Pangunahing Pahina
 Pagbibigay-kapangyarihan




Mga Salin

'العربية / al-ʿarabīyah
Català
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
日本語 / Nihongo
Polszczyzna
Português
Română
Tiếng Việt
Türkçe
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Mga Keyword

Ipagbigay-alam

Ginagamit na mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

PAGPAPAUNLAD NG MGA TAO

Hindi Pagpapaunlad ng mga Gamit

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Dionisio R. Vitan III


Seminar Pulyetos

Maraming mga tao, kasali na ang mga tao sa pulitika at mga periyodista ng balita, kapag sila ay bumibisita ng mga pook ng programang kagaya nito, ay gustong makita ang mga kayarian (katulad ng palikuran, lansangan, klinika, bomba ng tubig, o paaralan), at maghusga ng pagtatagumpay ng programa batay sa nakitang material na anyo ng pagkakagawa.

Maaari na ang mga pasilidad na nabanggit ay siyang ninanais ng mga pamayanan para sa kanilang sarili, ngunit hindi ang mga iyon ang siyang ninanais ng pamayanan upang sila ay mapalakas. Para sa mga tagapagpakilos, ang mga pasilidad na mga nabanggit ay isa lamang paraan upang maipakita (animasyon) ang pagbabagong-sosyla o pangkalahatan sa loob ng mga pamayanan.

Ang ating ninanais ay kabilang sa "pangkalahatang pagbabago" na aspeto o bahagi ng kaunlaran. Ating hinihikayat at binibigyang-tulong ang mgasamahan na nakabase sa mga pamayanan upang magtayo ng mga bagong pasilidad o hindi kaya ay magsaayos at magpanatili ng mga dati ng nakatayo na mga pasilidad.

Ang hangarin ng pamayanan, kung gayon, ay nakatuon sa mga pisikal o nahahawakan na mga bagay tulad ng klinika, kalye, paaralan, tulay, patubig at kubeta. Ang hangarin ng pagpapalakas ng kakayanan ng pamayanan, sa kabilang-banda naman, ay nakatuon sa mga tao kung papaano sila nagkakaisa, kung papaano sila nakiki-ugnay sa mga panlabas at panloob na pamamahala, kanilang mga pag-uugali, mga hilig gawin, mga kasanayan at ang pagkakaroon ng samahan na institusyon.

Ang hangarin ng pagbibigay-lakas sa pamayanan, kung gayon, ay kabilang sa "elemento na kabilang ay tao" na kaunlaran. At ang mga pisikal na mga inprastruktura at ang mga pagtatayo at pagpapanatili ng mga itoay nakikita bilang isang "daan o paraan" hindi bilang isang patutunguhan. Ang mga bahagi ng pamayanan na siyang dati ng mahalaga tubig, kaalaman o edukasyon, kalusugan) ay pangalawa lamang sa mga mahahalagang-bagay na binibigyang pansin habang ang tipo ng gawain ay ninais ng mas nakararami at ito naman ay kinilala bilang siyang mas dapat unahin ng mga nakatira sa pamayanan.

Kapag nakakita ka ng paaralan na itinayo ng isang pamayanan, ito ay siyang kinalbasan ng pagsasanay sa pamamahala ng pamayanan. Ito ay (at dati ng) kinilala bilang siyang paraan kung saan ating ginamit ang pagkilos ng pamayanan upang madagdagan ang kakayanan ng pamayanan na yaon sa pagpapa-unlad ng kanyang sarili.

Ang klinika ay hindi siyang tagumpay; ang kakayanan ng pamayanan upang mamili, mag-plano, at magtayo nito), ang siyang tunay na tagumpay.

––»«––

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 01.05.2011


 Pangunahing pahina

 Pagbibigay-kapangyarihan