Pangunahing Pahina
 Mobilisasyon




Mga Translasyon:

Bahasa Indonesia
বাংলা / Baṅla
Català
English
Español
Filipino/Tagalog
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / hindī
Italiano
日本語 / Nihongo
Kiswahili
Polszczyzna
Português
Română
Русский
Tiếng Việt

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link


Mga Nilalaman:

  1. Pinakaitaas
  2. Introduksyon
  3. Pagtatrabaho Kasama ang Komunidad
  4. Magtanong
  5. Maging Sangkot
  6. Ipagbigay-alam ang Perpil
  7. Suportahan ang mga miyembro ng Komunidad
  8. Mga Surbey
  9. Mga Pokus na Grupo
  10. Akauntabilidad
  11. Pasasalamat
  12. Pinakaibaba

Mga Nilalaman:

  1. Pinakaitaas
  2. Introduksyon
  3. Pagtatrabaho Kasama ang Komunidad
  4. Magtanong
  5. Maging Sangkot
  6. Ipabigay-alam ang Perpil
  7. Suportahan ang mga miyembro ng Komunidad
  8. Mga Surbey
  9. Mga Pokus na Grupo
  10. Akauntabilidad
  11. Pasasalamat
  12. Pinakaibaba

Mga Nilalaman

  1. Pinakaitaas
  2. Introduksyon
  3. Pagtatrabaho Kasama ang Komunidad
  4. Magtanong
  5. Maging Sangkot
  6. Ipabigay-alam ang Perpil
  7. Suportahan ang mga miyembro ng Komunidad
  8. Mga Surbey
  9. Mga Pokus na Grupo
  10. Akauntabilidad
  11. Pasasalamat
  12. Pinakaibaba

Mga Nilalaman

  1. Pinakaitaas
  2. Introduksyon
  3. Pagtatrabaho Kasama ang Komunidad
  4. Magtanong
  5. Maging Sangkot
  6. Ipabigay-alam ang Perpil
  7. Suportahan ang mga miyembro ng Komunidad
  8. Mga Surbey
  9. Mga Pokus na Grupo
  10. Akauntabilidad
  11. Pasasalamat
  12. Pinakaibaba

TAMANG KAPANAHUNAN NG PAGLILINANG NG KOMUNIDAD

at ang Proseso ng Sekuridad sa Pagkain

Sulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin sa Desirée Yu


Sangguaniang Handout

Introduksyon sa panlipuan ang pang-ekonomiyang mga inobasyon

A. Introduksyon

Ang mga sumusunod ay palaisipan sa introduksyon ng panlipunan at pang-ekonomiyang inobasyon sa komunidad. Ito ay base sa aking 30 taong personal na karanasan sa paglilinang ng komunidad lalo na't sa pagbabalik tanaw ng aking karanasan ng mga huling 2-3 taon kong serbisyo. Hindi ito isang "how to" o "kung paano gawin" na manwal ngunit ito ay masasabing isang personal na kontribusyon, sa ibang konteksto, kung ano ang iiral at kung ano hindi.

B. Pagtatrabaho Kasama ang Komunidad

Ang tamang kapanahunan ng pagbibigay introduksyon ng inobasyon ay isang sining kaysa sa pang-agham. Base sa aking personal na karanasan, marami ding beses hindi ko makuha nang tama.

Ang tagalinang ng komunidad (at ang pumopondong ahensya) ay maaring magtukoy ng mga mahalagang isyu o interes at maaring magpakilala ng pagbabago sa komunidad. Ngunit kung ang komunidad na iyong kinasasangkutan ay hindi intersado sa ganung inobasyon, ito ay maaring mabigo, o kahit papaano, maging bahagyang matagumpay lamang.

Ang nakikita kong karaniwang pagkakamali ay ang mga ahensya o indibidual ang sariling nagdedesisiyon sa dapat gawin dahil sila ang "mas nakakaalam" (sila nga naman ay binayaran para gawin ito), at gagawin nila ang mga ito. Ito ay katanggap-tanggap sa pananaw ng akauntabilidad. Kung hindi naabot ang mga layunin, maaaring mawalan sila ng pondo. Ngunit ang ganitong paraan ay nababali-wala ang pagiging sangkot ng komunidad, at nagreresulta sa pagkabigo ng inisiyatibo ng developer.

