Tweet Mga Pagsasalinwika:
Català |
PAGBAWI SA NAGASTOSPagkuha ng Resors para Mapangasiwaan ang Suplay sa Tubigni Phil Bartle, PhDisinalin ni Pamela MarvillaModulo ng PagsasanayKinakailangan ng komunidad na maiuganay ang gastos at benepisyo sa pagpapangasiwa ng suplay ng tubigAng Wala ay Para sa Wala Walang kahit ano (bagay o serbisyo) na may halaga ay totoong libre o walang kabayaran. Base sa dami ng mga taong bumibili ng ticket sa lotto, maraming tao ang nabubuhay sa panaginip at paniniwala na ang isang bagay ay libre Ang tubig ay hindi libre Minsan ang mga bagay bagay na parang libre ay may tinatagong presyo o gastos. Ang natatagong kabayaran pangsosyal ng hindi pagpapalaki sa kabataan na maging makokotohanan, ay ang kabayarang pangsosyal ng pagkakaroon ng mga sinungaling na matatanda, halimbawa, mga magnanakaw o mga tiwaling opisyal ng pamahalaan. Kapag binentahan ka ng isang bagay at sinabi nang nagtitinda na may libreng panglinis ito, makakasigurado kang binayaran mo rin ito sa kabuuang presyo. Ang halaga ng hindi pagsisigurado na ang tubig na iniinom ay walang kontaminsyon ay ang halaga ng pagkakaroon ng mas maraming sakit sa populasyon Habang ginaganap ang pagsasanay sa mga tagapangasiwa, bilang tagapagpakilos, maaari mong isaayos ang sesyon kung saan ililista ng mga kasali ang mga maraming bagay na maaaring sa umpisa ay mukhang libre ngunit kung susuriin ay nalaman na hindi pala ito libre. Maganda itong panimula sa pageexamen ng pangangasiwa ng pasilidad ng suplayan ng tubig ng komunidad Pangangasiwa ng Pasilidad sa Suplayan ng Tubig Bilang parte ng pangangasiwa ng suplay ng tubig, kinakailangan ng komunidad na konsiderahin ang mga alternatibo para sa pagbawi ng gastusin, o anong mga pamamaraan ang kanilang gagamitin upang mabayaran muna ang konstruksyon tapos ang regular na pagpapanatili at pagbabalik sa ayos ng kanilang sistema ng suplayan ng tubig Una, kinakailangan ng komunidad na ilista at konsiderahin ang mga itba't ibang abeylabol na panggagalingan ng tubigtapos ay ilista at ikonsidera and iba't ibang nag susuplay ng tubig, teknolohiyaTapos, kinakailangan nitong ikalkula ang konstruksyon at gastos sa pagpapatakbo ng bawat isa. Tapos, konsiderahin paano nito makukuha ang resors para mabayaran ang mga gastusing naisaad. Tingnan ang modulo sa Resors ng Proyekto ng Komunidad. Isinasaad nito ang iba't ibang resors na maaari mong gamitin para mapasimunuan mo ang pagkukuha ng resors para sa mga proyekto Ang pagpapangasiwa samakatuwid, ay hindi lamang ang pagkukuha ng mga resors. Ito ay pagdedesisyon na makakapaghanap kung ano ang pinakaepektibong paggamit sa mga nakuhang resors, na kinokonsidera ang pangunahing kailangan at adhikain ng komunidad Konstruksyon bersus Pagpapatakbo sa Pagbabalik ng mga Nagastos Ang pagpapagawa at pagbabalik sa ayos ng isang pasilidad ng suplayan ng tubig ay isang bagay, at may sarili itong gastusin na kailangan ikonsidera. Kasama dito ang gastos sa pagpapatakbo, pagpapanatili, pagpoprotekta, pagsasaayos at iba pang gastusin na kailangang konsiderahin Ang pagpapatayo o paggagawa ng pasilidad ng suplayan ng tubig ng komunidad ay mabibilang na gastos pang kapital, isa itong imbestment. Karaniwan itong kinakalkula bilang isang malaking gastusin. Sa kabilang dako, ang tumatakbong gastos ay sunud-sunod na gastos, na kinabibilangan ng pangoperasyon na gastusin tulad ng langis at krudo, pagpapanatili na gastusin para tuluy-tuloy ang operasyon ng pasilidad, gastusin pang proteksyon laban sa mga mapanirang tao at hayoop, at ang gastos pang saklaw ng kapital ay yun namang pagbabayad utang at ang pagbabayad nito sa loob ng mahabang panahon Sa kabilang dako, ang tumatakbong gastos or operasyonal na gastos (sakop ang magpapanatili at pagbabalik sa ayos pati na ang langis) ay maaring kabilangan ng pagsisingil sa mga gumagamit at o di kaya pagpapataw ng buwis sa residente ng komunidad. Maraming mga panginternasyonal na ahensya ang nagbibigay ng donasyon, sila ay maaaring magbigay ng pangkapital sa pagpapagawa ng bagong pasilidad, ngunit hindi ng gastos pangoperasyonal Sa pagpapatnubay ng komunidad sa mamagitan ng pagdedesisyon ng tagapangasiwa, ikaw bilang ang tagapagpakilos ay kinakailangang siguraduhin na alam nila ang pagkakaiba ng pangkapital at tumatakbong gastos, at nasaisip nila kung paano nila makukuha ito pareho Resors Isa pang dokumento Pagkalap ng Resors ay ibinalangkas ang potensyal na magpagkukuhanan ng resors para sa proyekto ng komunidad Itong mga resors na ito ay maaaring hatiin sa apat na klase. Resors na donasyon, halimbawa, ay ang mga regalo, kung saan walang kapalit na kabayaran ang hinihingi. Pagsingil sa mga gumagamit sa kabilang dako ay ang mga kabayaran para sa serbisyo. Ang halimbawa ay para sa komunidad na hindi gaanong kumikita ay ang sumusunod
