Mga Pagsasalin-wika:
Akan |
Mga pinakamahalalgang salita na nagsisimula sa letra Nsinulat ni Phil Bartle, PhDisinalin ni Maureen Genetiano, May M Virola, Lonela BloxomNAAANINAG (Transparency) Ang panganganinag o pagiging bukas ay isang mahalagang elemento ng pagpapalakas ng komunidad (Tignan mga elemento ng pagsasakapangyarihan). Ang salitang "aninag" dito ay nangangahulugan ng abilidad na makita ang lahat. Kapag mga manggagawang sibil o sa gobyerno ay gumagawa ng mga bagay (gaya ng paggawa ng mga pasya, magtalaga ng mga yaman) ng pasikreto, itinatago ang kanilang mga gawain sa mga tao, hindi sila nanganganinag o naaaninag (bukas). Tinatrato nila ang mga tao ng parang kabute ( "mushroom treatment¨). Ito ay nagdudulot ng pagkawalang tiwala, pagkawalang bahala o kalamigan ng loob, at marhinalisasyon (mga salik ng kahirampan at pagiging mahina ng komunidad). Ang iyong trabaho bilang tagapagpakilos ay itaguyod ang pagiging maaninag o bukas. Gagawin mo ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng paliwanag kung ano ang ibig sabihin nito. Na ang mga tao ay may karapatan at tungkulin na malaman kung ano ang mga nagyayari. Pagtatahas ng Kamalayan). Dapat ding siguraduhing ito ay isang importanteng elemento ng organisasyong pangkomunidad na iyong itatatag. Ang mga batas tulad ng ¨Freedom of Information Act¨ o iba pang mga batas na tulad nito na sinisigurado na ang mga detalye ng paggastos ng gobyerno ay dapat makukuha ng publiko (bilang parte ng ¨public records¨), na nakatangka para sa pagtataguyod ng pagiging maaninang o bukas ng gobyerno, datapwat ang ibang mga opisyal ay tatangkaing parupukin ang kahulugan ng mga batas na ito. Kung itinatago ang problema, tinatakpan o itinatatwa na mayroong problema; sigurado lamang na hinahadlangan mo ang mga solusyon. Kung, sa halip, ay hindi mo ito tatakpan, aaminin, at matapat na susuriin, ikaw ay nasa landas ng paglulutas ng problema o suliranin. Ang pagiging maaninag o bukas ay nakapagpapalakas. العربيّة : الشفافية, Bahasa Indonesia: transparansi, Català: transparència, Deutsch: die transparenz, Ελληνικά: Διαφάνεια, English: transparency, Español: transparencia, Filipino/Tagalog: naaaninag o pagiging bukas, Français: transparence, Galego: transparencia, हिन्दी: पारदर्शीता, Italiano: transparenza, 日本語: 透明 明確さ, 한국어 / Hangugeo: 투명도, Malay: transparensi, Nederlands: transparantie, Português: transparência, Română: transparenta, Pyccкий:Прозрачность, Somali: waadix, Srpski: providnost, ไทย: ความโปร่งใส, Türkçe: şeffaflık, Tiên Việt: tính minh bạch, ردو: شفافیت, 中文: 透明度NAGBIBIGAY-BUHAY Tagapagpakilos. Tignan: Pagbibigay-Buhay. English: animator, mobilizer, activist, Español: activista, Français: mobilisateur, animateur, Português: animadorNaipapatuloy Ang salitang "maipapatuloy o naipapatuloy" ay mahalaga sa pagbibigay ng tulong na pangkalinangan. (Ang salitang ito ay hindi makikita sa mga diksyonaryo). Ito ay tumutukoy sa ¨kakayahan¨ ng isang bagay na ¨maipatuloy¨ (maaaring ituloy) kapag ang tulong mula sa labas ay tinangal. Para sa isang komunidad na nagtatayo ng pagkukunan ng tubig, ang pagkukumpuni, paglilinis at paggamit sa bomba matapos itong gawin ay ang nais na makamit. Para sa nagbibigay ng laang-gugol (pondo) mula sa labas, ito ay ang pagpapatuloy ng proyekto o ng mga resulta nito pagkaalis ng nagbibigay. Para sa iyo, bilang isang tagapagpakilos, ito ay ang pagpapatuloy ng proseso ng panlipunang pagpapalakas ng komunidad kahit wala ka na. Para sa mga tagataguyod ng kalikasan at ekolohiya, ang pagpapatuloy ay kailangang - ang mga gawain ay kayang ipagpatuloy (halimbawa bayolohikal) sa pisikal na lugar, na ang mga likas na yaman na hindi napapalitan ay hindi mauubos. Deutsch: die nachhaltigkeit, English: sustainability, Español: sostenimiento, Français: durabilité, हिन्दी (Hindi): निरंतरता, Italiano: sostenibilita, Português: sustentabilidade──»«──Kung ikaw ay makakita ng salitang may relasyon sa pagsasakapangyarihan ng komunidad, at ito ay kinakailangang pag-usapan, maaaring, sumulat sa amin.Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito |
Pangunahing Pahina |