Pangunahing Pahina
 Pagbibigay-kapangyarihan




Mga Salin

'العربية / al-ʿarabīyah
Bahasa Indonesia
Català
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
日本語 / Nihongo
Português
Română
Tiếng Việt

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Mga Keyword

Ipagbigay-alam

Ginagamit na mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

PAGKAMIT NG PAMAYANAN NG PAGMAMAY-ARI

SUBTITLE

ni Ben Fleming

iniayos ni Phil Bartle, PhD


isinalin ni Dionisio R. Vitan III


Ngayon, nais kong talakayin ang pagmamay-ari ng pamayanan at ang ating mga sa bahagi sa pagpapaunlad nito sa gawaing ating ginagawa. Ang aking binabanggit ay ang pangmatagalang pagkamit sa madaling panahon na pagpupursige sa parte mo; tungkol sa pagkilala ng pangloob na kalakasan ng pamayanan, pagpapalawig ng kaunlaran ng tiwala sa sarili ng pamayanan, at ang pagtulong sa bawat indibidwal na manalig sa sarili nila kapag dumating na ang panahon na nawawalan sila ng pag-asa. Dagdag pa rito ang ilang mga maliliit na pagsubok na alam kong maraming darating sa iyo.

Ang isip at mga ideya ng mga tao ang pinakamahusay na pagkukunan ng yaman ng bawat pamayanan. Kami ay eksperto, nagawa na namin ito noon, ngunit ang tunay na kaalaman ay ang paghahalo ng dalawang bagay:

  1. ang pagkakaroon ng kaalaman ng proseso ng pagpapaunlad ng pamayanan, tulad ng nakapaloob sa usapin dito
  2. pagkakaroon ng unawa sa kapaligiran na kung saan ikaw ay gagawa; sinasabing ang bawat bayan, bawat baranggay ay magkaiba, hindi lang sa lugar kung saan ito makikita, ngunit dahil na rin sa mga tao na nakatira rito

Ang magmasid, makipag-usap at magsuri ng kakayanan ng bawat tao na nakatira rito ang akin lamang maipapayo sa bawat lugar kung saan ikaw ay gagawa; mga taong bukas ang loob na makibahagi at mga taong hindi sang-ayon na tunulong. Bakit ka mag-aaksaya ng panahon sa mga taong ayaw makibahagi? Dahil sa mga isipan ng mga taong ito nakasalalay ang tunay na mga suliranin ng bawat pamayanan. Hanapin ang tunay na pinanggagalingan ng suliranin, at lalong tulungan yaong mga hindi papansin sa iyong ginagawa para sa kanila. Sa gayon, masusumpungan mo ang ang tunay na magpapanatili ng epektibo at pangmatagalang kaunlaran, at maaari ring makita mo sa kanila ang tunay na pinuno para sa iyong hinahanap na pagbibigyan ng kapangyarihan para sa pamayanan na iyong gagalawan.

Katulad ng isang kawan ng mga baka na mabagal na naglalakbay tungo sa kanilang patutunguhan, ang isang pamayanan ay gayon rin sa larangan ng pag-unlad. Sila ay uunlad ayon sa pagkakaiba-iba at pagkakapareho ng bawat bahagi nito. Papaano ngayon iatataguyod ang pagbibigay-lakas sa isang pamayanan sa kabuuan nito? Heto ang ilang mga kaisipan:

  • Pagtitipon ng mga tao sa isang pamayanan kung saan maaari nilang ibigay ang kanilang mga nasa isip. Ang mga pagtitipon ay maaaring gawin sa maliliit na grupo o sa kabuuan ng pamayanan
  • Piliin ang mga tao na alam mo sa simula pa lang ay hindi na makikibahagi sa gagawin mo - maglakad-lakad sa kabuuan ng pamayanan, makipag-usap sa mga tao, himukin silang makibahagi sa proyektong iyong sisimulan, makibahagi sa mga laro ng kabataan, kumuha ng mga pagpayag ng mga matatanda upang makuha ang tulong ng mga bata at ng kanilang mga kaibigan o kalaro; busisiing mabuti ang ayos ng pamayanan sa antas ng mga tao at sikaping makuha ang lahat ng mga nakatira rito
  • Humanap ng isang datihan at maalam na sa kung ano ang nasa loob ng isang pamayanan; maaaring hindi nila taglay ang katangian ng tulad sa manggagawang makukuha mo ngunit ang kanilang kaalaman sa kung ano ang tunay na saloobin ng pamayanan ay malaking tulong para mas lalong mapabuti mo ang pagtulklas ng mga bagay-bagay sa loob ng pamayanan para sa lalong pagkilala rito
  • Makipag-usap sa mga tao at ilahok sila iyong mga iniisip na para bang ito kanila rin ay nasa kanila ring isipan; mamuhay na kasama sila ng ayon sa kanilang pamantayan. Oo, sinabi ng nga isang matalinong matanda noon, isang malaking bagay ang mamuhay kasama ng mga Indiyan, ngunit iba na kung papaano maging isang Indiyan - kung kaya para ang isang proyekto ay tunay na ariin ng pamayanan na iyong gagalawan, marapat na magkaroon ng magandang kaugnayan sa mga nakatira rito ng sa gayon ay sila na ang gagawa ng mga bagay na unang ginagawa mo at gagawin mo. Sa gayong kaparaanan rin, makikilala ng pamayanan ang sarili nila bilang siyang magsusuri ng ng problema sa kanilang lugar at sila rin ang makagagawa ng solusyon para lapawi ang mga suliraning ito.

Bigyan ang pamayanan ng responsibilidad para sa bawat tagumpay at pagkakamali nito. Naging bahagi na ako dati ng isang proyekto kung saan maaaring ang isa o higit pang kasapi sa proyekto ay kumilos laban sa ikapagtatagumpay ng hangarin ng samahan. Sa kabuuan, sino ba ang tuluyang hindi nagtagumpay? Hindi ba LAHAT kami? Nakikita ba ng pamayanan ang tunay na patutunguhan ng bawat kilos na gagawin?

Tulungan ang pamayanan na makita na dapat silang maging responsable sa bawat kilos na kanilang gagawin. Kung ang pamayanan ay gagawa ng hakbang upang hindi magtagumpay ang isang proyekto na iyong ginagawa para sa kanilang, dapat malaman ng mga nakatira sa pamayanan na sila mismo ang dapat kumilos upang mapigilan ito. Pinili kong tumulong, ngunit dapat ang pamayanan ay kumilos at magkaroon ng pagmamay-ari at pagtanggap sa gagawing proyekto. Pagtanggap sa anumang pangloob na pagsubok na hahamon sa ikapagtatagumpay ng proyekto upang mas lalong malutas ang anumang suliranin na siyang pipigil sa proyekto. Maaari itong makita sa iba't-ibang anyo, kaalaman sa balangkas ng pamumuno, paglaki ng pagkilala ng mga tao sa kakayanan at paniniwala ng pamayanan, o kaya ay ilang maliit na kaaalaman para sa pag-giya sa mga tao kung saan dapat tahakin at kung saan lalapit sa oras ng pangangailangan. Marapat na hindi dapat pilitin na parang kinakaladkad sa paggawa sa proyekto, agkus dapat sila ay magkaroon ng sariling kusa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pagmamay-ari sa proyekto at magkaroon ng pagbibigay-kapangyarihan sa kanila.

––»«––

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 01.05.2011


 Pangunahing pahina

 Pagbibigay-kapangyarihan