Tweet Mga Translayon:
বাংলা / Baṅla |
MAGKAISANG PAG-OORGANISASulat ni Phil Bartle, PhDisinalin sa Desirée YuHandout sa PagsasanayAng madalas nating tinatawag na pangatlong hakbang sa siklo ng pagmomobilisa, "magkaisang pagoorganisa", ay maaring mangyari na sa unang hakbang pa lamang (pagpapalaganap ng kaalaman) at magpatuloy sa buong siklo ng mobilisasyon.Ang mga Komunidad ay Kadalasang Hindi Magkaisa: Ang salitang komunidad o "community" sa Ingles ay mayroong salitang "unity" o pagkakaisa, ngunit maling isipin na ang kahit anong komunidad ay may pagkakaisa. Ang bawat komunidad ay may paksyon at hindi pagkakasunduan na tinatawag nating panlipunang dibisyon o sisma o social schisms sa loob ng komunidad. Ito ay maaring dahil sa relihiyon, angkan, klas, lenggwahe, pagkakaiba sa etniko, at iba pa. Importante: Ang "sisma" ay isang dibisyon sa gitna ng dalawang panig. Ang "panlipunang sisma" ay isang dibisyon sa gitna ng dalawa o higit pang mga paksyon sa isang malaking grupong panlipunan.Ang Desisyon ng Komunidad ay Kailangan ng Pagkakaisa: Ngunit kung dumating ang panahon kinakailangan nating magkaroon ng konsensus sa isang desisyon sa mga pangunahing problemang kailangang maresolba, hindi ito magiging posible kung iba-iba ang layunin ng iba't ibang paksyon. Bilang isang tagamobilisa, kailangang magpagisa mo ang mga paksyong ito, at ang pagtataguyod at paghihikayat ng pagkakaisa ay kailangan mong magawa. Paano mo ito gagawin? Mga Tekniko kung Paano Mapagkaisa ang Komunidad: Kung nagpapatawag ng miting, pilitin at siguraduhin na ang lahat ng mga paksyon ay dadalo. Siguraduhin din kasama sa miting ang mga may kapansanan, mga nakakatanda, at mga napapabayaang mga tao. Kung iyong napagaralan ng mabuti ang sosyolohika, sa pagmamasid at pagsusuri ng komunidad, malalaman mo kung saan ang mga mas sensitibong paksa. Minsan importanteng din maging artista sa pagmomobilisa. Maaring gamitin ang demonstrasyon ng posporo. Tumawag ng isang o dalawang boluntaryo para tulungan ka; ulitin ang iyong sarili sa iba't ibang paraan at gawin ito isang drama. Itaas ang isang posporo at itanong sa grupo kung ito ay mabilis lang bang baliin. Kunin ang kanilang mga sagot. At sabihin sa iyong boluntaryo na baliin ito. Batiin siya sa kanyang pagbali at gawing malaking kaguluhan kung gaano kabilis baliin ang isang posporo. Pagkatapos, kumuha ng maraming posporo at itali sila gamit ang goma; ipakita sa grupo ang nakataling posporo. Sabihin sa iyong boluntaryo na baliin ang mga nakataling posporo. Mahihirapan ngayon ang boluntaryong baliin ito o hindi sana mabali ng boluntaryo ang nakataling mga posporo. Ngayon, masasabi mo na ang bawat posporo ay isang paksyon, ngunit kung pinagsama na silang lahat, ito ay isang buong komunidad na. Ang kahirapan at kahinaan ay mabilis na makakasira ng komunidad kung ang bawat paksyon ay pupunta sa kani-kanilang direksyon. Ipakita ulit sa grupo ang mga posporo at ikwento ulit ang paghahalintulad nito sa mga paksyon, at kung gaano kahirap baliin ang nakataling posporo, simbolo ng isang nagkakaisang komunidad. Ulitin ito sa iba't ibang mga miting sa iba't ibang pagkakataon. (Huwag matakot ulit ulitin ang iyong prinsipiyo.) Ulitin ang mga ganung demonstrasyon at storya na iyong maiisip o mahiram sa iba pang mga tagamobilisa. Tignan ang: Ang Papel ng Pagkain sa Pagsasakapangyarihan ng mga Komunidad. Tignan ang: Pagpapatibay ng mga Organisasyon. Ang iyong layunin ay hindi gawing pare-pareho ang komunidad (lahat ng tao ay hindi pare-pareho); ito ay paghihikayat ng mga tao maging maunawain at intindihin ang pagkakaibia ng bawat miyembro ng komunidad, at suportahan at maging tapat sa buong komunidad. Huwag tumigil: Ipagsama ito sa ibang mga paraan ng magkaisang pag-oorganisa, tulad ng paninigurado na ang bawat paksyon ay may representasyon sa ehekutibong komite, sa CBO na iyong oorganisahin at paplanuhin at sa implementasyon ng mga proyekto ng komunidad. Ang pangangailangan sa magkaisang pagooragnisa ay magpapatuloy at hindi mo dapat ito tigilin kapag pupunta na sa susunod na hakbang. Ibahagi ito sa ibang tagamobilisa at matuto ng bagong pamamaraan. ––»«––© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing Pahina |
Mobilisasyon |