Pangunahing Pahina
 Mobilisasyon




Mga Translasyon:

Bahasa Indonesia
বাংলা / Baṅla
Català
中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / Hindī
Italiano
日本語 / Nihongo
Kiswahili
Polszczyzna
Português
Română
Русский
Tiếng Việt
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

PAGKAIN KASAMA ANG MGA KAIBIGAN

Ang Papel ng Pagkain sa Pagsasakapangyarihan ng Komunidad

Sulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin sa Desirée Yu


Mga Manwal sa Pagsasanay

"Sino ang magkakasama sa pagkain" ay isang paktor sa na nakakaapekto sa mobilisasyon

Introduksyon

Isang aspeto ng pagsasakapangyarihan ng komunidad na madalas hindi nabibigyan masyado ng pansin sa mga aklat-batayan o sa mga pagtuturo ay ang sama-samang pagkain bilang isang grupo. Tulad ng selebrasyon sa pagtatapos ng proyekto at iba pang mga importanteng aktibidades, o kaya naman tulad ng bakasyon or "panandaliang bakasyon" para sa mga tao, ay importanteng bahagi ng trabaho ng tagamobilisa.

Sinasabi din ng mga social scientist, higit sa pisikal na benepisyong nutrisyon at kalusugan ang nakukuha natin sa pagkain. Kung sino ang kasama nating kumain, saan tayo kumain, ano ang ating kinain at sa ilalim ng anong kondisyon tayong kumain...lahat nang ito ay importansyang sosyolohikal sa atin. (Kung lohiko at nutrisyon lamang ang ating pakay sa pagkain, tayo ay maaring kumain na lamang ng uod).

Ang mga interes na ito ay importante kaya naman unang kailangang kilalanin ng tagamobilisa ang komunidad at kung paano umasal dito, at pangalawa, isama ang mga kaalamang nakuha sa pagsasagawa ng mga istratehiya sa pagsasakapangyarihan ng komunidad sa pamamagitan ng mobilisasyon.

Sama-Samang Pagkain o Komensalidad.

Ang salitang "Commensal" o komensalidad ay galing sa salitang Latin (at Arabiko) na nangangahulugang paghati ng mesa. Sa sosyolohiya, ang konsepto ng komensalidad ay simpleng nangangahulugang "ang mga taong sama-samang kumakain".

Magsimula sa sarili: isipin ang mga taong kasama ko kumain, at ang mga taong hindi mo kasama kumain. Sa pangkalahatan, ang mga taong kasama mong kumain ay ang iyong mga pamilya at kaibigan.

Sa mga hindi mong kasamang kumain, sa anumang kadahilanan, ay may sosyolohikang kadahilanan kung baket sila mas malayo sayo: mas mataas o mas mababang antas ng kabuhayan, estranghero, kaaway o matinding kalaban, at minsan ang mga iba ang lenggwahe, etniko, relihiyo, kasarian, edad, o trabaho.

Mataas ang antas ng pagkakaiba ng mga ito depende sa komunidad, panahon, at lipunan. Naiiba din ang kahulugan ayon sa kontekstong panlipunan; tulad na lamang ang mga taong kasama mong kumain sa trabaho ay hindi nangangahulugang nais mo rin silang makasama sa pagkain sa iyong bahay.

Sa kabuuan (ngunit siguradong may mga eksepsyon), ang mga taong nagsasama kumain ay kadalasang may tiwala sa isa't isa o may solidaridad. Paminsan naman, ang tiwalang ipinapakita ay higit sa tunay na saloobin; may mga taong nakikisama kumain sa iba para ipakita ang tiwala ngunit hindi naman talaga. Tulad ng lahat na kultural na bagay, ang kasamang pagkain sa iba ay simboliko at nagpapahiwatig ng maraming paniniwala at saysay.

Ang Pagiimpluensiya ay Dalawahan:

Ang asosasyon ng (a) istatus sa lipunan o mga relasyon at (b) sino ang kasama kumain nino, ay lantad at napupuna. Ngunit hindi ibig sabihin na relasyon ay may pamanhi, ngunit ito ay nagpapahiwatig na may ganung antas ng relasyon.

