Tweet Pagsasalinwika:
Català |
KAALAMAN SA PAGBASA AT PAGSULAT AT ANG PAGSASAKAPANGYARIHANMga Sistema ng Punsiyunal na Kaalaman sa Pagbasa at Pagsulat Para sa Tagapagpakilos ng PamayananNi Phil Bartle, PhDisinalin ni Myla BurkeHandog sa alaala ni Peter Gzowski*Mga Manwal ng Pagsasanay o PaggawaAng Pagbasa at Pagsulat ay Dumadagdag sa Kakayahan ng PamayananKapag pinapakinggan mo ang mga kasapi ng pamayanan na iyong sinasanay, ang naririnig mo ay may mga kasapi na hindi marunong magbasa at magsulat. Napansin mo na ang karamihan ay sang-ayon sa paniwalang kapag dumami ang mga miyembrong makakapagbasa at makakapagsulat, e di lalakas din ang pamayanan. Maaari ka bang mag-umpisa ng paraan upang pabutihin ang kaalaman sa pamayanan? Kung sanay ka na sa mga pamamaraan ng basikong kaalaman o punsiyunal na kaalaman sa pagbasa at pagsulat, malamang na mas higit pa ang iyong pagsasanay kaysa sa nakapaloob dito sa web site na ito. Kung gayon, maaaring gamitin mo na lamang ang impormasyong nakapaloob dito para ihambing sa iyong nalalaman o para mahamon ka ng di-pangkaraniwang paraan na ito. Bilang isang tagapagsaayos ng pamayanan, hindi inaasahang alam mong lahat ang mga dalubhasang pamamaraan na alam ng isang eksperto sa kaalaman. Subalit, may tiyak at madaling mga bagay na maaari mong gawin, katulad ng isang nagbibigay ng pangunahing lunas sa naaksidente. Kahit na hindi man siya dalubhasang nars o doktor, makapagbibigay pa rin siya ng madaliang lunas na makakatulong nang husto. Hindi ka kinakailangang maging dalubhasa. Pero bilang isang tagapagpakilos, maaari kang mag-umpisa ng gawain, na sa pagtagal, ay magtuturo ng daan patungo sa karunungan para sa mga kasapi ng pamayanan. At dahil doon, makakatulong ito sa pagpapalakas ng pamayanan. Kung magsisimula ka ng isang maliit na grupo, isaisip ang sumusunod na 18 prinsipyo at kusa kang lumikha at gumawa ng mga magaling at praktikal na paraan. Puna para sa Tagapagpakilos Tagapagpasanay: May kaniya-kaniyang komentaryo ang bawat prinsipyong nakalista sa ibaba. Makukuha ito sa iisang, mahabang dokumento (Mga Prinsipyo ng Kaalaman) o sa hiwa-hiwalay na iisang-pahinang komentaryo para sa bawat prinsipyo (i-click ang bawat link). Maaaring gamitin ang impormasyong ito sa iba't ibang paraan. Ang bawat komentaryo ay maaaring gamitin na paksa ng maikling pagtatalakay ng iyong grupo ng tagapagpakilos. O maaaring ibigay ang maiikling handout sa iba't ibang maliliit na grupo upang magtanghal ng palabas na naglalarawan ng napiling prinsipyo.
Komentaryo tungkol sa lahat ng prinsipyong nasa itaas (mahabang dokumento) Para gamitin ang mga paraan na ito sa pag-disenyo ng sariling programa ng kaalaman, kailangang may tiwala ka sa iyong sarili. Dapat ay tapangan mo ang iyong loob upang malabanan ang mga eksperto at ang mga paaralang aklat na nagtuturo na "Ito ang tamang paraan." Kung ang tanging katwiran ng paggawa ng isang bagay ay dahil sa "Ito na ang nakagawiang paraan," malamang ay kahina-hinala ang kanilang pangangatwiran. Mas mabuti pang gamitin ang mga prinsipyo (na nakalista sa itaas) at magbalak ng di-pangkaraniwang programa ng pagsasanay sa literasiya na makahulugan sa bukod-tanging pamayanan, sa mga hilig at miyembro ng pamayanan, at sa kung ano ang may saysay, makahulugan, kapaki-pakinabang at praktikal. Para sa balangkas, subukan ito: Huwag mag-disenyo at magpatakbo ng isang "Klase sa Kaalaman ng Pagbasa at Pagsulat." Umahon sa labas ng ordinaryong pag-iisip. Magpatakbo ng "Programa sa Kaalaman ng Pagbasa at Pagsulat" na mayroong dalawang klase ng pagtitipon. Ang unang klase ay matatawag na "miting" kung saan ang tagapagsanay at ang mga nakikilahok ay magpapasiya ng mga kakailanganin, mag-paplano ng mga gawain at babalik muli upang magsubaybay noong mga gawaing iyon. Ang pangalawang klase ng pagtitipon ay ang "proyekto" o "lakad," kung saan ang mga gawain ay may sakop na pagsulat at pagbasa, at kung saan ang paksa ay simple, makabuluhan, lokal at praktikal. Para sa karamihan ng mga gawain na nakalarawan at binibigyang diin ng site na ito, ang iyong kasangkapan ay kakaunti at simple lamang:
Kung ikaw ay isang tagapagpakilos na galing sa labas ng pamayanan, at ikaw ay pumapatnubay sa mga tagapagpakilos na lokal, ipaintindi mo sa kanila ang mga prinsipyo, at sa pamamagitan ng pagtutulungan, lumikha ng plano (isang kurso na saklaw ay ang nilalaman at ang mga paraan). Sang-ayunan ang nilalaman at ang mga paraan, isulat ang mga ito, at pirmihang pag-usapan ng grupo. Mag-insayo kayo, na parang kayo ang mga mag-aaral, bago ibunsod ang programa sa napiling pamayanan. Paulit-ulit na magtipon upang subaybayan ang mga nangyayari, magbigay alalay sa isa't isa, at kilalanin ang mga problema at kung paano lutasin ang mga ito. Magtago ng listahan ng mga gawaing sinubukan, paano ito naisagawa, at anu-anong mga resulta nito. ––»«––Pag-aaral Magbasa: © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing Pahina |
Kaalaman sa Pagbasa at Pagsulat |