Tweet Mga Salin
Català |
PAGSASAAD NG KWENTOni Phil Bartle, PhDisinalin ni May M. VirolaIpamimigay sa PagsasanayHindi paglilibang para lamang makalibang.Kung nais mong magpakita ng mga prinsipyong kaugnay sa pagpapakilos, isang popular na pamamaraan ay ang pagsasaad ng kwento. Dapat pumuli ka ng kwento na tunay na magpapakita o maglalarawan sa punto na nais mong bigyang diin (sa bandang huli, ikaw na naririyan upang magpakilos, hindi para maglibang). Ang pagsasaad ng kwento, na may layunin, ay bahagi ng iyong kagamitan bilang tagapagpakilos. Kapag nais mong ipakita, halimbawa, na ang tulong mula sa labas ay mas makakatulong kapang sinusuportahan nito ang pagtitiwala sa sarili, at hindi makakatulong kung ito ay kawanggawa lamang, ang kwento ni Mohammed at ang Lubid ay akma. Ang naglilimos ay gutom at humingi ng makakain ngunit and Propeta ay binigyan siya ng kapital at ng payo na nagbigay daan para ang naglilimos ay makakuha ng makakain ng nag-iisa. Isa pang akmang halimbawa ay kung nais mong isalarawan na ang isang komunidad ay makakakuha ng mas maraming tulong kung ito ay mag-uumpisang tulungan ang sarili, kaysa kung pilit na kumukuha ng tulang mula sa labas. Ang kwento ay tungkol sa dalawang batang lalaki, ang isa ay nais na umakyat sa puno. Kung uumpisahan niyang umakyat ng mag-isa, ang kanyang kaibigan ay magkukusang itutulak siya pataas. Ang pangatlong kwento ay para sa pagpapakilos sa pagsasanay. Narito ang tatlong kwento na maari mong gamitin sa pagpapakita ng mga prinsipyo. Si Mohammed at ang Lubid: Ang banal na propetang si Mohammed, kapayapaan nawa'y mapasakanya, ay nilapitan ng isang gutom na lalaki at siya ay humingi ng makakain. Sa halip, siya ay binigyan ni Mohammed ng isang lubid at pinayuhang: "Pumunta ka sa kagubatan at mangalap ng mga natutuyong kahoy na nakakalat. Talian ito gamit ang lubid. Humayo ka sa kabayanan at ipagbili ito bilang panggatong. Gamitin mo ang pera upang bumuli ng pagkain." Si Mohammed ay nagbigay ng regalo na makakatulong sa lalaki para maging malaya sa paglilimos. Anong prinsipyo ang ipinapakita ng kwento? "Ang pinakamagandang regalo ay nag-aalis ng ." Ang Dalawang Batang Lalaki: Dalawang batang lalaki ang naglakad sa kakahuyan. Ang una ay nakakita ng Anong prinsipyo ang ipinapakita ng kwento? "Ang ibang tao ay mas nanaising tulungan tayo kapag tinutulungan natin ang ating sarili." Ang mga kwentong ito, at marami pang mga matututunan sa bokasyon na ito, ay maaaring gawing mga dula o drama, awiting at skits. Tignan Inukit na Kahoy. Ang mga ito ay maaaring makalibang at hindi malilimutan; kung ikaw ay gagawa ng isang malaking pagtatanghal na pampubliko mula sa pagsasaad ng mga ito. Sila ay maaring maging mabisang paraan ng paglalahad ng mensahe. Kinikilala: Ang dalawang kwentong ito ay nanggaling sa Hilagang Ghana. Ako ay tumatanaw ng utang na loob sa mga mamayan ng Dagomba, sa mga Asosasyong Pangkabataan ng Amasachina (na gumagawa ng magandang trabaho sa pagpapakilos ng mga aktibidades na pagtitiwala sa sarili -sel help activities- sa Hilagang Rehiyon) at kay Bruce at Ann Borquist, sa Peace Corps, Tamale, Ghana, 1980-1982, sa pagbabahagi sa mga ito sa akin. Ang Pitong Bulag ng Lalaki at ang Elepante: May pitong bulag ng lalaki sa nayon na magkakaibigan. Kadalasan ay inuubos nila ang araw na pinag-uusapan ang mga bagay sa mundo. Isang araw ang paksa ay napunta sa ¨elepante¨. Ni isa sa kanila ay hindi pa ¨nakakita¨ ng elepante, kaya nakiusap sila na sila ay dalhin sa elepante upang malaman nila kung ano ito. Ang isa sa kanila ay hinawakan ang tagiliran ng elepante, ang isa naman ay humawak sa buntot, ang isa sa tenga, at ang isa pa ay humawak sa paa hangang ang bawat isa sa kanila ay nakahawak sa ibang bahagi ng elepante. Matapos ang kanilang pasyal, nagpulong sila upang pag-usapan kung ano ang kanilang ¨nakita¨ "Ay,ang elepante ay para lang isang pader" sambit ng isa (siya ang humawak sa tagiliran). "Hindi, para siyang isang lubid," sabi naman ng isa. "Pareho kayong mali," ang wika ng pangatlo, "ito ay parang haligi na sumusuporta sa bubong." "ito ay parang patay na sawa," sambit ng pang-apat. "ito ay parang chapati (roti)," ang sabi naman ng isa na humawak sa mga tenga. At patuloy silang nagtalo. Ilan sa mga tagapagkwento ay sinasabi na nagtalo sila ng husto na hindi na sila naging magkakaibigan. Maari mong isaad ang kwento