Pagsasalinwika:
Ibang mga Pahina:
|
isinalin ni Myla Burke
Listahan ng Mga Prinsipyo –– Handout:
- Huwag kopyahin ang pangkaraniwan o tradisyonal na pamamaraan at laman (Lit-01);
- Bumuo ng sariling pamamaraan at laman base sa mga prinsipyo
ng pagsasakapangyarihan at kahalagahan (Lit-02);
- Ang mga nasa edad ay hindi mga bata - kinakailangan ang naiibang paraan (Lit-03);
- Ang mga huwaran ng pagtuturo ay hindi dapat manggaling sa mga paaralang pambata (Lit-04);
- Ang respeto ay napaka-halaga (Lit-05);
- Ang pagsasanay sa pamamagitan ng paggawa ay mas mabisa kaysa sa panunood o pakikinig (Lit-06);
- Huwag asintahin ang mataas na baytang ng kaalaman o literasiya (Lit-07);
- Humanap ng praktikal na paraan ng pagbibigay-alam - huwag ipagpilitan ang kaganapan (Lit-08);
- Bigyang diin ang mga wika at baybaying karaniwang ginagamit (Lit-09);
- Pagsamahin ang nakasulat na salita at ang simpleng larawan (Lit-10);
- Isali kaagad ang basikong pagbilang sa iyong sistema ng pagtuturo (Lit-11);
- Dapat ay praktikal, madalian at kapaki-pakinabang ang matututuhan (Lit-12);
- Pag-aralan at gamitin kung ano ang kapaki-pakinabang at may saysay sa bawat pamayanan (Lit-13);
- Iwasan ang kurso (laman) na galing sa nakaugaliang pag-aaral - mag-imbento ng sariling kurso (Lit-14);
- Iwasan ang tradisyonal at walang silbing mga paksa (Lit-15);
- Magbigay ng papuri; huwag mamintas (Lit-16);
- Magbigay sa mga kasapi ng pagkakataong ituro ang kanilang natutuhan (Lit-17);
- Akayin ang mga kasapi upang makaranas ng paghanga at kasiyahan sa pagkatuklas (Lit-18).
Komentaryo
tungkol sa lahat
ng prinsipyong nasa itaas (mahabang
dokumento)
Balik sa listahan ng mga prinsipyo
––»«––
© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle Web Design: Lourdes Sada
––»«–– Huling Ulat: 08.05.2011
|