Unang Pahina
 Pamamahala




Mga Pagsalin:

Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / Hindī
Italiano
Polszczyzna
Português
Română

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Mga Keyword

Ipagbigay-alam

Ginagamit na mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

Mga Laman:

Mga Laman:

Mga Laman:

Mga Laman:


PAGPILI NG ISANG KOMUNIDAD

Sukatan ng Pagpili ng mga Komunidad na Papakilusin

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Abegail Sabado


Inihahandog para kay Gert Lüdeking

Mga Gabay sa Pagsasanay

Anu-ano ang mga pinakamagagandang komunidad para sa pagkilos?

Introduksyon:

Minsan kailangan mong mamili ng komunidad; minsan naman ito ay pinipili para sa iyo. Kung ikaw ay maaaring mamili, ang dokumentong ito ay maggagabay sa iyong pagpili. Ang diskusyong ito ay para sa parehong tagapagpakilos at mga tagapmahala ng mga tagapagpakilos.

Mga Pagkakaiba ng mga Oportunidad para sa Pagpili:

Maraming paraan na kung saan ang isang komunidad ay pinili na para sa iyo.Maaaring ikaw ay nagtatrabaho para sa isang NGO o proyekto na may napiling na kung anong mga komunidad ang makakatanggap ng tulong. Maaaring ikaw ay parte ng isang panggobyernong (rehiyonal, pangprobinsya, distrito) proseso ng pagplano na nakapagdesisyon na kung anong mga komunidad ang pagsisilbihan.

Parami ng parami sa mga malalaking proyektong pantubig ang gumagamit ng DRA (demand response approach). Ang ibig sabihin nito kadalasan ay may anunsyong pampubliko para sa tulong na makukuha para sa tubig at kalinisan kung maghain ng kahilingan ang mga komunidad, at kung matupad nila ang mga kundisyon. Pagkatapos makapili ng isang komunidad para sa ganitong pagtulong, doon lamang magpapadala ng isang tagapagpakilos.

Maaaring ikaw ay nabigyan ng isang kundisyon, tulad ng mga baryo na malapit sa kapitolyo ng rehiyon, o mga komunidad ayon sa sukat, at kailangang mamili ng komunidad ng sunod sunod ayon sa sukat o layo. Ang ibig sabihin ng mga di tiyak na mga sukatang ito ay wala kang layang makapili (ayon sa batayan ng pagpapakilos) kung anong komunidad ang una, pangalawa, pangatlo at susunod pa na pipiliin.

Maraming paraan kung saan ikaw ay maaaring makapili. Maaaring ikaw ay isang tagapamahala o tagapagugnay para sa isang partikular na lugar (hal. distrito) at maaaring pumili ng komunidad doon sa lugar na iyon na pwede mong padalhan ng mga tagapagpakilos. O maaaring ikaw ay isang tagapagpakilos na may partikular na lugar na at maaaring mamili ng komunidad sa lugar ding iyon. Sa mga situwasyong ito maaaring ipatupad ang mga basehan na nasasabi sa iba't ibang parte ng website na ito, na mamili kung anu-anong mga komunidad, kung anong pagkakasunod sunod at kung gaano katagal.

Kung ikaw ay isang tagapagpakilos na may ganoong mga pagpipilian, ang dokumentong ito ay dapat na maggabay sa iyo sa pagpili. Kung ikaw ay isang tagapamahala ng isang tagapagpakilos iminumungkahi namin na ikaw ay parating makipagusap sa iyong tagapagpakilos, tulad ng sa partisipasyong pamamahala, at pagsangayunan kung anong mga komunidad ang pipiliin, at kung kelan sila tutulungan. Kung ikaw ay isang boluntaryo o aktibista na hindi nakaugnay sa kahit anong organisasyon, maaari kang gumamit ng iba't ibang panukat, ngunit iyong mga nakalista at nakalarawan dito ay maaari mo reng magamit sa iyong pagpili.

Bakit Kailangan Piliin ang isang Komunidad?

May dalawang punong sukatan na maaari mong gawing basehan sa pagpili ng komunidad na matutulungan mo sa pagkilos. Ito ay ang mga (1) kailangan at (2) probabilidad na magtagumpay.

