Pangunahing Pahina
 Pagsisimula




Mga Salin

'العربية / al-ʿarabīyah
Bahasa Indonesia
Български език
Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Euskara
Ewe
Filipino/Tagalog
Français
Galego
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / hindī
Italiano
日本語 / Nihongo
Kiswahili
بهاس ملايو / Bahasa Melayu
Português
Română
Русский
>తెలుగు /Telugu
ไทย / Thai
Türkçe
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

ANG SIKLO NG MOBILISASYON

Ang proseso ng pagpapatibay ng komunidad

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Jamie Bibit


Gabay sa pagsasanay

Ang pakikialam sa mobilisasyon ay isang serye ng mga hakbang na kailangan mong gawin.

Mayroong lohikal and gumaganang panlipunang proseso sa pagpapalakas ng komunidad. Nag-iiba ang haba at ang ilang mga detalye, ngunit ang disenyo ay baysik parin.

Ang iyong trabaho ay simulan ang proseso at panatiliin ito.

Ang Siklo ng Mobilisasyon ito ang isang halimbawa, hiniram ito mula sa Uganda Community Management Programme, ng proseso. Kada oras, mag-iiba-iba ito sa bawat lipunan, at ayon ito sa iyong mga resorses, mga polisiya ng iyong pinagtatrabahuhan, o depende sa iyong sitwasyon.

Ganito ang proseso: Una, kukuha ka muna ng permiso at awtorisasyon para gawin ang iyong trabaho. Tapos, sisimulan mo na ang paglalahad ng mga problema sa iyong komunidad. Ipaalala sa iyong mga tauhan na hindi ikaw ang gagawa ng solusyon sa mga problema, pero sabihin mo na ang komunidad na iyon ay may potential na resorses na makakatulong sa pagresolba ng problema. Ang kailangan lamang dito ay ang kanilang kagustuhan at ilan-ilang kakayahan sa pagmamanage na maari mong maibigay sa kanila. Ikaw ang magsisimula ng pagtitipon ng komunidad at pati narin ang magpapasang-ayon sa kanila na sumoporta sa iisang layunin. Tutulungan mo sila na mag-ayos ng mga eksekutibong komiti, o magsabuhay nito kung mayroon na dati. Tutulungan mo rin sila na gumawa ng aksyon plan at disenyo ng proyekto. Pasisiglahin mo sila para ipatupad nila ito, at panatiliin na mayroong trasparensi, pagmonitor at pag-ulat. Tutulungan mo sila na magdiwang kapag natapos nila ito at saka gagawa ng ebalwasyon ng mga resulta.

Makikita mo uli ang siklo ng mobilisasyon sa mga susunod na pahina ng website. Sa ikalawang assessment ay sisimulan muli ang buong proseso kaya nga ito tinawag na siklo. Sa pangalawang beses, mas malakas at mas independente na sila, at mukang namukaan mo na ang mga mobiliser ng mga tutulong para panatiliin ang siklo, habang paunti-unti mo na sila iiwanan. Uulitin mo ang buong siklo kung kinakailangan.

Kapag hinahanda mo ang komunidad na umaksyon, ihahanda mo sila na gawin ang siklo.

––»«––



© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 02.06.2011


 Pangunahing pahina

 Pagsisimula