Kinakailangan mong malaman ang pagkakaiba nito para maintindihan ng komunidad ang pagkakaiba nito. Ang ehekutibo, sa iyong patnubay, ay gagawa ng plano sa pagpopondo nito at natutukoy ang pagkakaiba sa pagitan ng mga sors, tapos ay kinakailangan niyang makuha ang aprobal ng buong komunidad. Kung walang pagsangayon ang komunidad (sa pamamagitan ng pagboto, reperendum, o pampublikong pagpupulong, kung ano ang karapatdapat) ang plano ay kukulangin ng pagiging lehitimo, at mahihiram kumulekta ng mga bayad Ang Pagsusuri ng Halaga at ng Benepisyo Ang mahalagang gawain sa pagkalkula ng iba't ibang opsyon ng teknolohiya para sa suplayan ng tubig sa komunidad ay suriin ant ikumpara ang magagastos at benepisyo ng bawat isa Sa bawat isang klase ng pasilidad ng suplayan ng tubig na kinokonsidera, isang listahan ng aktwal ng magagastos ang kailangang ihanda. Parehong ang gastos pangkapital at ang pagpapatakbo nito ay kailangan alamin. Pati rin ang bilang ng mga tao na direktang makikinabang sa pasilidad ay kailangan ng estimasyon. Ang mga tao sa komunidad na napaka layo na sa binabalak na suplayan ng tubig upang makinabang sila ay hindi sinasama sa estima. Tapos, para naman sa total ng kapital at halaga ng pagpapatakbo nito, hinahati ito sa ilang tao ang makikinabang. Isang estimasyon ang makukuha sa bawat ulo (bawat tao) na halaga. Ang pigurang ito ay impotante na konsiderahin pagtitingnan ang iba't ibang teknolohiya at iba't ibang sors sa pagpipili ng pasilidad ng suplayan ng tubig. Ito ay ginagawa ng komunidad. Ang halaga sa pagpapatakbo bawat ulo ay kinukumpara sa halaga ng singil sa tubig na binabalak. Para sa kapakanan ng pagiging transparent o bukas itong mga kalkulasyon na ito ay dapat abeylabol para sa lahat sa komunidad pati na rin sa mga potnsyal at aktwal na donor Ang pagkakalkula ng pinansyal ng benepisyo ng suplayan ng tubig ay mas mahirap Walang duda ang tubig ay magpapapagpababa ng sakit at samakatuwid ay nakapagpapataas ng pagiging produktibo, ngunit mangyayari lang ito pag may kasamang pasilidad sa sanitasyon, pagbabago sa pagkilos para maiwasang ang kontaminasyon sa tubig na iniinom at ang pagkalat ng impormasyon sa mga prinsipyong naisaad. Tingnan Tubig at Kalusugan. Ang pagpataw ng pinansyal na tantsa o estimasyon dito ay sadyang napakahirap Kung ang pagkakalkula dito ay maaaring maisakatuparan, ang analisis sa gastos at benepisyo ay makokompara sa gastos, isang gastos-benepisyo na analisis ang makokopara sa gastos bawat ulo sa benepisyo bawat ulo para maka kuha ng ratio na magsasabi sa atin kung ang imbestment ay sulit Ang Ginagampanan ng Tagapagpakilos Maaring ikaw ay nagtratrabaho para sa isang proyekto na pinondohan ng internasyonal na donor, o di kaya nagtratrabaho ka sa ahensya (tulad ng departamento sa gobyerno) na inatasang pakilusin ang komunidad bilang parte ng proyekto sa tubig. Isang tatya ang kailangan sa iyo ng mga tagapamahala ng mga proyekto ito. Kinakailangan niyang malaman, ang disenyo ng proyekto ng komunidad, katwiran para sa imbestment, at iba pang mga katotohanan o data na magbibigay kadahilanan sa desisyon, ang kinakailangan gawin ng komunidad, hindi ikaw at hindi ng proyekto. Sa kadalasan, sa salita lamang ang naitutulong ng "partipasyon ng komunidad." Dito mo kinakailangangn maging asertibo at maipaliwanag na ang komunidad ang gagawa ng kalkulasyon at ng desisyon dapat aktibong partisipasyon ang maibibigay ng komunidad kasama dito ang pagiging kabilang sa pagkakalkula at paggawa ng desisyon. Ang trabaho mo bilang tagapagpakilos ay makita na ito ay mangyari. Kung wala ito, maari mong kalimutan na lang ang tungkol sa pagpapantili ng proyekto, responsibilidad ng komunidad, pagpapalakas at pagunlad ––»«––Pangongolekta ng Donasyon Para Mapunan ang ibang mga Gastusin © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Unang Pahina |
Tubig |