Sa isang perpektong mundo na kung saan ang bawat komunidad ay tutugon sa parehong paraan sa parehong klase ng pagtulong, maaaring madali ang pagpili ng komunidad. Ang mga komunidad na hindi ganoon kayaman, iyong may kauniting kakayahan at kapangyarihan, ay doon dapat magtrabaho ang isang tagapagkilos. Ngunit, ang mundo ay hindi perpekto. Ang isa pang sukatan ng pagpili ay dapat na mauna. Maraming dahilan kung bakit ang komunidad ay hindi dapat mapili para sa panlipunang pagkilos kung mukhang hindi ito tutugon - kung ang lahat ng pagsisikap ng pagkilos ay patungo lamang sa pagkabigo.

Ang posibilidad ng tagumpay ay isang importanteng panukat, hindi lamang dahil kailangan. Ang pagkabigo ay maaaring makasira sa reputasyon ng pagpapakilos. Ang tagumpay ay maaaring makapaghikayat ng maraming tapagkilos. Kung may pagsisikap na sa pagpapakilos ng isang komunidad, maraming masasayang na puhunan kung ang pagsisikap na iyon ay walang patutunguhan.

Sa kabuuan, maaari tayong makabuo ng lakas, at dito nakakamit ang tagumpay.

Mga Bagay na Nakakaapekto sa Tagumpay:

Kung ikaw ay nangangailangang mamili kung anong mga komunidad ka pwedeng magpadala ng mga tagapagpakilos, kailangan mo ng ilang mga impormasyon tungkol sa mga komunidad. Ang ibang impormasyon ay importante sa pagdedesisyon kung saan mas magiging matagumpay ang mga pagsisikap sa pagkilos.

Mayroon bang mabigat na problema sa isang komunidad? Kung totoo ito, maaari ba tong gamitin bilang sentro? Kung ang mga miyembro ng komunidad ay nagkasundo na mayroon ngang partikular na problema silang hinaharap, ito ay maaaring maging basehan ng tagumpay sa pagsisimula ng pagkilos.

Mayroon bang nakaraang tagumpay sa pagpapakilos? o sariling pagpapakilos? Pansinin ang pagkakagamit ng salitang "nakaraan." Ang dating pagpapakilos ay hindi katangian, at maaari pa itong makapagpatunay na sagabal, kung ito ay naturingang kabiguan ng mga miyembro ng komunidad.

Isa pa ginamit natin ang mga salitang "sariling pagpapakilos." Kung may nangyaring pagpapakilos na walang tulong sa labas, ang ibig sabihin nito ay mayroong isang katangi tanging personidad na maaaring makuha ng isang magaling na tagapagpakilos.

Anu ano ang mga kaugalian ng mga lokal na otoridad (mga pinuno o opisyales)? Ganado ba sila? maunawain? maraming kaalaman? Ang mga lokal na pinuno sa pulitika at mga opisyales ay malimit na katangian ng mga mga pamamaraan ng pagpapasakapangyarihan, dahil madalas silang kumuha ng mga tauhan sa labas, at maaaring hindi nila naiisip ang mga panganib na maaaring magawa ng pagpapailalim sa iba. Kung nais nilang makinig sa iyong mga paliwanag ng mga pamamaraan ng pagpapasakapangyarihan, at makita nilang ang mga kabutihan nito pag tumagal ang panahon (at ang kanilang mga nais mangyari sa pulitika), posible silang maging kaalyado. (tignan Mga Politiko). Ang iyong pangunahing alalahanin ay hindi sila maging hadlang sa iyong trabaho. Kung wala ang kanilang pag sang-ayon, kahit na pag sang ayon ng walang kusa, ang pagpapakilos ay nasa panganib na sirain o mapagsamantalahan.

Ano ang situasyon ngayon pagdating sa transportasyon at komunikasyon patungo at mula sa komunidad? Mayroon bang daanan patungo sa komunidad sa buong taon? Mayroon bang daan na maaaring gamitin sa kahit anong kalagayan ng panahon? Ang pagulan at pagbaha (sa mga maiinit na bansa) o pag yelo ( sa mga komunidad na nasa o malapit sa arctic) ay maaaring maging dahilan para hindi marating ang isang komunidad sa ibang parte ng taon. Ito ay magiging sagabal sa mobilisasyon. Mayroon bang mga gumaganang telepono sa buong taon? Kahit na ang mga daan ay sarado, ang mga gumaganang telepono ay maaari pa ring magamit sa pagpapakilos. Kung may serbisyo ng internet, o email lamang, iyon din ay makakatulong, lalo na kung walang paraan upang maabot ang isang lugar sa iba't ibang parte ng taon.

