Tweet Mga Salin
Català |
MGA PRINSIPYO NG PAGSASANAYPaano Gamitin ang Materyal sa Pagsasanay sa site na itoni Phil Bartle, PhDisinalin ni May M. VirolaSanggunian para sa TagapagsanayPamamaraan ng Pagssasanay ng mga Tagataguyod at mga TagapangasiwaPaunang Salita Habang karamihan sa mga modules sa pagsasanay sa site na ito ay tumututol sa nilalaman (pagbibigay kakayahan), ang module na ito, sa kabilang banda, ay tumututok sa pamamaraan ng pagkuha ng materyal galing sa mga tagapagsanay para sa mga nagsasanay Ang ibang modules sa site na ito ay gawa ng mga ¨¨Kung paano¨¨ ng paglilinang ng kapacidad (ng komunidad, organisasyon, tagataguyod,tagapangasiwa), habang ito naman ay pisanin ang ¨¨Paano¨¨ ng pagsasanay (pagsasaad ng mga prinsipyo at pamamaraan sa mga kalahok). Mga Karakteristiks ng Materyal Ang mga dokumento para sa pagsasanay na makikita dito ay hango sa mga pangangailangan ng mga tagataguyod, tagapangasiwa, koordinator, at mga programa. Ang mga ito ay alinsunod sa mga layon ng paglilinang ng kapasidad ng mga komunidad, organisasyon, tagataguyod, at mga tagapangasiwa. Samakatuwid, ang mga dokumento ay tumututok sa iba't-ibang mga tagatanggap (ilang mga kalahok ay mga tagataguyod, tagapangasiwa, at iba pang miyembro ng komunidad, mga manggagawa). Sa loob ng isang module, iba't-ibang dokumento ay tumatalakay sa materyal sa iba't-iabang pamamaraan, and iba ay tumututok sa mga tagapagsanay, ang iba sa nagsasanay, ang iba naman ay tumututok sa dalawa. Ang mga pamamaraan ng pagsasanay na iminumungkahi sa site na ito ay hindi pangkaraniwan. Ang mga pamamaraan ay hindi alinsunod sa tradisyonal na edukasyonal, pedagogikal na pamamaraan ng pagtuturo. Ang tradisyonal na pag-aaral ay hango sa pagbibigay ng lekture o presentasuon, kung saan ang tagapagsanay ay tila isang tagaganap ng isang karakter o sitwasyon, at ang mga nagsasanay ay ang mga tagapanood. Habang ang mga materyal na ito ay ay maaaring gamitin sa ganoong pamamaraan, ito ay idinisenyo para rin magamit sa mga pamamaraang partisipatori or pakikilahok. Ang materyal dito ay maaaring palitan, praktical at magagamit, ito rin ay base sa aktual na praktis or pamamaraan, hindi sa teorya. Ilang diskusyo ng mga prinsipyo ay pinapalitan ang mga trestises ng mga teorya. Bawat dokumento ay maaaring gamitin bilang batayan para sa isang kalahating araw o buong araw na workshop, o maaaring gamitin kasama ng ilan sa mga iba pang dokumento para sa mas mahabang workshop. Ang pagpipili ay nasasa iyo. Bilang kabuuan, ang site na ito ay maaaring gamitin bilang sentro ng kagamitan sa dalawang paraan: (1) tuwirang gamitin ang mga dokumento bilang mga materyal sa pagsasanay, o (2) gamitin sila bilang gabay sa paggawa ng inyong sariling materyal para sa pagsasanay na angkop sa mga lokal ng pangangailangan (pati na lengwahe). Tuwirang Gamit ng Materyal: Walang tiyak na ayos ang paggamitin ng materyal sa site na ito. Maaaring tignan ang kabuuonag nilalaman na nakalistang paksa ng module sa Site Map, at pumili ng kahit aling kombinasyon ng mga dokumento na tuwirang gagamitin. Maaaring iprisinta ng naaayon sa pagkasuno-sunod na sa palagay nyo ay angkop sa inyong mga pangangailangan. Ang site map ay parang isang cafeterya, pumili at kunin and mga dokumentong kailangan at gusto. Maaari kayong gumawa ng sariling sylabus orkurikulum, gamit ang mga napiling materyales sa site na ito, at