Sa anong direksyon ang pamanhi o pagiimpluensiya? Alam ng isang tagamobilisa na may mahaba ng karanasan na ang pagiimpluensiya ay dalawahan. Kung paano hinuhusgahan ng mga tao ang isa't isa ay maaring maimpluensiyahan ng sinong may kamalayang piliin kung sino ang kasama kumain nino. Sa kabaligtaran, ang pagpili kung sino ang kasamang kumain nino ay maari din namang maimpluensiyahan kung paano manghusga ang isa't isa.

Ito ay may dalawang implikasyon sa tagamobilisa. (1) Ang karagdagang kaalaman kung sino ang kasamang kumain nino sa komunidad ay maidadagdag sa trabaho ng tagamobilisa na malaman ang katangian sosyal at kultural ng komunidad. (2) Pagbubuklod ng mga taong hindi karaniwang nakikisalo sa pagkain sa isa't isa, ay isang paraan para magkaroon ng bagong sosyal na relasyon, at pagpapatibay ng pagsasakapangyarihan ng komunidad sa pagpapabuti ng kaisahan.

Ang pagkakaisa ay napakaimportante sa tagamobilisa. Tignan ang Magkaisang Pagmomobilisa. Kung ang pagbubuklod ng mga tao magsalo-salo sa hapag-kainan ay makakapagpabuti sa pagkakaisa, ito ay isa pang paraan para sa tagamobilisa.

Tatong Situwasyon sa Pagkain sa Pagmomobilisa ng Komunidad:

Maraming oportunidad para magawang magsama-sama ang komunidad or mga miyembro ng komite kumain nang sama-sama sa publikong okasyon. Mas maraming nalalaman ang tagamobilisa tungkol sa komunidad, mas marami din siyang oportunidad na makikita.

Ang sumusunod ay ang tatlong kabuuang situwasyon:
  • Pagpapakain sa mga komyunal na manggagawa sa konstruksyon;
  • Pagbibigay ng palamig sa miting ng mga ehekutibo; at
  • Pagkakaroon ng palamig sa mga selebrasyon.

Ang pagbibigay ng pagkain para sa mga miyembro ng komunidad na tumulong ay parang komyunal na tutubi para mag-ambag ng kanilang lakas sa paglinis ng lugar ng komindad, o pag-ambag sa proyektong konstruksyon, ay isang importanteng pagsasagawa na makadadagdag ng galak sa pagtatrabaho, at pagtataguyod ng pagkakaisa at solidaridad.

Sa mga probinsiya, ang mga magsasakang hindi kayang mag-ambag ng pera ay maaring mag-ambag ng kanilang pananim. At sa mga miyembro ng komunidad na hindi makaambag sa mabigat na gawain ng konstruksyon ay maaring mag ambag ng kanilang oras at pagpupunyagi sa pagluto at pagpresenta ng mga nakolektang pagkain.

Mabilis baliwalain ang lakas na iniambag ng mga nagsasagawa ng proyekto o ng mga nasa ehekutibo na komite. Iniaambag nila ang kanilang oras, imahinasyon at ang kanilang kaalaman sa proyekto ng komindad. Kailangan maingat sila na manatiling aninag habang hinahawakan ang pera ng komunidad, para mapanatili ang tiwala at galak ng mga tao. Kung ang mga miyembro ng komunidad ay naghahanda ng mga pagkain para sa kanilang mga miting, bilang pakitang tanda, mas hindi sila hihinalaan na may tinatagong adhikain para palaguin ang kanilang kinikita sa maling paggamit ng kukunang-yaman ng komunidad.

Sa mga publikong selebrasyon kung saan kinikilala ang pagtatapos ng proyekto, ipapayo ng tagamobilisa ang komunidad na kumumbida ng importante at kilalang personalidad na dumalo at manungkulan. Ito ay makakaakit ng mga tagapahayag na magbibigay publisidad sa selebrasyon. Kung makikita ng mga tao ang komunidad ay namimigay ng palamig sa kanilang mga importanteng bisita, o kung kaya, sa lahat ng dadalo, ito ay makakadagdag sa tiwala at solidaridad ng komunidad.