Ano ang panlipunang organisasyon ng komunidad; nakakapagdudulot ba ito ng sariling pagsisikap? Dito, nararapat na maging isang dalubhasa sa pagaaral ng mga galaw ng tao sa lipunan. Ikaw at ang iyong mga tagapagpakilos ay hindi lamang dapat na makapagsiyasat tungkol sa lipunan, kailangan ding mapagaralan mabuti ang mga impormasyon sa pananaw ng lipunan. (Tignan Kultura para sa kaliwanagan kung paano nasasaklaw ang likas na pakikisalamuha ng isang komunidad ang bawat tao na bumubo ng komunidad). Tignan ang seksyon tungkol sa Pagsisiyasat ng Komunidad. Ang impormasyon na nakolekta at naiulat ng mga tagapagkilos ay kailangang maayos at nakalagay sa isang Management Information System (MIS) na magpapadali at mapapabilis ang pagkuha ng impormasyon kung kinakailangan. Ang impormasyon ay kailangang magabayan ka sa pagdedesisyon kung anong komunidad ang nakapagdudulot ng magandang pagtugon sa pagpapakilos. Importante kung paano magtago ng mga listahan ng detalye, at gumawa ng basehan at patuloy na pagaaral sa mga bagong impormasyon, at kung paano mo sila ginagabayan sa paggawa nito.

Mayroon bang mga posibleng pinuno na may kakayahang isulong ang pagpapakilos at ang proseso ng pagsasakapangyarihan? Makikilala ba sila? Matuturuan ba sila ng mga kinakailangang kahusayan? Makikipagtulungan ba sila sa proseso ng pagsasakapangyarihan?

Ano ang laki ng komunidad? Masyado ba itong maliit para magsimula ng mga sariling sikap na mga gawain. Masyado ba itong malaki para maisaayos?

Mayroon bang mga hindi pagkakasundo sa komunidad? Ano ang tindi o antas ng hindi pagkakasundo sundo? May pagkakataon ba na magsagawa ng gawain na pagkakasunduan ng mga grupo na hindi nagkakaunawaan? May kaguluhan ba sa komunidad? May mga barkadahan ba na nagaaway sa kalye? May pagunawa ba sa mga etnikong grupo? Bagama't ang hindi pagkakaisa ay talagang nangyayari, mayroon bang posibilidad na mabawasan ito habang nagpapatakbo ng proseso ng pagpapakilos? Ang komunidad ba ay may madaling tumanggap sa mga gawaing pagkakasunduan? Para masagot ang mga ito, kailangan mong suriin mabuti ang mga panlipunang bagay.

Lahat ng mga tanong na ito ay nakaugnay sa mga kondisyon ng komunidad, ang mga sagot dito ay makakatulong sayo sa pagiging bihasa sa pagtimbang kung ang pagsiskap sa pagkilos ay magiging tagumpay. Kung ang isang komunidad ay malaki ang posibilidad na mapapakilos at malaki rin ang pagkakataon na marunong umasa sa sarili, dapat ay maging isa ito sa mga maaaring pagpilian para sa iyong programa ng tagapagpakilos.

Ang Kongklusyon:

May dalawang importanteng sukatan kung saan mo dapat ginagawang basehan kung anong komunidad ang dapat piliin para sa pagkilos, pangangailangan (pinakamahirap una) at ang posibilidad ng tagumpay.

Kung ikaw ay may responsibilidad sa iba ibang komunidad, lahat sila ay kailangang may parehong katangian.

Kung ikaw ay kailangang mamili mula sa iba't ibang komunidad (sa partikular na lugar), kailangang piliin ang mga lugar na mas kailangang mapalakas, ngunit, mas maaaring tumugon ng maganda sa tulong ng pagpapasakapangyarihan.

––»«––

Digging a Trench:


Community Contribution; Digging a Trench

© Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 09.05.2011


 Unang Pahina

 Pamamahala