base sa mga pangangailangan ng mga nagsasanay na balak ninyong tutukan. Mula sa site na ito, maaaring i-print ang mga dokumentong gusto ninyo. Sa bawat module maaari ring makakita ng iba't-ibang dokumento:kore or sentro, sanggunian, handout,tagapagsanay, kalahok. Ang iba ay makakasanib-sanib o umuulit ang mga materyal. Ito ay sinadya, Ito ay para sa iba't-ibang uri ng kalahok. Ang pagsasanay ay maaaring gamitin sa mga institusyong pagsasanay, o sa unibersidad, pero ito ay hindi idinisenyo para sa mga ito. Ito a idinisenyo para sa mga tagapagtaguyod at mga tagapangasiwa na nasa aktual ─ na nagtatrabaho sa larangang ito. Layunin nito na maging bahagi ng ¨¨in Service¨¨ na pagsasanay. Ang mga nagsasanay ay kailangan gumugol ng mga ilang oras labas sa ganilang gawain para makilahok sa mga sesyon ng pagsasanay, at kasama ng pagsasanal ang aktual ng paggamit sa larangang ito. Mga Gabay sa Paggamit ng Materyal Bilang isang sentro ng mga kaalaman at materyales, ito ay maaaring gamitin sa paglikha ng sariling materyal. Maaaring isalin ang ilan sa mga dokumento sa lokal na lengwahe. Maaari ring kumuha ng lokal na artista para gumawa sa mga ukit hanggo salokal na kasuotan at mga kondisyon. Maaring gumawa ng sariling materyal base dito, pati na rin mga sining, videos at salin. Maaari ring lumikha ng mga audio-bisual na materyales para sa mga nagsasanay na hindi marunong bumasa, mga videos, drawings at larawan. Puti at itim ang mga likhang sining, at dapat kasama and mga manok, aso, sanggol, mga nagaganap sa baranggay (kung ito ay para sa mga tagabario), o mga squatters (kung para sa mga tagasyudad). Ang mga likhang sining ay dapatmakatotohanan" para hindi makita na mukhang "nilinis" o pinaganda. Ang mga taong nakalarawan sa mga linyang sining ay dapat may angkop na kasuotan na bagbibigay presentasyon sa kung ano talaga ang gamit ng mga taong kalahok. Hindi sila dapat sobrang ayos o suot ang kanilangSunday Best," dahil ito ay hindi makatotohanan na paglalarawan ng kanilang sitwasyon. Ang mga drawings sa site ay puti at itim, wala itong mga kulay, ito ay para hindi sila magmukhang mahal. Ang black and white na larawan ay dapat naglalarawan ng mga layunin ng programa gawa ng pagbabalanseng pangkasarian, kalawakan ng mga edad, mga grupo ng taong nakikilahok, mga tao hindi mga makina. Ang mga tagapagsanay, mga lider, koordinator at mga tagapagsalita ay dapat laging ipinapakita bilang mga babae sa mga larawan, ito ay para ng mga tagapagsanay na isang normal na gawaing ng mga kababaihan. Karakteristiks ng Pagsasanay Ang pagsasanay sa site na ito ay mayroong malinaw na karakteristiks:
Halos kalahatan ng propesyong ng edukasyon ay paukol sa pagtuturo sa kabataan. Ito ay hindi para sa mga bata, ito ay para sa mag-aaral na may edad na. Adult Education. Para maging epektibo kailangan abadonahin ang ilan sa mga metodolohiyang gamit ng mga guro. Ang pinka-importanteng elemento ng pagsasanay na ito ay ang pagbibigay respeto sa mga nagsasanay. Ang ibang mga guro ay kadalasang gumagamit ng mga sapat na kaalaman sa mundo, kunsaan ang kanilang mga mag-aaral ay mga lalagyanang walang laman, at ang kanilang layunin ay punuuin ang mga ito. Sa pagsasanay na ito, kinakailangang magbuo tayo base sa mga ekspiriyensya at maturidad ng mge nagsasanay, bilang mga matatanda na, and hugutin ang materyal mula sa kanila at gamitin ang kanilang mga