C. Magtanong ng mga katanguan para makilala ang komunidad

Paano itutugon ang ng taga-debelop ng komunidad ang pangangailangan at interes ng komunidad? Ang matalinong taga-debelop ay unang itatanong ang kanyang sarili ng ilang mga katanungan tulad ng:

  1. Ang ideyang ito ay resulta ba lamang ng bunga ng tamang pagkakataon o isang ideya lamang na sa tingin niya ay katanggap-tanggap?
  2. May mga pagaalinlangan bang ipinapakita ang mga tao kapag ang kanilang problema ay nailabas sa media o kahit sa usap-usapan lamang ng mga lokal na tao ?
  3. Ito ba ay isa lamang sa maraming lokal na isyu at problema? Kung oo, paano natin ito ipapahayag?
  4. Ang mga tao ba ay walang kalaban-laban ukol sa problemang ito o handa ba sila gawan ito ng paraan sa pribado nilang pamumuhay o sa publiko?
  5. Sino ang mga nagpapahayag ng interes sa pagresolba ng problema at sino naman ang mga binabali wala, pinapabayaan o nagrereklamo ngunit hindi naman handang umaksyon laban dito?
  6. Sino ang mga lokal na bigatin na nakakapagdala ng aksyon o kilos at ang mga may respetadong opiniyon? Paano sila maisasali sa prosesong ito?
  7. Kailangan bang palaganapin ang kaalaman sa publiko ukol sa problema bago maging handa ang mga tao umaksyon?

D. Maging sangkot sa komunidad

Hindi ko lubusang maihahayag ang importansya ng taga-debelop ng komunidad na magkaroon ng mabuting kaunawaan, pagpapahalaga, at respeto sa komunidad kung saan siya nagtatrabaho.

Pag hindi mo pa kilala ang komunidad, kilalanin ito. Sumali sa mga lokal na grupo, sumama sa mga miting o pagtitipon ng mga taong iyong makakatrabaho o sa mga taong ang opiniyon ay magiging mahalaga sa proseso ng iyong proyekto.

Kung ikaw ay taga-doon ngunit kilala ang bahagi lamang ng komunidad, isama ang sarili sa ibang parte ng komunidad o makitrabaho sa mga tao mula sa ibang sektor.

Kung hindi ka marunong ng kanilang lenggwahe, kahit ano pa man ito, (at marami ang uri ng pananalita o komunikasyon sa dami ng komunidad), pag-aralan ito at gamitin iyon sa iyong pagsasalita at pagsusulat.

Ito ay kakailanganin ng oras at pagod, ngunit kung ito ay hindi iyong ginawa, hindi mo makakamtam ang respeto at kooperasyon ng mga tao.

E. Ipagbigay-alam ang perpil ng mga isyu ng komunidad

Ang iyong katungkulan ay dapat ipakilala o suportahan ang isyu sa paraan na maiintindihan ng mga tao at maiugnay sa kanilang sarili.

Aking natuklasan, sa aking isang karanasan, ang gumagalaw na komite ay nakapagpalaganap ng pampublikong perpil, at naitaas ang kredibilidad ng komunidad at interes sa dalawang magkaibang isyu - pabahay at pagkain. Nagawa ito sa pagsasagawa ng Affordable Housing Fair o Programang Abot-Kayang Pabahay na ginanap sa isang mall noong 1997 at pagkakaroon din ng Home-grown Food Fesitval o Pestibal ng Sariling-Tubong Pagkain na may kasamang display, impormasyon, at pagsasagawa din ng pinakaunang farmers' market noong taglagas ng 2006.

F. Suportahan ang mga miyembro ng komunidad habang ginagawan ng paraan ang mga isyu:

Dapat iyong suportahan ang komunidad sa kanilang mga isyu sa ano mang balak nilang pamamaraan, hangga't ito ay legal at may sapat na basehan na ito ay magiging matagumpay.

Hindi ang iyong trabaho maging eksperto o awtoridad, ngunit nandun ka para magbigay ng suhestiyon, ideya, at suporta kung saan kinakailangan sa paraan na mabilis na matatanggap o hindi tanggapin ng mga tao.

Huwag maging biktima ng iyong sariling mga ekspetasyon o hinahangad.

