Mga Translasyon:
Ibang mga Pahina:
|
PAGIGING ISANG TAGAMOBILISA
isinalin sa Desirée Yu
Handout sa Pagsasanay
Handa
ka ba maging isang tagapasigla, tagapakilos, aktibista, or tagamobilisa?
Panuri
Pan-sarili:
Tignan
kung anong mga kakayanan at kaalaman meron ka. Itanong sa sarili
- "Handa
ba ako ibigay ang aking oras at interes tulungan ang mga miyembro ng komunidad ilutas
ang kanilang problema nang kanilang sarili?"
- "Kaya
ko bang umasal sa paraan hindi ako ituturing ng mga tao bilang mayabang?"
- "Kaya
ko bang iwasan ang politikal at paksyonal na alitan sa pagtatrabaho sa isang lugar?"
- "Kaya
ko bang hikayatin ang interes ng mga tao?"
- "Payag
ba akong magtrabaho kung saan sasabihin ng mga tao sila ang may kagagawan ng lahat
ng ito?"
- "Mayroon
ba akong elementaryang teknikal na kaalaman - sa agrikultura, tamang teknolohiya,
konstruksyon, disabilidad, sa daan, nutrisyon, gawaing panlipunan, konserbasyon ng
lupa, sa kalinisan, tubig - para matulungan ang miyembro ng komunidad usisain ang
kanilang problema?"
- "Payag
ba akong hindi masiraan ng loob kung ang mga bagay-bagay ay hindi ayon sa aking inaasahan?"
Kung
mayroon kang ganyang kakayahan, mas handa kang maging isang matagumpay na tagamobilisa.
Ang
Papel ng Tagamobilisa:
Ang
papel ng tagamobilisa ay i-mobilisa ang komunidad sa mga gawaing nakakapagpataas
ng pagsasakapangyarihan at pag-aasa sa sarli. Sa
mas tiyak na pananaw, ang mga susumunod ay ang dapat gawin:
- Magtawag
ng miting ng komunidad para:
- sabihan
ang lahat ng miyembro ng tamang impormasyon tungkol sa sariling pagtayo bilang isang
komunidad; at
- mag-organisa
at ayusin ang mga probisyon sa lahat ng kukunang-yaman (pantao o materyal) na kailangan
sa mga gawaing pang-komunidad;
- Para
pasiglahin ang mga miyembro ng komunidad para sumali sa kanilang piniling mga gawaing
pang-asenso para sa komunidad;
- Magsagawa
ng mga aktibidades na makakahikayat sa pagtaas ng antas ng pagiging epektibo ng komunidad,
kapasidad, pag-asa sa sarili, at pagsasakapangyarihan;
- Para
siguraduhin na ang lahat ng impormasyon ay wasto at tamang naisalin;
- Masigasig
na i-wasto ang maling impormasyon, lalo't na kung ang mga ito ay nagdudulot ng hindi
abot-kayang mga ekspektasyon na hahantong lamang sa pagkabigo at paghina ng loob;
- Para
hikayatin at puriin ang mga miyembro ng komunidad, para bigyang kompirmasyon na mayroon
silang kakayanang palinangin ang kanilang sarili;
- Para
siguraduhin na ang bawat desisyon na gagawin tungkol sa mga aktibidades na gagawin
ng komunidad ay desisyon ng buong komunidad at hindi lamang ng iilang makapangyarihang
lider ng komunidad;
- Para
siguraduhin marinig din ang tinig ng mga mahihina sa komunidad sa pagdedesisyon:
kasama ang mga kababaihan, kabataan, may kapansanan, mga etnikong minoridad, mahihina
at hindi malaya sa ano mang uri ng kaalipinan;
- Para
palaguin at hikayatin ang pagkakaisa sa komunidad, ang layunin ng pagkakaisa sa hangarin
at sa gawa, masigasig na linalabanan ang mga pwersa na ang nais ay watakin ang komunidad,
o ang bigotriya, rasismo, seksismo, klanismo, patrisiniyo, klasismo, o anu mang uri
ng segregasyon sa lipunan.
- Para
magsama-sama nang madalas ang mga tagamobilisa para ibahagi ang mga karanasan at
pagtulungan ilutas ang parehong mga problema, at mapagbuti ang kakayanan sa pagpapasigla
ng lipunan at pamamalakad ng komunidad;
- Para
tulungan ang mga miyembro at lider ng komunidad sa kanilang pagaaral sa kakayanang
pamahalaan ng komunidad.
Ang tagamobilisa ngkomunidad
ay isang tagapasigla
ng lipunan at
dapat may kaalaman sa mga prinsipiyo at kakayanan sa pagpapasigla ng lipunan, na
tuluyung pinagaaralan ang mga komunidad kung paano ito hihikayating magkaisa, isagawa
ang kanilang mga desisyon, planuhin ang mga gawain, tukuyin at ilaan ang kanilang
sariling kukunang-yaman para sa mga gawain ng komunidad, at piliin nang mabuti ang
nararapat na istratehiya para panggamitan ng kukunang-yaman sa labas o loob ng komunidad
para makamit ang tulad na hangarin. Tignan ang: Deskripsyon
ng Tungkulin ng Tagamobilisa.
––»«––
Paggaganap ng Isang Tagamobilisa:
© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle Web Design: Lourdes Sada
––»«–– Huling Ulat: 11.05.2011
|