Tweet Mga Translasyon:
বাংলা / Baṅla |
PAGSASANAY BILANG MOBILISASYONSulat ni Phil Bartle, PhDisinalin sa Desirée YuHandout sa PagsasanayKasama sa metodolohiya ng pamamalakad ng pagpapalakas ng komunidad ay mga tekniko sa paglilinang ng komunidad at pagsasanay sa pamamalakad ng komunidad.Ang Aming Espesyal na Kahulugan ng "Pagsasanay": Ang salitang "pagsasanay" ay kadalasang may kahulugan na paglipat lamang ng kakayanan sa mga tinuturuan. Ang paghihikayat ay kadalasang naisasantabi. Sa pagsasanay ng pamamalakad ng komunidad, mas madami pa ang gawain kaysa sa pagpuksa lamang ng kahirapan at pagtatayo ng kapasidad. Kasama din dito ang pagmomobilisa ng grupo umaksyon at magorganisa para palaguin ang kapasidad at lakas.
Ang
mga imporanteng elemento ng pagsasanay sa espesyal na kaisapan na ito ay:
Ang dalawang huling elementong nakasulat ang nagpapaespesyal sa pagsasanay na ito; pagsasanay BILANG mobilisasyon, at hindi lamang pagsasanay TUNGKOL sa mobilisasyon. Pagpapalaganap ng Kaalaman: Ang pagsasanay ay ginagamit dito sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa mga isyu tulad ng kaalaman sa kasarian, nararapat na pagtungo sa kalikasan, ang rebulusyong pagkilos na ang kahirapan ay hindi gawa ng Diyos o Kapalaran ngunit ito ay kayang ibahin ng tao kung may nais silang isagawa ang mga kinakailangang hakbang. Kasama sa pagpapasensitibo ng pamamalakad ng pagsasanay sa komunidad ay ang pagbibigay alam sa mga grupo na hindi ito aasahang kawang-gawa, kung hindi, bibigyan sila ng pagsasanay na tutulong sa kanilang sarili. Pagbibigay Impormasyon: Kung ang pagpapalaganap ng kaalaman ay nagreresulta sa mas maayos na pagkakaintindihan ng mga problema (tulad ng hindi pantay na pagtrato dahil sa kasarian na nakakasabagal sa paglilinang), ang pagsasanay naman ay tumutugon sa resulta sa pamamagitan pagbibigay impormasyon na may solusyon ang mga problema, hangga't bukas ang loob ng grupo na gawin ang mga ito. Paglipat ng Kakayanan: Ang tradisyonal na kahulugan ng "pagsasanay" ay kadalasang inaakala na ito ay ang pagpasa lamang ng kaalaman. Ang ibig sabihin nito na ang tagasanay ay pinapasa lamang ang kaalaman sa mga kalahok. Ang espesyal na kahulugan ng pagsasanay sa pamamalakad ng komunidad ay hindi inisasantabi ang pagpasa ng kaalaman, ngunit mas nagbibigay importansya din sa ibang elemento. Tulad ng praktikal na kakayahan sa pagiging karpentero at mason ay importante, ngunit hindi ito kakulangan sa komunidad. Ang kailangan dito ay ang kakayahan sa pagmomobilisa, sa pagplano, sa pagtukoy ng kukunang-yaman, pagtasa ng pangangailangan at prioridad, sa pagdisenyo ng proyekto, sa pagsusulat ng proposal, sa pagtago ng mga tala, sa simpleng pag-kontaduriya ng proyekto, sa pagsusubaybay ng progreso, sa pagulat at sulat ng report, sa pinansiyal na pagreport (akauntabilidad). Ang pagpasa ng mga kakayanang ito sa pamamahala ay isa sa susing layunin ng pagsasanay ng pamamahala ng komunidad. Stimulasyon: Ang paghihikayat sa mga tao ng umaksyon para sa kanilang kapakanan, at hindi lamang umasa at magintay ng tulong sa labas, sa pamamagitan ng pagbibigay alam sa mga grupo na sila ay may karapatan (o kahit tungkulin) at ang abilidad na ibago ang bagay-bagay para sa ikabubuti nito. Ipinagbibigay alam sa kanila ang kanilang mga aset at kahanga-hanga na katangian, at hindi pupunahin, at hinahangaan at kinikilala ang kanilang mga tagumpay. Ang ganitong paghihikayat ay nakakaapekto ng ugali ng mga tao, nagiging mas bukas sa loob nila ang paggawa para sa kanilang kapakanan at gayun din para sa komunidad. Kung ang grupo o ang komunidad ay mas natibayan ng loob, sila ay mas malakas. (Tignan ang Elemento ng Pagpapatibay ng Komunidad). At lalo na ang: Mobilisasyon at Pag-oragnisa: Ang importanteng elemento sa komunidad sa pagkakaroon ng kapangyarihan, ay sa pagsasagawa ng aksyon. Mga simpleng porm ng istraktura (tulad ng pagkakaroon ng isang Chair, Vice-Chair, Ingat-yaman at Sekretarya) ay hindi aksyon, ngunit ang istrakturang ito ay ibig sabihin na nag-oorganisa ang komunidad para magsagawa ng aksyon. Ang ibig sabihin ng pagmomobilisa ay paggalaw; pagsasakatuparan ng gawain. Ang pag-oorganisa ay pagsasagawa ng mga bagay sa mas epektibong paraan na importante sa pagsasanay ng pamamalakad. Ang metodolohiyang ito ay pinagsama-sama ang iba't ibang tekniko mula sa malawak at iba't ibang pinanggalingan, (1) sa pagsasanay ng pamamalakad ng organisadong unyon ng kalakaranan at (2) sa mataas na lebel ng ehekutibo ng korporasyon. Ang dalawang paraan na ito ay tumutugon hindi sa indibidual na paglipat ng kakayanan ngunit sa pagbuo ng grupo at pagorganisa para sa pagtaas ng kapasidad at pagiging mas epektibo. (Para makita ang pagkakaiba sa pagoorganisa para sa pagsasagawa ng desisyon at pagoorganisa para sa aksyon, tignan ang modulo sa pagsasanay Pag-oorganisa). Ang mga kalahok ay hindi lamang estudyanteng sinisipsip ang mga kaalaman at impormasyon. Sila ay mga kalahok na kasama na ng isang organisasyon, o magiging parte ng isang organisasyon pagkatapos ng mga sesyon ng pagsasanay. Ang mga sesyon ay gumagamit ng mga tekniko tulad ng "Pagkumpol o Tipon ng mga Ideya" o "Brainstorming" (Tignan ang: Tekniko sa Pagtipon o kumpol ng mga Ideya o Brainstorming) para mailabas sa mga kalahok ang layunin at mithiin ng grupo, at ang pinakaepektibong paraan para i-organisa ang grupo para (1) sa paggawa ng desisyon, at (2) aksyon. Ang kalalabasan ng pagsasanay ay hindi lamang mas may alam at may kakayahang kalahok, ngunit organisado at mobilisado para sa aksyon. Ang mga pagsasanay sa pamamalakad ng komunidad ay naisa-ayon para sa pagpapalakas ng komunidad at pagsasakapangyarihan nito. Tignan ang Pagsasanay sa Pamamalakad para sa iba pang eksplanasyon sa aspeto ng pagmomobilisa at pag-ooragnisa ng pagsasanay sa pamamalakad. ––»«––© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing Pahina |
Mobilisasyon |