G. Gumamit ng mga survey at focus groups para malaman ang mga isyu
at bigyan kapangyarihan ang mga miyembro ng komunidad:

Isa sa pinakapangkaraniwan na teknikong ginagamit para makakalap ng impormasyon ay magsagawa ng surbey para malaman ang interes ng publiko sa mga paksa/isyu. Isa pang tekniko para malaman ang interes ng mga tao ay ang pagsasagawa ng focus group o pagbuklod ng grupo ng mga tao para kunan ng masinsinan ang kanilang interes o opiniyon sa isyu.

Ang dalawang paraan ay mahalaga at may kani-kanilang pinanggagamitan. Ngunit mas magiging epektibo ito kung ito ay gagamitin sa paraan na mas makapagbibigay kapangyarihan sa mga tao at hindi lamang para mapagkunan ng impormasyon.

Ito ang hindi lamang pagimbita sa mga tao para kunan ng kanilang opiniyon, ngunit ito narin ang pagkakataon itanong sa mga tao kung nais nilang maging parte sa pagsasagawa ng kanilang mga suhestiyon at imbitahin sila bilang kontribyutor at benepisiyaryo sa mga inisiyatibo.

1. Mga Surbey :

Halimbawa, sa surbey na aming isinagawa para sa Food Bank noong 2006, hindi lang namin itinanong ang opiniyon ng mga tao sa isyu ng pagkain, kung ano ang kanilang problema at pangangailangan. Itinanong din namin ang kanilang mga suhestiyon sa maaring pagkunan ng mabuting pagkain at resipi. Ang surbey ay dapat diretso sa punto at itatanong lamang ang kilakailangang impormasyon sa paggamit ng tamang pananalita sa target mong grupo.

Ang surbey ay dapat din magbigay indikasyon, mula sa mga opiniyon, ng mga posibleng kalahok at ang puwedeng maging kapanahunan ng ninanais ng inisiyatibo.

Ngunit mahirap alamin ang pagiging handa ng mga tao para gumawa ng aksyon base sa surbey. Maraming dahilan na maaring interesedo ang mga tao sa isang bagay ngunit hindi magagawan ito ng aksyon (tulad ng gustong makahanap ng amang sasabihin, kulang ang oras o interes para aktibong makapagbigay suporta, o kulang ang paghihikayat para gawan ng paraan ang bagay-bagay)

2. Focus groups:

Maaring mas mabilis matukoy ang problema sa pamamagitan ng focus groups.

Ngunit ang delikado dito ay minsan, ang focus group ay maling mahikayat na makilahok sa proyekto at biglang hindi na sila isali sa proseso habang ito ay umuunsad. Sa aking paniniwala, ito ay sayang sa mabuting pagkukunan at potensyal ng komunidad. Ang mga tao ay dapat maimbitahang makilahok sa proseso, at kung posible, pati sa pagsasagawa ng desisyon.

Tulad nalang ng aming inisiyatibo ngayon sa pagsustini ng pagkain para sa mga komunidad sa Kanluran kung saan nagimbita kami ng iba't ibang mga kalahok na kasama sa food chain o kawin ng pagkain (tulad ng magsasaka, hardinero, mga nasa merkado, mamimili, at opisyales ng munisipiyo) para magtipon-tipon para magpagusapan kung ano ang magagawa ng bawat sektor sa pagtaas ng lokal na produksyon, benta at pagkonsumo ng pagkain. Itatanong sa bawat sektor kung ano ang pangangailangan ng bawat sektor at kung ano ang dapat gawin para ito ay maisagawa at kung ano ang maitutulong ng ibang sektor para ito ay maging matagumpay. Lahat sila ay ipagsasama-sama para magmiting, magkaroon ng iisang plano at magtatag ng mga abot-kayang layunin at ipatupad ang mga ito.

Kapag ikaw ay nakakuha ng magandang tugon sa bilang ng mga taong nagaalok magkita at pagusapan ang mga isyu, alam mo na naitukoy mo na ang tunay na isyu.

Ang isang matalinong taga-debelop ng komunidad ay itatanong sa kaniyang sarili kung sino ang mga tao sa komunidad, anong bahagi sila ng poplusayon, at kung paano sila maisasangkot sa proseso. Kung itong inisiyatibo ay para sa buong komunidad, maipagsasama din niya ang mga tao mula sa iba't ibang bahagi ng komunidad. Kung hindi naman ninanais ng mga grupo o isang indibidual na makipagtrabaho kasama ang iba o nais magtrabaho magisa, ikaw ay maaring maging tulay ng impormasyon sa kanilang pagitan.