ekspiriyensya. Hindi lamang mga idelohiya ng pagkakapantay-pantay ang pinibigyang pansin ng nilalaman nito, pati narin ang pamamaraan ng pagkakapantay-pantay. Ang pamamaraan ng pagsasanay ay hindi tumitingin ng estadong pangsosyal (halimbawa ang mga VIP ay hindi tinatanggap maging tagapanood lamang, sila ay dapat makilahok din sa pagsasanay). Ang pagsasanay na ito ay dinisenyo para maging bahagi ng isang pagsasanay or institusyong pang-edukasyonal. Ito ay dinisenyo para sa pagtatanghal ng mga workshops sa pagsasanay na kalahating araw, isang buong araw, o pangdalawang araw. Ang mga paksa ay maaaring ibigay bilang isang maliit na kalahating araw na workshop, ang bawat isa ay maari ring pagsamasamahin upang makabuo ng isang araw o dalawang araw na workshop. Ang pagpipili ng paksa ay nasasa iyo, at maaring ibase ito sa mga panggangailangan. Pag-aaral hanggo sa Paggawa: Ang paggawa ay mas mainam na pamamaraan ng pag-aaral kaysa pagbabasa, panonood, at pakikinig. Ang meteryal na ito ay nagbibigay halaga sa pakikilahok, mas maraming pagpapasilita, konting pagbibigay ng lektur or pagbibigay presentasyon. Maaaring matutunan ang materyal hanggo sa pagbabasa dito, pakikining sa ibang nagsaasalita tungkol dito, panonood ng mga pelikula or videos paukol sa paksa, pagmamasid sa mga aktual na nagyayari sa buhay o sa paggawa nito. Ang pagpapanatili sa kaisipan materyal ay nagkakaiba ayon sa gamit na pamamaraan ng pagpapakita. Ang mga edukador ay matagal ng alam na ang pinakamahusay na pamamaraan ay ang paggawa. Habang ibinibigay and isang oras na lektur, maaaring nobenta porsyento ng konsentrayon ay nagagamit sa unang limang minuto ng presentasyon. Mas magandang matutu kapag nakikita natin kung paano ginagawa ang isang bagay, kumpara sa pagbabasa o pakikinig lamang tungkol dito. Tayo ay natututo lalo kung ginagawa natin ito mismo. Ang mga materyales sa workshop ay dapat bigyang diin anglpag-aaral hanggo sa paggawa, at ang mga nakasulat na materyales at ang mga presentasyon ay dapat lamang gamitin bilang suplemental na materyales sa pagpapatibay ng kaalaman.
Mga Uri ng Pag-Aaral Hanggo sa Panggawa:
Kailangan kasama sa mga adyenda ng workshop and mga presentasyon, pero dapat itong limitahin, ang mga taga-organisa ay dapat maging kreatibo and pro-active na naghahanap ng iba't-ibang pamamaraan ng pagbibigay ng oputunidad para sa mga nagsasanay, nakikilahok, na makilahok sa mga aktibidades na kanilang pinagsasanayan. Maaaring kasama dito ang kunwa-kunwaring mga situations gaya ng sa paggwanap ng karakter, mga field trips kung saan ang mga kalahok ay hinahayaang makakuha ng hands-on na ekspiriyensya sa larangang ito. Ang huling pag-aaral hanggo sa panggawa ay kung saan ang mga nagsasanay ay magtatrabaho sa larangang pinag-aaralan ng walang superbisyon, at sila ay magbabalik upang mag-ulat tungkol sa kanilang mga ginawa. Lagom: Kayo ay hinihikayat na gamitin ang materyal na ito ayon sa pinakamahusay na pamamaraan na angkop sa inyong pangangailangan. Ang mga gabay na ito ay inilahad ayon sa kanilang pagkadisenyo, para sa mga manggagawa sa larangan ng mobilisasyon at pamamahala, para sa mga may edad, para sa mga nangangailangan ng on-the-job training, sa kabuuan bilang mga maiiksing sesyon gaya ng workshop. Tuum est ––»«––Isang Workshop: © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing pahina |
Pamamaraan ng Pagsasanay |