apendise.

Ang mga pipirma sa kontrata ay dapat representasyon ng lahat kasosyo at ang hakbang na ito ay puwedeng isama sa hakbang ng negosasyon tulad ng nakasulat sa itaas. Ang negosasyon ay nakapaniniguro ng malinaw at walang bahid ang rinerekomendang proyekto, na ang lahat ng kadamay (mga stake holders) ay mayroong pagkakaintinidihan sa layon at aksyon ng proyekto. Ito rin ang nagpapalehitimo sa pagtanggap ng komunidad sa responsibilidad nitong proyekto.

Pirmahan ng Kontrata:

Kasama sa mga pipirma ay mga representasyon ng mga stake holders o kasosyo (ehekutibo ng komite, opisyales ng distrito, lokal na pamunuan, opisyales ng ahensiya at mga tagamobilisa). Ang miting sa pagpipirma ng kontrata ay isang oportunidad para magkita nang harap-harapan ang mga tao. Kaya maaring ipalabas ito ng tagamobilisa na isang mataas antas ng debelopment sa proyekto (ang pagiging sangkot sa sibiko at partisipasyon ng komunidad).

Kung napagkasunduan na dati ng mga pipirma ang nilalaman ng kontrata, ang pagpirma ay maaring gawing isang seremonya, at isama sa mga pampublikong seremonya. Ang pagkakaroon ng isang silid tulad ng isang silid-aralan, ay ikatutuwa ng mga pipirma. Sa pagiging publiko nitong seremonya, mas ginagawa nitong lehitimo ang proyekto, at mas nakakapagbigay kaalaman ito ng mga metodohiya sa pagsasakapangyarihan ng komunidad.

Pagtanggap ng Unang Hulugan:

Kung ang layon ng proposal at kontrata ay para makakuha ng pinansiyal na kukunang-yaman para sa proyekto ng komunidad (tandaan lamang ang isyu sa pag-asa lamang sa ganitong tulong), sa gayon, ang unang matatanggap ng hulugan ay maaring gamiting sa pampublikong seremonyang ito (kasama ang pagpirma ng kontrata). Ito ay isang oportunidad itaas ang perpil ng proyekto, at ng partisipasyon ng komunidad at ng disenyo nito.

Ang pagkakaroon ng programa tulad ng mga awitin, pagsasayaw, pagtugtog o pagsasadula na gaganapin ng mga lokal na kultrual na grupo, mga estudyante, o mga boluntaryo, ay isang oportunidad pagpapalakas ng siging at katapatan sa komunidad at kultural na tradisyon. Maaring imbitahan ang media para maaring isama ito sa programa ng radyo, sa lokal na dyaryo, at sa telebisyon. Ang mga rason para gawin ang mga ito ay para maging lantad, maitaas ang perpil ng proyekto at maitaas ang kalaaman sa partisipasyon ng komunidad at pagsasakapangyarihan.

Pagsisimula ng Implementasyon:

Sa puntong ito, ang komunidad at mga lider, tulad ng mga politiko at mamamahayag, mas magiging interesado sila sa mga aksyon at resulta (tulad ng pagpapatayo ng mga banyo, pagkakaroon ng suplay ng tubig, klinko o paaralan), at kailangang palaging mabigyaan ng palatandaan na ang pagsusubaybay at pagrereport ay palaging kasabay ng pagaksyon. Dito ang galak ng komunidad ay maaring bumaba o masira kung ang mga aksyon ay hindi lantad (lalo't na ang mga pampinansiyal) para maipakita sa lahat ng miyembro ng komunidad.

Habang ang layunin ng komunidad ay ang pagtatapos ng pasilidad, ang layunin ng istratehiya at ng tagamoiblisa ay i-angat ang lakas at kapasidad ng komunidad kaya dapat bigayan diin ang pagsusubaybay at pagrereport (sa salita at sa sulat). Dito din makikita kung saan mas nangangailangan ng pagsasanay ang komunidad base sa kanilang mga aksyon (sa pinansiyal at akaunting, sa pagsulat ng report, o sa teknikal na kakayanan), at muli, kung saan ang Element B ng istratehiya ay dapat maisama sa siklo ng mobilisasyon.

Pagsusubaybay at Pagrereport:

Habang ang pagsusubaybay at pagrereport ay para sa obserbasyon ng aksyon para matiyak na ayos ang lahat at kaunting pagaayos at para hindi malayo sa layunin, dapat masundan ito ng mas malalim na pagtatasa at ebalwasyon. Kasama dito ang pagtasa ng resulta ng aksyon, at pagbibigay halaga kung paano ito isinagawa, kung dapat ba ito isinagawa at kung ano ang orihinal na plano.

Dito na naguulit ang siklo, dahil pare-pareho lamang ang layunin mula nung unang inisiyal na pagsusuri at pagtatasa ng komunidad.

Pagtanggap ng Kasunod na Hulugan:

Ang pagkuha ng pondo ng ehekutibo ng komunidad mula sa labas ay dapat hakbang-hakbang, at depende sa trabhong kailangang magampanan sa bawat hakbang.

Kahit na ito ay hindi naisagawa sa CMP Uganda, ito ay isang uri ng insurance o panigurado, kung kaya't kapag ang trabaho (o ang pagrereport) ay nasuspendido, gayun din ang natatanggap ng halaga.