sa paraang nais. Banatin at linangin ito, gawing mas nakalilibang. Ang kwento ay ginagamit para magpakita o magsalarawan ng maraming prinsipyo. Sa lugar na ito, maaari natin itong gamitin upang ilarawan ang komunidad tulad ng isang elepante. Wala sa atin ang nakikita ito sa parehong paraan, at ito ay mas higit pa sa kung ano ang karanasan ng bawat isa sa atin sa isang pagkakataon. Kinikilala: Narinig ko ang kwentong ito sa India. Hindi ko alam kung may copyright ito, at ako ay humihingi ng paumanhin sa sino mang may hawak nito. Ito ay ikinukwento sa akin bilang isang matandang parabula, tila ba ito ay pagmamay-ari ng lahat. Bilang isang tagapagpakilos, dapat mangalap ka ng marami pang mga kwento at itala ang mga ito. Tanungin ang ibang tagapagpakilos, at ibahagi sa mga workshops, pulong, seminaryo, conperensya, at sa iba pang pagkakataon na makahalubilo ang ibang mas ekspiryensyadong maggagawa sa labas. Kapag ikaw ay nagbabasa o nakikining ng ibang kwento na may ibang pinanggalingan, tanungin mo ang iyong sarili kung ang mga ito ay maaari mong gamitin o ibahin upang maglarawan ang mga ito ng mga prinsipyo ng paglilinang ng komunidad. Subukan ang mga ito. Ibahagi sa iba. Marami pang mga Kwento Ang mga sumusunod na kwento ay nakasama dito, salamat kay Des Connor, isang ispesyalista sa paglilinang at pakikilahok ng publiko. Bagamat ginamit niya rin ang mga ito sa kanyang mga publikasyon, sinabi din niya na ang mga ito ay pagmamay-ari ng publiko at maaaring gamitin ng mga tagapagpakilos at sa mga materyal sa pagsasanay ng komunidad. Tignan ang kanyang lugar sa: http://connor.bc.ca/connor. Ang Tatlong Lalaking May Dalang Ladrilyo (Bricks): Habang ako ay naglalakad sa daan, nakasalubong ko ang isang lalaki na may dala-dalang ilang mga ladrilyo. "Ano ang iyong ginagawa?" ang tanong ko sa kanya. "Ah, gumawa kami ng mga ladrilyo," sagot niya, "at ang mga ito ay magiging parisukat at makinis at malakas." Nakasalubong ako ng pangalawang lalaki na may dala-dalang ilang ladrilyo. "Ano ang iyong ginagawa?" ang tanong ko. "Ah, ang aming komunidad ay gumagawa ng isang magandang istraktura," sagot niya. "Ito ay maluwag at maganda at malakas." Nakasalubong ko ang pangatlong lalaki na may dala-dalang ladrilyo. "What are you doing?"tanong ko ulit. "Ah, ang aming komunidad ay magkakaroon ng pinakamagandang paaralan sa buong bayan," sagot niya. "Kami ay magkakaroon ng pinakamahusay na mag-aaral sa buong lugar na ito." Ano ang inilalarawan ng kwento? Ito ay medyo pareho sa kwento ng pitong bulag na mama na ¨tumingin¨ sa isang elepante (ang isa ay hinawakan ang mga paa, isa naman ay ang tagiliran, ang isa sa mga tenga, ang isa pa ay sa buntot, etc.), at magkakaiba ang kanilang ¨nakita¨, lahat ay tama subalit kaiba sa nakita ng iba. Ito ay naging dahilan ng di pagkakaunawaan. Higit pa dito, ang kwento ay naglalarawan ng antas ng pananaw mayroon ang mga miyembro ng komunidad ukol sa proyekto ng komunidad. Bwat isa ay tama, at bawat isa may ibang perspektibo tungkol sa bagay na ito. Ang iyong trabaho bilang isang tagapagpakilos ay hindi gawing iisa ang iniisip ng lahat, kungdi tulungan silang magkaroon ng kooperasyon kapang mayroon sila ng iba't-ibang pananaw kung ano ang kanilang ginagawa. Marahil walang salita ang kinakailangan upang ipaliwanag ang ibig sabihin nito. Maaari itong gamitin sa maraming paraan bilang isang metapora para ipakita na lahat ay may benepisyo sa pakikipagtulungan sa halip na piliting gawin ang mga bagay ng nag-iisa. Maliban dito, ang komunidad ay mas mapapabuti kung ang mga tao ay sinusuri ang sitwasyon at nagtutulungan sa paggawa, kasama ng konting pagbibigay at pagkuha at pakikipagkompromiso. Sa ilan sa mga dokumento ng pagsasanay sa lugar na ito, may roon pang ibang kwento na maaaring gamitin sa pagpapakilos at pagsasanay. Maging alerto at tignan ang mga ito. Pag-ukulan ang mga ito ng pansin at itala bilang bahagi ng iyong koleksyon sa paglilinang ng iyong mga kakayahan at karanasan. Habang ang mga ito ay pinaikli sa lugar na ito, lahat ay maaaring gamitin na may maraming elaborasyon sa mga pulong pangkomunidad at sesyon ng pagsasanay ng epektibo; kung paano ito gagawin ay ayon sa iyong pagkamalikhain at inobasyon. Tignan: Dalawang Toro. ––»«––Pagsasaad ng Kwento: © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing pahina |
Pamamaraan ng Pagsasanay |