Pagpili Kung Ano ang Kakainin:

Hindi ang tagamobilisa ang pipili ng ihahandang pagkain. Ang trabaho ng tagamobilisa ay hikayatin ang komite, kung hindi naman ang komunidad, na magdedesisyon kung ano, kailan, saan, magkano at iba pag mga detalye tungkol sa pagkain. Kung isang komite ang bubuuin para makapagdesisyon sa mga bagay tungkol sa pagkain, ang kanilang mga pagpipilian ay isang magandang mapagkukunan ng imporasyon ng tagamobilisa.

Tulad na lamang ang pagpili ng bawal o kontrobersiyal na pagkain ay maaring indikasyon ng paksyonal na impluensiya sa loob ng ehekutibo. Tulad ng baboy ay bawal sa Muslim, ang baka ay bawal sa mga Hindus, ang karne bawal sa mga vegetarians. Kung ang komite ay pumili ng mga ganung pagkain, ito ay makapagbibigay-alam sa tagamobilisa kung anong mang mayroong bias sa isang paksyon.

Sa tahimik na pamamaraan, kailangan subukan ng tagamobilisa, sa likod ng mga pangyayari na kombinsihin ang komite na dapat maging sensitibo sa iba't ibang regulasyon sa pagkain ng mga miyembro ng komunidad. Kung hindi ito mai-ayos ng tahimik, maaring kailangan ihayag nang publiko ang isyung ito sa miting ng komunidad. Ipagbigay-alam sa lahat na ang proyektong ito ay para sa lahat ng miyembro ng komunidad, at hindi lamang sa iilang paksyon, kaya dapat ang pagpili ng pagkaing ihahain ay ayon sa kultura ng lahat o maaring magkaroon ng espesyal na preparasyon para maiutupad ang paniniwala ng iba sa grupo.

Karamihan sa mga proyekto ng komunidad ngayon, madalaas inihahain na palamig ngayon ay ang mga sikat na boteng inumin o de latang mga soft drinks. Hindi hinihikayat ng may-akda ang pag endorso ng pagpapalaki ng "coca cola-nization" o mundo ng coca-cola o kahit iba pang mga sikat ng marka ng softdrinks sa mundo. Mas maigi na ang kulong tubig, lokal na inumin, at chaa o kape.

Buod:

Ang kultura ng pagkain at pagkain nang grupo, "kung sino ang nagsasama-sama sa mesa", ay importante para sa tagamobilisa. Ang kaalaman ng tagamobilisa kung ano pattern ng pagkain ng komunidad ay isang indikasyon kung gaano niya kakilala ang kanyang komunidad, at maari din itong gamitin bilang indikasyon kung gaano kaisa o kawatak ang komunidad.

Ang iyong mga suhestiyon at paghihikayat sa komunidad at sa mga proyekto ng ehekutibong komite ipagbuklod ang mga tao sa iba't ibang okasyon kung saan maaring magsama-sama kumain ay nakakahikayat ng mas matibay na pagkakaisa, solidaridad at tiwala, kung saan lahat ng ito ay importanteng paktor sa pagsasakapangyarihan ng isang komunidad.

Tulad ng halos lahat ng gawain ng isang mabuting tagamobilisa, hinihikayat ng tagamobilisa ang kusang pamamaraan, pagbibigay gabay at stimulasyon sa komunidad at iiwan ang pagdedesisyon sa ehekutibo ng proyekto, kaysa sa pag dikta o paggawa ng desisyon para sa kanila.

Mga Sanggunian:

Pagkain at Kultura: http://lilt.ilstu.edu/rtdirks/SOCIAL.html

Margaret Visser: http://www.umanitoba.ca

––»«––

Kontribusyong Komunidad: Pagkain para sa Donasyong Pagtulong


Ilustrasyon pang-14

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 11.05.2011


 Pangunahing Pahina

 Mobilisasyon