Ngunit kung ang pokus ng inisiyatibo ay malawak, mas maiging i-sangkot ang mas maraming sektor ng populasyon sa proseso. Sa aking karanasan, may mga taga-sasalita lang at meron naman mga taga-gawa, mga taong may ideya at taong umaaksyon. I-sangkot silang lahat sa paraan magiging komplimentaryo sila sa isa't isa.

Isang paalala: Huwag kaagad itangkang ipagsama ang komunidad agad-agad dahil sa isyu. Kung ikaw ay may isang mainit na isyu o ang mga ideya, kuro-kuro ng mga tao ukol dito ay malawak, ikaw ay maaring mahirapan makakuha ng pagsang-ayon ng mga tao at magkaroon ng mga solusyon para sa mga isyu. Dahil dito, pakaunti nang pakaunti na lamang ang mga taong dadalo sa sumusunod na mga miting. Kaya, magsimula sa isang maliit na pokus group at dahan-dahanin ang pagsangkot ng mga indibidual at grupo sa mga natukoy na isyu at sa pag debelop ng mga plano.

H. Akauntabilidad sa mga namomondong ahensiya

Bilang taga-debelop ng komunidad, paano mo mapagkakasundo ang pagtutugon sa interes ng komunidad at ang pagiging akauntabol o pagtupad ng ekspektasyon na initala ng pomopondong ahensiya.

Napansin kong hindi natin kailangan magkaroon ng target (tulad ng target #1 - magkaroon ng X kadami ng kalahok sa sasali sa mga aktibidades, target #2 - ang inisiyatibong Y ay magkakaroon ng Z na bilang ng suporta sa ganitong panahon). Dapat nandiyan ang probisyon na iimbitahan ang buong komunidad sa pagtatatag ng layunin, at kung pinili nilang hindi sumali, ang isang aspeto ng programa ay maaring hindi maisali.

Tulad nalang ng aking isang proposal kailan lang, nakakuha ako ng papondo para sa anim na inisiyatibo na nakatalang interes ng mga tao sa surbey. Sa huli, tatlo lamang ang aming natapos nang matagumpay. Natuwa naman ang ahensiya sa resulta at pinondohan pa ang aming proposal para sa sumusunod na mga hakbang.

I. Pasasalamat:

Ito na ang pagtatapos. Sana nakatulong ang sanaysay at iniimbitahan ko ang inyong mga komento at suhestiyon. Nagpapasalamat din ako sa mga tao na tumulong sa akin sa pagdebelop at sa implementasyon ng mga nakasaad dito. Lalo na kay Dr. Phil Bartle, John Mitchell at Bernice Levitz Packford; at siyempre, lubos ang aking pasasalamat sa mga taong aking nakatrabaho sa loob ng 2 taon sa ating proyekto sa mga Komunidad sa Kanluran.

Isang paalala mula kay Phil:

Sa mga masusing mambabasa, mapapansin dito na ang suhestiyon ni David na hindi ganon na kinakailangan na magkasundo ang buong komunidad at isa sa importanteng materyales dito sa site na ito na ang magkaisang pagoorganisa ay esensyal na elemento sa siklo ng mobilisasyon. Magkaiba sila sa konteksto. Ang bawat komunidad ay magkaiba at bilang taga-mobilisa, kailangan i-angkop ang siklo sa bawat isa. Ang materyales dito ay unang isinulat para sa mga komunidad sa Aprika na mababa ang kinikita. Ang sinulat ni David ay nakabase sa ligid-lungsod na komunidad sa paligid ng lungsod ng Victoria sa kanlurang Canada, na mas masalimuot, at may mas mataas na kinikita. Sa aming pagsasanay sa pamamalakad, ang sabi namin "hindi ka dapat maging nasa masamang kalagayan para mapabuti." Ayon kay david, "hindi ka dapat maging mahirap at walang kalaban-laban para maging mas malakas at mas umasa sa sarili."

––»«––

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 11.05.2011


 Pangunahing Pahina

 Mobilisasyon