Tweet Pagsasalinwika:
Català |
ni Phil Bartle, PhDisinalin ni Myla Burke3. Ang Mga Nasa Edad ay Hindi Mga Bata - Kinakailangan ang Naiibang Paraan: Madaling isipin na tayo, kapag nagtuturo sa iba, ay ang nakatatanda, habang ang tinuturuan ay ang mga bata. Ganyan naman ang makikita sa isang paaralan, hindi ba? Ngunit tayo ay magkakamali sa akalang ito. Kapag nagtuturo ng literasiya, ang mga tinuturuan ay may edad na rin, hindi na musmos. Kahit hindi nila alam kung paano magbasa at magsulat, hindi ibig sabihin na mas mababa ang kanilang estado kaysa atin. Siguraduhin natin na hindi tayo nagbibigay ng maling akala na tayo ay mas mahusay (mahigit, mas mataas, mas malakas) kaysa kanila sa pamamagitan ng ating kilos, tono ng boses, o pananalita. "Mawawalan sila ng gana" (hihina ang kanilang kalooban) at baka talikuran nila ang pag-aaral. Kung mangyayari iyon, hindi tayo magtatagumpay sa pagtuturo ng kaalaman. Sa pagtuturo sa mga may edad na, kailangan ay tandaan palagi na hindi sila mga batang musmos at iwasan ang madaling isipan na ito. Pare-pareho tayong may gulang na at karapat-dapat lamang na patas ang trato natin sa isa't isa. Mas maraming natututuhan ang mga bata kaysa matatanda; natututo sila tungkol sa kapangyarihan, kung paano makihalubilo sa kamunduhan, tungkol sa kapisanan, at kung paano ma-disiplina ang kanilang kapritso. Ang mga miyembro ng literasiya na may edad na ay hindi mga bata, at dapat nating iwasan ang agad-agad at pabayang asal na nagpapahiwatig na sila ay mga bata. Maraming oras, sikap at pag-iisip ang binubuhos ng isang guro sa paaralan para tiyakin na ang mga bata ay disiplinado at nakikinig sa guro. Hindi mo dapat pag-aksayahan ng oras ito. Kapag matuklasan nila ito, hindi na tutugunin ang pag-aaral na ating iniaalay. Kapag naipakita natin sa mga kasapi na kinikilala natin sila na may gulang at kapantay natin, mas tutugunin nila ang pamamatnubay patungo sa kaalaman ng pagbasa at pagsulat. Komentaryo tungkol sa lahat ng prinsipyong nasa itaas (mahabang dokumento) Balik sa listahan ng mga prinsipyo Balik sa listahan ng mga prinsipyo - handout ––»«––© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing Pahina |
Kaalaman sa Pagbasa at Pagsulat |