Pagpapatuloy ng Trabaho hanggang Katapusan:

Habang nagpapatuloy ang trabaho, may responsibilidad ang tagamobilisa na siguraduhin na nagagawa ang pagsusubaybay (lalo na ng mga miyembro ng komunidad pati na ang ibang kasosyo). Ang pagiging lantad ng mga bagay-bagay, lalo na sa mga halaga at layunin ng mga bayaran, ay importante para mapanatili ang interes ng komunidad at tiwala nito sa ehekutibo.

Ang pagtanggap ng pondo mula sa ahensya ay dapat depende sa akauntabilidad (sa pananlita at pampinansiyal) at sa pagpananatili ng pagiging lantad ng mga bagay, sa katapatan, katiwalaan at integridad ng mga taong responsable sa pamamahala ng proyekto sa komunidad.

Seremonya ng Opisyal na Pagtatapos:

Habang ang seremonya at selebrasyon ay isang espesyal na araw para sa karamihan, ito ay isang madugong trabaho para sa tagamobilisa. Sa pagbibigay ng cheke at iba pang seremonyas na nakasulat sa itaas, ang seremonya ng pagtatapos ay isang oportunidad ipahayag ito bilang pampublikong kaganapan, para narin sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa pagsasakapangyarihan, at tungkol sa proyekto, at ipatunay na lehitimo at takda ang promosyon ng partisipasyon ng komunidad at pagsasakapangyarihan ng komunidad na may mababang kinikita.

Ang seremonya ng pagtatapos, na may kasamang mga press at kultural na kasiyahan, ay oportunidad din ipaalala sa mga miyembro ng komunidad na kailangan nilang bigyang ebalwasyon ang proyekto ngayong tapos na ito, at alamin kung ano na ang susunod na prioridad, kung saan magsisimula muli ang siklo ng mobilisasyon.

Paguulit ng Siklo:

Ito ay hindi isang bagsakang aksyon lamang para maresolba ang lahat ng problema. Ito ay proseso ng pagbabagong panlipunan (paglilinang) at dapat ito mapanatili. Kahit na nasa mas mataas na antas na ang komunidad sa pagsasakapangyarihan bago nung unang siklo, ito ay dapat mapasimula muli. Dapat din magsanay ang tagamobilisa ng mga papalit sakaling may nais nang umalis, at dapat din magtukoy ng tagamobilisa ng mga tagamobilisa mula sa loob ng komunidad (na hindi gagamitin ang mga tekniko para sa sariling kapakanan lamang) na kayang ipanatili ang stimulasyon at interbensyon pagkatapos umalis ng mga tagamobilisa ng ahensya o ministeryo.

Ang bawat hakbang ng siklo ng mobilisasyon ay magkakaugnay sa naunang hakbang at sa sumusunod na hakbang at sa kabuuang siklo. Mayroong lohikal at pangkatungkulang ayos sa mga hakbang. Sa bawat pagulit ng siklo, ito ay base sa pagtatasa ng naunang siklo at magpapatuloy base sa resulta ng naunang pagpapalakas ng komunidad.

Iba pang Interbensyon sa Pagtatatag ng Kapasidad:

Ang mga sumusunod na interbensyon ay parte din ng istratehiya ng mobilisasyon, at maaring maisingit sa iba't ibang hakbang ng siklo ng mobilisasyon. Ito ay isasagawa ng tagamobilisa kung siya ay maraming alam at sensitibo sa nagiibang kondisyon ng komunidad.

Ang mga layunin ng mobilisasyon para ilinang ang komunidad ay nagkakaiba sa bawat baryo. Gayunpaman, kasama ang mga karaniwang elemento: pagpuksa ng kahirapan, magandang pamamahala, pagbabago sa panlipunang organisasyon (paglilinang), pagtatatag ng kapasidad ng komunidad, pagsasakapangyarihan ng mga mababa ang kinikita at ng mga naisasantabing mga tao at pantay na karapatan ng iba't ibang kasarian.

  • Ang pagtatasa at pagsusuri ng dati nang nariyan na lokal na organisasyon (konseho ng mga nakakatanda atbp., grupo ng mga kababaihan, grupo ng mga nagpapaikot ng kredito, aksyon ng mga tao, asosasyon ng mga espesyal na interes tulad ng mga may kapansanan at iba pang mahinang mga grupo), bago, habang at pagkatapos ng bawat siklo;
  • Pabutihin ang mga lokal na organisasyon (siguraduhin ang representasyon, at ng partisipasyon sa mga aktibidades ng komunidad), pagpapalagan ng partisipasyon ng iba't ibang kasarian, pagtulong sa pagkuha ng legal na estado ng mga organisasyon ng komunidad;
  • Pagalaga ng kooperatiba at functional na relasyon ng mga organisasyon para mapalaganap ang oportunidad sa koordinasyon at pagbuklod ng mga lokal na kukunang-yaman (tao, kapital, suplays, lupa);
  • Pagkakaroon ng kita at ng trabaho, pagbibigay importansya sa pagsasanay, kredito at marketing;
  • Pagpapabuti ng mga tirahan at imprastraktura;
  • Aktibidades pangkalikasan (tulad ng pagpapalaganap ng pagayos ng sistema ng dumi sa komunidad na mapoprotektahan ang natural na kukunang-yaman); at
  • Partisipasyon sa pagbibigay-ginhawa o tulong at pamamalakad sa mga sakuna (kampo ng mga refugee, paglipat ng tiraha, rehabilitasyon)
––»«––

Para sa power point na presentasyon ng siklo ng mobilisasyon, na may ilustrasyon at text, tignan ang Power.


© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 11.05.2011


 Pangunahing Pahina

 Mobilisasyon